webnovel

Chapter 8: Keys to Fears

MIXXIA

Para sa akin, madali lang na mahanap ang susi, basta walang mai-involve na dugo.

Yes. I'm hemophobic.

Hawak-hawak ni Von ang kanang kamay ko, at sa kabila naman si Kent. Si Sam at Venice ay nasa likod namin.

Pumasok kami sa bathroom. Nagsimula kaming maghanap sa medicine cabinet, sa toilet bowl na kanina ay nakatakip, sa shower at sa bath tub area.

"Naririnig niyo ba yun?" Nanginginig na sabi ni Venice.

Wag naman sana.

Napapanood ko kasi sa mga horror movies eh, yung mga umaapaw na dugo sa bath tub, or sa shower area.

Kaagad na pinuntahan ni Sam ang pinanggalingan ng tunog na iyon. Hinihiling ko na sana tubig iyon.

Tinakpan ni Sam ang kaniyang bibig na parang nasusuka. Papunta na ako roon ngunit kaagad akong hinila ni Von at tinakpan ang mga mata ko.

"Alis na tayo rito!" Sigaw ni Venice.

"Hindi pwede..." Kalmadong sabi ni Kent.

"Bakit naman?!" Singhal ni Venice sa kaniya.

"This is part of the game. Keys to Fears. Once na lumabas ka ng game, lahat tayo madadamay Venice, or baka mapahamak ka pa. Pumikit tayong lahat at mag-isip tayo ng isang magandang lugar. Gawin nyo na!" Sabi ni Kent na halatang gagana ang Plano niya.

Kahit hindi ko nakikita ang mga nangyayari dahil tinakpan ni Von ang mga mata ko, ay mukhang alam ko na ang tinutukoy nila. Ang hindi ko mawari ay kung paano nalaman ni Von ang pinaka-sikreto ko. Pero I'm so thankful to him. I feel safe now.

Naramdaman kong paakyat nang paakyat ang malapot, malansa, at malamig na likido. Ramdam na ramdam ko ito sa aking paa. Mabilis na umakyat ito papunta sa bewang ko.

Hanggang ngayon, wala akong maisip na lugar!

Dagat!

Pinaulit-ulit kong iniisip na nasa dagat kami at nagbababad. Magkakahawak pa rin ang kamay namin. Naramdaman kong umabot ito hanggang leeg. Ngunit kinalma ko ang sarili ko. Mga sampung segundo ang lumipas at hindi pa rin nawawala ang likido na iyon.

"Hindi gumagana!" Sigaw ni Von.

"Mukhang kelangan natin imulat ang mga mata natin..." Sabi ni Kent na may paga-alinlangan.

Sinunod namin ang sinabi ni Kent.

Blood.

Hindi ko alam pero mukhang mahihimatay ako. Pinilit ko na pigilan ang takot at iniisip ko na food coloring lang iyon.

Limang segundo ang nakalipas at biglang nawala ang dugo. Ngumiti ako.

Hindi ako makapaniwala na naharap ako ang pinaka-iiwasan kong makita buong buhay ko.

Biglang lumitaw ang caretaker nang nakangiti at may ibinigay sa aming papel.

Tinignan ko ang buong paligid at wala nang bahid ng dugo iyon. Tumingin sila sa akin at niyakap nila ako.

Well, except kay Venice.

Binasa namin ang nakasulat sa papel.

'b'

"Letter b?" Nagtatakang tanong ko.

Tumingin si Sam sa akin. Nararamdaman ko na naman ang kabog ng dibdib ko sa tuwing malapit siya.

"Obviously, that a clue." He said in a monotonous tone.

Feeling ko taong robot tong si Sam. Parang walang emosyon eh.

Tumango nalang ako at lumabas na kami sa bathroom. Nasalubong namin ang grupo nila Vince at pinakita ang clue na ibinigay sa kanila.

"M"

"Grabe! Sa tulay kami napunta! Sobrang taas!" Kwento ni Josh.

