webnovel

Ikaw ang GHOST-2 Ko

Fantasie
Laufend · 87.9K Ansichten
  • 56 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Tags
2 tags
Chapter 1Chapter 1: Ikaw Ang GHOST-2 Ko

MARIA LUNA DEL MUNDO'S POV ( Special highlights' POV )

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin at isandal ako sa pader. Si Azine? Nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Parang ang seryoso niya na?

"Azine!"

Hinila ko ang aking kamay  pero hindi binitiwan ni Azine at isinandal lang din sa pader. Ang isa'ng kamay naman niya ay nakahawak sa kabilang braso ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sobra'ng lakas at kung buhay lang si Azine ay baka naramdaman niya. Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Azine. Hindi ko mailayo ang paningin ko. Hindi rin ako makagalaw. Mas lumapit pa sa akin si Azine.

"Sino'ng mas gwapo sa amin ng Arif Zamora na 'yon?" Diretsang tanong niya. Walang bakas ng pagbibiro.

Napatawa ako. "Syempre... si Arif. Akala mo i-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang ako'ng halikan ni Azine. Hindi siya tumigil sa paghalik sa akin.

Paano niya ako nahahalikan? Nahahawakan ka nga niya, Luna.

'Yong paraan niya ng paghalik ay parang sa lalaking nagsiselos. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Napatigil na si Azine at tiningnan ulit ako ng diretso. Sobrang lapit pa rin ng mukha at katawan niya sa akin.

"One kiss for one wrong answer, Luna."

"Huh?"

"Sasagutin mo ba si Arif Zamora sakaling manligaw sa 'yo ang lalaki'ng 'yon?" Seryosong tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot kaya inulit niya ang tanong.

"H-Hindi ko alam."

Napansin ko'ng hindi nagustuhan ni Azine ang sagot ko dahil nakatingin ako sa kaniya. Napangisi pa siya.

Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang aking batok saka bigla ako'ng hinalikan ulit. Naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa baiwang ko. Masyadong aggressive ang paghalik niya sa akin. Parang may pinagsiselosan siya na hindi ko alam. Parang inangkin ako ng iba kaya galit siya ngayon. 'Yon ang nararamdaman ko sa paraan niya ng paghalik sa akin.

"A-Azine." Pinutol ko na ang halik niya kasi parang wala siya'ng planong pakawalan ako. Habol namin pareho ang hininga.

"Ma-Mali-late na ako."

"May mga itatanong pa ako kaya humanda ka sa 'kin."

END OF SPECIAL HIGHLIGHT POV

PAULO A.K.A PAULA MANDIALA'S POV

Napasiksik ako sa sulok ng kamang kinahihigaan ko at nagtalukbong ng kumot. Takot na takot ako ngayon dahil feeling ko may multo dito sa kwarto ko. Hindi ako naniniwala sa mga multo pero parang ngayon naniniwala na rin ako. Tama 'yong sinabi no'ng ka-dorm ko na may naglalabas nga raw talaga dito. Mas natakot pa ako nang magpatay sindi ang ilaw.

"Diyos ko po! Please, I don't want to die so early kahit alam ko po na gabi ngayon," dasal ko.

Pinagpapawisan na ang buo kong katawan hindi dahil naiinitan ako kung hindi dahil nanlalamig na ang buo kong katawan sa sobrang kaba. Natigilan ako ng umingit ang pinto.

"S-Sino 'yan?"

Naramdaman ko na papasok na ang multo sa loob at papalapit na sa'kin. Napasigaw ako ng bongga nang biglang may humawak sa'kin na malamig na kamay.

"MAAWA KA SA'KIN 'WAG MO AKONG PAPATAYIN. AAHHH!"

"HA-HA-HA! HA-HA-HA!" Natigilan ako sa kakasigaw at tiningnan 'yong multo.

"LUNA?" Binuksan ko kaagad ang ilaw at pagtingin ko sa nananakot sa'kin si Luna lang pala.

Sino si Luna?

