LUNA'S POV
Naratnan ko si Paulo dito sa may study area. Mukhang takot na takot siya.
"Luna." Nagmamadali akong nagpunta sa kwarto namin. Nilapitan ko agad ang side table kung nasaan nakapatong ang bulaklak. Natigilan ako. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Wala na ang bulaklak at tanging ang vase na lang ang naiwan.
"N-Nasaan na 'yong..."
"Luna, totoo 'yong sinabi ko sa'yo kanina. Nasaksihan ko mismo ang nangyari. Unti-unting nalanta 'yong bulaklak at saka biglang naglaho. Tinawagan nga agad kita eh para ibalita sa'yo. Takot na takot ako kanina, bakla. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina, Luna, ano ba'ng nangyayari?"
Nalanta at naglaho? Ano'ng ibig sabihin no'n? Si Azine.
*****
"He's fine... but he's still in coma. It's already a month pero wala pa rin changes sa body niya. I even don't know the reason. Why did you suddenly asked about him at this late hour? Miss mo na siya?"
*****
"S-Si Azine."
Hindi maganda ang kutob ko. Dinampot ko ang aking bag na naibagsak ko na lang sa sahig kanina dahil sa pagkataranta. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan pa lang si Kuya pero saktong nag-ring ang phone at siya ang tumatawag. Sinagot ko agad.
"Kuya."
[ "May good news ako sa'yo." ]
Ramdam ko ang excitement sa boses ni Kuya Von.
"Ano 'yon, Kuya?"
[ "Luna, nagkamalay na si Azine. Gising na siya." ]
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na sobrang saya ko. Naibaba ko na ang cellphone.
"Luna, are you okay?" Inalalayan ako ni Paulo na makaupo sa kama.
Gising na siya. Maraming-maraming salamat po, Panginoon.
Naramdaman ko na may humawi ng aking buhok kaya napamulat na ako. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sinabi ni kuya. Napatingin ako sa nasa gilid ko na nakangiti sa'kin.
"Kuya." Napabangon na ako.
"Good morning, sunshine."
"Morning. Ano'ng ginagawa mo dito ng ganito kaaga, kuya?" Bihis na bihis pa siya at parang may pupuntahan.
"I have to go back to Manila now, little sis. I'm actually here to ask you if gusto mo sumama sa'kin."
"Ano naman ang gagawin ko do'n? Babalik ka ba ng Manila dahil kay... Azine?" Nag-iwas ako ng tingin.
"Partly, yes. Marami ko rin na naiwang patients at kailangan nila ako do'n." Parang nagtaka si kuya sa reaksyon ko.
"What's wrong with you? Aren't you happy na nagising na si Azine? Ayaw mo siyang makita?" Napatingin ako sa kaniya.
"Masaya. Masaya ako na nagising na siya, kuya."
"Ganiyan ba ang masaya?" Tukoy niya sa reaksyon ng mukha ko.
"Kuya, alam ko naman na hindi niya ako maaalala eh."
"Eh di sabihin mo kay Azine kung sino ka sa buhay niya."
"No, kuya. Kuya, gusto kong humingi ng favor sa'yo. Huwag mo na lang babanggitin kay Azine ang tungkol sa'kin. Hayaan na lang natin siya na makapagsimula ulit. Totoong masaya ako na gising na siya, Kuya. Masaya na rin naman ako eh."
"Okay. I respect your decision, Luna. Sasabihan ko na rin ang family niya about sa favor mo."
"Thanks, kuya." Napatingin siya sa relos na suot.
"I'll have to go, little sis. Baka ma-late na ako sa port."
"Hatid na kita sa baba." Napatayo na si kuya.
"It's okay. Just take some rest here. May pinadala si mama na breakfast for you kainin mo na lang mamaya." Niyakap ako ni kuya.
"Take care. I'll be back before Christmas day."
"Hmm. Ingat din, kuya."
"Bye! Bye!" Lumabas na siya ng kwarto.
"Azine, I wish you to be happy forever. Sana lang hindi na ulit tayo pagtagpuin pa ng tadhana. Paalam."
2 months later...
Nasa may study area kaming mga magkaka-dorm at naglalagay ng mga christmas designs at lights. 'Yong iba nagluluto kasi may celebration kami mamayang gabi. Palagi namin 'tong ginagawa bago kami maghiwa-hiwalay para sa christmas break namin. Nagsi-celebrate muna kaming lahat na magkaka-dorm. Kasalukuyan naman kaming gumagawa ng christmas tree dito sa isang side na malapit na ring matapos.
"Sabit mo 'to do'n, hindi ko abot eh." Utos ni Je kay Paulo. Nandito rin siya ngayon at dito siya matutulog.
"Hi!" Napatingin kami sa dumating.
"Papa Arif." Si Paulo. Nilapitan kaagad nito si Arif. Inimbita rin namin siya dito. Binati rin niya ang mga ka-dorm namin at gano'n din sila pabalik kay Arif.
"Luna, lapitan mo na si Arif." Napatingin ako kay Aliya. Napalapit na nga ako sa kaniya. Arif and I are good friends.
"Mabuti naman nandito ka na." Bungad ko sa kaniya.
"Oo nga eh. Inagahan ko na para makatulong din ako sa pagde-design. Mukhang busy ang lahat, huh."
"Oo nga eh."
"Ah, siya nga pala nag-order ako ng mga foods pero mamaya pa ang dating no'n eh mga 5 PM siguro."
"Saktong-sakto para mamaya, papa Arif." Napangiti na lang si Arif kay Paulo.
