webnovel

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)

Fantasie
Laufend · 31K Ansichten
  • 12 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter episode of his life. After befriending warm and kind-hearted Kristoff and eccentric yet insightful Timothy, he managed to cross paths and gain the wrath of one of the school's most eligible bachelor and popular figure, Sloane. Little did he know, that fateful day will not only change his life forever, but will also lead him to the answers of the question he left hanging on the past...

Tags
3 tags
Chapter 1PROLOGUE

YOUNG BOY'S POV

"Talaga bang... aalis ka na papuntang Europe?"

Hindi ko mapigilang mahaluan ng hinanakit ang boses ko habang tinatanong ang batang lalaking nasa harapan ko ngayon. He promised me that he'll never go away from me, that he will take care of me and protect me from whatever will come my way.

The boy gave a narrow smile. "Kailangan, e. My Mom and Dad decided that it's best for us to settle down in Paris, especially after Lola died."

"Pero... p-paano naman ako?" I sounded stupid and selfish, but I don't give a damn. I love him, and I will do everything I can to make him stay with me.

"I'm sorry. My family's leaving. Hindi ko sila pwedeng iwan."

"Pero ako, pwede mo lang akong bastang iwan na lang, ha?" I retorted sharply.

Umiling-iling ang kaharap ko. "Please, don't make this harder than it already is."

"'Yon na nga, e!" hindi nakapagtimpi kong bulyaw. "Alam nating pareho na nasasaktan ako, and yet you're acting like it's something casual for us to part ways in an instant? What do you think of me, a disposable diaper that you can throw away after use?"

"It's not like what you think—"

"Then tell me how do you want me to think about this!"

The boy sighed, trying to keep his cool. Ako, I just burst out. Hindi ko na kayang pagtakpan pa ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Ilang segundo din kaming walang kibuan, save for his heavy breathing and my suppressed weeping.

"My Dad told me to cut our relationship."

The news dropped like a bomb to my ears. "Alam na ni Tito?"

He nodded. "Alam mo naman ang stand ni Daddy pagdating sa mga... homosexuals." I saw his eyes avoid mine. "He was so angry, he almost hit me to death."

"I-I'm sorry. But I know may paraan pa, e. We can still save our—"

"Wala na ngang ibang paraan!" he snapped. "It's not just about Dad. You see, I'm so sick of everyday na tinutukso ako dahil sa'yo. Sawa na akong tawaging 'bakla', 'gay', 'faggot', at kung anu-ano pa. I'm sick of it, and honestly, I'm sick of you."

I got stunned. No, he couldn't have said those words... not him.

"And guess what? All these times I've been cheating on you, fag," he taunted with an evil grin. "Remember Angeline? We've been in a relationship way before we did. And guess what else you should know? She's coming with me to France, at paglaki namin magpapakasal na kami. Ha!"

Umiling ako. No! Hindi totoo ang mga naririnig ko. This could only be a bad dream, a nightmare.

Nakakalokong ngumisi ang batang lalaki. "Nagulat ka ba? Talaga bang inisip mong mayroong isang lalaki ang seseryoso sa... Isang tulad mo? Pathetic. Bakla ka na nga, tanga ka pa!"

"Tama na!" I cried, tears slowly streaking upon my cheeks.

"Bakit, nasasaktan ka na?" he teased. "Kunsabagay, masakit talagang marinig ang katotohanan. Huwag ka nang umiyak-iyak 'diyan. Kasalanan mo naman ang nangyari kasi bakla ka! Hahaha!"

I closed my eyes. I felt that the perfect, peaceful, and happy life I've always believed was just an illusion, shattered right now at my front. Hindi ko lubos akalaing all this time, peke ang pagmamahal na ipinakita ng lalaking minahal ko, na ang tingin niya lang sa'kin ay isang ambisyosong bakla.

Iminulat ko ang mga mata ko, trying to make a smile kahit nanginginig sa sobrang sakit ang aking mga labi. "So, I guess this is g-goodbye."

"Baka 'Good Riddance' ang ibig mong sabihin. 'Wag mong sabihing gusto mo pa ng goodbye kiss, ha bakla? Ang landi-landi mo talaga! Kadiri ka!"

I raised my left eyebrow. Hindi lang ako basta sinaktan at ininsulto ng kumag na 'to, talagang sinagad niya ang hangganan ng pasensya ko. Puwes, ibibigay ko sa'yo ang hinahanap mo!

