webnovel

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)

It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter episode of his life. After befriending warm and kind-hearted Kristoff and eccentric yet insightful Timothy, he managed to cross paths and gain the wrath of one of the school's most eligible bachelor and popular figure, Sloane. Little did he know, that fateful day will not only change his life forever, but will also lead him to the answers of the question he left hanging on the past...

PhyllonHeart92 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
12 Chs

CHAPTER ELEVEN

CILAN'S POV

​"Oh My Gosh! Si Sloane, nandito na siya!"

​Mistulang may mall show ang loob at paligid ng Pyxis room pagkarating namin nina Monique sa lugar. Kanya-kanyang sigaw at tili ang mga tagahanga ng labindalawang lalaki at babaeng contestants ng Mr. and Ms. Celesticville 201x. To my surprise, kapansin-pansin na napakarami ng tagahanga ng mayabang, antipatiko, at ubod ng sungit na si Sloane.

​"We love you, Kristoff! Ang guwapo-guwapo mo talaga!"

​"Wow, ang dami ring fans ni Fafa Kristoff!" maarteng komento ni Monique.

​"Teka, nasaan na nga ba si Kristoff? Ha, anong nangyari sa kanya?"

​Agad akong napalingon sa nagsasalitang si Timothy. He dashed through the crowd kaya agad namin siyang sinundan.

Malayo pa ay nakita ko na si Kristoff. Nakapikit ang mga mata ng kaibigan at mukhang nanghihina. Nakaupo lang ito sa isang sulok ng room.

​"Hoy, ayos ka lang?" usisa ni Timothy sa pupungas-pungas naming kaibigan.

​Bumukas ang mga mata ng binata. "Ah, kayo pala fans."

​"Seriously, okay ka lang ba Kristoff?" I asked as I touched his forehead, pero agad ko ring binawi ang kamay ko dahil sa sobrang init ng noo ng lalaki.

​"Ang taas ng lagnat mo, a. Tara na, dadalhin ka na namin sa clinic," anyaya ko rito.

​Ngumiti lang si Kristoff. Lalong pumungay ang chinitong mga mata nito dahil sa panghihina ng katawan nito. "Okay lang ako, guys. Promise you don't have to worry about me."

​"Anong okay? E lalo kang naging hot dahil 'diyan sa lagnat mo," sita ni Monique.

​"Sweet niyo talaga guys, but really... I'm okay. Look, I can still dance..."

​Tumayo ang binata at tumawa, but his chuckles suddenly faded. Pumikit ang mga mata nito at unti-unting dumaosdos ang katawan nito. Good thing, I managed to catch him before he fell to the ground.

​"Pa okay-okay ka pa, matutumba rin pala," tila naiinis/nag-aalalang reklamo ni Timothy habang tinutulungan akong alalayan si Kristoff papunta sa clinic.

​Habang magkatulong naming binubuhat ang kaibigan ay biglang nabulabog at nagkagulo ang mga fans ng binata. Tuloy, para kaming convoy na naghatid sa walang-malay na binata patungo sa clinic. Pagdating namin ay na-stress pa ang mga nurse, pati na rin kaming tatlo, sa pagbugaw sa mga nakakainis na fans na nagpupumilit makapasok sa loob.

​Inilapag namin sa clinic bed si Kristoff. Dahil mestiso ang binata, kitang-kita kung paano ito namumula dahil sa sobrang taas ng lagnat nito. Medyo nagsi-shiver din ito sa lamig kaya agad ko itong kinumutan with an available blanket.

​"Doc, kumusta po ang friend namin? Will he be okay?" nag-aalalang usisa ni Monique.

​"Itsi-check pa namin ang pasyente, Miss," sagot ng lalaking doktor na sa tantiya ko ay nasa mid-30s. "Maghintay muna kayo saglit dito sa reception area."

​Tumango kami at umupo sa isang sofa na nasa reception area ng clinic. May pakiramdam ako na may matinding dinaramdam sa katawan si Kristoff, but I chose to let go of the negative thoughts.

​Biglang tumunog ang phone ni Timothy. Agad nitong sinagot ang tawag.

​"Hello, Tanya. Yes. Nasa clinic si Kristoff ngayon, kasama naming tatlo. Yeah, he can't make it to the practices today but hopefully he'll be able to do so tomorrow. The doctor's checking him right now, but pretty sure it's nothing serious. Okay, we'll keep in touch. Goodbye."

