LUNA'S POV
"Luna!"
Lumabas kaagad ako sa kotse at hindi pinansin ang tawag ni mama. Pinuntahan ko kaagad ang ikalawang palapag pero pagkarating ko doon may mga pulis pa rin at bawal ng magpapasok. Hindi ko na rin naman nakita sina Linda at Princess kaya bumaba na ako. Maraming mata ang nakatingin sa akin pero hindi ko na sila pinansin. Alam ko'ng ako ang pinagbubulungan nila. Bumalik na lang ako sa kotse.
"Si Jedda?"
"Bumalik sa school kukunin daw mga gamit niyo," sagot ni Paulo.
Inihatid na kami ni mama sa dorm. May ilan-ilang estudyante at ka-dorm din ako dito pero wala naman sila'ng sinasabi. Mga close ko rin naman kasi sila at alam ko'ng hindi nila ako basta-basta huhusgahan kaagad.
Naupo muna ako gano'n din sila mama at Paulo.
"Talaga ba'ng hindi ka sasama sa akin pauwi, anak?"
"May kailangan pa ho ako'ng gawin dito, mama."
"Pero kasi-"
"Mama, ayos lang ho ako dito kasama ko naman sina Paulo at Jedda."
"Oo nga po Tita Yvonne, hindi po namin pababayaan si Luna." si Paulo.
"Oh,sige na nga at mukhang hindi naman ako mananalo sa 'yo. Babalik pa ako sa police station para ayusin ang pangalan mo."
"Mama, 'wag ho kayo'ng mag-alala lalabas din naman po ang totoo."
"Luna, ina mo ako kaya talagang mag-aalala ako para sa 'yo. Isa pa siguradong kalat na ang nangyaring ito paano na lang kung may mang-bully sa 'yo?"
Oo nga pala. Feeling ko pagpasok ko bukas maraming sasalubong sa akin para awayin ako.
"Ako na po ang bahala don, 'ma." Napabuntong-hininga na lang si mama.
"Alam ko'ng napaka-independent mo pero kapag kailangan mo ng tulong ko sabihin mo lang anak. Nandito lang si mama."
"Salamat, 'ma." Niyakap na lang ako ni mama.
"Sige na." Napatayo na si mama kaya napatayo na din ako.
"Babalik na muna ako sa station. Asahan mo'ng sasabihin ko ang nangyari sa papa at kuya mo, okay? Luna, naniniwala ako sa 'yo, alam ko'ng wala ka'ng kasalanan sa nangyari. Mahal na mahal ka ni mama, okay?" Niyakap niya ulit ako pero saglit lang at bumitaw din kaagad.
"Ihahatid na po kita sa baba."
"Hindi na, magpahinga ka na lang muna dito. Bukas ka na lang um-attend ng klase."
"Sige po. Ingat, 'ma."
"Kayo rin. Tumawag ka sa akin kapag may nangyaring hindi maganda, okay?"
"Opo."
"Sige. Paulo, ikaw na muna ang bahala kay Luna. Aasahan kita."
"Yes, Tita makakaasa po kayo. Ingat, Tita."
"Sige, maiwan ko na muna kayo." Tinanaw ko na lang si mama na umalis. Napabuntong-hininga ako at pasalampak na naupo.
"Luna, ayos ka lang?" Tinanguan ko lang si Paulo. Tiningnan niya ang reloa at saka ako ulit binalingan.
"Tanghali na pala hindi na natin namalayan. Doon ka muna sa kwarto mo magluluto ako para makakain tayo."
"Sige "
Tumayo na ako at pumanhik sa kwarto namin ni Paulo. Pinagmasdan ko ang buong silid at ang bulaklak ang nakaagaw ng atensyon ko. Naupo ako sa bangko sa tapat nito at pinagmasdan lang.
"Luna." Napalingon ako.
"Aling Emilda."
"Ano na ang mangyayari sa anak ko? Nasaan na siya?"
"Nabalitaan niyo rin ho ang nangyari?"
"Oo." Napatayo ako at hinarap si Aling Emilda.