"Tulay? Eh di ba sa Master's bedroom kayo pumasok?" Curious na tanong ko.

"That's the point! Naging tulay yun!" Natatawang sabi ni Josh.

"Eh sino ba takot sa inyo sa heights?" Pahabol na tanong ni Venice.

"Si Migs"

"Ang hirap non! Pero at least nalabanan ko"

"Ako rin" Pagsang-ayon ko.

Kinuwento ko sa kanila kung saan ako takot at kung kelan nagsimula pero sumingit si Kent.

"Dalian natin at hanapin na natin ang ibang clue para matapos na to." Masungit na sabi niya.

Kung si Sam ang Human Robot, si Kent naman ay parang Babae na may Menstrual Period araw-araw.

Humiwalay na sa amin sila Vince at tumungo sa kusina. Kami naman ay pumunta sa music room.

Ang ganda. Kumpleto sa mga musical instruments. Meron rin kaming music room sa bahay, kaso piano, ukulele, guitar, at violin palang meron doon.

'Nakakamiss si ate, kumusta na kaya siya?'

Nagsimula kaming mag-hanap ng susi sa likod ng piano, sa mga music sheets at sa cabinet non.

Napatingin ako sa bintana at nakita kong may mga paparating na ipis.

Ang dami, sobrang dami.

Lumingon ako sa mga kasama ko, at nakita kong namumutla na si Venice.

Kaagad ko siyang pinuntahan at hinawakan ko ang kamay niya. Nagsama-sama na kami at hinintay ang mga susunod na mangyayari.

Kahit nakasara ang bintana ay tumagos lang ang mga ipis roon.

Nagsimula itong gumapang sa mga papunta sa amin. Ang bilis ng galaw ng mga ito.

Hindi naman ako takot sa ipis, pero nandidiri ako sobra.

Halos masuka-suka na si Venice sa mga nakikita niya. Pero pinipigilan niya para sa mission na to.

"Isipin niyong hindi yan totoo! Baka nakakalimutan nyo, nasa game tayo. Part lang to ng game." Utos ni Kent.

Ginawa namin ang sinabi niya. Hindi pa rin nawawala ang mga ipis dahil sigurado akong hindi pa kalmado si Venice ngayon.

Feeling ko ay magkaka-rashes ako. Nararamdaman ko na kumakagat ang mga ipis at nangangati na ang balat ko dahil doon.

Tatlong minuto na kaming nasa ganoong posisyon. Pinagdarasal ko na sana ay kumalma na si Venice.

Maya-maya ay unti-unting naging butterfly ang mga ipis. Nakahinga na kami nang maluwag at niyakap namin si Venice dahil nalagpasan niya ang pagsubok.

"Hindi pa rin tayo friends, Mixxia" pasimpleng bulong ni Venice.

Ma-pride talaga tong babaeng to!

Lumabas ng backstage ang caretaker. May mini-stage kasi doon sa music room. Natawa pa kami dahil natapilok siya.

"Ito ang isa sa akala Kong hindi niyo malalampasan. Congratulations. Hawak ng mga kaibigan niyo ang dalawang papel. Hero naman ang ibibigay ko sa inyo."

Binigay niya ang tatlong pirasong papel kay Kent.

Kung leadership award ang pag-uusapan, bagay Kay Kent yon.

Tinignan namin ang mga nakasulat sa papel.

'A'

'E'

Lumabas kami ng music room at nakita namin na naka-abang sila Vince sa amin.

Ikinuwento nila ang naranasan nila. Takot sa gagamba si Arthur Pero nalagpasan rin nila iyon. Naging stuffed toy na gagamba ang mga nakakatakot na tarantula.

Ibinigay nila Kay Kent ang mga papel na nakuha nila.

Umupo kami sa sahig at inilapag ang mga papel.

'B, A, M, T, N, S, E'

"Basement!"

Nächstes Kapitel