​Pagkababa ng tawag ay napasimangot si Tim. "Babaeng 'yun talaga. Nahimatay na't lahat na nga si Kristoff pero ang pageant pa rin ang iniisip. Kainis, parang hindi tao."

​"Hayaan mo na. President kasi siya ng klase, so siya ang pressured," I tried to calm Timmy down.

​Mga kalahating oras pa kaming naghintay. We were on the edge of our seats as we waited for the news. Sa wakas, lumabas na rin ang doktor na tumitingin kay Kristoff.

​"Kumusta po si Kristoff, Doc?" agad kong tanong sa doktor.

​Tumango-tango ang doktor. "Well, for starters it's not life-threatening. Nagkaroon lang ng flu ang pasyente. I suspect that he has been feeling it for the past few days but ignored it kaya medyo lumala. I highly suggest 2-3 days of complete bed rest. Also, dapat siyang mag-refrain from engaging sa kahit anong stressful activities para bumilis ang recovery niya."

​"E Doc, contestant po kasi si Kristoff sa Mr. Celesticville 201x," singit ni Monique. "Pwede pa rin ba siyang sumali sa competition despite having flu?"

​Umiling ang doktor. "As I've said earlier, highly recommended ang pag-iwas ng pasyente sa stressful activities, including the pageant. Joining the competition can hamper his eventual recovery."

​Napatango-tango kami. Nagpaalam na ang doktor dahil may isa pang estudyanteng isinugod sa clinic. We decided to wait for Kristoff to wake up. It was past 5:00 in the afternoon already nang magising ang binata. Halata sa mukha nito ang sobrang pagod at panghihina.

​"'Yan ba ang sinasabi mong okay na okay ka?" bating sumbat ni Timothy.

​Ngumiti si Kristoff. "Oo na! Sorry... Nag-aalala pa tuloy kayo dahil sa'kin."

​"Siyempre, mga kaibigan mo kami e. Alangan namang pabayaan ka na lang namin," banat ni Monique.

​"Siyanga pala, nag-advise si Doc na two to three days ka munang magpapahinga sa bahay ninyo. At saka bawal kang mag-engage sa stressful activities," imporma ko sa binata.

​"And that includes the Mr. Celesticville stuff," dagdag naman ni Timothy.

​Ilang sandaling natahimik ang binata, then suddenly a mischievous smile crossed his lips. "Well, I guess I'm saved by the bell. Right Timmy?"

​Nanlaki ang mga mata ni Timothy. "Ba't mo ako tinitingnan nang masama?"

​"Siyempre... Dahil may sakit ako, ikaw ang papalit sa'kin sa Mr. Celsticville," Kristoff teasingly replied.

​"Ano ka ba? Naniwala ka naman agad sa doktor. 'Di ba okay ka na ngayon? Sinabi mo 'yon kanina, 'di ba? So pwede ka nang bumalik sa rehearsal bukas," tila nababaliw na litanya ni Tim.

​Nagkatawanan kaming tatlo nina Kristoff at Monique. Na-discharge na rin si Kristoff at nag-decide kaming ihatid na muna ang kaibigan sa tinutuluyan nitong condo. Good thing, kasama pala nito ang nakatatandang kapatid na si Kelvin.

We managed to bring Kristoff home safe at assured kaming may magbabantay sa kaibigan namin. Natatawa pa rin ako (kaming tatlo, actually) nang kutusan at pagalitan ni Kelvin na parang bata ang nakababata nitong kapatid dahil sa tigas ng ulo nito.

​"Maraming salamat sa paghatid kay Kristoff," Kelvin said with a smile.

​"Walang anuman, basta ikaw," pa-cute na sagot (landi, actually) ni Monique.

​"Mauna na kami, bro. It's getting late na rin," paalam ni Timothy.

​From Kristoff's place ay dumiretsong uwi na kami. Inihatid muna namin si Monique sa tinitirhan nitong condo bago ako inihatid ni Timothy sa condo ko.

​"Tim, alam mong hindi makakasali si Kristoff—"

​"Yeah, I know. But please. I don't want to join that pageant," naiinis nitong putol sa sinasabi ko.

​"Paano kapag ikaw talaga ang pilitin nilang sumali?" tanong ko rito.

​He smiled sheepishly. "'Yun ay kung mapipilit nila ako."

​Nagpaalam na ang lalaki at pinasibad na ang sasakyan nito. Ewan ko ba, pero parang may pakiramdam akong hindi maganda dahil sa hindi na pagsali ni Kristoff sa pageant. Baka dahil wala nang matibay na kalaban si Sloane sa patimpalak? Tama, 'yun nga siguro...