"Bakit ho ba gustong patayin ni Linda si Mr. Lim?" Napabuntong-hininga pa si Aling Emilda.
Lumakad siya papalapit sa may bulaklak samantalang ako ay tiningnan siya na nakatalikod na ngayon sa akin.
"Ang Mr. Lim na 'yon ang nakabangga kay Linda noon kaya siya namatay. Humingi ako ng tulong sa mga pulis pero walang nangyari. Mayaman si Mr. Lim at maraming koneksyon kaya nabalewala ang pagkamatay ni Linda." Hinarap na niya ako. May luha na sa pisngi niya.
"Pinalabas lang nila'ng aksidente ang nangyari pero hindi 'yon ang totoo. Nabangga niya si Linda dahil lasing siya noong gabing 'yon do'n sa tapat ng simbahan kung saan ka muntik ng maaksidente. Doon niya tinakbuhan ang walang buhay na katawan ng anak ko. Kasamaang-palad walang nakakita kaya madali nilang nasabi na aksidente ang nangyari pero hindi 'yon totoo.
Kaya pala doon nagpakita sa akin si Linda.
"Naiintindihan ko na ngayon kung bakit gano'n na lang ang galit ni Linda kay Mr. Lim. Kailangan ko po itong ipaalam sa mga pulis. Aling Emilda, umasa ho kayo mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Linda."
"Maraming salamat, Luna. Aasahan kita."
"Nasaan na po pala si Linda? Nagkita na po ba kayo?"
"Tinanaw ko lang siya pero hindi ko siya nilapitan kahit gusto'ng gusto ko na siyang yakapin. Dinala siya ng Grim Ripper."
"Ako na ho ang bahala mayayakap niyo rin si Linda."
"Maraming salamat." Natigilan kami ng may kumatok sa pinto. Naglaho na si Aling Emilda ako naman ay binuksan ang pinto.
"Je." Hawak-hawak niya ang cellphone ko.
"Ang papa mo," bulong niya. Kinuha ko agad sa kaniya ang cellphone saka isinara ang pinto.
"Papa."
{ "Anak, kumusta na pakiramdam mo? Nagulat na lang ako nang tumawag ang mama mo at ibalitang nasa police station ka raw. Ano ba'ng nangyari? Nasaan ka?" }
"Nasa dorm na ho ako."
{ "Bakit hindi ka umuwi muna sa bahay? Nasaan ang mama mo bakit iniwan ka diyan mag-isa?" }
"Papa, ayos lang po ako dito. Ako po ang kusang hindi sumama kay mama kasi may mahalaga pa po ako'ng gagawin. Nasa police station si mama dadaan daw ho siya do'n."
{ "Ano ba 'yang mahalaga mo'ng gagawin? Luna, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa 'yo. Pag-uwi ko pag-uusapan natin 'yan. Ako na ang bahala sa nangyari kausap ko ang mga police kanina, umamin na raw si Mrs. Lim na walang tumulak sa asawa niya. Ano ba 'yong sinasabi nitong multo raw ang pumatay sa asawa niya?" }
"Papa, kasi nakakakita po ako ng-"
{ "Sandali tumatawag ang mama mo. Kausapin na lang kita ulit mamaya." }
"Sige po. Mag-iingat ka papa diyan."
{ "Ikaw din. 'Wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, mag-focus ka sa pag-aaral, okay?" }
"Opo." Binabaan niya na ako ng tawag.
Mabuti na lang umamin na rin si Mrs. Lim na wala ako'ng kasalanan. Kaya lang dapat malaman ng mga police ang nangyari kay Linda.
Ilang sandali pa tinawag na ako ni Jedda para kumain. Lumabas na rin ako at nakahanda na pala ang pagkain.
"Maupo ka na, Luna." si Je.
Kumain na lang ako. Kanina ko pa napapansin na patingin-tingin sa akin si Je at Paulo.
Inihinto ko muna ang pagkain. "May gusto ba kayo'ng sabihin sa akin?" Napatingin na ng diretso sa akin si Je.
"L-Luna, kasi..."