"Halika, do'n tayo. Gumagawa kami ng christmas tree eh."
"Wow, that's beautiful."
"Hindi pa nga tapos." Tinulungan niya na kaming matapos ang christmas tree.
"Here." Napatingin ako kay Arif at sa inaabot niyang star para sa itaas ng christmas tree.
"Maaabot ko naman kaya?"
Napatawa pa ako. Kinuha ko sa kaniya ang star at hinarap ang christmas tree. Medyo mataas 'to ng kunti kesa sa height ko. Napatingkayad ako para mailagay ang star pero nagulat ako sa ginawa ni Arif. Binuhat niya ako para maabot ko ang paglalagyan.
"Ilagay mo na." Narinig kong sabi ni Arif. Agad-agad ko ng nilagay ang star at saka niya na ako ibinaba.
"Nagda-diet ka ba?" Pang-aasar niya pa. Inismiran ko lang siya. Napatingin ako sa mga kasama namin at mga nakatulala pa. Si Arif talaga oh.
"Mamaya niyan isipin nila na may gusto ka sa'kin." Bulong ko sa kaniya at bahagyang natawa.
"In your dreams." Natawa din siya.
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay oras na para sa real celebration. Pinagdikit namin 'yong dalawang mahabang table para magkakasama at magkakaharap kaming lahat. Katabi ko si Arif ngayon at sa kabilang side ko si Jedda.
"Guys." Napatingin kami kay Paulo na nakaupo kasunod ni Je. Napatayo siya at may hawak na baso ng inumin. Nag-order sila ng beer at 'yon ang iinumin namin ngayon.
"Let's start the celebration. This first toast is for our guest of the night, papa Arif Zamora."
"Whoa!" Napatingin ako kay Arif na nakangiti.
"Thank you for inviting me here."
"Thank you also for coming tonight para sa'kin, papa Arif." Nagkatawanan kami sa sinabi ni Paulo.
"Ayst." Napatayo na rin si Jedda. "Huwag na natin 'tong patagalin." Hinarap ni Je si Arif.
"Arif, please." Inaya niya itong tumayo na ginawa naman ni Arif. "Guys." Napatayo na rin kaming lahat. "Cheers for Arif." Muling sabi niya sa lahat at una ng nakipag-toast kay Arif. "Cheers!" Korus naming lahat. Nakipag-toast din ako sa kaniya at saka sabay-sabay na uminom.
"Merry Christmas and advance Happy New Year, guys!" Nagbatian kaming lahat at pagkatapos ay naupo at nagsimula ng kumain. Sobrang saya ng lahat.
Hindi ko namalayan na ang dami ko na palang naiinom. Nakaramdam agad ako ng pagkahilo.
ARIF'S POV
"Cheers!" Sabi ko sa kanila at itinaas pa ang baso. Kinuha naman 'yon ni Arif. Nagulat pa ako sa biglang pagsalita ni Luna. Itinaas niya pa ang baso. Agad ko naman itong kinuha sa kaniya.
"Luna, you're drunk."
"No, I'm not." Sumusuray na siya at hindi na tuwid ang pagsasalita. Ang dami niya ng naiinom na alak. Hindi ko alam na medyo malakas pala siyang uminom.
"Uminom pa tayo." Kinuha niya 'yong baso ng beer pero inagaw ko agad at inilayo sa kaniya.
"Ibalik mo sa... sa'kin. Iinom pa ako eh." Napatingin ako sa mga kasama niya at halos lahat bagsak na. Napatingin ako kay Aliya na hindi lasing.
"Mukhang mahihirapan tayo sa mga 'to." Natatawang sabi niya.
"Mukha nga." Napatayo na siya at inalalayan 'yong isang kasama niya.
"Maiwan muna kita, Arif. Dadalhin ko lang 'to sa kwarto namin."
"Sige lang. Ah, sa'n nga pala ang kwarto ni Luna?"
"Diyan lang sa unang room
"Chendy, kaya mo pa ba maglakad?" Dinala niya na sa kwarto yata nila.
"Inom pa tayo." Napatingin ako kay Luna. She's really drunk.
"Luna, let me escort you to your room, okay? Lasing ka na eh, kailangan mo ng magpahinga. Come on." Ayaw niya pa rin na tumayo kaya napaupo na ako ulit sa kaniya. Napangiti siya nang tingnan ako.
"Akala... Akala mo ako si Maxine, ano? Si Maxine..." Napahatsing siya saka nagpatuloy. "Ang swerte niya." Hindi na tuwid ang pagsasalita ni Luna. "Naiinggit ako sa kaniya. P-Pero... Masaya ako para sa kanila. Sa wakas magkasama na silang dalawa." Inakbayan niya ako bigla. "Ikaw." Hinayaan ko na lang siya. "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, Arif. We're friends! Alam kong mahal... mahal mo si Maxine pero... kailangan na natin silang bitawan." Inalis na niya ang pagkakaakbay sa'kin.
"A-Akala ko kaya ko. Na...Nasasaktan ako, Arif. Ayoko siyang mawala sa'kin kaya lang...kaya lang may nagmamay-ari na sa kaniya eh." Umiiyak na si Luna. Basa na ng luha ang kaniyang pisngi. "Ikaw ba... Ikaw ba hindi ka nasasaktan? Kasi ako sobra...sobra-sobra akong pinahihirapan ni Azine. Sana lang hindi ko na siya nakilala pa. Gusto ko na siyang kalimutan pero ayaw naman ng puso at isip ko. B-Bakit hindi siya maalis sa isip ko. Miss na miss ko na siya. Miss... Miss na...miss." Napasubsob na siya sa table. Napabuntong-hininga ako.