NARRATOR'S POV

​Kinabukasan ay balik sa pag-eensayo ang mga kandidato ng Mr. and Ms. Celesticville 201X sa Pyxis Room. Kahit araw ng Linggo ay halos mapuno pa rin ng mga fans ang lugar. Ngunit may isang grupo ng mga tagahanga ang malungkot at nagmumukmok.

​"Nasaan na ba si Kristoff?"

​"Oo nga, bakit wala pa siya rito?"

​"Pasensya na, pero hindi na makakasali si Kristoff," paliwanag ng organizer ng pageant. "Nag-advise kasi ang doktor niya for him to beg off from the pageant and rest."

​Malakas na ungol mula sa mga disappointed fans ang sumunod.

​"Paano ba 'yan, mukhang maliwanag na kung sino ang mananalo sa mga lalaking candidates," umiiling na hayag ni Xavier, habang nakatingin sa kandidato ng klase nila, si Sloane.

​"I-Business and Accountancy, sino ang papalit sa contestant ninyo?" tanong ng organizer.

​"Ha, a, e, Sir hindi pa po dumadating," tarantang sagot naman ni Tanya.

​Tiyempong naglalakad naman papasok ng room sina Monique, Timothy, at Cilan.

​"I don't think this is a good idea, Cilan. I mean, alam na naman ng organizing committee that Kristoff's down with flu, 'di ba? So hindi na natin kailangan pang pumunta rito," reklamo ni Tim.

​"But it would be rude kung hindi tayo pormal na magpapaalam sa organizers," giit ni Cilan.

​"Sayang naman. Ba't ba kasi nagkasakit pa si Kristoff," himutok ni Monique.

​"Thank goodness, nandito na ang candidate namin!" matinis na sigaw ng isang babae. All it took was a glance to see that it was a beaming Tanya, I-Business and Accountancy Class President.

​Agad na lumapit ang babae kay Timothy at umabre-siyete sa binata. "Thank you very much for coming back, Timmy. Alam mo namang ikaw talaga ang first choice ko, 'di ba?"

​"What the hell are you talking about?" naguguluhang tanong ni Timothy.

​"Ikaw ang papalit kay Kristoff as our class representative," masayang balita ni Tanya.

​Pumiksi si Tim. "No way! You're getting it all wrong. Hindi ako sasali sa pageant na 'yan!"

​"You have no choice. I'm the Class President, at kailangan sundin mo ang gusto ko!"

​Nanlaki ang mga mata ni Timothy. He looked around, trying to get help from his friends but their beaming smiles of approval offered none of it. Sobrang takot ang nararamdaman ng binata sa mga oras na 'yun, enough for his body to resort to a desperate move: It. Shut. Down.

​"Timothy!" sigaw ni Cilan as he catches his friend who suddenly fainted.

​Nagkagulo ang mga tao, nagbubulungan. Pati ibang mga candidates ay nakiusyoso na rin.

​"Oh My God! Will he be okay?" tarantang usisa ni Tanya.

​"Will he be okay?" inis na gagad ni Monique. "Ikaw ang may kasalanan nito kaya kung ayaw mong ubusin ko ang mga buhok sa anit mo, 'wag na 'wag kang lalapit sa kaibigan ko!"

​Agad na pinasan ni Cilan si Timothy kasama ang isa pa nilang lalaking kaklase, habang nakasunod sa likuran si Monique. Pagkarating sa clinic ay mabilis na sinuri ng doktor (na siyang tumingin rin kay Kristoff) ang kalagayan ng binata, habang naiwan sa labas ng examination room sina Cilan at Monique.

CILAN'S POV

​Tahimik kaming nag-aabang ni Monique sa labas ng kwarto kung saan nagpapahinga si Tim. Una si Kristoff, tapos ngayon siya naman. Hay... Ba't ba nagkakasakit ang mga kaibigan ko?

​"Dahil sa lecheng kompetisyon na 'yan! Sumugod-sugod lang talaga 'yang Tanya na 'yan dito, uubusin ko ang mukha niya sa mga gulpi ko!" tila sagot ni Monique sa tanong ko.

​Minutes passed bago lumabas ng exam room ang doktor. He said na inatake lang ng matinding nerbiyos si Timothy kaya ito nag-pass out, but he should be okay after he wakes up.

​"Cilan, kukuha muna ako ng meryenda natin," paalam ni Monique bago ito lumabas.