"Sabihin mo na." Nagpatuloy ako sa pagkain at hinintay ang sasabihin ni Je.
"Luna, usap-usapan na ang nangyari sa loob ng campus. Halos lahat ng usapan ay ka-kasama ka." Napahinto ako sa paghigop ng sabaw.
Medyo kinabahan ako pero hindi ko na lang pinahalata sa dalawa.
"Hayaan niyo lang sila."
"Luna, baka kasi kapag pumasok ka bukas...uhm..." si Je na halatang nag-aalala.
"Ako na ang bahala, kumain na lang tayo."
"Tumawag sa akin si Tita Yvonne at ang sabi umamin na raw si Mrs. Lim na wala ka'ng kasalanan sa nangyari. Abswelto ka na, Luna, saka kahit ano'ng mangyari nasa side mo kami palagi. Luna, 'wag ka ng mag-isip masyado." si Paulo.
"Salamat sa inyong dalawa." Nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
AZINE'S POV
Lumitaw ako dito sa kwarto ni Luna. Tiningnan ko si Luna na mahimbing ng natutulog gano'n din ang katabi niya'ng si Paulo.
"Bakit nga pala tabi sila'ng matulog ng baklang 'to? Lalaki pa rin 'to kahit ano'ng mangayari, eh. Tsk?"
Pinagalaw ko 'yong bangko na nasa may study table at inilagay sa tapat ni Luna saka naupo. Pinagmasdan ko lang siya. She's sleeping at peace. Pinagdaop ko ang aking mga tuhod at nangalumbaba sa harap ni Luna. Gumalaw siya at napagilid paharap sa akin.
Maya-maya napaayos ako ng upo nang mapabaling ulit si Luna. Napatayo ako at mas nilapitan pa siya. She's having a bad dream. Pinagpapawisan na ang mukha niya at pabaling-baling.
"Hey, Luna!" Sinubukan ko siyang yugyugin pero hindi pa rin siya nagising.
"Tu-Tulungan mo ako." si Luna na nagsasalita.
"Luna! Luna, you're having a bad dream. Luna, wake up!" Niyugyog ko ulit siya.
"A-Azine. 'Wag ka'ng umalis."
"Luna. I'm not leaving you, okay? Just wake up!" Tiningnan ko si Paulo na nahihimbing pa rin sa pagtulog at nakatalikod pa kay Luna.
"Azine."
"Hey! Hey! Luna!"
"Azine." Sa wakas nagising na rin siya. Pawis na pawis at takot na takot. Habol-habol pa niya ang hininga.
"Are you okay? You're having a bad dream, Luna My God! I'm so afraid, I can't wake you up earlier. Paano na lang kung hindi ka nagising? Ngayon ko na-realized na wala talagang silbi ang isang multo."
"Azine." Natigilan ako ng yakapin niya ako bigla. She's crying silently.
"Akala ko... Akala ko kung napa'no ka na. Akala ko iniwan mo na ako." She's so tense.
"Why would I do that? I told you many times that I will never leave you. Luna, magtiwala ka lang sa akin. Kung anuman 'yong napanaginipan mo, it's just a nightmare. Panaginip lang, okay? Hindi 'yon totoo kaya 'wag ka ng umiyak."
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at tiningnan lang siya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.
"Calm down. Stay here, I'll get you some water."
Nagsimula na ako'ng maglakad pero nakakaisang hakbang pa lang ay napahinto na ako. Naisip ko 'yong sinabi ko. Napabaling ako ng tingin kay Luna na bahagyang napatawa. Napatawa na rin ako ng bahagya at napabalik ng upo sa harap ni Luna.
"Saka na lang kapag may chance." Nasabi ko na lang.
"Akala ko seryoso ka sa sinabi mo'ng ikukuha mo ako ng tubig."
"Kung gusto mo naman why not?"
Napatawa siya. "Naku, 'wag na lang kasi baka magising lahat ng boarders dito dahil sa tili kapag may nakakita ng lumulutang na baso." Napatawa kami pareho.
"Kunusta na pakiramdam mo?" Napangiti si Luna.
"Bakit?"
