webnovel

MEMORIES BRING BACK YOU (EXTRA)

Pinakamagandang naganap sa aking buhay

ang madapo ang aking mata

sa isang paru paro na mailap.

- Jun Hui Wen.

*************************

Jun x Artemis

********************************

3rd Person's POV

Jun was broken and love vanished yet he was lucky that day his eyes caught a lady.

Ang lahat ng bagay ay may rason. Nagmamahal tayo dahil gusto natin lumigaya pero hindi natin mapipili.

Walang nakakaalam ng tamang panahon.

Walang makahuhula kung sino at nasaan ang tamang pag-ibig at sa oras na tayo'y nabigo nasa sa atin ang desisyon...maaring magpatuloy ang buhay.

Maaari magkulong sa alaala...maaring tumakas...magpakalayo at kung swertehin ay makatagpo ng...

Isang pihit ng kamera, wala sa intensyon niya ang magnakaw ng larawan. Sa totoo lang biglaan ang lahat, saktong pinindot niya ang button ay napadaan naman ang isang babae. Nakasuot ito nang simpleng puting v-neck blouse at black pants.

May dala itong brown na envelope, habang tinititigan niya ito ay napansin niyang kakaiba ang epekto sa kanya nang seryosong mukha ng babae. Medyo messy na ang buhok nito, sa halip na magmukhang haggard ay lalo itong gumanda. Sa simpleng ihip ng hangin nakikisabay ang buhok nito.

Hinanap niya ito kung saan-saan napangiti na lamang siya ng makitang pumasok ito ng admission office. Mula sa 'di kalayuan hinintay niya itong lumabas.

Sa loob ng isang taon ngayon niya napatunayang hindi na siya nasasaktan sa mga nangyari dahil nakita na niya...handa na ulit siyang sumugal sa tawag ng pag-ibig.

Kung pareho silang pumapasok sa unibersidad mukhang mapapadalas niyang makikita ang babae...sana malaman na niya ang pangalan nito...

Naeexcite na tuloy siyang pumasok ngayong semester.

*****************

Old Artemis' POV

"Miss, you left your notebook in the library."

Isang maputi na may magandang hubog ng pares ng singkit na mata, matangos na ilong, maliit na mapulang labi at ang kanyang kutis ay makinis at singputi ng porselana. Sa madaling salita napakaguwapo ng lalaking kaharap ko.

Hindi nakapagtatakang tinitilian ito ng mga babae kahit pa ng mga binabae bagay nga talaga sa kanya ang titulong crush ng campus.

Pero hindi ako gaya ng mga babae na parang naiistatwa sa tuwing makikita siya. Wala lang sa akin kahit na madalas ko nakikta itong si Jun. Nakakasabay ko rin siyang bumili sa canteen at higit sa lahat kaklase ko siya sa isa sa aking subject.

"Thank you!" Sabay kinuha ko na ang notebook ko mabuti na lang hindi ito tuluyangnawala.

"Magkaklase pala tayo sa entrep," aniya.

Sinabayan niya ako sa paglakad malamang papasok na rin siya. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami ng hallway ng building bigla uli siyang nagsalita.

"Pwede bang makipagkaibigan?"

Malapit na kami ng room kaya naman binilisan ko ang lakad ko at dumiritso ng upuan ko. Nakahinga ako nang maluwag ng maiayos ko na ang mga gamit ko. Ewan ko ba parang sumikip ang dibdib ko kanina samantalang nakikipagkaibigan lang naman siya.

"Jun!" Tawag ni Dhalia.

Pasimple akong lumingon kay Jun ngumiti ito sa babae.

"Paturo naman paano ba yung cash flow dito," wika ni Dahlia sabay upo nito sa bakanteng upuan ni Jun.

Matiyagang nagturo si Jun sa estudyante niya kuno na hindi naman nakikinig sa kanya. Maya-maya pa dumating na si Ariella ang seatmate ni Jun.

"Morning!" Masayang bati ni Jun.

Wow! Edi siya na friendly. Ewan ko ba naiinis talaga ako sa kanya lalo na kapag ngingiti siya.

"Good morning!" Nakangiting ganti ni Ariella habang nilalapag ang gamit sa upuan.

Dumating na ang guro namin napansin ko na panay ang lingon ni Jun sa diriksyon ko habang nagkaklase. Sino kayang tinitingnan niya?

Breaktime mag-isa ako noon sa table sa cafeteria nang dumating si Jun.

"Pwede makishare don't worry kunting portion lang naman ang hihiramin ko."

Lumingon ako sa paligid puno na pala ang cafeteria. Tumango lang ako ng bahagya, abala ako sa pagkain. Pero pasimple akong tumitingin sa kanya, naasiwa kasi ako. Pakiramdam ko nakatitig siya sa akin o baka ilusyon ko lang na nakatitig siya sa akin?