webnovel

Chapter 7: Day 2 Mission

VON

Nagising ako dahil may narinig akong nag-sisigawan. Agad akong bumaba upang tignan iyon.

"LAYUAN MO NA SI MIXXIA! AKIN SIYA!" Sigaw ni Kent habang hinihila ang kanang kamay ni Mixxia.

Kalmadong nakatingin sa kaniya si Sam at tila hindi narinig ang sinabi nito. Sa halip ay ngumiti pa siya nang nakakaloko at hinila ang kaliwang kamay ni Mixxia.

Si Mixxia ay napatingin sa akin at halata ko sa kaniyang mga mata na hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Nangungusap ito na tulungan siya gamit lamang ang kaniyang pag-titig.

Napalingon sa akin sina Sam at Von.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at niyakap ko si Mixxia at hinalikan ang kaniyang noo.

"Anong ibig sabihin nito?" Nagseselos na tanong ni Kent.

Tumingin ako kay Sam ngunit wala itong pakialam. Binitawan niya ang kamay ni Mixxia at umupo siya sa sofa. Kinuha niya ang libro sa may 'coffee table's at sinimulan uli ang pagbabasa ng libro kahit natapos na niya iyon.

"Congratulations sa inyo." Seryosong sabi ni Sam. Wala miski isang bahid ng emosyon sa kaniya.

Si Kent naman ay pumunta sa kusina at sinimulan niyang pagbabatuhin ang mga plato.

"Thank you" Bulong sakin ni Mixxia. Tumango lang ako at ngumiti.

"Von hindi mo sinasabi sa amin, girlfriend mo pala si Mixxia." Sabi ni Ace sabay bigay ng isang suntok na mahina sa braso ko.

"Sus Ace selos ka lang eh!" Tinulak ni Vince si Ace palapit kay Mixxia pero kaagad akong humarang.

"Ayaw niyo sakin?" Pagsingit ni Venice.

Huminto sa paghaharutan ang dalawa at parehas tumingin Kay Venice.

"Okay lang yan, baby sister turing namin sayo." Natatawang sabi ni Ace.

Napatingin si Venice kay Mixxia at kaagad na umirap ito. Napakamot nalang tuloy sya ng ulo.

Hindi na kami nagulat nang may lumabas na naman sa screen ang mukha ni Miss Anonymous. Pero nakasuot siya ng maskara kaya hindi pa talaga namin nakikita ang tunay na mukha nito. Ang boses niya ay sobrang matinis kaya masakit sa tenga. Hindi naman namin pwedeng pagsalitaan nang masama si Miss A kasi baka hindi na niya kami palabasim dito.

Pangatlong araw at apat na gabi na namin dito sa haunted house. Wala akong nararamdaman na multo pero simula nang pumunta kami sa basement ay mas gusto ko nang umalis.

Pero mas mabuti na rin na nandito ako para mabantayan ko si Mixxia. Nangako kasi ako sa isang tao na iingatan ko ang espesyal na babae para sa kaniya.

"Ehem Ehem"

Natuon ang lahat ng aming atensyon kay Miss A.

"Hello my dear students!" Masaya ang mission nyo ngayon! Ang gagawin niyo lang ay suotin ang mga virtual reality suits na inihanda ko sa basement! Sabay-sabay niyong susuotin yon dahil lahat kayo at magkikita-kita sa loob ng game."

"Mukhang masaya nga yan!" Na-e-e-excite na sabi niya.

Alam kong madali naming matatapos ang mission na ito dahil may mga kasama kaming 'gamer'.

"Ang tawag sa mission na gagawin nyo for today ay "KEYS of FEARS" Seryosong sabi ni Miss A pagkatapos ay humagikgik ito na parang sinasapian.

Tumingin siya sa amin at nagpatuloy sa kaniyang announcement.

"Before 7 uli nang gabi at dapat na mahanap niyo ang susi para makalabas sa game. Isang susi lang hahanapin niyo! Yun lang! Enjoy." Humalakhak muna siya nang sobrang lakas saka nag-off ang screen.

"Sa dinami-rami ng lugar, bakit sa basement pa?" Natatakot na sabi ni Venice.

Kaagad na tumayo si Sam at pumunta malapit sa fireplace upang pindutin ang button para mabuksan ang lagusan papunta sa basement.

Nagsimulang maglakad pababa si Mixxia kaya naman ay binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya.

"Parang nakita ko na to sa isang movie!" Sabi ni Arthur habang hinahawakan ang baba niya na tila pilit na inaalala kung saan niya nakita.

'Keys of Fears'

Agad kaming umupo sa loob ng capsules, at ikinabit na namin ang mga virtual reality equipment gaya ng glasses, gloves, helmet, shoes at belt.

Mission number two will start in 3, 2, 1.

Nandito kami sa isang building. Iba't iba ang costume namin at ang astig ng disenyo nito.

"Hello, welcome to Luigi's Mansion. I am Mr. Bumps, the caretaker."

Nagkatinginan sila Migs, Arthur at Mark.

"Luigi's Mansion?" Tanong ni Venice.

"It's a game!" Gulat na sigaw ni Mixxia.

"Of course it's a game,Nintendo, crazy." Mataray na sagot ni Venice.

"If you're not familiar with this game, let me show you a video."

"So we have to face our own fears?" Tanong ni Venice sa caretaker.

"Yes, at nai-program ang game na ito na automatically, made-detect ang fear mo by the helmet. It absorbs heat, and based doon sa heat galing sa katawan mo, malalaman nito kung ano ang nararamdaman mo. It's connected to the brain kaya kung ano iniisip mo at magfa-flash ito sa screen." Mahabang paliwanag ni Mr. Bumps.

Hmmm...

"I'll give you 1 minute to plan, I won't listen. Good luck!" Nakangiti niya sabi kasabay noon ay naglaho siya.

"Anong gagawin natin?" Tumingin ako kay Kent. Halata pa rin na may Sana ng loob ito sa akin.

"Hanggat maaari ay huwag natin isipin na natatakot tayo." Seryosong sabi niya.

"Mahirap gawin yang sinasabi mo!" Singhal ni Mixxia.

"Tama si Mixxia, paano kung alam ni Miss A ang fears natin? At yung caretaker! Baka kasabwat niya Yun?!" Sabi ni Venice.

Ngayon ko lang nakitang sumang-ayon si Venice kay Mixxia. Napatingin ako sa malaking orasan sa loob ng Mansion ni Luigi.

"Time's up!" Nagulat kami dahil biglang sumulpot si Mr. Bumps.

"Bahala na!" Naiinis na sabi ni Kent.

Nanginginig ang kamay ni Mixxia sa takot kaya hinawakan ko iyon. Napatingin siya sa akin ngunit kaagad na ibinaling ang tingin sa paligid.

"Mag-ikot lang kayo rito sa loob ng bahay at hanapin ang susi. Kayo ang bahala kung maghihiwalay kayo o hindi. Pero 'wag na 'wag kayong pumasok sa mga kwarto nang mag-isa! I will say this once again, good luck!" Tumawa pa si Mr. Bumps bago maglaho ulit na parang bula.

"Hahatiin ko ang grupo." May autoridad na mungkahi ni Kent.

"Hindi pwedeng humiwalay sa akin si Mixxia."

Tumango lang siya.

"Kung ganoon ay kayo Mark, Ace, Migs, Arthur at Josh ang magkakasama. Ako, si Venice, Mixxia, Sam at ikaw, tayo ang magkakasama."

Nächstes Kapitel