"Para ka talaga'ng si papa. Ganyan din ang tanong niya sa akin kanina."
"So? Ibig sabihin pareho kami ko'ng mag-isip."
"No!"
"What no?"
"Ibig sabihin magkasing-age lang talaga yata kayo ng papa ko." Saka siya tumawa. Sumandal muna siya sa headboard.
"Ah gano'n huh? Mamaya niyan magising si Paulo eh." Nilingon niya si Paulo na nasa gano'n pa ring posisyon.
"'Wag ka'ng mag-alala kasi tulog-mantika 'yan."
"Halata nga. Siya nga pala bakit ba dito siya natutulog? Wala ba 'yang sariling kwarto? At katabi mo pa, huh."
"Ano naman bakla naman 'to."
"Kahit na lalaki pa rin yan, ano! Mabuti sana kung nagigising 'yan kapag binabangungot ka kaso kahit ipa-rape mo sa sampung pating wala pa ring malay."
"Hayaan mo na nga si Paulo. Siya nga pala n-nasaan na si Linda?"
"Si Linda? Nililitis na siya."
"Ano'ng ibig sabihin no'n? May korte din ba sa langit?"
"Oo naman. Ang korte'ng 'yon ay nasa loob ng isang malaking palasyo. Puno ito ng mga palamuting tanging kulay puti lamang dahil ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan. Pagpasok mo sa litisan makikita kaagad sa gilid ang mga naglalakihang mga bangko na parang sa upuan ng hari at reyna. Doon nakaupo at nagtitipon ang lahat ng kinatawan ng langit upang litisin ang mga kaluluwang nakagawa ng masama dito sa lupa. Ang mga kaluluwang sinusundo ng mga Grim Ripper ay doon din dinadala para litisin." Mataman lang siya'ng nakikinig at halatang curious na curious siya.
"Grim Ripper? Ganap ka na nga palang Grim Ripper. Ibig sabihin ang unang kaluluwang inihatid mo ay si Mr. Lim. Si Sky naman ang naghatid kay Linda."
"Tama ka."
"Si Linda nga pala kailan siya pabababain?"
"Hindi na mangyayari 'yon."
"Huh?" Napaalis sa pagkakasandal si Luna sa headboard at tiningnan ako ng diretso habang kunot ang noo.
"Bakit?"
"Dahil pagkatapos ng paglilitis paaakyatin na rin siya. Ang hindi ko lang alam ay kung saan siya dadalhin."
"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"
"Kapag napatunayang wala siya'ng kasalanan sa langit siya pupunta pero kung hindi... hahayaan ng mga kinatawan na lamunin ng itim na kapangyarihan ang kaluluwa ni Linda at ibuga sa impyerno. Gano'n ang sistema sa taas."
"No! Hindi pwede." Napabangon siya sa kama.
"Luna, sa'n ka pupunta?" Napahinto sandali si Luna at binalingan ako.
"Kailan ang paglilitis?"
"Bukas ng umaga."
Naglakad na siya palabas. Napansin ko 'yong paa niya at sa pagmamadali ay ni hindi niya na nagawang magsuot pa ng sapin. Napatayo na lang ako at sinundan siya.
"Aling Emilda!" tawag niya. "Aling Emilda."
Binuksan niya ang cr dito sa kabila pero wala naman kaming nakita.
"Aling Emilda nasa'n ka ho? Kailangan po kitang makausap ngayon."
"Hinaan mo nga 'yang boses mo baka magising ang mga boarders nasa kalagitnaan pa ng gabi."
"Kailan ka pa nag-alala sa kanila?" Sinimangutan ko lang siya.
"Aling E--"
"Luna." Sabay kaming napabaling ni Luna sa nagsalitang si Aling Emilda.
"Aling Emilda." Lumapit kaagad si Luna dito.
"Bakit, Luna?"
"Eh, kasi ho... Aling Emilda, patawarin niyo ho ako kasi hindi ko matutupad 'yong pangako ko sa inyo na tutulungan ko kayo'ng makita ang anak niyo. Kasi si Linda lilitisin na siya bukas at matapos ang paglilitis ay hindi na siya pwedeng bumaba ulit."