"Pareho lang tayo, Luna. Miss na miss ko na rin si Maxine pero hindi ko na siya pwedeng kulitin." Napatawa ako ng bahagya. Nakakatuwa ang ginawa sa'min ng tadhana.
Napatayo na ako at binuhat si Luna. Dinala ko siya sa kwarto niya at inihiga sa kama. Inayos ko siya ng higa at kinumutan.
"Azine." Pinagmasdan ko muna si Luna. Kanina pa niya binabanggit ang pangalan ni Azine.
Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Aliya na nagliligpit.
"Kumusta si Luna?" Tanong niya nang mapansin ako.
"Tulog na sa kwarto niya. Paano pala 'to?" Tukoy kay na Paulo, Je at iba pa na na natutulog na yata sa mga kinauupuan nila.
"Hayaan mo na sila diyan magkakamalay din 'yan mamaya."
"Tulungan na kita." Hinarap niya ako.
"Kaya ko na 'to, Arif. Sige na umuwi ka na kasi malalim na ang gabi eh. Hatid na kita sa baba."
"Hindi na marami-rami mo pa rin liligpitin eh. Salamat nga pala ulit."
"Sige. Ingat pauwi."
"Alis na ako." Bumaba na ako at umalis na rin.
LUNA'S POV
Mabilis na dumaan ang christmas. Sobrang saya kasi buo kaming magpamilya na nag-celebrate ng pasko. Ito na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayon. Nag-date pa kami nina Jedda at Paulo no'ng christmas. Bumisita pa ang mga ka-dorm ko sa bahay kaya sobra kaming nag-enjoy. Wala na talaga akong mahihiling pa.
"Luna, gusto mo ba sumama sa'min ng papa mo?" Napatingin ako kay mama na nakabihis. Narito ako sa salas at naglalaro lang sa phone ko. Naupo siya sa may kabilang sofa at abala sa pagsusuot ng earrings niya.
"May lakad po kayo?"
"Mamimili kami ng ihahanda natin for new years eve. Do you wanna come with us?"
"Hmm." Tinatamad talaga ako. Last day na bukas at Christmas na.
"Sumama ka na sa'min kasi mabo-bored ka lang dito eh."
"Dito na lang po ako, ma. I'm feeling lazy to walk right now."
"No. Sasama ka sa'min ng mama mo." Napatingin kami kay papa.
"Pa, I'm feeling tired." Napalapit siya sa'min.
"Feeling lazy and tired? That's good. You need to exercise your body. Let's go?"
"I'm done." si mama.
"Luna." Napatingin ako sa suot ko.
"Hindi pa ako naliligo at nakakapagpalit eh."
"That's fine. Let's go." Napakamot na lang ako sa ulo at napatayo na. Nakasuot lang ako ng t-shirt at short ngayon pero hinayaan ko na lang. Mabango pa naman ako eh.
Sa Boac kami pumunta nina mama. Nakasunod lang naman ako sa kanila. Wala talaga akong gana ngayon at nakakatamad maglakad pero wala akong magagawa.
"You want anything, anak?" Tanong sa'kin ni papa. Napailing lang ako.
Ilang minuto na silang namimili at talagang tinatamad na ako. Tiningnan ko sina mama at papa na busy sa pamimili nila. Himiwalay muna ako sa kanila at nagpunta sa may dulo. Hinanap ko 'yong favorite kong snacks which is 'yong piatos. Kumuha ako ng dalawang piraso.
"Luna?" Napatingin ako sa nagsalita.
"Luna, ikaw nga." Maluwang siyang napangiti sa'kin. Mukhang masayang-masaya siya at napaka-blooming. Mas gumanda siya lalo.
"M-Maxine." Hinalikan niya ako sa pisngi nang makalapit siya sa'kin.
"Merry Christmas and Happy New Year!" bati niya.
"Merry Christmas, Happy New Year."
"Kumusta ka na pala, Luna? Huli tayong magkasama no'ng intrams, di ba? It's almost 3 months na pala."
"Oo nga eh. Ikaw, kumusta ka na rin?"
"I'm doing good. Pasensya na nga pala kasi hindi na ako nakapagpaalam sa'yo no'ng intrams. Nagmamadali na kasi akong umalis no'n eh kasi..." Bahagya akong napangiti sa kaniya.
"Alam ko na. Okay lang 'yon saka matagal na rin naman na nangyari 'yon. Dito ka magbabagong taon?"
"Yeah. Andito kasi sina mom and dad eh. Hindi na kami nag-out of town."
"Ah."
"Are you alone?"
"Hindi, kasama ko sina mama at papa. Nando'n sila sa kabila. I-Ikaw, mag-isa ka lang?"
"Yes. May binili lang ako."
"Ah." Diretso akong tiningnan ni Maxine at saka napangiti.
"I'm happy for you, Luna." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh?" Napatawa siya. Ang weird niya.
"Nakalimutan ko nga pala na mag-thank you sa'yo, Luna. Ikaw ang nakapagpa-realized sa'kin ng isang bagay na hindi ko napapansin noon. Thank you." Hindi ako nakaimik dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya. Naiilang ko na lang siyang nginitian.
"I have to go, Luna. Someone is waiting for me outside. I'm afraid baka mainip siya sa kahihintay sa'kin."
Si Azine kaya? Malamang kasama niya 'yon dito kasi mag-jowa silang dalawa.