"Kiss ba 'kamo? Oo, gustong-gusto talaga kitang halikan ngayon. Kaya lang, hindi lips ko ang hahalik sa'yo kundi ito, walang'ya ka!"

Bago pa makapag-react ang kausap ko, isang malakas na suntok mula sa kanan kong kamao ang pinadapo ko sa kaliwang pisngi ng binata. Dahil sa lakas ng suntok at sa pagkabigla nito ay agad itong napatumba.

Sa tanang buhay ko, ito ang unang beses na may tao akong masusuntok sa mukha, at 'di ko inakalang siya pa. Sobrang sakit ng kamao ko, pero wala ito sa kalingkingan ng sama ng loob na idinulot ng hudyong ito sa akin.

"Why, you—"

"Masarap ba ang 'goodbye kiss' ko, ha? Namnamin mo, dahil kulang pa 'yan sa lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa'kin. Tandaan mo ito, I will never, ever forgive you in this lifetime or in the next to come. Tulad ng sinabi mo kanina, Good Riddance."

Tinalikuran ko na ang lalaki at dire-diretsong naglakad sa aming bahay... Ang bahay na kinalakhan ko, na naging saksi sa mga ala-alang binuo naming dalawa...

I sneered. Yeah, those memories na mas fake pa sa fancy jewelry.

Agad kong isinara at ini-lock ang pinto ng kwarto ko the moment I went inside. Nakatulala lang ako habang nakasandal sa likod ng pinto. Moments later, dahan-dahan akong dumaosdos sa sahig, at hindi ko namamalayang muli na naman akong umiiyak, umiiyak na talunan.

Siguro nga, may punto rin ang mga sinabi niya. Wala naman talagang magmamahal nang totoo sa isang gaya ko. Tama siya, kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to because I'm gay. Kasalanan ko 'to because I fell in love, and I believed like a fool na totoong mahal niya rin ako. Oo nga naman. Kung 'di ba naman kasi ako isa't kalahating gago... Ito tuloy ang napala ko!

Ipinagpatuloy ko ang pag-iyak hanggang sa mapahiga ako sa carpet at tuluyang tinalo ng antok. Kasabay ng pagtulog ko ang isang pangakong aking binitawan: I will never let myself fall in love , and to fool myself about love, again.

NIEVES' POV

Nakapasok na sa magarbong bahay ang umiiyak na batang lalaki, ngunit matagal na nanatiling nakalugmok sa lupa ang kausap na sinuntok nito. Dahan-dahan itong tumayo, habang nakayuko pa rin ang ulo.

Biglang naglandas ang mga luha mula sa mga mata nito, tanda ng matinding paghihirap ng kanyang murang damdamin. Ilang saglit pa ay mabilis na itong tumakbo mula sa lugar na 'yon... Lugar na nagdulot sa kanya ng labis na sakit.

Napabuntong-hininga ako. It pains me to see young souls crushed by cruel love.

"Mabuti at tumupad kayo sa usapan natin ng anak mo, Nieves."

I sighed again. Si Flora ang nagsasalita. Matalik ko siyang kaibigan at ina ng kaibigan ng anak ko.

"Alam mo ang opinyon ko sa bagay na 'to, Flora."

Tumango ito. "Still, thank you pa rin. Tatanawin ko itong isang malaking utang-na-loob."

Napailing na lang ako. "'Di kita maintindihan. Bakit mo ba talaga gustong paghiwalayin ang dalawang bata?"

"Dahil hindi sila ang para sa isa't isa," diretsahang sagot ng kaibigan ko.

"Pero mahal na mahal nila ang isa't isa, Flora," giit ko sa babae.

"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo, Nieves!" taas-kilay na pagalit nito.

"Ano ba kasi ang inaayawan mo sa relasyon nilang dalawa?" muli kong tanong.

"Que horror, Nieves!" malakas na bulalas ng kaibigan. "Mahirap bang mapansin na parehong lalaki ang mga anak natin? Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga natin sa alta sociedad? Na ang mga anak natin, ke-yayaman, ke-tatalino, at ke-guguwapo, pero mga bading? Tiyak na wala nang mukhang ihaharap ang mga angkan natin sa mga tao 'pag nagkataon!"

Napailing ulit ako. "Uunahin mo pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa kaligayahan ng anak mo? Sabihin mo nga, Flora. Kailan pa naging ganyan kakitid ang pag-iisip mo?"

