webnovel

Chapter 40: Pamamaalam

VON'S POV

Pagkadating ko sa bahay tumuloy agad ako sa kwarto ni Luna. Kumatok ako sa pinto pero walang akong sagot na natanggap.

"Luna, nandiyan ka ba?" Wala pa din. Nag-alala na ako kaya ilang beses pa akong kumatok at tumawag sa kaniya pero wala pa rin talaga. 

"Luna, papasok na ako." Agad kong binuksan ang pinto at pagkapasok ko nakita ko siyang nakahiga na sa kama at mahimbing ng natutulog. Napanatag na ang loob ko. Akala ko kasi kung napaano na siya eh. Nilapitan ko si Luna at sandaling pinagmasdan. Parang pagod na pagod siya ngayon. Nilagyan ko siya ng kumot saka naupo sandali sa tabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumabon sa may pisngi niya. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin pero kilala ko si Luna. Alam kong nagkakaganito siya dahil kay Azine. Alam kong may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa kahit hindi niya aminin sa akin. Hindi siya magkakaganito kung wala lang at hindi niya aaksayahin ang panahon at oras niya sa pagtulong kay Azine kung hindi sila mahalaga kay Luna.

"I'm always here for you, little sis." Tumayo na ako at lumabas matapos buksan ang lampshade at patayin ang ilaw. Siguro bukas magiging okay din naman siya. Bukas ko na lang sasabihin sa kaniya ang mga nangyari kanina matapos niyang umalis.

LUNA'S POV

Paggising ko kinabukasan naligo na muna ako bago bumaba. Nahanap ko si Kuya sa may kusina at kasalukuyan siyang naghahain ng pagkain sa mesa.

"Hi! Good morning!" Maluwang ang pagkakangiti ni Kuya Von. Nginitian ko naman siya.

"Morning, Kuya. Tulungan na kita."

"I'm almost done, Luna, maupo ka na lang diyan."

"Okay." Paupo pa lang ako nang may mag-doorbell kaya pareho kaming napatingin sa may gawing pintuan.

"'Yan na siguro 'yong in-order kong chicken joy for you." Napatayo agad ako nang akmang mag-aalis si Kuya ng apron para puntahan ang nasa pintuan.

"Ako na kuya."

"Okay. Wait, 'yong bayad." Inabutan niya ako ng buong five hundred. Nagtuloy na ako sa may pintuan matapos kunin kay Kuya ang pera at saka binuksan ang pinto. Delivery man nga ng jollibee.

"Good morning, ma'am!"

"Good morning!"

"Ito na po ang order niyo, ma'am." Inabot niya na sa akin agad.

"Kuya, magkano lahat?"

"350 pesos lang po, ma'am." Inabot ko sa kaniya ang pera.

"Sa'yo na ang sukli, Kuya."

"Naku! Maraming salamat po, ma'am! Godbless you po. Sana po lahat ng costumer kagaya niyong mabait."

"You're welcome, Kuya!"

"Salamat po ulit, ma'am."

"Sige." Isinara ko na ang pinto at bumalik kay Kuya. Naupo ako at ipinatong muna ang chicken joy sa mesa.

"Okay, I'm done. Let's eat." Una kong nilantakan ang chicken joy.

"Kumain ka ng marami."

"Wala kang pasok, Kuya?" Maya-maya'y tanong ko.

"Meron pero mamaya pang 10 o'clock. Uhm... pupunta ka ba kay na Azine ngayon? Ihahatid na..."

"Kuya," putol ko sa sasabihin niya. Napahinto na siya sa pagkain.

"Hmm?"

"Gusto ko ng... gusto ko ng umuwi sa Marinduque." Nangunot ang noo ni Kuya sandali lang at maya-maya'y napatango-tango.

"Kailan mo gustong umuwi?"

"Mamaya na sana kuya."

"Agad? Okay, uhm... hindi ka na ba dadaan kay na Azine? For sure gusto kang makita nina tita Kriztine bago ka umalis."

