webnovel

Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys

sci-fi
Laufend · 62.7K Ansichten
  • 23 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Tags
4 tags
Chapter 1Chapter 1: Meeting the Bad Boys

MIXXIA

"GISING NA!! TANGHALI NA OH!!" sigaw ng napakabait kong ate. May pagka-sarcastic ang tono ng pananalita niya.

"Oo na tsk!" Pabalang na sagot ko.

Okay, sya na talaga ang excited. Paano ba naman, new school, new friends daw.

Well, di ako masyadong excited hahahaha. Ako kasi yung tipo ng tao na-----

"ANO BA??!!! AALIS NA TAYO!!!!" Sigaw niya.

Okay galit na talaga sya.

" Sabi ko nga..."

Napabuntong hininga nalang ako.

Dali-dali akong pumunta ng banyo at naligo. Pagkatapos ay nag-ayos ako ng sarili ko. Wala pa akong uniform kaya naman ay nag mini skirt ako at off-shoulder na tops plus timberland boots. Nag-apply din ako ng light make-up.

Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako, at nakita ko si ate na nag-aalmusal.

Teka, hindi pala. Nagse-cellphone pala ang bruha..

Ayun syempre nagbreakfast ako. After nun ay nagtoothbrush din. Kasi yung iba pumapasok nalang nang hindi nagtu-toothbrush.

Eew di ba?

Hinatid na kami ni manong driver papuntang school.

Paglabas ko ng kotse syempre pinagtitinginan ako ng mga tao..

W-wait... Hindi pala ako, kundi ang sampung lalaki na nasa likuran namin ni ate.

Literal na napanganga ako sa nakita ko.

'Ang ga-gwapo!'

Nagsitilian ang mga babae pati ang mga bakla. Sa sobrang lakas ng tili nila ay tumakbo kami ni ate at nakipagsiksikan para makapasok ng tuluyan.

Nagkahiwalay kami ni ate dahil nga mas matanda sya sakin ay malayo sya kaya naman mag-isa akong pumasok. Wala pa akong kakilala dito at mukhang wala ring may gustong makipag-kaibigan sa akin

Nagtataka ako dahil may bakante ang mga upuan.

Ako pa lang mag-isa sa classroom. Kaya pala wala akong kausap.

Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin. And guess what? Wala pa din akong mga kaklase.

"Good morning, ooh.. Only one studen---" naputol ang sinabi ng teacher nang biglang may dumating na sampung lalaki???!!!

Sila yung kanina ah? Teka? Bat ako lang mag-isang babae?

Ang malas naman oh!

Awkward.

Nasa gitna nila ako!

Hayaan ko nalang, feeling ko masyado akong maganda kaya ganito ang binigay na pwesto sakin.

OMG! Masyado na naman akong feelingera!

Umupo na sila sa kanilang sari-sariling upuan. Parang slow motion ang mga nangyayari. Amoy na amoy ko pa ang scent ng pabango nila. Nasa heaven na ba ako?

Back to reality!

So heto na nga... Nagdidiscuss si sir nang biglang may nag-bato sa akin ng papel. Pinulot ko iyon at binasa. Kinilabutan naman ako sa nakasulat.

"Magsisisi kang napunta ka dito ms. Boots, hahaha" yan ang nakasulat sa papel. Lumingon ako para tingnan kung sino ang nagbato non.

"Ms. Valderama, are you listening?" Sabi ni sir.

"Aaah yes sir" Wala sa sariling tugon ko.

Kitang kita ko ang pagngisi nung leader ng mga boys.

Kala mo kung sinong gwapo. Pero gwapo naman talaga sya eh, panget lang ugali niya!

Biglang tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang klase. Balak Kong puntahan si ate sa classroom niya pero--

Nakita ko si ate sa harap ng classroom nmin na parang may kinakausap. T-teka.. Si Mr. Leader kausap nya?

Naglakad ako papunta kay ate at ngumiti sya nang makita ako.

"Mix! Halika may ipapakilala ako sayo."

Tila excited sya na ipakilala sa akin ang kaharap nya.

"Ikaw???!!" Sabay naming sabi.

"Oh.. Magkakilala naman pala kayo eh.." Sabat ni ate.

"Syempre magkaklase kami" sabay na naman naming sagot.

Kitang-kita ko ang pag-ngiti ni ate.

I rolled my eyes at tinitigan ang lalaking nasa harap ko.

"For your information, kilala ko lang sya sa mukha." Mataray kong sabi.

"Gwapo kasi ako kaya yun lang ang naaalala ng mga tao" Confident na sabi ni Mr. Arrogant Leader.

"Hindi kaya!"

"Eh bakit ka namumula?" Nakangising sabi niya

Weh?? Namumula ba talaga ako? Kinuha ko ang salamin ko at tinignan kung namumula nga, totoo nga!

"Mainit lang kasi!" inis na sigaw ko.

"Weeeh???" mapang-asar na tanong niya.

"Ehem, im still here!"- sabi ni ate.

