webnovel

Against All Odds (Short Story)

DarkLeague · Urban
Zu wenig Bewertungen
8 Chs

Part 2

 Rica's POV

Nanatili akong tulala at nakasunod lang sa kanya habang panay ang lagay ng kung ano ano sa cart. May mga de lata, bigas, karne, gulay, noodles, gatas, kape, asukal at kung ano ano pa. pati gamit sa banyo kumuha na din siya.

"Rica, alin dito 'yung ginagamit mo? 'yung may wings o 'yung without wings? How 'bout this day and night pad? Do you also use this? Wait, what brand do you—" nataranta ako nang marealize ko kung ano 'yung pinagsasasabi niya. Di man lang kaya siya nahihiya e namimili siya ng napkin kalalaki niyang tao! Inagaw ko sa kanya 'yung mga hawak niya at alam kong pulang pula na ako sa hiya.

"Ano ka ba naman, Andrew! Di ka ba nahihiya sa pinaggagagawa mo? kalalaki mong tao, napkin ang binibili mo?!" pabulong na sigaw ko saka sinuyod ng tingin ang paligid. May mga namimiling napatingin sa amin o mas tamang sa kanya. pati mga saleslady nakangisi at parang tuwang tuwa pa!

Awkward kaya!

Tiningnan niya lang ako na bahagyang nakakunot ang noo na para bang mukha akong alien dahil sa inasta ko.

"Uhm, actually sanay na ako sa mga ganito," aniya na ipinagtaka ko. "Madalas akong isama noon ni Mom sa paggogrocery at nakikita ko ding bumibili siya ng mga ganito. Minsan nga ako pa ang inuutusan niyang kumuha, e. Sometimes even Audrey asks me to buy her stuffs like this." Aniya saka muling kumuha ng magkakaibang brand. "So which of these do you use? Whisper, Modess, Charmee—"

"AHHH! Ako nang kukuha!" muli kong inagaw sa kanya ang mga 'yon. Nakakahiya kaya!

Narinig ko siyang tumawa kaya tiningnan ko siya ng masama.

"You know, I find it really cute when you're mad and grumpy. Ang cute mong mainis." Aniya saka pinisil ang ilong ko.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin at pinalis ang kamay niya. "Tss. Tabi nga!" inis na sabi ko saka ko siya hinawi mula sa harap ko.

Kumuha naman ako ng tatlong pack ng napkins pati na rin panty liner para.

"Ahh. So Charmee pala na with and without wings na day ang night pad and oh! Charmee panty liner—breathable, 'yung green. Tatandaan ko 'yan." Aniya na nakangisi. Seriously!

"'Pag di ka pa tumahimik, ipapasok ko 'to sa bibig mo!" banta ko sabay pakita ng isang pack ng napkin. Tumawa naman siya at tumabi sa'kin sa pagtulak sa cart.

"Bakit ba nahihiya ka pa e ginagawa ko na naman 'yun dati pa?" nakangising tanong niya.

"Okay lang gawin 'yon dahil nanay at kapatid mo sila pero ako, ano bang relasyon ko sayo?"

Ngumisi siya at bigla akong hinawakan sa bewang saka kinabig palapit sa kanya. Ang siste ay parang  nakayakap siya sa'kin  patagilid habang nasa tenga ko ang bibig niya saka siya nagsalita.

"Relasyon ba kamo? Edi a-sa-wa. Ano pa ba?" bulong niya na marahang binibigkas ang salitang 'asawa' at talagang pinasayad pa sa tenga ko ang mga labi niya. Kinilabutan at para akong nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nang makabawi ako ay agad kong kinurot ang tagiliran niya dahilan para mapalayo siya sa'kin.

"In your dreams, 'no! Tse!" nagmadali ako itulak ang cart na punong puno ng groceries. Narinig ko pa siyang tumawa saka mabilis na humabol sa'kin. Wala ba sa bokabularyo niya ang salitang 'hiya' at walang pakundangan siya sa paggawa ng kung anong maisipan niya?!

"Haha! Ang cute mo talaga, Rica." Aniya saka kinurot ang pisngi ko. Pinalis ko ito at tiningna siya ng masama. "Tse! Humanda ka sa'kin mamaya sinasabi ko sayo!" banta ko.

Tumawa lang siya at di mawala wala ang ngisi sa mukha niya. "Alam mo namang handa akong tanggapin ang mga parusa mo, e." aniya sabay kindat.

Ugh! Note to myself: 'wag na ulit isasama si Andrew sa paggogo-grocery!

Nang nasa counter na kami, bigla siguro siyang may naalalang bilhin kaya umalis muna siya.

"Sandali lang, ah." Paalam niya.