"Hindi na siguro kuya." Sandi kaming natahimik pero maya-maya'y nagsalita ulit si kuya Von.

"Siya nga pala Luna matapos mong umalis kahapon may sinabi si Azine na..."

"Kuya, kung walang plane ticket kahit mag-barko na lang ako mamaya."

"Sige. I'll book you a ticket later. Let's eat." Hindi na siya nagtanong pa ng mga kung anu-ano.

[ AUTHOR'S NOTE: Hindi ko alam kung may byahe ang plane papuntang Marinduque during night. Hehe! Anyway, nilagay ko na rin dito baka meron naman inquire na lang ako pag may time. Exit. ]

GASAN, MARINDUQUE. Sinundo ako ni mama dito sa airport.

"Hi, anak!"

"Ma." Niyakap ko siya agad.

"Hmm! Miss you, sweetheart." Humiwalay din naman kami sa isa't isa.

"Let's go?" Tumango lang ako at sumakay na sa kotse. Ibinaba ko ang dala kong paper bag laman ang bulaklak. Wala naman akong ibang gamit na dala. Umalis na rin kami kaagad.

Pagdating sa bahay nauna na ako kay mama sa may salas. Pinagmasdan ko lang ang buong salas at napatigil ang mata ko sa aming family picture. Napabuntong-hininga na lang ako. Ibinaba ko muna ang dala kong paper bag at nagtuloy sa kwarto ni Lola Cora. Pagbukas ko ng pinto binuksan ko agad ang ilaw at saka pumasok sa loob. Pinagmasdan ko sandali ang buong kwarto. Lumapit ako sa may side table at kinuha 'yong frame na larawan namin ni Lola kasama si Kuya Von. Bigla kong na-miss na naman si Lola. Niyakap ko na lang ang frame.

"I miss you, Lola." Tumulo ang ilang butil ng luha sa aking pisngi. Nasa ganoong posisyon lang ako nang may magsalita.

"Apo." Napatingin ako sa may gilid ko.

"Lolo." Ngayon lang ulit siya nagpakita sa akin.

"Akala ko po iniwan niyo na rin ako." Napangiti siya ng maluwang.

"Hindi pa kita pwedeng iwan, apo. Halika nga dito." Nilapitan ko siya at niyakap.

"It's okay, apo. Magiging maayos din ang lahat. Tahan na, huwag ka ng umiyak."

"Nahihirapan na po ako sa mga nangyayari ngayon. Akala ko madali lang ang misyon na 'to pero nagkamali po yata ako. Lolo, hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Tama pa po ba ang mga ginagawa ko? Natatakot po ako." iyak ko sa kaniya habang nakayakap pa rin.

"Luna." Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.

"Apo, huwag kang matakot sa kung anuman ang nararamdaman mo. Huwag mong pigilan ang iyong sarili na magmahal pero palagi mo lang ingatan ang iyong puso. Wala akong nakikitang mali sa mga ginagawa mo at sa katunayan ginagampanan mo ng maayos ang misyong ibinigay ko sa iyo. Luna, naniniwala ako sa'yo na malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na dulot ng misyon na ito. May tiwala ako sa'yo, apo."

"Luna," tawag ni mama mula sa labas.

"Lolo." Nginitian niya ako ng maluwang.

"Hanggang sa muli, apo." Naglaho na agad si lolo. Napatingin ako sa bumukas na pinto.

"Luna, may kausap ka ba dito?"

"Ma." Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Pumasok si mama at lamapit sa akin. Sa hawak kong picture frame siya nakatingin. Napabuntong-hininga si mama at saka kinuha ang frame sa akin at sandali ring pinagmasdan.

"Nami-miss mo na naman ang Lola Cora mo." Tiningnan ako ni mama.

"Nakaka-miss po kasi talaga si Lola eh. Sana lang ho nandito pa siya ngayon kasama natin."

