webnovel

Against All Odds (Short Story)

DarkLeague · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Against All Odds - Epilogue 2.0

Andrew's POV

 

Makalipas ang tatlong taon...

 

Ang nakakasilaw na sikat ng araw ang tumama sa akin at siya ring gumising sa akin. Pupungas pungas na tumingin ako sa orasan sa ibabaw ng mesa sa tabi ko. Alas sais kinse palang ng umaga ayon dito. Bumaling ako sa gawing kanan ko at napangiti. Maingat akong bumangon at tumayo mula sa aming kama. Nag iingat na baka magising siya. Kinuha ko 'yung puting sando na nakapatong sa isang upuan sa gilid atisinuot 'to. nasanay kasi akong walang pang itaas kapag natutulog.

Binuksan ko ang bintana upang tuluyang makapasok ang sinag ng araw. Kasabay nito ang marahang pag ihip ng sariwang hangin sa umaga. Wala talagang tatalo sa hangin sa probinsya.

Lumabas ako ng aming kwarto at nagtungo sa kusina. Magluluto muna ako ng almusal para sa kanya. Nagtimpla ako ng kape at isinuot ang apron na may pambabaeng disenyo. Gaya ng madalas niyang ipasuot sa akin. Nagluto ako ng pancake at oatmeal, gumawa na rin ako hot choco para mainitan ang sikmura niya.

Matapos kong ihanda at ilagay sa isang tray ang mga ito ay muli akong umakyat sa aming kwarto. Inilapag ko ito sa lamesa sa tabi ko saka ako umupo sa tabi niya. Yumuko ako at pinaulanan ng mumunting halik ang maamo niyang mukha. Sa noo, sa mga mata, sa ilong, sa magkabila niyang pisngi at ang pinaka huli, sa kanyang labi.

"Wake up na, mommy. Kain na kayo nila baby," nakangiting bati ko sa kanya nang imulat niya ang kanyang mga mata.

"Good morning, Daddy," bati niya sa akin, napangiti ako. Inalalayan ko siyang makaupo saka ko inilapag sa harap niya ang breakfast na inihanda ko.

"Uhhh... ang sweet naman ni Daddy. Breakfast in bed talaga?" natatawang sabi niya.

"Oo naman. Everything for mommy ang our babies."Lumapit ako sa kanya at nag-slice ng maliit sa pancake saka iniumang sa bibig niya. Natawa naman siya.

"Ako na, Andrew. May kamay ako, o," aniya at itinaas ang dalawang kamay at ipinakita sa akin.

"I know, but let me feed you. Di ba dati naman akoang inuutusan mo sa kahit anong bagay? Kulang na nga lang pati pagbibihis sayo at pagpapakain iutos mo na e. Kaya naman gagawin ko na without you saying it." sagot ko saka muling iniumang ang tinidor sa kanya. "Say 'ahh,'"

"Pero hindi pa ako nakakapagmumog man lang." reklamo niya saka umirap paitaas.

"You know that I'll still kiss you even if you have a morning breath," ngisi ko sa kanya na ikinatawa niya.

Bumuntong hininga siya, a sign of her defeat. "Wala talaga akong laban sayo, 'no? bolero ka talaga!" tawa niya saka isinubo 'yung pancake. Good girl.

"Hindi sa bolero ako. Sadyang mahal lang kasi kita kaya kahit sobrang corny at cheesy sa paningin ng iba, e nagagawa ko para sayo," sabi ko saka pinisil ang ilong niya.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa ilong niya,nilaro niya ito at nakayukong pinagmasdan ang mga singsing sa kamay namin.

"I know paulit ulit ko nang sinasabi sayo 'to pero... gustong gusto ko paring ulit ulitin 'to sayo." Nag angat siya ng tingin at tinitigan ako diretso sa mata. "Thank you, Andrew. For accepting me again,for always being by my side, for loving me fully and unconditionally."  Nangislap ang mga mata niya sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

Hinaplos ko ang pisngi niya at nakangiting tinitigan siya sa mata. "At hindi rin ako magsasawang sabihin kung gaano kita kamahal." Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. "Sige na, kumain ka na. May dalawang chikiting ka pang bubusugin." Natawa siya kahit na nangingilid na ang mga luha niya at namumula na ang ilong niya.

"I love you, Andrew. Thank you for everything." Napangiti ako. I've always dreamt of this. Of she, saying 'I love you' to me.

"I love you, too. And it's my obligation to make you happy... everyday of our life." Nag umpisang tumulo ang mga luha niya. Masyado talagang emotional ang mga buntis. Masyadong iyakin.

"Shh... masyado namang medaling ma-touch si Mommy.Baka maging dramatic din sina baby?" pagbibiro ko. "Sige na, kain ka na. kawawanaman sina baby, iyak ang almusal."

Siguro naguguluhan kayo at nagtataka sa mga kaganapan ngayon makalipas ang tatlong taon, 'di ba? para bigyang linaw ang lahat, si Rica po ang taong nasa harap ko at pinakasalan ko. At ngayon nga,we've expecting our twins. Six months na siyang nagdadalang tao. We've been married for a year and a half, yes, naitali ko rin siya sa akin.