Siya si Maria Luna DEL MUNDO. Siya lang naman ang bida sa kwentong ito. Kaibigan ko siya simula no'ng nasa elementary pa lang kami. At alam niyo ba kung ano ang pinaka-best niyang talent? MANAKOT. Kagaya ngayon nabiktima na naman niya ako. At hindi lang ako ha pati ang mga kaklase namin, mga ka-dorm, at kung sinong mapagtripan niyang takutin. Naalala ko pa no'ng nasa elementary kami ni Luna tinakot niya 'yong principal namin dahil masyado itong strict. Sa sobrang takot no'ng principal biglang inatake sa puso mabuti na lang nabuhay pa. Tapos no'ng high school naman 'yong isang classmate namin na bully ang tinakot niya. Sabi niya no'n may multo raw na sumusunod sa lalaking bully. Ewan kung ano ang ginawa niya pero after niyang takutin ay hindi na ulit ito nam-bully. Nitong senior high school naman biniktima niya 'yong terror na guard kasi pinagalitan siya ng ilang beses at wala naman talaga siyang kasalanan. Ayon at nag-resigned 'yong guard. Si Adones na manliligaw niya no'ng senior tinakot niya rin at ayon nabalitaan namin na nag-home study na lang daw. Recently, 'yong mga ka-dorm namin ang kawawa tapos ilang schoolmates na hindi niya nagugustuhan ang ugali. Pero ang mas nakakaawa at totoong biktima dito ay ako.

Napakawalanghiya talaga nitong babaeng ito kahit kailan pero mahal ko 'to syempre. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso pero ilang pananakot pa niya at baka madeado na ako. Palagi niyang sinasabi na may mga kaibigan siyang multo dahil nakakakita siya ng mga ito pero alam ko namang nagsisinungalin lang siya. If I know guni-guni niya lang 'yon. Hay! Bakit ko ba 'to naging friend nakakaloka.

"Ha-ha-ha! Nakakatuwa ang itsura mo, friend. Ha-ha-ha!" Nahampas ko na lang siya.

"Nakakainis ka balak mo ba akong patayin? Naku! Alam mo kung 'di lang kita friend baka najombag na talaga kita."

"Ang sarap mo kayang takutin. Gustong-gusto ko kapag sumisigaw ka sa sobrang takot. HA-HA-HA!" Naupo siya sa kama at wala pa ring tigil sa kakatawa.

"Ano'ng nangyayari dito?"

"Bakit sumisigaw si Paula?" Napatingin kami kay Elay at Chendy na mumungas-mungas pa. Kaganahan na kasi ng tulog ng mga ka-dorm namin at talagang magigising sila sa lakas ng bunganga ko.

"Nabiktima ka na naman ni Luna?" Tanong ni Elay. Nilapitan ko silang dalawa.

"Oo ano pa ba. Gora na kayo sa kwarto niyo at matulog na kayo ulit. Babush!" Pinagsarhan ko na sila ng pinto.

"Kaloka ka talaga pati kapit-kwarto natin nagising mo."

"Ha-ha! Malaman lang ni baby Arif mo na ganyan ka kalakas sumigaw baka matakot 'yon sa'yo." Mas lalo pa siyang napatawa.

"Mautot ka sana. 'Wag mong idamay si baby Arif ko dito mahal ko 'yon. Naka-costume ka pa talaga ha." Napansin ko 'yong nakatapis sa kaniya.

"At 'yang kurtina pa na 'yan talaga ang ginamit mo sa pananakot ano? Bakla ka hirap na hirap ako sa pagpapaputi niyan."

"Sana nakuhanan kita ng video para may remembrance ka, friend."

"Humanda ka magagantihan din kita."

"Walang effect."

"Chee! Teka nga muna akala ko ba umuwi ka sa inyo?"

"Ano ka ba gimik ko lang 'yon. Ha-ha-ha!"

"Pashnea ka talaga mag-ayos ka na nga. Tingnan mo 'yang mukha mo oh puno ng pulbo. Baka pulbo ko pa 'yang ginamit mo ha."

"Hindi 'no kay Aliya 'to galing. Hilamos lang ako." Tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

"Baliw ka talagang babae ka. Mamamatay ako sa'yo ng maaga eh hindi pa nga kami nagiging mag-jowa ni Papa Arif eh. Kalma lang Paula. Hinga ng malalim matagal mo pang makakasama si Luna swanget."