"Anak, hayaan mo na ang lola mo baka ngayon masaya na siya kasama ang lolo mo. Sige ka baka hindi makapag-rest in peace ang lola Cora mo kasi nakikita ka niyang nagkakaganiyan."

"Mama, may tanong po sana ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Bakit nga po pala wala man lang pictures si lolo sa mga albums natin? Hanggang ngayon po hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura niya."

"Ang lolo mo? Hindi ko nga rin alam kung bakit walang mga pictures na naitabi si Inay eh. Naalala ko noong bata ka marami kong kuhang pictures ninyo ni Itay eh pero hindi ko alam kung bakit hindi ko na lahat mahanap ngayon. Anyway, I know pagod ka sa byahe halika na at magpahinga. Hindi ka pa ba kumakain, ipaghahain kita?"

"Busog pa ako, 'ma."

"Sige, halika na pahinga ka na. Balik ko lang ito do'n." Ipinatong ni mama ang picture frame sa side table at saka ako binalikan.

Hinarap ko si mama matapos kong kunin 'yong bulaklak.

"Akyat na ako, 'ma."

"Goodnight, sweetheart." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Goodnight po." Umakyat na rin ako sa kwarto ko. Inilapag ko 'yong bulaklak sa dating lagayan niya dito sa may side table ko matapos kong maalis sa paper bag. Naupo ako at pinagmasdan lang ito. Bahagya akong napangiti.

"Alam kong masaya ka na dahil natangpuan mo na ang pamilya mo, Azine. Masayang-masaya ako para sa'yo at para sa inyong dalawa ni Maxine. Sana mahanap mo ang paraan para makabalik ka na sa katawan mo. Pasensya ka na rin kung iniwan kita agad kahit hindi ka pa nakakabalik sa katawan mo. Alam ko naman darating ang isang araw na mangyayari din 'yon at alam ko sa mga oras na 'yon hindi mo na ako kailangan. Kaya siguro mas mabuti na ngayon pa lang ay lumayo na ako sa'yo. Azine, palagi kang mag-iingat. Mami-miss kita panigurado."

KINABUKASAN. Nakabihis na ako ng uniform nang bumaba ako sa salas. Nakita ko si mama na naghahanda ng umagahan.

"Hi, 'ma!" Masigla ang pagkakabati ko kay mama kasi naisip ko na siguro dapat hindi ako magpaapekto sa anumang nangyayari.

"Hi! Oh, papasok ka?" Gulat pa si mama nang makita niya akong naka-uniform.

"Opo. Marami ko na po kasing nami-miss na lessons at saka tambak na po mga activities ko na kailangan kong tapusin."

"I understand. Mabuti na lang pala at maaga akong nakapagluto. Maupo ka na at kumain para maihatid na kita."

"Sa canteen na lang po ako kakain nagmamadali na rin po kasi ako eh."

"Gano'n? Ihahatid na lang kita, anak." Aktong hahakbang na si mama pero pinigilan ko siya.

"Mama, magko-commute na lang po ako. Bye, 'ma." Tinalikuran ko na siya matapos itong halikan sa pisngi.

"Hindi ka ba talaga kakain?"

"Sa canteen na lang po," sagot ko na hindi siya nilingon.

"Uuwi ka ba mamaya?" pahabol pa ni mama.

"Opo. Bye, mama!"

"Bye! Ingat, 'nak. Love you!"

SCHOOL CAMPUS.

"Hi, Luna! Welcome back!" si Cedric.

"Welcome back, Luna." si Aldrin.

"We miss you, Luna." sina Liezel. Binati pa ako nang halos lahat ng narito. Nagtuloy ako sa upuan namin ni Je. Nangunot ang noo ko nang hindi ko siya makita dito.

"Luisa, si Je nasaan?" Nandito kasi ang bag niya.

"Parang nagbanyo yata eh."

