webnovel

Against All Odds (Short Story)

DarkLeague · Urban
Zu wenig Bewertungen
8 Chs

Epilogue - The... end?

Andrew's POV

"Basta ikaw na muna ang bahala habang wala ako, pre."

"Oo, Andrew. Wag kang mag alala.ako munang bahala dito." Nakangiting sagot ni Alvin, isa sa mga business partner at kaibigan ko. Ipinagbibilin ko muna sa kanya ang mga negosyo ko habang wala ako.

"Andrew, dib a ngayon ang alis niya?" napatingin ako sa kanya at nakita ko ang malungkot na ekspresyon niya. "Anong oras ka ba susunod sa kanya? Saka, alam mo ba kung saang ospital siya pupunta?" dagdag niya.

Humigop muna ako ng kape ko bago ko siya sinagot. "Oo naman. Alam ko ang lahat ng balak niya. Kaya wala na siyang kawala." Napangiti ako sa sinabi ko. Tama. Wala na siyang kawala. Pero kahit na alam ko ang bawat detalye ng lihim at pag alis niya, masakit paring isiping may balak siyang umalis at iwan akong walang kaalam alam.

"Grabe, Andrew. Bilib na ako sayo! Lahat na ata ginawa mo para lang sa babaeng 'yon. Nagpaalila ka,  hinayaan mong utus utusan ka kahit buhay hari ka, at higit sa lahat, nakiusap ka pang makitira sa kanya makasama lang siya! That's crazy, men!" ani Alvin na napapailing pa.

Nakangiting napapailing nalang din ako. "Gano'n talaga pag mahal mo. Gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kahit pa magmukha ka nang baliw sa paningin ng iba," ngisi ko.

Napailing at napapalatak siya. "Nakakatakot tuloy magmahal! Nakakabaliw pala!" aniya sabay tawa.

Naputol ang usapan namin nang mag-ring ang phone ko. Napatingin ako kay Alvin na kasalukuyang umiinom ng tsaa niya. Muli akong napabaling sa cellphone kong patuloy paring nagri-ring.

 

Rica calling...

"Sino ba 'yan, pre at 'di mo masagot?" tanong ni Alvin pero binalewala ko nalang at nanginginig na pinindot ang answer button.

Bakit bigla akong kinabahan?

"H-Hello Ric—"

"Hello? Hello, kung sino ka man. Please, paki puntahan si Rica..." nangunot ang noo ko nang ibang boses ang narinig ko. Hindi si Rica. "Na-Nasa ospital si Rica, malapit lang sa pinagtatrabahuhan namin," narinig kong humikbi siya sa pagitan ng kanyang mga salita. Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko 'yon.

"Te-Teka, ano bang nangyari sa kanya? Saka, sino ka ba at bakit nasa iyo ang cellphone niya?" kumakabog na ang dibdib ko at kung totoo man ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Narinig ko pa ang mga hikbi at ang nanginginig niyang boses bago siya  muling nagsalita.

"Na-Naaksidente siya k-kanina. P-Patawid na siya habang may mga dumaraang sasakyan. P-Pilit naming isinisigaw sa kanya na tumigil kaso p-parang wala siya naririnig," humagulgol siya, "Please! Kung sino ka man, puntahan mo na siya! Wala siyang ibang kamag anak dito at tanging number mo ang nasa speed dial niya. Please, pumunta ka na!"

Nanlamig ang buong katawan ko at parang nanikip ang dibdib ko sa mga narinig ko.

Bakit? Paanong...

"Andrew, okay ka lang? ba't bigla kang namutla saka, sino ba 'yung tumawag?" Tinitigan ko lang si Alvin dahil hindi ko na rin alam kung anong sasabihin. At doon din isa isang tumulo ang mga luha ko.

"S-Si... Si Rica..."

"O, anong nangyari kay Rica?"