"S-Sige. Happy New Year, ulit. Kung free ka bumisita ka sa'min bukas."
"Sure. Happy New Year din." Tinalikuran niya na ako pero agad din na napahinto at bumaling sa'kin.
"Luna, you're the lucky one. See you tomorrow night. Bye!" Tuluyan niya na akong tinalikuran. Iniwanan pa niya ako ng isang matamis na ngiti. Naiwan naman akong naguguluhan dahil sa mga sinabi niya. Hinayaan ko na lang at saka hinanap ko na sina mama.
"Ma. Pa, akyat lang po ako sa kwarto ko." Paalam ko sa kanilang dalawa.
"Okay." Si mama.
Nagtuloy ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Nakakapagod talaga sumama kay mama kapag mamimili.
*****
"I'm happy for you, Luna."
"Huh?"
"Nakalimutan ko nga pala na mag-thank you sa'yo, Luna. Ikaw ang nakapagpa-realized sa'kin ng isang bagay na hindi ko napapansin noon. Thank you. I have to go, Luna. Someone is waiting for me outside. I'm afraid baka mainip siya sa kahihintay sa'kin."
"S-Sige. Happy New Year, ulit. Kung free ka bumisita ka sa'min bukas."
"Sure. Happy New Year din. Luna, you're the lucky one. See you tomorrow night. Bye!"
*****
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nag-video call sa group namin nina Je at Paulo. Sinagot naman kaagad nila.
"Hi, mga baklush!" Bungad ni Paulo. Mukhang nasa kusina siya at may ginagawa.
"Hi, guys." si Je. Napabuntong-hininga ako kaya nagtaka silang dalawa.
"Para saan 'yon? Magno-new year ma magno-new year parang pang halloween 'yang mukha mo diyan." sabi ni Je. Napabangon ako.
"Alam niyo ba na nakabalik na pala si Maxine dito sa'tin?" Hindi kaagad sila nakasagot.
"T-Talaga? Ha-ha." Napatingin ako kay Jedda. Parang ang weird ng reaksyon niya.
"Uhh... Hindi ko ba nabanggit sa inyo? Nakabalik na si Max no'ng isang araw lang. N-Nabalitaan ko lang din sa isang jokla kong kakilala." Sa nagsalitang si Paulo naman ako napatingin.
"Sino'ng kasama niya?" Natigilan din ako sa bigla kong pagtanong. "Uhhh.... A-Ano... Ang ibing kong sabihin... mag-mag-isa lang ba siyang umuwi?"
"Ang usap-usapan nila meron daw kasama si Maxine na guy no'ng umuwi siya." Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Paulo.
Si Azine na nga 'yon. Mukhang okay na silang dalawa. Halata naman na in love na in love si Maxine nang makita ko siya kanina. Hindi na siguro ako naaalala ni Azine ngayon kaya dapat kalimutan ko na siya.
"Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo napaka-boring naman. Kumusta nga pala diyan sa inyo, huh? Ano mga handa niyo?"
"Well, I'm preparing fruit salad right now." si Paulo.
"Sarap! Punta ako diyan tom, huh. Luna, don't tell me nasa kwarto ka lang the whole day? Hindi ka ba nababanas diyan?"
"I'm tired. Sinama ako nina mama sa pamimili kanina." Tinawanan nila ako. Kilala na nila si mama.
"Ha-ha. Kaya naman pala eh." Tinawanan pa ako ni Je. Napahiga na lang ako ulit.
"Mga bakla may nabalitaan nga pala ako. Luna, for sure mai-excite ka sa sasabihin ko." Napatingin ako kay Paulo.
"Ano na naman 'yan." Walang gana kong tanong.
"May concert ang BoybandPh dito sa'tin!" Sandali akong natigilan. Agad-agad akong napabalikwas ng bangon.
"Seryoso ba 'yan? Hindi kita papansinin ng buong taon kapag nang-i-echos ka lang, Paulo."
"Totoo!" Sabay na turan nilang dalawa. Natampal ko ang aking bibig sa pagka-excite. Napatayo ako at napatalon-talon sa kama.
"Yes! Yes! Yes! Yehey!" Natawa sa'kin ang dalawa. Napahinto na ako.
"Kailan? Saan? Bakit hindi ko alam?" Sunod-sunod kong tanong.
"Chilax nga bakla!"
"As expected ganiyan magiging reaksyon niyan ni Luna." Nagpa-cute na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ano nga? Kailan at saan? Baka maubusan ako ng ticket eh."
"Wala kang balak isama kami?" Nginisihan ko sila.
"Isasama syempre."
"Ang sabi no need for tickets daw para maka-enter. Sa school natin sila magko-concert kaya free'ng free tayo mga bakla!" si Paulo.
"Kailan?"
"Bukas na ng gabi, 10 PM daw ang simula til countdown for new year." Napangiti ako ng maluwang. Sobrang saya ko talaga.
"10 PM? So dapat umaga pa lang nandon na tayo? Baka mapuno agad eh." Tinawanan lang nila ako.
"Sobra naman 'yan, Luna. Kahit hindi ka naman makipagsiksikan sa'yo pa rin ang VIP seat. Para sa'yo kaya 'yon." Napatingin ako kay Je. Hindi ko masyado narinig ang huli niyang sinabi.
"Ano 'yon?"
"Ah. Ang ibig kong sabihin hindi natin kailangan makipagsiksikan kapag morning pa lang eh nando'n na tayo, di ba? Di ba, Paula? Di ba?" Biglang natawa si Paulo tapos sinabayan naman ni Jedda. Napangiwi na lang ako sa kanila.