"MY FRIEND!" Napatingin kami sa sumigaw na walang iba kundi si Jedda. Nagkatawanan na lang iba naming mga kaklase. Pagkalapit sa akin ni Je niyakap niya ako kaagad at may paiyak effect pa nga.

"Akala ko namamalikmata lang ako ikaw na pala talaga 'yan. I miss you, my friend! Bakit hindi ka nagsabi na nakauwi ka na pala?" Napailing-iling na lang ako.

"Sinadya ko talaga para naman ma-surprise ko kayo."

"Baliw ka talaga." Napangiwi ako nang hampasin niya pa ang aking braso. Naupo na muna kami.

"Kailan ka pala dumating?"

"Kahapon pa."

"At hindi mo man lang talaga kami tinawagan ni Paola, ano? Akala ko ba magtatagal ka sa Maynila?" Hindi kaagad ako nakasagot.

"Huy! Ayos ka lang?"

"Ano kasi naiisip ko na umuwi na kasi di ba marami ko ng nami-miss na mga activities."

"Oo nga pero don't worry may mga notes naman ako diyan para sa'yo."

"Salamat."

"Siya nga pala mabuti na lang at bumalik ka na kasi ang dami kong chika sa'yo, girl."

"Ano 'yon?"

"Alam mo ba no'ng wala ka maya't maya ang tanong sa akin ni Arif tungkol sa'yo. Hinahanap ka niya palagi at ang dami niyang tanong." Nangunot ang noo ko.

"Talaga? Bakit daw?"

"Hindi ko din alam eh pero ang alam ko lang gusto ka no'n ni Arif." Siniko pa ako nang loka.

"Advance ka na naman eh."

"Totoo nga kasi, Luna. May isa pa akong nalaman pero ito bali-balita lang, huh."

"Ano 'yon?" Medyo lumapit sa akin si Jedda at bumulong lang.

"Hindi ba at magaling mag-paint and drawing si Arif?"

"Magaling ba siya?" Hindi ko talaga alam, guys.

"Super! Lumalaban na nga siya sa mga international competition eh. Wala ka talagang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo." Nangibit-balikat na lang ako.

"Kalat na sa buong campus na isinali raw si Arif nang kaniyang dad sa isang international competition. Ano nga ba ang tawag do'n? Uhm... New-New-Gen Art Champion daw. Oo tama 'yon nga at sa pagkakaalam ko kompetisyon 'yon sa Amerika."

"Ano'ng problema do'n sasali lang naman pala siya eh?"

"Ang problema ayaw ni Arif mag-send ng entry."

"Bakit naman?"

" 'Yon ang hindi ko alam kasi sa pagkakakilala ko kay Arif love na love niya ang arts. After ng aksidente parang naglaho bigla 'yong kilala ng lahat na Arif. Ang Arif ngayon hindi na mahilig sa arts at mas focus na siya sa sports." Mas naguluhan ako.

"Aksidente?" Nangunot din ang noo ni Je sa akin.

"Bakit? Huwag mong sabihing hindi mo rin alam." Napailing ako dahilan para matawa siya.

"Taga-MSU ka ba talaga?"

"Ibig mong sabihin naaksidente pala si Arif? Kailan pa?"

"Mahigit isang buwan na yata ngayon simula nang mangyari 'yong aksidente na 'yon. Lahat nga kami dito nagulantang eh maliban na lang siguro sa'yo." Namilog pa ang kaniyang mata. Mahigit isang buwan na pala pero ngayon ko lang nalaman.

"Wala namang...namatay sa aksidente na 'yon, di ba?" Biglang nalukot ang mukha ni Je.

" 'Yon na nga ang malungkot eh kasi namatay 'yong bestfriend ni Arif na si Lawrence. Tapos si Arif naman kaunting gasgas lang ang..."

"Sandali," putol ko sa anumang sasabihin ni Je. "Lawrence ba kamo? Lawrence ang pangalan ng bestfriend ni Arif?"

