webnovel

Sleeping In The Same Bed

Translator: LiberReverieGroup Redakteur: LiberReverieGroup

Chapter 85: Matulog sa iisang kama

Sa kabilang linya, natahimik ng ilang segundo si Lu Jingli at lalong ikinainis 'yun ni Ning Xi at atat an nagtanong: "Second Young Master, nag-sisleepwalk ba siya o hindi?"

Kung sleepwalking lang edi walang dapat ip-agalala at 'di naman seryoso, pero kung may iba siyang sakit, dapat madala na siya sa ospital sa lalong madaling panahon!

Biglang nagiging lobo sa kalagitnaan ng gabi, tapos biglang makakatulog na lang, nakakatakot, 'di ba?

"Ay, nagtaka lang naman kasi ako kung bakit mo biglang natanong, meron nga siyang ganyang problema. Paano mo nalamang nagsisleepwalk 'yung kapatid ko?" sa kabilang linya, walang pagbabago sa tono na ginamit ni Lu Jingli sa pagsagot.

Nakahinga nang maluwag si Ning Xi sa narinig niya at nakapagrelax din bago natawa. "Wala naman, no big deal, bumaba kasi ako kanina para kumuha ng tubig tapos nakita ko siya na nakatayo lang sa may living room, eh gabing gabi na. Natakot lang ako, 'yun lang!"

"Talaga?" nagpapatawa ang tono ni Lu Jingli at biglang naging seryoso. "Well, wala namang bago, pabayaan mo lang siya. Kung ano man 'yung ginagawa niya ngayon, hayaan mo lang siya, 'wag mong gisingin, babalik din yan sa kwarto niya mamaya mag-isa!"

"Ah? Hayaan lang siya… at 'wag gigisingin? O… okay, gets!" mabilis na ibinaba ni Ning Xi ang tawag dahil nag-aalala siyang makarinig nang kakaiba sa boses niya si Lu Jingli.

Tinignan niya si Lu Tingxiao na nakahiga sa tabi niya at 'di niya alam ang dapat gawin.

'Wag siyang gigisingin, ibig sabihin hahayaan ko lang siya matulog dito? Pa'no kung magsleepwalk nanaman siya?'

Nag-aalala talaga siya.

Dahil sa biglang pagbabago na 'to, nawalang tuluyan ang mga takot na kanina lang ay muntik nanamang lamunin si Ning Xi.

Tinignan niya ang lalaking natutulog sa tabi niya, at lalo siyang nagalit hanggang sa kinurot niya nalang ang mukha nito para makapaglabas ng inis. "Sira ulo, tinakot mo 'ko, tapos ngayon ang himbing himbing ng tulog mo…"

Mukhang walang gagawing masama at mukhang masunurin ang Lu Tingxiao na 'di na kumikilos na parang wala sa sarili, kinurot kurot lang siya ni Ning Xi hanggang sa makuntento ito at tumigil rin.

Mukhang ang magagawa na lang niya ngayon ay hintayin na umalis mag-isa si Lu Tingxiao. Narinig niya rin kasi na maaaring makaranas ng matinding shock ang mga sleepwalkers kapag ginising at pwede ring mamatay.

Pero malinaw naman na mukhang si Ning Xi ang may dinanas na mas matinding shock…

Nung una, plano sana ni Ning Xi na matulog pag nakaalis na si Lu Tingxiao, pero habang naririnig ang tibok ng puso sa tabi ng tenga niya, nakatulog na lang siya nang di namamalayan…

Pagkatapos ng mahabang sandali, dahan-dahang binuksan ng lalaki sa tabi niya ang mga mata nito at mukhang nakahinga nang maluwag.

Tinitigan lang niya ang babae sa tabi at marahang hinaplos ang pagkunot ng noo nito habang kumplikado ang ekspresyon sa mukha…

Kinabukasan, nagising si Ning Xi ng isang tawag.

Hindi niya kaagad sinagot ang tawag kung 'di nilingon ang tabi niya.

Mukhang umalis na si Lu Tingxiao.

At inaantok na hinanap ang cellphone niya bago ito sinagot. Sa susunod na segundo, maririnig ang galit na boses ni Chang Li sa cellphone niya…

"Ning Xi, sinasabi ko na nga ba! Pinagsabihan na kitang bantayan mo 'yang kinikilos mo para 'di mapahiya ang kumpanya, pero tignan mo ang ginawa mo ngayon! Mapapahamak pa ang reputasyon ng kumpanya dahil sa'yo!"

Biglang nagising ang diwa ni Ning Xi. "Ano bang nangyari?"

Pagalit na sumagot si Chang Li, "Tignan mo mismo sa Weibo!"

Bumangon na mula sa kama si Ning Xi, binuksan ang laptop at nag-login sa Weibo account niya.

Bumungad sa kanya ang pagsabog ng Weibo account niya!

Karaniwan, agencies ang may hawak ng Weibo accounts ng mga artista, pero syempre walang ganung klase ng special treatment si Ning Xi. 'Di siya bumili ng followers at wala ring espesyal sa account niya. Meron lang siyang 30,000+ followers dito, mababa pa yun para sa isang artista. Gusto lang niyang nagsheshare ng maliliit na bagay mula sa araw-araw niyang buhay, 'di rin naman lumalagpas sa 100 likes ang nakukuha niya dun.

Pero ngayon, libu-libong mentions at comments ang lumabas sa isang gabi lang.

Mabilis niyang dinaanan ang lahat ng impormasyon at naintindihan niya na ang nangyari.