"Huwag na huwag mo akong huhusgahan," tila galit nitong turan. "Ginagawa ko lang kung ano ang sa tingin ko'y makakabuti sa anak ko."

"Kahit ang maging dahilan ng pagkawasak ng puso niya?" may pang-uusig ko nang sambit.

Matagal kaming walang imikan, habang nagpapalitan ng mga buntong-hininga.

"Alam kong hindi 'yan ang tunay mong dahilan. Mabuti pa ay magsabi ka na ng totoo."

Napangiti ang kaibigan. "Hindi talaga ako makapaglilihim sa'yo nang matagal."

"Sabihin mo, Flora. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit tutol ka sa relasyon nila?"

Sandaling tila nag-iisip ang kaibigan ko, tila naninimbang. "Gusto mo talagang malaman?"

I smirked. "Cut the tension with a knife, Flora."

Muling nanahimik ang babae, bago ito tumingin nang maigi sa mukha ko at nagsalita. "Nakita ko ang anak mo, nung minsan ay bumisita ako sa bahay ninyo. Pinagyelo niya ang pool ninyo, Nieves."

Napatahimik ako sa ibinulgar ni Flora. Alam na rin pala nito ang totoo.

"Namana niya ang sumpa ng pamilya ninyo, Nieves," dagdag pa ng kaibigan ko.

I sighed heavily. Pinilit kong mag-recover from the news brought by my bestfriend.

"Ok. Sabihin na nating totoo ang sinabi mo tungkol sa anak ko. Pero anong kinalaman nito sa relasyon ng mga anak natin?" naguguluhan kong tanong.

"Malaki, Nieves," dagling sagot nito. "Naiiba ang anak mo. Alam kong mahal ng anak mo ang anak ko and vice versa, pero dahil 'di sila magkatulad sasaktan lamang nila ang isa't isa."

Umiling ako. "They love each other so much. They can't do that to each other."

"May taglay na kapangyarihan ang anak mo, Nieves. Maaaring hindi siya. Maaaring ang mga interesado sa powers niya. Pwede nilang gamitin ang anak ko para kontrolin ang anak mo."

Napaisip ako. May punto rin si Flora, pero... "Talaga bang magkaiba sila, Flora?"

"Oo. Hindi nakuha ng anak ko ang sumpa ng pamilya namin," giit nito, sabay talikod.

"Nakakasiguro ka ba sa bagay na 'yan, Flora?" I asked, rather skeptically.

Muling humarap sa'kin ang babae. "Labindalawang taon na ang anak ko, gaya rin ng anak mo. Pero hindi tulad ng anak mo, hindi siya nakagamit ng kapangyarihan, even signs that he has one."

Napatango-tango ako. "Mabuti kung ganoon. Paano, aalis na kami. 'Til next time?"

"Sige. Mag-ingat kayo sa biyahe, Nieves."

"Ikaw rin, Flora. Ikaw, ang anak mo, at ang buong pamilya mo."

Pagkalabas ko sa magandang bahay ng kaibigan ko ay muli akong napabuntong-hininga. Siguro, mas mabuti na ring magkalayo ang dalawang bata.

Bago ako tuluyang umalis ay muli kong sinulyapan ang engrandeng tahanan na matagal-tagal din bago ko makikitang muli.

NARRATOR' POV

Isang pares ng mga mata ang nagliliyab sa galit habang nakasulyap din sa engrandeng bahay na nakatayo sa magarang subdivision na iyon. Malalim ang sugat na dala ng may-ari ng mga matang iyon... Sugat na dulot ng mag-asawang nagkukwentuhan sa hardin ng bahay.

"Hindi ko makakalimutan ang pag-abandona ninyo sa'kin dahil ako ang nakakuha ng sumpa. Ipinapangako kong ipapalasap ko sa inyo ang lahat ng sakit na ipinaranas ninyo sa akin ng triple, sa anak na ipinagpalit ninyo sa akin. Maghintay lang kayo."

TBC

Das könnte Ihnen auch gefallen

Bewertungen

  • Gesamtbewertung
  • Qualität des Schreibens
  • Aktualisierungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund
Rezensionen
Beeindruckend! Sie wären der erste Rezensent, wenn Sie Ihre Rezensionen jetzt hinterlassen!

UNTERSTÜTZEN

empty img

Demnächst