"Ang anak ko." Napaiyak na si Aling Emilda. "Hindi na yata talaga kami magkikita."
"Pero may naiisip ho akong paraan para magkasama kayong dalawa."
Napatingin kami pareho kay Luna. Ano na naman ang iniisip niya?
"Aling Emilda, maari na ho kayong umakyat para litisin. Sa paraang 'yon lang ho kayo magkakasama at magkakausap ni Linda."
"Pupwede kaya 'yon?" Tiningnan ako ni Luna.
"Pwede ba 'yong gano'n, Azine?" Nginitian ko sila'ng parehas.
"Oo naman. Tutal nakapagdesisyon na ho kayo'ng lisanin ang mundo, sasamahan ko na ho kayo do'n."
"Maraming salamat." Hinarap ni Aling Emilda si Lunaa at saka nagyakap ang dalawa pero sandali lang.
"Hindi totoong hindi mo natupad ang pagtulong sa akin na makita at makasama ang anak ko, ija. Maraming salamat dahil makakasama ko na siya ngayon."
"Masaya ho ako para sa 'yo, Aling Emilda. Sabay kayo'ng aakyat ni Linda sa langit magtiwala po kayo sa Diyos." Tinanguan lang siya ni Aling Emilda.
"Aalis na ako." Nag-wave na lang si Luna sa kaniya. Saka kami naglahong sabay.
LUNA'S POV
Bumalik na ako sa kwarto. Sumampa na rin ako sa kama para matulog na ulit pero biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa side table. Si Kuya
"Bakit late na siya tumawag?" Von.Kinuha ko na lang at sinagot.
"Hello, kuya?"
{ "Why are you still up?" }
"Nagising lang ako. Bakit late ka na napatawag?"
{ "Ayoko'ng sumingit kay papa at mama, alam ko'ng kinausap ka nila kanina. So, ano kumusta ka na?" }
"Ayos naman na ako. Ah, kuya may itatanong pala ako sa 'yo."
{ "Go ahead." }
"Kuya, naniniwala ka ba sa... sa mga multo?"
{ "Hmm... Hindi ko masabi eh. Scientifically basis, ang mga doctor na kagaya ko ay hindi basta-basta naniniwala sa mga spirits but 'yong iba siguro naniniwala. May nabasa ako noon sa isang studies ng kilalang doctor na taga-U.S., na totoo raw ang mga multo pero hindi lang namin pwedeng basta paniwalaan dahil nga ang science para sa amin ay palaging may mga basehan kung bakit nangyayari at nag-i-exist ang isang bagay kagaya nga ng mga multo. Kung totoo sila ay hindi ko alam dahil hindi pa naman ako nakakakita ng mga multo. Bakit mo nga pala natanong?" }
"Wala naman curious lang ako. Eh, kuya, hindi ba may mga patient ka'ng comatose? Minsan umaabot ng 1 year, 5 years o minsan lifetime na. Tingin mo kuya totoo kaya 'yong sinasabi nila na naglalakbay na ang kaluluwa ng taong 'yon?"
{ "Tingin ko naman hindi eh. Although unconscious ang isang patient but there's a time na conscious sila like kapag nakakaramdam sila ng sakit nagre-reflect 'yon sa physical body nila. At 'yon ang pinakamasakit para sa mga patients na comatose. Teka nga ano ba 'yang mga tinatanong mo, Luna? Anyway, maganda 'yang mga ideas mo binigyan mo tuloy ako ng hint para gumawa ng research about sa mga ghost. Pwede ba kitang maging partner kung sakali?" }
"Oo naman, kuya."
{ "Sige na matulog ka na masyado ng late. Tatawag na lang ako ulit." }
"Okay. Goodnight, kuya."
{ "Goodnight!" }
Binabaan ko na siya ng tawag.
Research tungkol sa mga multo? Hindi lahat ng tao ay nakakakita ng multo, hindi ko alam kung matatawag ba 'tong ability ko na 'to na swerte o malas.
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️