Alam kong gusto niyong malaman ang mga detalye bago 'yon, lalo na nung panahong akala ko iiwan niya ako.

Nung mga oras na 'yon, grabe na ang kabog ng dibdib ko. Lumala pa nung mawalan ng tibok ang puso niya at flatline ang makikita sa aparato. Nataranta na ang lahat ng mga tao sa loob ng kwartong 'yon pero nanatili lang akong tulala at pinagmamasdan ang mukha niya. Para lang siyang natutulog sa mga mata ko. Pero ayoko namang matulog siya habang buhay at iwan ako. Hinawakan ko ng mahipit ang mga kamay niya at nagmakaawang gumising at idilat niya ang kanyang mga mata. Nawalan ako ng pag asa, oo. Dahil parang wala na talaga siyang balak bumalik sa akin.

Nang pilit na akong inilalayo ng mga nurse sakatawan ni Rica, nagpumiglas ako at sa huling pagkakataon, inilapat ko ang mga labi ko sa kanya. Umaasang gaya ng sa mga kwento, magigisng at muling mabubuhayang aking prinsesa.

Pero wala. Wala pa rin.

Labag man sa loob ko, nagpatangay na ako sa mgapilit na humuhila sa akin. Pakiramdam ko noon, wala na ako sa sarili ko. Pakiramdam ko namatay din ako. Pero napawi 'yon nang muling tumibok ang puso niya. Muling nabuhay ang noo'y flatline nang aparato. Kahit mahina, kahit paano muling tumibok ang puso niya. Bumalik siya sa akin.

Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para maging stable siya, salamat sa Diyos at nagtagumpay sila. Tinawagan ko ang kaibigan kong doctor sa America. Ang doctor na dapat ay mag oopera din sakanya. Matapos ang ilang buwan nang pagpapagaling at pagsisigurong stable na siya, lumipad kami patungong Amerika at doo'y isinagawa ang operasyon niya para sa brain tumor niya.

Oo, alam ko 'yon. Alam ko ang iniinda niya. Ilang araw matapos niya akong tanggapin sa bahay niya, di sinasadyang nakita at nabasa ko ang mga findings ng doctor tungkol sa tumor niya. Ang mga resulta ng tests, mga resetang gamot at ang mga sintomas na maaari niyang maramdaman—lahat 'yon nalaman ko ng di sinasadya.

Pakiramdam ko no'n, napakawalang kwenta ko. Kung diko pa nakita ang mga 'yon ay hindi ko malalamang may sakit siya. Nasa tabi niya ako pero hindi ko man lang napansing meron nang kakaiba. Sabi ko no'n sa sariliko,

Anong silbi ng pera ko kung 'yung mismong taong mahal ko hindi ko maililigtas gamit 'to?

Aanhin ko ang mga perang pinagpapaguran ko kung ang taong gusto kong pagkagastusan nito ay hindi naman magagawang dugtungan ang buhay?

Kaya nag isip ako ng plano. Ginawa ko ang lahat ngmakakaya ko para matulungan siya nang hindi niya nalalaman. 'Yung part time nanapasukan niya ay pag aari ng isa sa mga kaibigan ko. Ipinakiusap kong tanggapin siya doon nang sa gayon ay maging panatag ako na ligtas ang pinagtatrabahuhan niya. Alam ko kasing unti unti siyang nag iipon para sapagpapagamot niya... para sa pag alis niya.

Mahirap pero pinilit kong magmukhang walang alam salahat ng pinagdadaanan niya. Kahit na may mga pagkakataong gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit at sabihing handa akong tulungan siya pero hindi ko ginawa. Kasi alam kong hindi niya rin tatanggapin kaya naman mas pinili kong tulungan siya ng palihim.

Naging matagumpay ang operasyon niya, oo, pero na-coma siya ayon sa findings ng mga doctor. Nagpalipas kami ng ilang buwan. Inantay ko 'yung araw ng paggising niya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Lagi lang akong nasa tabi niya at araw araw na nagkukwento sa kanya ng kung ano ano... dahil alam kong kahit nakapikit ang mga mata niya, pinakikinggan parin ako ng puso niya.

Lumipas ang halos isang taon at sa wakas, nagmulat na siya ng kanyang mga mata. Himalang maituturing ang muling pagtibok ng puso niya noon matapos  tumigil ng ilangminute pero para sa akin, mas maituturing na himala ang muling paggising niyaat ako ang Unang taong hinanap ng mga mata niya.

Namalagi pa kami roon ng ilan pang mga buwan para sa full recovery niya at upang masigurong wala nang natitirang tumor sa utak niya. Makalipas ang anim na buwan ay nagdesisyon kaming bumalik sa Pilipinas at dito'y magpakasal. Syempre, ayoko nang mawala pa ulit siya sa akin kaya itinali ko na siya.

Taling kung papalarin ay magtatagal habang buhay...sa piling ng isa't isa.