"Basta, maaga tayong pupunta sa school, okay? Bukas, huh?"
"Okay." Korus nilang dalawa.
"Sige na may mga ginagawa pa kayo eh. Bye-bye!"
Nag-left na ako at agad binisita ang school page namin. Napangiti ako ng maluwang nang makita ko ang post about nga sa concert ng BoybandPh bukas. Napatalon-talon na naman ako sa tuwa. Natigilan lang ako ng may tumighim sa may gawing pintuan. Napatingin ako kay papa na nakatingin lang sa'kin.
"Pa."
"Are you okay? You look happy." Nginitian ko siya.
"Super happy, pa." Nilapitan ko siya.
"May concert ang BoybandPh sa school namin bukas ng gabi, pa." Napailing sa akin si papa habang ngingiti-ngiti.
"'Yon naman pala. Kaya pala halos masira mo na ang kama mo. Halika nga sa baba tulungan natin mama mo do'n." Inakbayan ako ni papa saka kami naglakad na pababa. I'm really happy.
Nabungaran namin si mama. "Hi there!" Mukhang galing siya sa labas. Napatingin ako sa dala niyang box.
"Ma, ano 'yan?" Binitawan na ako ni papa.
"Hindi ko alam. Ang sabi lang no'ng delivery man pinadala raw ng kuya Von mo para sa'yo." Iniabot sa'kin ni mama ang box.
"Si kuya? Hindi siya uuwi kaya pinadala niya na lang 'tong gift para sa'kin?" Bigla akong nalungkot.
"Nag-promise ang kuya mo na uuwi siya."
"Open it first." Si papa.
Binuksan ko na nga ang box at nang makita namin ang laman ay pare-pareho kaming nagkatinginan. Isang magandang red dress ang laman ng box. Kinuha ko ang sulat na nakalagay.
"You have to wear this. See you tomorrow, little sis." Ito ang nakalagay sa note. Nangunot ang noo ko sa sulat ni kuya. Tinawagan ko agad siya pero hindi naman nito sinagot.
Para sa concert ba 'tong dress? Alam niya din?
JEDDA'S POV
"Hi, tita. Hi, tito!" Bungad namin ni Paulo sa parents ni Luna. Pareho silang nasa may dining at nagpe-prepare ng foods. It's already 9 PM in the evening na. Napalapit sila sa'min dito sa may salas.
Actually kaninang umaga pa kami pinipilit ni Luna na magpunta agad sa school pero gumawa na lang kami ng paraan ni Paula para pigilan siya. Para naman talaga sa kaniya ang concert na 'yon eh. Malalaman niyo mamaya.
Binati rin kami nina tita at tito. "Nasa'n po si Luna?"
"Nasa kwarto niya nagpapalit pa pero matatapos na rin 'yon. Teka, kumain na ba kayong dalawa?" si tita Yvonne.
"Oo nga. Kumain na kaya muna kayo bago umalis."
"Thanks, tito, pero busog pa po kami eh." si Paulo.
"Oo nga, tito."
"Dumiritso kayo dito mamaya para makakain, huh?"
"No problem, tito." si Paulo.
"Aalis na ba tayo?" Pare-pareho kaming napatingin sa nagsalitang si Luna. Nakatayo siya sa may hagdan at nakatingin sa amin. Pare-pareho din kaming napanganga sa ayos niya. Nagkatinginan kaming apat.
Nakasuot ng red dress si Luna na umabot hanggang sa may itaas ng tuhod niya. Naka-make up din siya ngayon. Nakapusod ang buhok niya at may kunting nakalaglag lang sa may gilid ng pisngi. May nakasabit na sling bag sa balikat nito. Nakasuot din siya ng heels pero hindi naman gano'n kataas ang takong. Sobrang ganda niya. Ngayon lang siya nag-ayos at nagsuot ng ganito.
"Sobrang panget ko ba? Si kuya kasi eh. Wait, magpapalit lang muna ako."
"Maganda!" Nagkatinginan kami nang parehong salita lang ang nabanggit naming apat. Napabalik-tingin sa amin si Luna.
I'm just wearing skirt and long sleeve while si Paulo naman ay naka-pants and t-shirt lang.
"Wow! Ang hot mo, bakla! Gorgeous!" Hangang-hanga din na turan ni Paulo. Bumaba na si Luna at lumapit sa'min.
"You're very beautiful, anak." si tita.
"Syempre sa'kin 'yan nagmana eh. Ha-ha. Bagay na bagay sa'yo, anak. Lady in red, huh?" Papuri din ni tito Zach.
"Hindi ba talaga awkward 'tong suot ko? Baka ako lang nakaganito ng suot do'n, huh."
"No. No. No. Napaka-bongga mo sa outfit na 'yan, bakla. At saka hayaan mo nga sila. Mainggit sila sa beauty mo, girl. Ang mabuti pa umalis na tayo kasi baka mapuno na ng tuluyan ang MSU hindi pa tayo makapasok."
"I'll drive you there." Suhestyon ni tito Zach.
"May dala po akong sasakyan, tito. Sunod na lang po kayo do'n maya-maya." Natigilan ako sa sinabi ni Paulo. Na-realized din niya ang sinabi.
"Pupunta din kayo do'n, pa?" Takang tanong ni Luna. Siniko ko agad si Paulo.
"A-Ahh. Ang ibig kong sabihin sunod na lang sina tito at tita do'n kung gusto din nilang manood ng concert."