Maria Luna Del Mundo's POV

Natatawa ako habang papunta sa lababo para maghilamos.

Nakakatuwa talaga si Paulo ang sarap niyang pagtripan. Naisahan ko na naman siya. Pagkatapos kong maghilamos bumalik na rin ako sa kwarto namin ni Paulo. Kami lang dalawa dito. Magkasama kami sa kwarto kasi bakla naman 'to. May dalawa pa kaming kasamang boys dito sa dorm pero nasa dulo naman ang room nila.

"Alam mo ikaw tigil-tigilan mo na ang pananakot sa'kin bakla ka talaga."

"Ikaw kaya ang favorite kong takutin Paulo." Napailag ako no'ng kukutusan sana ako ni Paulo. Naupo na lang muna ako sa harap ng salamin at ginawa ang mga seremonyas ko bago matulog.

"Paula. Paulit-ulit ka na lang sa Paulo kailan mo ba titigilan ang pagtawag sa'kin niyan? Nakakadiri ka talaga."

"Ha-ha! Mas bagay kaya sa'yo ang Paulo."

"Iww! SA ganda kong 'to Paulo itatawag mo sa'kin? Nakakababae ka na ha."

"Tatawagin lang kitang Paula kung magiging babae ka na talaga. Pero mukhang malabong mangyari 'yon."

"Hmp!" Tinawanan ko na lang siya at sumampa na sa kama. Share lang kami ni Paulo sa kama kasi kapag dalawa hindi na kakasiya. Ayaw naman naming gumamit ng double deck. Okay na rin na magkatabi kami kasi napakatalaw nitong baklitang ito. Nahiga na ako habang siya ay nakaupo pa.

"Matutulog na ako bahala ka diyan. Mamaya niyan dalawin ka talaga ng totoong multo ewan ko sa'yo." Nahiga na rin siya kaagad at inagaw ang kumot sa'kin.

"Uy! 'Wag mo akong agawan ng kumot."

"Nananakot ka pa kasi eh." Napahikab na ako dahil sa antok.

"Matutulog na ako. Goodnight!"

"Huy! Gaga ka 'wag ka munang matulog baka nga may multo dito. Huy, Luna."

"Makipag-close ka sa kanila." Napalo niya ako. Ang talaw talaga nito. Hindi ko na lang siya pinansin at natulog na.

"Luto na ba 'yong pancit canton?" Kalalabas ko lang galing kwarto kasi kagigising ko lang din. Tinawanan lang ako nang mga ka-dorm ko na kumakain.

"Kamusta ang tulog mo señorita?" Tanong sa'kin ni Paulo na naglalagay ng plato sa mesa.

"Okay naman." Nagtuloy muna ako sa lababo at nagmumog bago naupo sa tabi ni Paulo.

"Sana oil. Kasi ako hindi manlang nakatulog dahil sa pananakot mo." Kumuha na ako ng pagkain at nagsimulang kumain.

"Sa sobrang lakas nga ng bibig nitong si Paula pati kami ni Chendy halos mapatalon pa sa kama." Natatawang sabi ni Elay.

"Ang talaw kasi nitong si Paulo."

"Eh, sino ba naman ang hindi matatakot sa'yo, Luna eh talaga namang para kang multo." Sinimangutan ko si Allan na ka-dorm din namin. Kasalukuyan siyang kumukuha ng tubig sa water dispenser.

"Ha-ha! Pati nga 'yong kurtina na nilabhan ni Paula ginamit niyang si Luna." Natatawang sabi ni Aliya.

"Ano pa ba. Nagkasugat-sugat na nga 'tong kamay ko sa paglaba no'n."

" 'Eh, sa 'yon agad ang nakita ko."

"Uy! 'Yong pulbo ko ha naubos mo yata."

"Kunti lang kinuha ko."

"Sino naman kaya ang sunod nitong biktima." Napatingin ako kay Allan.

"Sus! Hindi mo ako matatakot."

"Let's see." Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Siya nga pala Luna may ipapakita ako sa'yo na picture ni Niel mo. Bagong post niya sa IG nakita ko kagabi." Sabi ni Elay.