"Oo. Bakit, kilala mo siya?" Naguluhan ako bigla at napaisip.

"Parang... Para kasing narinig ko na ang pangalang 'yan sa kung saan pero hindi ko lang matandaan."

"Baka narinig mo lang diyan sa tabi-tabi." Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yon? Narinig ko nga ba? Hindi ko talaga matandaan.

"Sinasabi nila na nag-quit na raw si Arif sa pagpi-paint dahil sa aksidenteng 'yon kaya kahit gumawa ng draft man lang ay hindi niya na magawa." Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa kaniya. Naalala ko na may sasabihin nga pala siya sa akin sa personal. Ano naman kaya 'yon? Napabuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako kay Je nang sikuhin niya ako ng mahina.

"Si sir Barumbado." Napatingin ako sa tinutukoy niya. Narito na nga si sir kaya tumahumik na kami.

Matapos ang klase nagtuloy kami sa mini forest at naupo sa isang bakanteng upuan. Maya-maya dumating na si Paulo na tinawagan kanina ni Jedda.

"Mga bakla!" Patakbo siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Taga-bundok ka, gurl?" si Je. Makasigaw din kasi 'tong si Paulo parang siya lang tao dito. Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Nagulat kasi ako, bakla! Akala ko kasi nasa Manila ka pa eh tapos bigla na lang malaman ko na nandito ka na pala." Naupo na muna kami.

"Bakit biglaan ang uwi mo, 'day?"

"Tinanong ko na kanina kay Luna 'yan eh pero ang sabi mo lang dahil marami mo ng nami-miss na lessons. May iba pa bang dahilan?" Napatingin ako kay Jedda.

"Umamin ka na sa amin, bakla, kasi wala ka rin lang maitatago sa aming dalawa," sabi muli ni Je.

"Tumpak!" sang-ayon naman ni Paulo. Alam ko na 'yon. Napabuntong-hininga muna ako saka nagkwento sa kanila. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Pagkatapos kong magkwento ay tiningnan ko ang dalawa na parang natameme yata. Pareho silang walang imik.

"Seryoso ba 'yan?" Maya-maya'y tanong ni Je sa hindi makapaniwalang tinig. Napatango lang ako.

"Nasa fantasy world na ba ako?" Nabatukan ni Je si Paulo.

"Aray!"

"Eh, bakit bumalik ka agad dito ng hindi man lamang nakakausap ng maayos si Azine? Bigla mo na lang siyang binigay sa iba." si Je.

"Hindi naman iba si Maxine eh kasi siya naman talaga 'yong girlfriend."

"Pero mahal mo na siya, di ba?" Natigilan ako sa sinabi ni Paulo. Seryoso na siya ngayon. Nagkatinginan ang dalawa.

"Huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Alam ko naman kapag nagising na si Azine hindi na niya ako papansinin."

"Nag-isip na naman ng advance. Alam mo huwag mo na munang isipin ang mangyayari bukas at sa hinaharap pa kasi wala namang nakakaalam no'n. Kumain na lang kaya muna tayo. Let's go." Napatayo na si Je. Nangibit-balikat na lang din naman si Paulo at hindi na umimik pa. Sumunod na lang kami kay Je na nauuna na.

Papasok pa lang kami ng canteen nang kalabitin ako ni Paulo tapos si Je naman na ngayo'y kasabay ko na ay pansin kong natigilan.

"Bakit?" Napatighim pa si Je.

"Pogi mong manliligaw."

"Huh?" Napatingin ako sa ininguso ni Paulo at pagtingin ko si Arif pala. Maluwang itong nakangiti sa akin kaya ginantihan ko na rin ng ngiti.

"Hi! Hi Jedda and Paulo!" bati niya sa amin nang makalapit ito. Binati din naman siya ni Je at Paulo. Saka niya ako binalingan.

"Nakabalik ka na pala, Luna."