At ngayon nga, eto't kasalukuyan kaming namumuhay bilang mag asawa. Nakabili ako ng isang bahay at lupa sa probinsya na siyang kasalukuyan naming tinitirhan.

"Andrew..." napatingin ako kay Rica na kasalukuyang nakasandal sa balikat ko. Nakaupo kami sa isang upuang duyan sa aming bakuran. Malalim dito at mahangin kaya tamang tama lang na pahingahan. "Bakit po?"tanong ko saka hinaplos ang buhok niya. Nakasandal siya sa kanang braso ko kaya naman nakayakap din ako sa kanya, ang kaliwang kamay ko naman ay humahaplos saumbok sa tiyan niyang may kalakihan na. Tatlong buwan nalang at lalabas nasila.

"Anong pangalan ang gusto mo para sa kanila?"

Natigilan ako at napaisip sa tanong niya. Oo napala. Wala pa kaming naiisip na pangalan para sa dalawa naming prinsesa.

"Ikaw? Ano bang nasa isip mo?" balik tanong ko sakanya.

"Eh, gusto ko kasi 'yung unique. Tapos 'yung hindirin mahaba at madaling tandaan." Napaisip ako. Unique at madaling tandaan? "Moon at star?"

"Mmmm... ayoko. Walang dating, e," aniya.

"Sweet ang sour?"

"Nye? Baka sabihin ng mga kalaro nila maasim 'yungisa!" natawa ako. Ang hirap naman kasi!

"Ah! Alam ko na!" tumingin ako sa kanya, "Kilala mo 'yung mag asawang pampalasa na katropa ni Blue at Steve?" nakangiting tanong niya.

"Si Mr. Salt at Mrs. Pepper?" kunot noong sabi ko. Nakahiligan niya kasing panoorin 'yon nitong naakaraan e.

"Oo! salt at pepper! Ang cute, 'di ba?" ngiti niya.

Salt & pepper? Sabagay, wala pa ata akong naririnig na may ganoong pangalan. Maigsi rin at madaling tandaan. Napangiti ako. "I like it." Ngumiti din siya at muling umayos ng pagkakasandal sa akin. Bumaling siya sa umbok sa kanyang tiyan at hinimas ito.

"Hello baby Salt and baby Pepper! Na-eexcite na kamini Daddy sa paglabas niyo." Aniya habang nakangiting hinahaplos at kinakausapang mga munti naming anghel.

Nakihawak din ako at nakangiting bumaling dito. "Hello,my little angels. 'Pag lumabas kayo 'wag niyong pahihirapan si Mommy, ha? Tama na'yung siyam na buwan niya kayong dadalhin." Sabi ko nang maramdaman silang sumipa. Nagkatinginan kaming mag asawa at napangiti nalang. Unti unting nagtubig ang mga mata niya habang pinagmamasdan akong kausapin ang mga mumunti naming supling.

"Ayan, o. naiiyak na naman tuloy si Mommy." Gamit ang kaliwa kong kamay ay pinunasan ko ang mga luhang marahang lumalandas sa pisngi niya. "Shh... don't cry na, Mommy. Magiging iyakin din niyang sina baby, sigeka," biro ko sa kanya saka siya hinalikan sa noo. Niyakap naman niya ako bilang tugon at naramdaman ko ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang labi.

"Three months from now, 'yon na ang huli mong iyak dahil sa sakit,"sabi ko at tinitigan siya sa mata. "Alam kong sa oras na iluwal mo sila, isang paa mo ang nasa hukay pero pangako, lagi akong nasa tabi mo. Akonga ang araw mo di ba? kaya ako ang paghuhugutan mo ng lakas mo bilang isang sunflower." Ngiti ko. "Jus't don't give up easily. Not only for me but also for our babies. 'Kay?" Dumaloy ang masaganang luha sa pisngi niya na agad ko namang pinunasan.

"Nakakainis ka naman Andrew, e! Binasa mo ata lahat ng nakasulat sa diary ko!" aniya na ikinatawa ko. "Pero kahit na ginawa mo 'yon, salamat parin sa lahat ng ginawa mo at ginagawa mo para sa akin... para saamin. Thank you for fighting for me 'til the end. Kahit na halos tawirin ko na ang kabilang buhay at iwan ka."

Napangiti ako ng mapait at muling niyakap siya. "Diba sinabi ko naman sayo noon pa, gagawin ko ang lahat para lang sayo? Ipaglalaban kita at ang pagmamahal ko sayo. Hadlangan man ako ng kung ano o kung sino, I'll fight and love you... against all odds."

Nag angat siya ng tingin at unti unting lumiit ang distansya namin... hanggang sa unti unting naglapit ang aming mga labi. At gaya ng dati, parang may bolta boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin sa tuwing hinahalikan ko siya.

"I love you, Andrew."

"I love you, too... very much, Rica." Sagot ko sagit na ng aming halik.

Damn! I'm so in love with this woman! And yeah, I will love her... against all odds.

 

 

End.

 ·