"Talaga? Sige, patingin."

"Niel Murillo na naman." Napapailing na sabi ni Chendy. Kinuha na ni Elay ang cellphone niya at pinakita sa'kin.

"Gosh! Ang gwapo niya talaga. Uy, pwede 'tong i-"

"Ipa-develop na naman?" Napatingin ako kay Paulo.

"Oo."

"Hay naku, Luna. Halos mapuno na nga 'yong kwarto natin sa dami ng pictures niyang Niel na 'yan tapos magpapa-develop ka na naman?"

"Love you, Paulo." Napanguso na lang si Paulo. After ng breakfast umalis na rin kami at pumasok na.

"Bye!"

Pumasok na kami sa school. Siya nga pala dito kami nag-aaral sa MSU also known as Marinduque State College, na ngayon ay Marinduque State University na. And I'm pretty proud na dito ako nag-aaral dahil masasabi ko na isa ito sa pinakamagandang school sa aming probinsya. Best quality rin ang binibigay nilang education sa'min at magagaling ang mga professors kaya lang minsan nakakatakot dahil matataas ang standards at expectations nila sa'min. Malaki 'tong campus namin kaya minsan hirap kaming magkakitaan ng mga friendship ko. Nakakapagod maglakad.

"Babush!" Nag-wave lang kami sa isa't isa ni Paulo at naghiwalay na rin ng daan. BS HRM kasi ang kinukuha niya tapos ako naman ay Public Administration kaya magkaiba kami ng building. Nagkakasama lang kami during lunch time o minsan hindi pa dahil magkaiba kami ng schedule.

Paakyat pa lang ako sa room namin ng may lumapit sa'kin na dalawang seniors. Nalaman ko kaagad dahil sa suot nilang uniform. Pareho silang humihingal.

"Ate ikaw si Maria Luna Del Mundo, hindi ba?" Tanong nitong batang babae na sa tingin ko ay 15 years old pa lang. Masyado namang sikat ang name ko.

"Ako nga bakit?"

"Nakakakita ka po ng multo 'di ba? Ibig sabihin nakakapagpalayas ka rin po ng masamang espiritu?" Tanong naman nitong isa.

"Ah...oo?"

"Ate pwede ba sumama ka muna sa'min sandali? Kasi 'yong classmate namin sinasapian yata ng masamang espiritu."

"Multo ang tinataboy ko."

"Eh multo din naman po ang kaluluwa eh."

"Nge. May point ka naman diyan."

"Ate tara na po."

"Ano'ng gagawin ko? Patay." Bulong ko.

"Sige. Sige. Saan ba?"

"Sumama po kayo sa'min."

"May klase pa pala ako mga bata."

"Mamaya na po 'yon." Hinila na nila ako. Mga batang 'to paano ko kaya mapapalayas ang multo eh si Paulo lang ang mukhang multo na kaya kong palayasin. Hu-hu!

Dinala nila ako sa isang classroom dito sa may Lab school. May babae nga dito na nagwawala at hawak no'ng dalawang lalaki na classmates siguro nila. Lumapit sa'kin 'yong matandang teacher nila na kababakasan ng takot at pag-aalala ang mukha.

"Sinasapian yata siya ng masamang espiritu, ija. Pwede bang tingnan mo kung ano ang nangyayari sa kaniya?" Napakamot ako sa ulo. Ano'ng gagawin ko ngayon? Patay! Puro kasi ako kayabangan. Andami pa namang nanonood.

"Susubukan ko po, sir." Tiningnan ko ulit 'yong babae at medyo lumapit pa ako sa kaniya pero parang gusto ko ng umalis dito. Pinagmasdan ko ang babae. Nanlilisik ang mga mata niya at nagbabanggit ng kung anu-ano. Pinatong ko ang aking kamay sa ulo niya. Assuming lang.

"Masamang espiritu lumayas ka s-sa katawan ng babaeng ito. Maawa ka sa kaniya, please." Ano ba 'tong sinasabi ko? Pabulong na lang akong nagsalita ng mga walang kwentang words na wala sa dictionary.

"Sa ngalan ng Ama pinapalayas kita ngayon din." Biglang nawalan ng malay 'yong babae kaya lumapit na rin ang teacher nila at inalalayan ito.