​I decided to play some games with my phone to kill the time. Bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya nagpunta muna ako sa banyo. Kalalabas ko pa lang ng pinto when a body collided with me hard and fast. Pareho kaming natumba sa lakas ng impact. Even my glasses fell to the floor— wait, what? No way, nahubad ang glasses ko?!?

​"Aw... Pasensya ka na Cilan. Naiihi na kasi ako— Whoa! Ikaw ba talaga 'yan?!?"

​Hindi na naituloy ni Timothy ang sasabihin nito as his attention was drawn unto something, at alam ko kung ano 'yun. I quickly tried to grab my fallen glasses pero agad akong pinigilan ng lalaki.

​"Timmy, my glasses. I need it," sambit ko sa kaibigan.

​"And why do you need it, Cilan?" skeptic na tanong ni Timothy.

​"I need it for me to see things clearly," obvious kong sagot rito.

​He smiled, then did something I didn't expect. He grabbed my glasses and threw it away!

​"Timothy! Ba't mo ginawa 'yun?" galit kong usig sa lalaki.

​He smirked. "Silly. You said you needed that thing for you to see things clearly. Yet you somehow managed to locate the glasses even if it's roughly three meters away from you. Strange, isn't it?"

​Napayuko na lang ako sa sinabi ni Tim. I was caught red-handed.

​"Ba't ka gumagamit ng ganoong glasses?" Timothy asked. "Sayang, ang ganda ng mga mata mo."

​"Cilan! Here's the food... Ay!!! Tim, ba't ka nakahilata sa sahig? And oh my... Sino naman 'yang super guwapong lalaki na kasama mo? Teka, no, no, no... imposible, ikaw ba talaga 'yan...?"

​I sighed. "I'd take that as a compliment, Monique."

​Matagal na natahimik ang paligid. Pareho kaming nakaupo sa sahig ni Timothy habang nakatayo lang si Monique at nakatitig lang sa'kin, obviously shocked upon seeing my 'complete face' for the first time.

​Then Monique grabbed her bag as she searched for something. My heart skipped a beat when she drew two things I dreaded the most: cotton balls and a bottle of facial cleanser. She poured a generous amount of the fluid to the cotton ball, at bago pa ako naka-react ay nakalapit na ang dalaga sa akin at ipinahid ang bulak sa kanan kong pisngi. Sa sobrang rahas ng pagpahid niya ay napa-'aray' ako.

After the first streak, I heard both of them gasped. Mabilis na pinagpatuloy ni Monique ang pagpahid sa mukha ko ng cotton balls. When she was done, napaupo na rin ito, awe written all over her face.

​"Good Lord... Cilan! Ang guwapo-guwapo-guwapo-guwapo mo!" bulalas ni Monique.

​Timothy shook his head, adjusted his glasses, and tried to scrutinize my face better.

​"Guys, I know you feel aweful about this—"

​"Ano ka ba? Bakit naman ako magagalit, e natuklasan kong super handsome ka pala, bestie!" tila kinikilig na singit ni Monique, making me cringe. Good thing, she's still recognizing me as her best friend.

​"But why the fake glasses and fake acne, Cilan?" confused na tanong ni Timothy.

​Napatitig sa akin ang dalawang kaibigan, kaya napayuko ako.

​"I started wearing the fake colored glasses when I just finished my sixth grade. As for the fake pimples, I go through dermoplasty once every year for that," sagot ko.

​"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Cilan," mariing wika ni Timothy.

​I sighed. Wala na akong takas. "Personal reasons. Something to do with my past." Then I smiled. "Sabihin na lang nating ayaw kong dinudumog ako ng mga babaeng fans araw-araw."

​"May tinatago ka rin palang kayabangan, 'no?" nakaismid na turan ni Monique.

​"Baliw," inis na wika ni Timothy sabay tayo at batok sa'kin nang malakas.

​"Aray," reklamo ko. "Ang sakit nun, ha."

​"Bagay lang 'yan sa'yo dahil baliw ka," ganting-alaska nito.

​"At dahil baliw ka, parurusahan ka namin ni Tim," nakangising dagdag ni Monique.

​Napakunot-noo ako. "At paano niyo naman ako parurusahan?"

​Nagtinginan nang makahulugan ang dalawa. Timothy then grabbed my left arm, while Monique grabbed my right. Itinayo ako ng dalawa at sinimulang kaladkarin.

​"Wait, saan ninyo ako dadalhin?" I demanded from the two.

