webnovel

Against All Odds (Short Story)

DarkLeague · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Part 1

Rica's POV

"Rica, wala nang groceries. Di pa ba tayo mamimili?" napalingon ako kay Andrew na kasalukuyang inuusisa ang food cabinet at ref ko. Ibinaba ko ang hawak kong libro at salamin saka ko siya hinarap.

"Oo nga pala. Sige, maggogrocery ako ngayon." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa silya malapit sa bintana. Naroon siya sa may kusina at abala sa pag aayos ng mga kasangkapan.

Sabado ngayon at katatapos lang naming mag almusal. Ayos, makakagala ako.

Umakyat ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Kinuha ko na rin ang wallet at cellphone ko saka isinilid ang mga ito sa isang sling bag. I'm ready to go!

Nang makababa ako at aktong palabas na ay narinig ko ang yabag ni Andrew pababa ng hagdan. Nilingon ko siya at nakita kong nakabihis din siya. Kahit simpleng short pants at t-shirt lang samahan pa ng aviator ay mukha nang model ang loko.

Pinagtaasan ko siya ng kilay na wari'y nagtatanong ng kung 'saan ang punta mo?'

"Sasama ako." Aniya saka naunang lumabas . pinatunog niya ang kanyang kotse at wala na rin akong nagawa kundi sumunod.matapos isara ang pinto ng aking apartment ay sumunod ako sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. Matapos ay umikot siya at pumwesto sa driver's seat. Magkatabi kami actually kasi nasa front seat ako.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Sa pinakamalapit na grocery store nalang." Simpleng sagot ko at bumaling sa bintana.

"Okay! Roger, boss!" di man ako nakatingin ay alam kong nakangisi siya. Di ko tuloy maiwasang mapangiti sa sinabi niya.

Maaaring nagtataka at naguguluhan kayo kung bakit ganito ang aming set up. Kung bakit sunud-sunuran siya sa anumang ipag-utos ko at kung bakit siya nakatira sa apartment ko. Ganito kasi 'yon.

Nagkakilala kami nang minsang magtrabaho ako sa café niya bilang waitress at minsan at barista o 'yung tigagawa ng kape. Ang lalaking 'yon po kasi nagmamay ari ng mga café shop at bar. Doon niya pinapalago ang pera niya at sa edad niyang 21 ay nagsimulang lumaki at makilala ang mga ito.

Noong mga panahong 'yon ay naghahanap ako ng mapagtatrabahuhan at mapagkakakitaan dahil bagong salta lang ako sa Maynila. Third year college ako noon sa kursong MassCom. Naging independent ako at nagworking student para pamapag-aral at mapakain ang sarili ko. Kung itatanong niyo naman ang mga magulang ko, ayun, may sari-sarili na silang pamilya.

Naghiwalay sila noong 1st year high school ako at iniwan sa mga tiyahin ko. Ang mga magagaling ko namang tiyahin, inalila ako. Nang makatapos ako ng high school ay nagpasya akong lumuwas ng Maynila. Pinapadalhan naman ako ng allowance nina Mama pero hindi pa rin 'yon sapat. Kaya nagpart time ako sa iba't ibang trabaho. Naging tigahugas ng plato, janitress sa fast food chains, tindera sa bakery at 'yon nga, hanggang sa bumaksak ako sa café niya na noo'y kabubukas palang.

Naging maayos naman ang trato niya sa kanyang mga empleyado. Suplado siya kung tutuusin pero hindi naman siya snob sa mga empleyado niya. Maayos din siyang makitungo at maayos magpasweldo. Kaya naman di nakapagtatakang minahal siya ng mga empleyado niya. At isa na ako doon.

Naging close kami. Madalas kaming magkabiruan at madalas din niya akong ayaing mag-lunch. Naging tampulan kami ng tukso dahil sa "special treatment" di umano ni Andrew sa akin pero pinagtatawanan ko lang 'yon. Una dahil amo ko siya at pangit tingnan na makipagrelasyon ako sa kanya at pangalawa, dahil barkada lang ang tingin ko sa kanya.

Tama. Hanggang doon lang. isa rin 'yan sa dahilan kung bakit tinawag nila akong "Ms. Friendzone." Friendly dahil kahit na marami ang nagtatangka ay marami rin ang nabibigo. Hanggang ngayon nga na 21 years old na ako ay isa pa rin akong NBSB. Pero nayanig 'yon nang kumatok at nagpumilit pumasok sa bahay ko ang isang Andrew Ramos. Ang bakod na ginawa ko sa paligid ng puso ko ay unti unti niyang tinibag. Ang mga dati'y usap usapan lang ay pinatunayan niya at nagtapat sa akin.