"Na-Naaksidente daw si Rica. N-Nasa ospital daw siya malapit sa pinagtatrabahuhan niya." Nabablanko na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ano?! Te-Teka, kaya mo bang mag-drive—ugh! Ako na nga lang! halika na!" hinila ako ni Alvin palabas patungo sa parking lot. Gamit ang kotse niya ay tinahak namin ang daan patungo sa pinagtatrabahuhan ni Rica at hinanap ang ospital na itinext sa akin nung nagpakilalang katrabaho niya. Nang makarating kasmi doon ay nakita ko ang isang babaeng panay ang iyak at may uniform na kagaya ng kay Rica.

"I-Ikaw ba 'yung tumawag kanina?" tanong ko dito.

"O-Oo, ako 'yung katrabaho ni Rica na tumawag sayo. N-Nasa emergency room siya at kasalukuyang isinasalba ng mga doctor." Napahagulgol uli siya nang masabi niya ang mga 'yon, habang ako naman ay parang napako sa kinatatayuan ko.

Isinasalba. Ibig sabihin malala ang nangyari sa kanya. Nagsimula akong humakbang at pilit na inaalis sa isip ko ang mga bagay na tumatakbo dito dahil sa mga narinig ko.

"Hindi pwede, Rica. Akala ko ba pupunta ka ng Amerika? B-bakit nag-U turn ka pa?" pilit kong pinagagaan ang loob ko habang iniisa isa ko ang mga kwarto sa ospital na ito.

Nang matunton ko ang kwartong hinahanap ko ay doon ko nakita sa labas nito ang iba pa niyang katrabaho. Lahat sila ay umiiyak at tila nananalanging mailigtas si Rica. Marahan akong mulapit sa pinto at sa maliit na parting may salamin ay pinagmasdan ko ang mga natatarantang doctor at nurse. Panay ang punas nila ng mga dugo sa kanilang kamay at tila nagkakagulo sila. May kung ano anong aparato ang kanilang ginagamit ngunit mas natoon ang atensyon ko sa aparatong nagpapakita ng tibok ng puso niya.

Humihina ito.

Lumapit ako lalo sa pinto at pilit na kinakalampag ang pintuan. Kailangan kong makapasok. Kailangan ako ni Rica sa tabi niya. "Rica... lumaban ka... lumaban ka, please! You can't just leave me!" pinagpapalo ko ang pinto at pilit na sinusubukang buksan 'to. She needs me! I need to be beside her!

"Andrew! Wag ka nang magpumilit pumasok! Hayaan mo na ang mga doctor!" hinawakan ako ni Alvin sa magkabilang braso at pilit na hinihila palayo sa pinto.

"Pero, Alvin! Kailangan ako ni Rica! I need to be beside her!" pilit akong kumakawala sa kanyang pero hindi niya pa rin ako binibitiwan. Bumaling ako sa pinto at pinagmasdan ko silang ginagamit ang aparato para irevive si Rica. Lalo akong nataranta.

Sa bawat paglapat noon sa katawan niya, umaangat ito pero tila hindi nakakatulong dahil patuloy na bumababa at humihina ang tibok ng puso niya.

"No... No, Rica! You need to fight!" sigaw ko. "Let me go, Alvin! She needs me!"  isang malakas na pagpiglas ang ginawa ko at tuluyan akong nakawala sa pagkakahawak ni Alvin. Pilit kong binuksan ang pinto pero walang nangyari kaya binigyan ko ito ng isang malakas na sipa, na siyang nagpabukas dito.

"Sir, hindi po kayo pwede dito!" pigil sa akin ng isang nurse at pilit akong itinutulak palabas ng ER.

"Let me in! kilala ko ang pasyente! S-she needs me!" panay pa rin ang pagpatak ng luha ko. Kailangan nasa tabi niya ako!

"Pero Sir—"

"Clear!"

"Doc, wala pa rin!"

"Make it higher! Clear!"

"You need to wake up... please! You haven't said those words back to me." Pinanood ko ang muling paglapat ng defibrillator sa dibdib ni Rica pero...

"No... Rica! Gumising ka, Rica!" tumakbo ako patungo sa kanya at pilit ko siyang ginigising. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at pilit siyang ginigising. Napatingin ako sa aparatong nagpapakita sa tibok ng puso niya at doon, nakita at narinig ko ang tunog na pinaka ayaw kong marinig sa buong buhay ko.

Tooooooot...

 

"RICA!!!"