"Oo nga eh." Nailang ako sa pagtitig niya sa akin. Napansin ko na may nagfi-film sa amin ni Arif pero hindi ko na lang pinansin. Simula ng ma-issue kami ni Arif napakarami na naming fans at syempre mga anti-fans na din. And kung hindi ako nagkakamali baka nalaman niya ang pagbabalik ko doon sa naka-post na video sa aming school page.

"Bago kayo magkumustahan eh mabuti pa pumasok na muna tayo dito sa canteen kasi medyo ginugutom na ako eh." Maya-maya'y sabat ni Je.

"Sure, it's my treat."

"Serious ba 'yan, papa Arif?" si Paulo na nagulat pa. Takaw talaga nito sa libre.

"Oo naman."

"Okay, let's go!" si Je na nauna ng pumasok. Hinayaan naman ako ni Arif na mauna sa kaniya. Kakaiba siya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero naiilang ako sa sitwasyon. Naalala ko pa noong huli kaming nag-usap.

Pagpasok namin as usual tinginan na naman ang ibang students. For sure naman dahil lang 'to kay Arif napasama lang kami. Ha-ha! Naupo muna kami sa isang bakanteng table.

"Ano'ng kakainin natin?" tanong ni Je.

"Siya na lang, pwede?" Si Arif ang tinutukoy ni Paulo dahil napaharap pa ito dito at nangalumbaba. Natawan na lang ako kay Paulo. Si Je naman ay nabatukan siya at namilog pa ang mga mata. Natawa rin si Arif sa kaniya.

"You're funny, Paulo."

"Tenkyu! Na-appreciate niya 'yon tapos kayong dalawa hindi ang sama niyo talaga sa akin."

"Basta, um-order lang kayo at ako na ang bahala sa bayad. It's my treat."

"Sabi mo 'yan, ah. O-order na ako, huh." si Je na napatayo na.

"Sige."

"Bakla, sa akin 'yong fav ko, ah."

"Inuutusan mo ako? Halika samahan mo nga ako dito itsusera ka talaga." Hinila na niya si Paulo. Kaming dalawa na lang ang naiwan ni Arif dito sa bangko at ang totoo niyan bigla na talaga akong nailang sa kaniya. Iniwas ko ang tingin ko.

"Uhm... Okay na ba 'yong sinasabi mo na kailangan mong ayusin sa Manila?" Sandali ko lang siyang tiningnan.

"M-Medyo." Pagtingin ko sa kaniya nangunot ang noo niya.

"Medyo? It means hindi pa totally successful, right?"

"Parang gano'n na nga."

"Ibig sabihin babalik ka ulit do'n?"

"Hindi ko alam... baka hindi na muna sa ngayon." Nangunot ang noo niya.

"I know it's a personal matter gaya ng sabi mo sa akin dati pero pwede ko bang malaman kung ano 'yong pinagkaabalahan mo sa Manila? I never meant something baka lang kasi may maitulong ako sa'yo. Pero kung sobrang personal talaga okay lang din naman na hindi mo na sabihin." Halatang curious na curious si Arif pero iku-kwento ko ba sa kaniya? Minsan ako'ng bumabaling sa ibang direksyon.

"M-May tinulungan lang akong ka... tao. Kailangan niya kasi ang tulong ko eh at saka ako lang din ang makakatulong sa kaniya. Pasensya ka na Arif kasi hindi ko talaga alam kung paano ko maipapaliwanag sa'yo eh."

"Kaluluwa siya?!" Bigla akong napatingin sa kaniya. Kasalukuyan kasi akong nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam kung tanong ba o sentence ang pagkakasabi niya, pero bakit nararamdaman ko sa boses niya na parang siguradong-sigurado siya sa tanong niya?

Para akong nakaramdam bigla ng kaba.

__________________________________________________

Okays! Ano ba talaga ang meron sa'yo, Arif? Hehe! Malalaman natin 'yan soon😂

Thanks for reading ☺️ I-follow niyo na ako, huh!😂

Nächstes Kapitel