Di ko nalang siya pinansin at inisa isang inilagay sa counter ang mga nasa cart. Ang dami nito. Kasya kaya sa budget ko 'to?

Napansin kong kanina pa pasulyap sulyap at pangisi ngisi 'yung babaeng cashier habang isa isang ini-scan 'yung mga pinamili namin.

"Ang swerte niyo po sa kanya, Ma'am." Aniya habang nakangisi.

Nangunot naman ang nook o sa sinabi niya. Sinong 'siya'?

"Naku, si Ma'am! In denial pa! Ang cute niyo po kaya ng boyfriend niyo! Bihira lang po ang mga tulad niya." Aniya habang patuloy lang sa pag-iscan nung mga groceries.

Alangang ngumiti ako sa kanya. "Actually, hindi ko siya boyfriend." Pagtatama ko. Hindi naman kasi talaga!

Mukhang nagulat siya sa sinabi at sandaling napatigil. Maya maya'y ngumiti nulit. "Ay! Sorry po. Asawa po pala."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "H-Ha? Hindi ko siya—"

"Sorry, hon. Natagalan. Di ko kasi agad nakita e." Magpapaliwanag pa sana ako kaso biglang dumating ang isang 'to at pumulupot na naman sa bewang ko. Ibinaba niya ang isang galong ice cream na rocky road at double dutch ang flavor.

Siniko ko siya saka tiningnan ng masama. "Hon ka d'yan!" asik ko pero narinig kong muli ang impit na tili nung cashier. Nakangisi na naman siya na di ko mawari kung anong gustong ipahiwatig.

Bwisit kasing lalaki 'to, nasa playful mode na naman!

"3,758.68 pesos po lahat." Sabi nung cashier.

Bubunot na sana ako nang harangin ni Andrew ang kamay ko. "Ako na." pagpiprisinta niya. Kinuha niya 'yung wallet niya at inilabas 'yung credit card niya. Nakita ko pang may mga cash siya na puro isang libo at sandamakmak na credit cards. Siya nang mayaman!

Isinwipe ito nung cashier saka pinapirma sa kung ano si Andrew. Malay ko ba doon e hindi pa naman ako nakakagamit ng credit card.

Matapos i-plastic ang mga pinamili namin e agad niyang kinuha ang mga 'yon bago ko pa man mahawakan.

"Ako na." ngiti niya saka naunang lumakad.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko at pinanood lang siyang lumakad.

"Hindi pwedeng ganito ka lagi sa'kin, Andrew. Hindi pwedeng masanay ako na laging and'yan ka. sooner or later iiwan din kita. At ayokong masaktan ka ng sobra dahil lang sa'kin." Unti unting nanlabo ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko siya. "I'm not worth it... I'm not the one worth the wait."

Ito ang masakit na katotohanang pilit na gumigising sa'kin. Hindi pwede. Hindi kami pwede. Hindi ako pwedeng masanay na nasa tabi ko lagi siya. May sarili siyang buhay na dapat i-enjoy. Hindi na siya dapat madamay pa sa miserable kong mundo.

"Hey," napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagtawag niya. Nakita kong nasa harap ko na siya at binalikan ako. "Are you okay? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?" sunod sunod na tanong niya na kababakasan ng pag aalala at lambing. Agad niyang binitawan ang mga bitbit at masuyong kinulong ang pisngi ko sa palad niya.

Nag iwas ako ng tingin nang tila hinanap niya sa mga mata ko ang sagot sa mga tanong niya. Ayokong makita niya ang bagay na pilit kong itinatago...

"C'mon, Rica. What's wrong? Tell me, please." Malambing niyang pakiusap.

Iling nalang ang naisagot ko dahil sa oras na magsalita ako, alam kong bibigay ako.

Niyakap niya ako at naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo.

"I guess you're tired. Let's go home para makapagpahinga ka na." aniya habang nakayakap pa rin sa'kin. Tumango nalang ako.

"Hush now, Rica." Pag aalo niya sa'kin. Humiwalay siya sa pagkakayap saka hinawakan ang kamay ko. Gamit ang kaliwang kamay ay binitbit niya ang apat na bags ng mga grocery. Nang makarating kami sa parking ay agad niyang inilagay sa likod ng kotse ang mga pinamili namin saka ako pinagbuksan ng pinto.

Nang makapwesto siya sa driver's seat ay muli niyang hinawakan at pinisil ang kamay ko. Napatingin ako sa magkasalikop naming mga kamay.

"Everything's gonna be fine. I promise you, okay?" aniya. "So don't stress yourself too much." Aniya saka ako ginawaran ng halik sa noo.

Then he drove off.

Mahal ko na nga ata siya. At hindi ko alam kung kayak o pa siyang pakawalan at itaboy palayo...

Hindi ko kaya.