"Oo, 'yon nga ang ibig sabihin ni Paula, anak." Singit ni tita Yvonne. "Sige na umalis na kayo. Ingat kayo, huh? Bye, 'nak. Enjoy ka do'n, okay?" Hinalikan ni tita si Luna sa pisngi.
"Thanks, ma." Nilapitan ni Luna si tito at hinalikan din sa pisngi.
"Enjoy the night, anak."
"Thank you, papa."
"Sige na, go. Paula. Jedda. Kayo na bahala kay Luna, huh. Ingat sa pagmaneho, okay?"
Nagpaalam na rin kami sa kanila at saka umalis na. Nasa kotse pa lang kami nang i-text ko na agad sina Aliya. Alam na nila ang gagawin.
Pagdating namin sa school sobrang dami na ngang tao dito. Nagtuloy kami sa school gymnasium kung saan ayos na ayos na pero punong-puno naman ng tao. Sobrang ingay agad kahit hindi pa nagsisimula.
"Sabi ko na nga ba eh. Kanina pa dapat tayo nagpunta dito. Paano na ngayon hindi na tayo makasingit?" Nalukot ang mukha ni Luna. Nasa labas pa lang kami ng gym at dito pa lang ay wala ng madaanan sa dami ng taong dumalo.
"Sa ganda mong 'yan hindi ka makakasingit?" Kinindatan ko pa si Luna.
"Yeah right." si Paulo.
"Let's go." Hinawakan ko siya sa braso. Nakasunod lang naman si Paulo.
"Excuse me." Napabaling sa'min 'yong nasa una namin. Napatingin sila kay Luna at napangiti.
"Puwede ba kaming makiraan?" Mahinanong tanong ko.
"Miss Luna Del Mundo?" Nagtaka si Luna sa reaksyon nang babae pero gano'n pa man ay napangiti pa rin siya dito.
"Ako nga."
"Dumaan na kayo." Tumabi sila at nagbigay ng daan sa'min.
"Salamat." Turan ko sa kanila. Gano'n din ang ginawa no'ng mga sumunod. Lahat sila napapatingin kay Luna.
Hanggang sa makarating na kami sa unahan. Nandito sina Aliya, Chendy, Elay, Allan at ang iba pa naming ka-boardmates. Napahanga din sila kay Luna.
"Ang ganda mo, Luna." Bati ni Elay sa kaniya.
"Tama na ang papuri naiilang na ako eh." Nagkatawanan kami. Napatingin si Luna sa may stage.
"Hindi pa ba magsisimula?"
"Ewan nga eh. Baka maya-maya ng kunti pa." sabat ni Chendy. Bahagya kong siniko si Paulo na nasa kabilang gilid ko. Sinenyasan ko siya na kumuha ng picture.
"Guys. Guys, let's take a picture muna, okay?" Nilabas niya ang phone kinunan kami. Matapos ay nilapitan ko si Paulo.
"Send mo na sa kaniya." Napangiti siya nang maluwang.
"Okay." Binalingan ko si Luna.
"Luna, maupo ka muna." Napatango lang siya at naupo. Pakiramdam ko kinakabahan siya pero excited.
LUNA'S POV
Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Makikita ko na ulit ang BoybandPh. Makikita ko na ulit si Niel Murillo ko. Sobrang saya ko ngayon.
Maya-maya nagsimula na ang show. Umingay na ang buong gymnasium. Sobrang lakas ng hiyawan nang mga audience. Biglang namatay 'yong ilaw at tanging ang kunting liwanag lang sa stage ang meron. Napalingon ako sa ibang audience at may mga hawak silang LED lights na maliit lang at ang gandang tingnan.
Napabalik-tingin ako sa stage nang may tugtog na akong narinig. Maliwanag na ang stage at saka doon na lumabas ang banda na sumasayaw habang kumakanta. Nagsihiyawan na silang lahat at hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko. Napatayo ako sa sobrang saya nang lumabas na silang lima. Hindi talaga ako makapaniwala. Nasa harap ko na ang banda na gustong-gusto ko. Napakasayang christmas nito para sa'kin.
Natapos na ang isang kanta nila. Nagbago 'yong mood no'ng mga ilaw sa stage. Maya-maya may kumanta ulit pero solo na.
'Lift your head,
Baby, don't be scared.
Of the things that could go wrong along the way. You'll get by with a smile.
You can't win at everything but you can try.'
Natigilan ako. Kinilala ko 'yong boses. Alam ko na narinig ko na 'yon dati. Tama, siya nga.
"Azine." Napatayo pa ako sa pagkagulat. Alam kong si Azine 'yon kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang kumakanta. Madilim pa kasi sa stage.
Napatingin ako kay Jedda na nakangiti sa'kin gano'n din si Paulo. Pareho din ang reaksyon nina Aliya. Naguluhan ako bigla.
Bakit parang may itinatago sila sa'kin?
Napabalik tingin ako sa stage nang magbukas na ang ilaw doon. Hindi maalis ang tingin ko sa nakatayong si Azine nga at kumakanta. I'm shocked. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya nga.
Bakit si Azine? Ano'ng ginagawa niya dito?
Para akong naparalisa. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako sa kaniya. Gano'n din naman si Azine na nakatingin din sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero sobrang saya ko ngayon dahil nakita ko ulit siya.
'Baby, you don't have to worry
Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way.'
Napatingin muli ako sa stage at kumakanta pa rin si Azine. Sobrang gwapo niya talaga. Isang buwan ko siyang hindi nakita pero gaya pa rin siya no'ng una kaming magkita.
FLASHBACK
Nahulog mo yata 'tong bulaklak."