Sa trabaho, madalas ay ine-excuse niya ako at dinadala sa iba't ibang lugar. Nagbibigay din siya ng mga bulaklak at chocolates na talaga namang ikinailang ko. Niyayaya niya rin akong mag-date at nung minsan ay sinorpresa niya akong ipinakilala sa mga magulang niya. Shock na shock ako noon at hiyang hiya dahil hindi man lang ako nakapaghanda! Pero naging mainit ang pagtanggap sa akin ng Mama at Papa niya. Hindi nila ako itinuring na mababang uri at kaiba.

Kung tutuusin, marami namang mas maganda sa akin. Maraming mas angat at mas bagay sa  kanya pero sa hindi malamang dahilan ay ako ang kinukulit at ginugulo niya! Di naman ako kagandahan, di gaanong matangos ang ilong ko, di kasing sexy tulad ng iba, dir in ako kasing puti at kutis porselana ng iba at pinagkaitan ng hinaharap—mga bagay na karaniwang hanap ng mga lalaki sa isang babae. Pero ipinakita't ipinaramdam niya sa aking wala siyang pakialam sa mga 'yon.

Kung gaano siya kapilit at kakulit ay ganoon din ako kapursigidong itulak siya palayo sa akin. Ipinagtatabuyan ko siya sa mga naggagandahang babaeng babagay sa kanya dahil sa tingin ko ay 'yon ang tama at ang dapat. Maski ang pagsisinungaling at pagsasabing, "Transgender ako at dati akong lalaki!" ay pinatos ko na makaiwas lang sa kanya pero sinagot niya lang ako ng, "Ok lang. Dati naman akong babae. Edi pwede pa rin tayo!" sabay tawa.

Mautak 'di ba? tamang sagot lang!

Hanggang sa magresign ako sa kanya sa trabaho. Noong mga panahong 'yon ay graduate na ako kaya kahit paano e madali nang matanggap sa trabaho. Naghanap ako ng job hiring sa mga network peor bigo ako, kaya naman napasok ako sa isang call center sa tulong na rin ng isa sa mga kaibigan ko.

Magmula ng magresign ako sa café niya e nawalan na ako ng balita sa kanya. Akala ko malaya na ako sa kanya hanggang sa isang araw, tatlong linggo na ang nakakalipas e naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng pinto ko dala ang mga gamit niya at sinabing, "Dito na ako titira. Makikihati ako sa mga gastusin mo at maninilbihan din ako sayo. Pumayag ka lang na makitira ako sayo."

At 'yon ang buong kwento ng kung bakit alila, chimay, katulong at alipin ang turing ko sa kanya. parte pa rin ng pagpapasuko at pagpapahirap ko sa kanya para lubayan at layuan na niya ako.

Pero matibay ang loko.

"Andito na tayo, boss." Napalingo ako sa gawi niya at sa harapan namin. Nakapark na pala kami sa parking lot at mukhang kanina pa ako tulala.

Agad naman akong bumaba bago pa man niya ako maunahan para pagbuksan ako ng pintuan. May kamay naman kasi ako.

Nang makababa na kaming dalawa ay agad niyang hinilaang kamay ko at pinagsalikop sa kanya. lumalabas na magkaholding hands kami.

"Hoy! Tyansing ka ah! Bitaw nga! Pasmado kamay ko, e!" sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Wala akong pake kung pasmado pa 'yang kamay mo. Wala akong pake kung sabihin mong matigas pa sa kamay ng lalaki ang kamay mo dahil maging ano man ang diperensya n'yan, handa akong hawakan 'yan habang buhay." Aniya at ipinagpatuloy ang pahila sa akin.

Di ako maikakailang na-touch ako sa mga sinabi niya. Para akong nabingi at natulala nalang ako sa magkahawak naming kamay. Unti tuning nanlabo ang paningin ko at nang maramdamang tutulo na ang luha ko ay agad akong yumuko at tumingin sa baba.

"Habang buhay..." muling ume-echo sa isip ko. Kung sana lang ay kaya ko... kung sana lang ay makakatagal ako.

Kung sana lang ay mahahawakan at mararamdaman ko ang mainit at malambot niyang kamay...

Habang buhay...