Hmmmpt! Namumuro na talaga sya! Kung hindi lang sya gwapo... AAAARGH!! What am i saying??!! Inirapan ko nalang sya at hinila ko na si ate papuntang cafeteria.

Kasalukuyan namin ngayong pinag-uusapan ni ate kung paano sila nagkakilala nung Kent na yun. Yeah, kent ang name nya. Leader sya nung mga boys.

Kinwento ni ate isa-isa at ako naman ay puro paikinig ang ginagawa..

"Nakilala ko kasi sya nung bumibili ako ng damit sa mall. Eh nung namimili ako ng damit ay nagandahan ako dun sa black dress na may pink na linings kaya yun ang kinuha ko. Unfortunately, may kasabay ako kumuha nun at si kent yun. Akala ko nga nung una, bakla sya eh. Hahahahahah"-mahabang pagsasalaysay ni ate.

" Para kanino daw yun? What happened next after that?"- sabi ko.

"Syempre, tinanong ko sya, para kanino mo ba ibibigay yan?" Pagtutuloy ni ate.

"Ano sabi nya?" Curious na tanong ko.

" Ang sabi nya, ibibigay daw nya yon sa babaeng importante para sa kanya, natatawa nga ako kasi akala ko magagalit sya tulad nung mga nababasa ko sa wattpad na pag nagkabanggaan mag-aaway." Sunod-sunod na pagku-kwento ni ate habang tumatawa.

"Aaaah" Yan ang tanging naisagot ko.

Tila ba parang nanghihinayang pa ako. Hindi ko alam kung bakit.

Tapos na ang breaktime kaya naman ay naghiwalay na kami ni ate. Habang naglalakad ako sa hallway papunta ng classroom ko ay nabangga ako ng isang lalaki. Tumingala ako at bahagyang kumunot ang noo nang makita ko sya.

"Nage-enjoy ka bang maging kaklase namin Ms. Boots?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

'Nakakainis talaga yung Kent na yun!'

"Oy! Ms. Boots bakit hindi ka namamansin? Choosy ka pa . Ako na nga tong lugi kasi kinakausap ko ang isang panget na kagaya mo eh."

Wow! Ako? Panget? Sa kaniya ko lang narinig iyon!

Pinagkakaguluhal kaya ako sa dati Kong school noon!

"May pangalan po ako Mr. Kent! Mixxia pangalan ko! M-I-X-X-I-A!!!" Nanggagalaiti kong sabi.

Ngumisi lang sya at inunahan akong makapasok sa classroom.

Pinagtatawanan nila ako.

Bakit kaya?

Kinapa ko ang likod ko at may nakita akong papel.

'Panget ako, I'm Mixxia'

Das könnte Ihnen auch gefallen

(UNORTHODOX SERIES #1) FUME OF METAL

Life itself is mesmerizing. It holds the power to bloom or to wither. They say every breath counts. Every heartbeat is important. Every second is precious. To put it simply into words, our lives are significant. Valuable they say. Because as time passes, our lives,moments,memories and feelings get drifted along the clock. It ticks, it ticks and it ticks. Showing the definite truth that nothing stays the same,though admittedly scary, it is certain. Nothing can be rewind. Not the time. Not the moments. Not the remnants of happiness, anger, guilt, sorrow and pure ecstasy neither pure misery. Life can never go on and on and on. And unlike the ticking clock, life eventually stops. At this point, when the end of all comes, why life is valuable when we can't enjoy it forever. Where the pleasure of breathing and feeling the air enter your nose and giving out a heavy sigh and feeling the light air brushing on your hair just stops. We can't enjoy it again. Life stops. Death comes. What happens after? Do we get to feel the air again? Do we get to feel our heartbeat go from a normal throb to palpitation? Do we get to experience life just like before but only now,dead ,cold and life less? The irony.I can't even define what life is. Is it breathing? It it being physically visible? Is it having emotions? Life is an enigma. An unknown known state. Do we get to value life just like how we see it when we were alive versus when we were dead? Is the difference even that evident? Does life exist when we are dead? Does life have a long lasting value when in the very beginning, we can never measure something that can never be quantified. The morning rays hit my skin. The smell of rotten metal lingered into my nose. It was foreign but at the same time unlikely pleasant, to see,to smell, to feel the flesh brushing my bare skin and the blood cascading down my forehead,my nose my hands. Feeling its softness and its tender and cold touch. It relaxes my soul like no any other. Its beautiful brown hair,down to her cute nose and soft lips,down to her still beating heart . It was majestic to see life in its truest form. In the most alive state I could ever imagine. A beating flesh of life seemingly staring at me face to face and then, the beat of what's in front of me gradually stops. Tsskk. It hasn't even been a minute. Oh well! I'll just get another one to play with. It's a moral I can say. As my character evolved and so are my beliefs and values in life. Funny how LIFE works, yesterday I was questioning the value of life but today,the next thing I knew, I was ending lives to see its value.

DOCkguine · sci-fi
Zu wenig Bewertungen
5 Chs