webnovel

Chapter 16: Day 4 Mission

MIXXIA

Hinihintay namin ang mga susunod na questions ni Miss A.

Maya-maya ay lumabas siya sa screen, hudyat na magsisimula na ang aming mission.

"Na-miss niyo ba ako? Tinatamad ako gumawa ng iba pang codes kaya Caesar's cipher pa rin ang ginamit ko. Aba, dapat ay matuwa-tuwa kayo dahil napakadali lang non." Nakangisi niyang sabi.

"Dami mong alam!" Satsat ni Kent.

"Mana ka talaga sa tatay mo!" Singhal sa kaniya ni Miss A.

"Huwag mong idadamay si Daddy dito!" Kent clenched his teeth out of anger.

"Well, sige huwag ko siyang idadamay sabi ng anak sa labas ni Mr. Spencer..." Miss A smirked.

Parang familiar ang pag-ngiting iyon. Parang nakita ko na somewhere.

Mas lalong nagalit si Kent at akmang babatuhin ng remote ang screen. Kaagad na hinawakan siya ni Von at ni Sam.

"Chill bro, baka mamaya patagakin nya ang pag-stay natin dito. Paglabas natin dito, saka na natin pag-usapan lahat." Mahinahong sabi ni Von.

Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon.

"Ibigay mo nalang mga questions para matapos na ito." Bahagyang kumalma si Kent.

Humalakhak muna si Miss Anonymous bago magpatuloy sa kaniyang sasabihin.

"Since tinamad ako, ibibigay ko na lahat ng questions, shift of 7. Kayo na bahala ha. Good luck!"

Naka-flash sa screen ang mga questions.

Next question:

'jhwpahs vm zvbao rvylh'

"Shift of 7 sabi ni Miss A so..." Kent said while looking at the Alphabet we wrote.

Shift of 7.

Example: J (shift of 7 -count backwards) = C

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Dahil sa tinuro na technique ni Kent mapapadali ang pagde-decipher namin ng code.

"Capital of South Korea..." bulong ko na narinig nila.

"Seoul! Ang capital ng South Korea ay Seoul." Masyadong proud na sabi ni Venice.

Tsk. Lahat naman ata kami alam 'yon.

We turned on the microphone para hindi na kami mahirapan mag-type. Nakakamangha dahil sabi ni Miss A ay sya ang gumawa ng mga high tech devices na gamit namin ngayon.

"Seoul is correct!" Sabi ng robot sa screen.

Next question:

"dov whpualk aol chzl dpao mpmallu zbumsvdlyz?"

Shift of 7.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

D= W

O= H

V= O

W= P

H= A

P= I

U= N

A= T

L= E

K= D

A= T

O= H

L= E

C= V

H= A

Z= S

L= E

D= W

P= I

A= T

O= H

M= F

P= I

M= F

A= T

L= E

L= E

U= N

Z= S

B= U

U= N

M= F

S= L

U= O

D= W

L= E

Y= R

Z= S

Napaisip ako. Wala naman akong masyadong alam sa mga painters. Especially sa international painters. Iilan lang ang kilala ko at possible na isa doon ang tama.

Ben Cab... Van Gogh...

Sino pa ba?

"Mark! Mahilig ka sa arts di ba? Baka kilala mo to" sabi ni Vince habang niyuyugyog ang kanina pang nag-iisip na si Mark.

"Isa yan sa mga famous still life painting ni Vincent Van Gogh..." Nakangiti niyang sabi.

"Vincent Van Gogh is correct!"

Next question...

"For 7 points... Para tapos na!"

Halatang tinamad talaga si Miss A dahil hindi na niya kami masyadong pinahirapan.

"p ohcl jpaplz, iba uv ovbzlz. p ohcl tvbuahpuz, iba uv ayllz. p ohcl dhaly, iba uv mpzo. doha ht p? "

Ganun uli na proseso ang ginawa namin. Hindi na kami nahirapan dahil nasanay na kami.

Shift of 7.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Napaisip kami dahil isa na naman itong riddle.

"I have cities, but no houses. I have mountains, but no trees. I have water, but no fish. What am I?" Malakas na pagbasa ni Kent pagkatapos niyang ma-decipher ang code.

Hmmm.

Ano naman kaya yun?

"Country!" Malakas na sigaw ni Venice.

"Eh?" Napa-amang ako.

"Country is incorrect. You have two tries left."

"Ano ba Venice! Huwag kang sasagot basta-basta!" Naiiritang sabi ko.

"Wow ha! Suggestion lang naman!" Pabalang na sagot ni Venice habang umiirap pa.

"Tama si Mixxia. At saka hindi rin specific sagot mo. Kasi kung country yon, malabo. May mga cities ang isang country at sa mga cities, may bahay lahat halos venice." Sabi ni Sam na halatang may pagka-bored ang tono.

'Thank you Sam. I love you.'

What? Ano yung naisip ko! Naku! Mixxia! Concentrate! Focus!

"So baka Universe?" Sagot na naman ni Venice.

Napa-hawak ako sa ulo ko para tignan kung nilalagnat na ako dahil sa mga sagot ni Venice.

"Universe is incorrect! You only have one last try or else it will be gameover for you." Narinig ng robot ang sagot ni Venice kaya naman lalo kaming nanggihil.

Kinuha ni Ace ang isang panyo sa bulsa niya at tinakpan ang bibig ni Venice at siniguradong hindi na ito makakapag-salita uli.

"Manahimik ka nalang Venice!" Naiiritang sabi ni Kent.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ni Venice at ganun ang sagot niya.

"Ano susuko na ba kayo?" Humahalakhak sa tuwa si Miss A dahil inaakala niyang hindi namin ito masasagot.

"May naiisip ka ba Mixxia?" Tanong sa akin ni Von.

"Meron kaso hindi ako sure eh, nakakatakot magkamali."

Ayoko magmagaling dahil nakasalalay sa nagiisang sagot ang mga buhay namin. Oo, masasarap mga pagkain dito, at wala kaming ginagawa pero, gusto na namin makasama pamilya namin.

Tumitig sa akin si Von at hinawakan ang aking kamay.

"May tiwala kami sayo Mixxia."

Nabaling ang atensyon ko sa mga matang nakatitig sa akin.

Kaya mo to Mixxia.

Para sa lahat.

Inhale...

Exhale...

"Map. It has cities, but no houses. It has mountains, but no trees. It has water, but no fish."

Kinakabahan ako.

"Map is correct! Congratulations! Nakapasa kayo sa pang-apat na mission. 12 missions left. Magpahinga muna kayo, wala munang pagsubok bukas." Mahinahong sabi ni Miss A na may bahid na pagkamangha sa kaniyang mga mata.

Tuwang-tuwa kaming lahat at niyakap nila ako.

Except kay Venice na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang bibig.

Tinanggal ni Ace ang panyo at agad siyang pinagsususuntok ni Venice.

Tumatawa lang kami lalo na kapag naaalala namin ang mga sagot niya.

Lumapit sa akin si Sam at hinawakan ang kamay ko.

"Sam?" Tanong ko nang may pagtataka.

"Kent, Mixxia, anong Sam ka jan... Duling!" Nakakunot ang noo ni Kent at marahas na hinila ako papuntang kusina.

Nächstes Kapitel