​"Basta," sagot ni Monique. Pinulot niya ang glasses at muling isinuot sa akin.

​We walked out of the clinic. Naalarma ako nang makita kong papunta kami sa Pyxis room. May idea na ako sa tinutukoy nilang 'parusa'. I tried to struggle but the idiots simply tightened their grip.

​Pumasok na kami sa loob ng room. The contestants, including Sloane, are busy with the rehearsals. Bigla ring sumulpot ang nakangiting si Tanya.

​"Sabi ko na nga ba! Babalik ka rin Tim to represent the class," nakangiting bati nito.

​Timothy smiled back but shook his head. "Yes, I came back here but no, I won't be joining the pageant. Fortunately, I brought someone to join on my behalf."

​Sumimangot ang babae. "Sino ba 'yan? May classmate ba tayong mas pogi pa sa'yo?"

​"Sino pa ba, e 'di si Cilan," sagot ni Tim sabay turo sa akin.

​Nanlaki ang mga mata ni Tanya, at mukhang muntik pa itong masuka. "S-Si Cilan? Are you out of your mind? Siya talaga ang papasalihin mo sa Mr. Celesticville?"

​"'Wag mong lalaitin ang kaibigan ko, ha!" mataray na saway ni Monique. "Tingnan ka lang kung hindi ka maglaway oras na makita mo si Cilan sa competition!"

​Napangiwi si Tanya, hindi maitago ang pandidiri sa mukha nito. "Whatever. Anyways, since wala naman akong makuhang iba, payag na akong ikaw ang sumali sa Mr. Celesticville for our section. But we still have to talk to the organizer at kailangang mapapayag natin siya bago ka makasali, which I honestly think is next to impossible."

​"Ang yabang nito. 'Kala mo naman kagandahan," bulong ni Monique.

​Tiyempong nag-break pa ng ensayo kaya agad kaming nakalapit sa organizer. Napangiti ito habang nakatitig kay Timothy. Hmmm... Crush 'ata ang kaibigan ko.

​"So, napapayag mo na ba si cutie nerd na sumali?" maarteng tanong ng baklang organizer.

​Malungkot na umiling si Tanya. "Unfortunately, hindi. Pero mayroon na nga kaming kapalit ni Kristoff as representative ng I-Business and Accountancy sa pageant."

​"Talaga? Nasaan na siya?" excited na usisa ng organizer.

​"Ito. Si Cilan. Siya ang replacement ni Kristoff," walang ganang turo ni Tanya sa'kin.

​"Ano?!? Tanya, nagpapatawa ka ba?" OA na react ng organizer.

​Pinagtinginan kami ng mga tao sa loob ng room. Ang iba'y nagbulungan pa.

​"Grabe, 'di ba siya 'yung pangit na vocalist ng the Four Elements?"

​"Lakas ng tama. Beauty contest ito, hindi singing contest."

​Nakita kong maging si Xavier ay napailing rin. Isang lingon pa at nasulyapan ko na ang tawa nang tawa na si Sloane. Sapo-sapo pa nito ang tiyan nito sa sobrang pagtawa.

​"Saan mo naman nakuha ang kapal ng mukha mo? Magmumukha ka lang bulag na masahista sa taas ng stage! Naisip mo ba 'yun? Ha, loser? Ha, ha, ha!!!" pang-aasar pa nito.

​"Sama talaga ng ugali. Guwapo pa naman, pero 'di bagay ang ugali," himutok ni Monique.

​Timmy reached for my ear to whisper. "Hayaan mo muna sila ngayon, Cilan. A few moments from now, you'll make them freeze in awe and remorse that they have ever mocked you."

​"Thanks, Timmy," pagpapasalamat ko sa kaibigan. "That's exactly what I plan to do."

​"O siya. Mag-freshen up muna kayo at magre-rehearse na tayo." Pairap akong sinulyapan ng organizer. "Mag-ayos ka na rin, kahit hindi ako sigurado kung may mababago pa sa hitsura mo."

​Agad akong hinatak nina Timothy at Monique papunta sa isang bakanteng room. Binuksan ni Monique ang tote bag nito at naglabas ng kung ano-anong gamit sa pagpapaganda. Huli nitong inilabas ang isang puting cotton muscle shirt.

​"Para saan ang mga 'yan? Pati na rin 'yang shirt?" usisa ko sa kaibigan.

​Ngumiti lang ang gaga kong kaibigan. "Relax... Ako nang bahala sa'yo, BFF."

​TBC