"Nakikita mo ako?"
"O-Oo. M-Multo ka din?"
"Talaga? Seryoso nakikita mo ako?"
"Oo, makakausap ba kita kung hindi?"
"Wow! Thank you, God! Ikaw na 'yong hinihintay ko. Yes! Yes! Yes!"
"Hay naku panibago na namang sakit sa ulo."
END OF FLASHBACK
Naramdaman ko ang luha sa pisngi ko. Hindi ko maitatanggi na sobrang miss na miss ko na si Azine. Gustong-gusto ko na siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Patuloy pa rin siya sa pagkanta.
FLASHBACK
Pansinin mo naman ako. Hey! Hey!"
"Pwede ba tumahimik ka dahil kung hindi ipa-packing tape ko 'yang bibig mo."
"Ano'ng problema mo, miss? Hindi naman kita kinakausap ah."
"Sorry, hindi ikaw 'yong kinakausap ko. Pasensiya na."
"Baliw."
"Nagalit sa'yo."
"Dahil sa'yo."
*****
Napangiti ako nang maalala ko 'yon. Ang totoo niyan natutuwa ako kay Azine no'ng una kaming magkita kasi ang kulit niya. Naalala ko din no'ng nag-cheer siya sa'kin no'ng volleyball game. Ako lang ang nakakarinig sa kaniya pero masaya pa rin ako. Hindi ko mapigilang mapangiti no'ng mga sandali na 'yon.
FLASHBACK
"Akala ko umalis ka na eh."
"I told you hindi ako aalis sa tabi mo."
"Matutulog na ako."
"Okay. Let's sleep together."
"Sabi ko-"
"Ang ganda mo pala sa malapitan."
"Umalis ka na muna dito."
"Ayoko. Dito ako matutulog."
*****
Ito ang unang beses na tumibok ng mabilis ang puso ko dahil kay Azine. Hindi ko alam kung napansin niya na nag-blush ako no'ng araw na 'yon. Basang-basa na ng luha ang aking pisngi. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kasama na ni Azine sa stage ang banda at kumakanta pa rin sila.
Nagulat ako sa lalaking papalapit sa akin. May hawak siyang bouquet ng red roses. Ilang saglit pa nasa harap ko na siya.
"Arif."
Napangiti siya sa'kin. "Stop crying."
I just cry in front of him. Nandito rin siya.
"Here." Iniabot niya sa'kin ang bulaklak na kinuha ko rin naman. "From your Azine." Napangiti ako sa kaniya habang umiiyak pa rin.
"S-Si Max..." Natigilan ako nang lumabas sa kung saan si Maxine at lumapit din sa'kin. She's very beautiful tonight.
May dala siyang isang red roses na iniabot sa'kin.
"Max." Nginitian niya ako.
"I told you, you're the lucky one, Luna. Here." Kinuha ko sa kaniya ang bulaklak. Napangiti ako ng maluwang sa kaniya. Sobrang saya ko.
"Galing mismo sa'kin 'yan, huh." Nagkatawanan kami.
Napatingin ako sa kamay ni Maxine nang ikuwit niya ito sa braso ni Arif. Nagkatinginan ang dalawa ng may pagsuyo. Nagtaka ako.
"K-Kayong dalawa..."
"We're in love, Luna." Napatawa ako ng bahagya sa sagot ni Maxine.
"Masaya ako para sa inyong dalawa."
"Masaya din kami para sa'yo, Luna. Enjoy the night, Lady in red." Napatawa ulit kami.
Nagpaalam na sila sa'kin at nagpunta sa may side. Nakita ko do'n sina mama, papa at kuya Von. Nagulat ako nang makita ko na kasama din nila sina tita Kriztine, tito Julio at Kuya Julius. Kumaway sila sa'kin habang mga nakangiti. Mas nadagdagan ang saya ko. Kinawayan ko rin sila.
"Thank you. Thank you, guys. Happy New Year, everyone!" Napabalik tingin ako sa stage. Sandaling nagsihiyawan at palakpakan ang mga audience saka biglang tumahimik.
Tumabi saglit ang band members samantalang naiwan si Azine mag-isa sa gitna at nakatingin sa akin pero agad din na umiwas at sa mga audience muna ibinaling ang atensyon. Ako lang ang nag-iisang nakatayo at iniilawan.
"Hi, everyone!" Pasimula ni Azine. "Thank you for coming although alam ko na ang BoybandPh ang ipinunta niyo dito." Napatawa ang mga audience pero saglit lang at tumahimik din.
"I would like to introduce myself. I am Azine, Azine Vergara. I came from Canada and went here not so long ago. Let me tell you a short story." Saglit siyang napahinto. Tahimik ang buong gymnasium. Nakinig na lang din ako kay Azine. "May nakilala akong isang babae when I'm in coma. She's very charming, pure and innocent but she's brave. Tinulungan niya ako na makabalik sa mundo na ito. Kung hindi dahil sa kaniya baka wala ako ngayon sa harap niyo."
Napahinto na si Azine sa pagsasalita at napatingin sa akin. Iniwan niya na ang microphone na hawak at dahan-dahang bumaba nang stage saka ako nilapitan. Nakatingin lang din ako sa kaniya.
"Ms. Maria Luna Del Mundo, thank you. Thank you for everything you did for me. Alam kong favorite mo ang banda na ito kaya dinala ko sila dito bilang pasasalat ko sa'yo. Luna, thank you for coming into my life." Pansin ko ang sensiridad sa boses ni Azine. Seryoso na siyang nakatingin sa mga mata ko. Ako naman ay napaiyak na naman sa sobrang saya.
