84 Was He Sleepwalking?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 84: Nag-sisleepwalk ba siya?

"Mmm…" gusto sana ni Ning Xi na makawala, pero dinaganan ng lalaking nasa ibabaw niya ang mga tuhod at binti niya na para bang ginusto niya 'to.

Ano'ng kakaibang sitwasyon ba naman 'to?

Nananaginip pa rin ba siya at 'di pa nagigising?

Saka lang pinakawalan ni Lu Tingxiao ang mga labi ni Ning Xi nang halos hindi na 'to makahinga dahil kulang na ang hangin sa dibdib niya. Bumalik si Lu Tingxiao sa leeg ni Ning Xi kung saan kakaiwan lang niya ng kagat kanina. Sinubukan niyang bawasan ang sakit at hinaplos niya ang sugat gamit ang mainit niyang dila pero lalo lang nangilabot si Ning Xi sa ginawa nito…

"Uy, Lu Tingxiao… Lu Tingxiao…" ilang beses nang tinawag ni Ning Xi ang pangalan niya pero wala pa rin itong ibang reaksyon kung 'di ang pagkabusyhan ang katawan ng babae.

Wala ang bahid ng kinaugaliang pagiging gentleman ng lalaking nasa ibabaw ni Ning Xi ngayon, 'di niya makita ang pamilyar na pagkabanayad na datin niyang nakikita. Bumaba nang may pagnanasa ang mga matatalas niyang ngipin sa leeg ni Ning Xi papunta sa collarbone nito at pababa pa…

"'Wag…'wag!"

Nanumbalik ang mga patay nang alaala ni Ning Xi at nilamon siya nito na parang isang kumunoy, lalong nanginig at kinilabutan ang katawan ni Ning Xi.

Kasabay ng sakit na nararamdaman ni Ning Xi na parang gusto na niyang mamatay, bigla namang tumigil ang paggalaw sa mula sa nakapatong na katawan at naiwan ang isang bigat na sing tatag ng isang bundok na nakadagan sa ibabaw niya at hindi gumagalaw.

Biglang nawala ang malalim at nakakasakal na pakiramdam at napalitan ng pagkalito…

"Lu… Lu Tingxiao?" sinubukan ni Ning Xi na tapikin ang balikat ni Lu Tingxiao pero walang kahit katiting na sagot.

Kahit nakalipas na ang sampung segundo, 'di pa rin gumagalaw ang isa. Maingat na sinubukan ni Ning Xi na itulak sa gilid si Lu Tingxiao.

Dahil sa liwanag mula sa buwan, nakita niyang mapayapang nakapikit ang lalaki, parang isang haring mahimbing ang tulog, walang bakas ng nakakatakot at mabangis na hayop mula sa ikinilos nito kanina.

'What the hell, ano'ng nangyayari?'

"'Wag mo sabihing… nag-sisleepwalk ba siya?!" bulong ni Ning Xi sa sarili.

Mukhang 'yun lang ang tanging makatwirang paliwanag.

'Di ba parang kakaiba naman ata 'yung pagsisleepwalk niya? Pupunta sa kwarto ni Ning Xi, kakagatin siya na parang bampira, pero nagawa niya rin namang makipag-usap nang matino?

Mahaba at mahinahin na ang paghinga ni Lu Tingxiao; mukhang tulog na nga siya ngayon.

'Di na nagtangka si Ning Xi na gisingin pa siya, sakaling mawala nanaman siya sa sarili. Pero nag-alala rin siya na iwan lang siya nang ganito. Pero dis oras na ng gabi, sino namang hihingan niya ng tulong?

Pagkatapos pag-isipan saglit, isang tao lang ang naisip niya

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Lu Jingli.

"Hello, Xiao Xi Xi! Wow! Tinatawagan mo talaga ako ng ganitong oras! Ano'ng nangyari, ano'ng nangyari?" ang lakas ng boses ni Lu Jingli parang sumisigaw ata siya.

Nag-alala pa n'ung una si Ning Xi kasi baka naiistorbo niya si Lu Jingli pero mukha namang napakaingay at masigla 'yung naririnig sa background. Nasa party ata 'yung tinawagan niya.

"Lu Jingli, may tanong ako!"

"Sige, sige!"

"'Yung kapatid mo…"

"'Yung kapatid ko ano, ano?"

"…" recorder ba 'tong taong 'to? Bakit niya inuulit lahat!

Walang masabi si Ning Xi nang ilang saglit, at may pagkabahala siyang nagtanong: "Nagsisleepwalk ba 'yung kapatid mo?"

Dahil busy si Ning Xi sa cellphone niya, 'di niya napansin na nanigas ang lalaking nakahiga sa tabi nang marinig ang tinanong niya kay Lu Jingli.

Naisip lang naman niyang gawin 'yun para makalusot sa ginawa niya, pero 'di niya akalaing tatawagan nga nito si Lu Jingli. Kung sakaling magsalita 'yung si Lu Jingli…

Pipilayan ko siya!

avataravatar
Next chapter