"Napalayas ko ba?" Napangiti ako ng bahagya.

"Nagkataon lang, Luna." Bulong ko.

"Dalhin natin siya sa clinic." Binalingan ako ni teacher.

"Salamat, ija."

"Walang anuman sir." Umalis na sila para madala ang ang babae sa clinic. Nakahinga ako ng malalim. Mabuti hindi ako napahiya.

"Ang galing mo naman ate." Nagsipalakpakan silang lahat.

"Salamat! Salamat." Umalis na rin ako doon at bumalik sa may building namin.

"Grabe! Akala ko mabubokya ako." Natawa na lang ako sa sarili ko. Grabe 'tong nangyari ngayong araw. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tiningnan ang oras.

"Hindi na ako aabot sa first class ko." Naupo na lang muna ako dito sa may hagdan. Kaunti lang ang mga students na nasa labas ngayon ah. May napansin akong matanda na paakyat sa hagdan at mukhang nahihirapan ito kaya lumapit na ako sa kaniya. Kinuha ko ang braso niya at isinukbit sa braso ko.

"Lolo, tulungan ko na po kayo."

"Salamat, ija."

"Ngayon ko lang po kayo nakita dito ah. New teacher po ba kayo? 'Di kaya kayo ang may-ari nitong school?" Natawa siya sa'kin.

"May sinadya lang ako dito."

"Gano'n po ba? Pero kung may imi-meet po kayo sana siya na lang po ang pinababa niyo."

"Ayos lang kaya ko pa naman eh. Sino ba'ng may sabi na matanda na ako?"

"Sino nga po ba? Akala ko nga po kanina new student kayo eh." Natawa kami pareho ni lolo. Ilang sandali pa at nakarating na rin kami sa may taas.

"Salamat sa'yo ija baka hanggang ngayon nando'n pa rin ako sa ibaba."

"Walang problema lolo basta mag-iingat po kayo sa pagbaba ulit."

"Oo naman."

"Parang hindi naman po kayo napagod eh."

"Ha-ha-ha! Sabi ko sa'yo hindi naman ako matanda eh."

"Oo nga po tama kayo."

"LUNA." Napatingin ako sa tumawag sa'kin.

"Jedda." Nagmamadali siyang lumapit sa'kin. Siya nga pala si Jedda Nervaez kaibigan namin ni Paulo simula elementary at kaklase ko ngayon. Si Paulo nga lang ang napahiwalay.

"Bakit nandito ka? Hindi ka pumasok sa first class?"

"Oo na-late ako eh. Ikaw?"

"Late din." Natawa kami ni Jedda. Palagi kasi 'tong nali-late.

"Ay siya nga pala Jedda si lolo..." Pagbaling ko sa likod hindi ko na makita si lolo.

"Nasa'n na 'yon? Lolo?" Tiningnan ko 'yong paligid pero hindi ko talaga siya nakita.

"Lolo? Sino'ng lolo?" Tanong ni Jedda na nakasunod lang sa'kin.

"Si lolo...hindi ko alam ang name niya eh. Hindi mo ba nakita si lolo kasama ko lang siya dito eh."

"Ano? Wala ka pong kasama diyan. Mag-isa ka lang kaya no'ng nakita kita."

"Hindi eh." Nilinga-linga ko pa ang paligid.

"Imposible namang mawala kaagad si lolo dito."

"Hay naku! Halika na nga canteen muna tayo mukhang lutang ka eh."

"Teka lang si lolo."

"Walang lolo baka multo lang 'yon 'di ba nakakakita ka ng mga ghost."

"Hindi."

"Hindi?"

"May kasama talaga akong lolo kanina eh." Papalayo na ang dalawa habang ang matanda ay nakatanaw lang sa kanila. Napangiti ito.

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

Let's be friend on Facebook, guys.

: Reshel Sapungan

https://www.facebook.com/reshel.sapungan

Messenger

: https://m.me/reshel.sapungan

I am willing to accept you all😊 slight masungit lang naman...charrr😅 kidding😊

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]

Das könnte Ihnen auch gefallen
Inhaltsverzeichnis
Volumen 1