webnovel

Last moment with him.

3rd Person's POV

Sinusulit na niya ang sandali habang nasa Pilipinas pa siya. Oras na magtulak siya pabalik sa America paniguradong hindi na siya makakapagrelax pa. Siguradong mawawalan na rin siya ng panahon sa lalaking kasalukuyang matiyagang itinutulak ang swing para sa kanya.

"Tell me what's bothering you?" he suddenly asked.

She gave an assurance smile to him and later on she leaned her back to him. "I finally met her." It's been her dream to see the woman he had loved since their college days up until now. She's happy to know that he has already moved on from his nightmare.

"Jane, do you think she's mad at me?" Tanong niya sa babae habang dahan-dahan niyang inuuga ang sinasakyan nitong swing. Biglaan ang pagkikita nila hindi pa niya napaghahandaan kaya sobrang kabado bente siya nang makita ito ulit.

"Of course, but I think she's happy to see you again."

"I don't think so." Nalulungkot siya habang inaalala ang mga nakaraan at natatakot rin siyang harapin ang dalaga. Paano kung masaya na pala ito dahil nawala na ang makulit na gaya niya.

"Are you really okay without your money and cards?" Biglang nanghimasok ang katahimikan ngunit hindi rin ito nagtagal.

"I don't need them. I only need someone." Kaya niyang mabuhay ng wala ang luho sa kanyang katawan kung iyon lang ang paraan upang makuha niya ang matagal niya ng inaasam.

"You're really inlove...How I wish Lance can do the same thing." Nalungkot na naman ang dalaga at sa tuwing nakikita niya itong nalulungkot ay hindi niya maiwasang magalit sa lalaking nangiwan sa altar noon sa mismong araw ng kasal ng babae.

Kaya naman para mapasaya niya ito ay kiniliti na lamang niya ito sa tagiliran.

Biglang umihip nang lamig at pakiramdam ng binata ay may mga matang nakatingin.