"Ang makilala ka ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, Luna. Pinagtagpo tayo ng Diyos sa dalawang mundo. Pinagtagpo niya tayo sa kakaibang paraan. Luna." Mas lumapit pa sa'kin si Azine. Sobrang lapit na namin sa isa't isa.
"Luna, I'm..." Agad kong inilagay ang kamay ko sa dibdib ni Azine. Naramdaman ko ang tibok ng puso niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Napangiti lang sa akin si Azine.
"Bakit ngayon ka lang?" Nanginginig pa ang boses ko dahil umiiyak pa rin ako. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Kinuha niya ang kanang kamay ko.
"I'm sorry. I'm so sorry for letting you wait, Luna. Ang mahalaga narito na ako sa harap mo. Hinding-hindi na ulit ako mawawala sa'yo, hmm? Trust me." Napatango ako. Binitawan na ni Azine ang kamay ko at dinampian naman ng kamay niya ang aking pisngi. Pinunasan nito ang luha doon.
"Miss na miss kita, alam mo ba 'yon? Akala ko hindi na kita ulit makikita, Azine." Bulalas ko.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na yakapin din siya ng isang kamay ko dahil hawak ko pa din ang mga bulaklak.
"I miss you, too. I miss you more, Luna. Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss. Para akong mababaliw kapag hindi kita nakikita." Narinig ko pa na sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Binitawan na ako ni Azine. Pinunasan niya ulit ang luha sa pisngi ko.
Nakatingin lang kami sa isa't isa. Sobrang miss na miss ko talaga si Azine. Sa wakas bumalik na siya sa'kin. Hinawakan ni Azine ang magkabilang pisngi ko at saka ako masuyong tiningnan. Napababa sa may labi ko ang tingin niya kaya lumakas ang tibok ng dibdib ko. Ibinalik niya ang tingin sa mga mata ko.
"I love you." Napangiti ako sa kaniya.
"Mahal din kita, Azine."
Narinig kong kumanta ulit ang Boyband sa stage. Isang love song na mas nagpatunaw sa puso ko.
Dahan-dahang inilapit ni Azine ang mukha niya sa akin. Napapikit na lang ako at hinintay ang halik ng lalaking pinakahihintay ko. Naramdaman ko ang labi niya na humalik sa ibabaw ng aking ilong. Para akong mabibingi sa lakas ng tibok nitong dibdib ko.
Maya-maya masuyo na niya akong hinalikan sa labi. Pakiramdam ko kami lang dalawa ni Azine ang narito ngayon. Siya lang ang nakikita at nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Sobrang gentle ng halik ni Azine na buong puso ko naman na tinanggap. Sobrang na-miss ko ang ganitong pakiramdam. Si Azine lang ang nagpadama sa'kin ng ganito.
Nabalik lang kami sa realidad nang magsipalakpakan ang lahat ng mga tao sa paligid namin. Nagbukas na ang lahat ng ilaw kaya lumiwanag na dito sa gymnasium. Nagsihiyawan pa sila at nag-cheer sa'min.
"Bakla, sobrang gwapo pala niyang si Azine. Kung alam lang namin eh di sana hindi na kami natakot sa kaniya no'ng multo pa lang siya." Napatawa kami ni Azine sa sinabi ni Paulo na nasa likuran lang namin.
"Nagulat din ako, okay?" si Je. "Anyway, congratulations sa inyong dalawa. I'm envious!" Napangiti ako sa kanila.
"Luna, congrats!" Bati din sa'kin nina Aliya at ng iba pa.
Saglit kaming napatingin ni Azine sa side nina papa at ng family niya. Lahat sila masaya para sa'min gano'n din sina Arif at Maxine. Napabaling ulit sa'kin si Azine.
"Happy New Year, my girlfriend." Napangiti ako.
"Happy New Year... my boyfriend." Napangiti kaming pareho. Niyakap niya ako ulit.
Ngayon ko lang napansin na nagbago na pala ang kinakanta ng banda. Isang masaya at masiglang kanta naman. Saglit akong napatingin sa stage.
"Happy ka ba sa surprise ko?" Napatango ako agad.
"Sobra pa sa masaya."
"Really? Then let's get married." Agad-agad akong napatingin sa kaniya na maluwang na nakatawa sa'kin.
"Azine!" Tinawanan niya ako.
"I'm just kidding." Napatawa na lang din ako sa hirit niya.
"Let's get married, Luna."
"Tumigil ka nga diyan." Napatabon na lang ako sa tainga ko kahit may hawak ako.
"Pakasalan mo na ako, Luna." Sinubukan pa nitong tanggalin ang kamay ko sa aking tainga.
"Let's get married!" Napalakas pa ang pagkakasabi niya kaya naman agad kong tinabunan ang bibig nito.
"Shut up, multo." Tinawanan niya ako.
"Hindi na ako ghost, okay?"
"Multo!"
"But you love this ghost so much. Admit it."
"Oo na po. Ikaw ang ghost-2 ko. Ikaw ang gusto ko. Happy na?" Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming napatingin sa banda at in-enjoy ang sandali.
______________________________________________________
Yehey! Sa wakas nahanapan ko na rin ng ending. BUT wait for the bunos chapter, okay?
Salamat sa mga magbabasa nito. Wait for my upcoming story. Love, love, love! Mahal ko kayo. 💙💙💙
Can I hear any comment from you, guys? ☺️ So much appreciated.
Note: UNDER MAJOR EDITING