webnovel

Chapter 2

Ali Jerrica

Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit,kakagaling ko lang sa trabaho,and it's already 10:48! Hay,nakakapagod!

Tumayo ako,at nagtungo sa kitchen,shet! nakakagutom!,tamad kong binuksan ang mini ref,nanghina ako ng makitang tubig at left over na lasagna at pizza mula kagabi ang nasa loob nito,shocks! Nakalimutan kong mag grocery! Napabuga ako ng hangin at kinuha yung mga tirang pagkain pati yung tubig. I have no freaking choice! Wala pa kong sahod,ayoko namang mangutang kay Liv,baka di ko mabayaran! Tsk!.

Ininit ko yung pagkain sa micro. at naghintay ng ilang minuto. Matapos yung mainit ay hinanda ko na sa mesa at marahang umupo,tahimik akong kumain at tahimik ring hinugasan ang pinagkainan ko.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kama,bale isa lang lahat pagpasok mo sa apartment ko,deretso mong makikita ang table,small kitchen,isang sofa at table,tv,aparador at kama,nasa isang kwarto lang lahat.

Humiga ako ulit sa kama at tumungangang tumingin sa kisame. Hihingi na ba ko ng tulong? Mabilis akong umiling sa naisip at tumagilid ng higa.

Kaya ko to! ...kaya ko pa!.

Hindi ako makatulog!  bumaling ulit ako sa kabila pero hindi magawang pumikit ng mata ko, tumingin ako sa maliit na orasan sa gilid ng kama shit! 11:52 na,hindi parin ako nakakatulog !. may klase pa ko bukas!  umupo ako sa kama at tulalang tumingin sa kawalan.  Tumayo ako mula sa kama at naglakad palabas. 

Magpapahangin muna ako,maghihintay na dadalaw ang antok, madilim ang paligid pero may ilaw ng poste naman kahit papano, naglakad lakad ako hanggang naka abot ako sa parke.

Umupo ako sa swing at dinuyan ito ng marahan, tulala lang ako sa kawalan at nag iisip kung pano ko ipagkakasya ang oras ko. Siguro hindi nalang ako matutulog, mamaya nalang pagkatapos ng klase,wala naman akong trabaho, tama! dun ako sa tambayan mag papalipas ng oras!  hindi ko alam kung anong oras na pero di parin ako nakakatulog,pesting insomnia to! 

Napabuntong hininga nalang ako bago maisipang tumayo mula sa duyan, uuwi nako lumalamig na masyado dito,mabilis akong naglakad pabalik sa apartment lalo na't delikado na rin sa ganitong oras,napayakap ako sa sarili ng biglang humangin. 

Mas binilisan ko pa ang paglakad hanggang makarating ako sa apartment,napabuga ako ng hangin dahil sa lamig at dumeretso sa kusina, kumuha ako ng mug at nag init ng tubig. Kinuha ko ang selpon sa maliit na mesa sa gilid ng kama at bumalik sa kusina, nag facebook lang ako saglit bago nagtimpla ng gatas, sinulyapan ko ang relo ko at mag aala una y medya palang.

"anong gagawin ko? ang layo pa ng oras!" inis kong sabi,tulala akong tumingin sa kawalan,nag iisip ng pwedeng libangan habang naghihintay mag umaga.

Hindi ko alam kung ilang oras akong ganun ng tignan ko uli ang relo ko, 3:00? isa't kalahating oras akong tulala? tangina ,grabe naman yun!. Isinandal ko ang ulo sa mesa at hindi ko alam kung anong oras nako nakatulog.

*ring* *ring* *ring*

Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko, inaantok kong sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino .

"Hello?" bati ko pero walang sumagot, kunot noo kong tinignan ang caller pero walang pangalan, sino ba to?

"Hello?,sino to?" tanong ko pero wala paring sumagot kaya inis ko siyang binabaan, bwesit! umagang umaga may nambebwesit, hindi pa man nag iisang minuto ay tumunog ulit ang cellphone ko  at parehong numero ang tumawag kanina lang.

"Puta! kung sino ka man,wag kang mambwesit, hindi maayos ang tulog ko kaya kung ayaw mong-"

"Ali" natigilan ako ng marinig ko ang boses niya, te-teka,ki-kilala ko ang boses na to, napalabi ako at hindi nagsalita , it's been 3 years, since I heard his voice, nalungkot ako bigla, gusto ko siyang makita. 

"Ali,baby, I miss you" I miss you too kuya, gusto kong sabihin pero nanatili akong walang imik

"Ali? magsalita ka naman, na mi miss na kita bunso, kailan ka ba babalik sakin?" tanong niya,narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya, siguradong malungkot siya ngayon.

"Hindi ko alam kuya,bye" ibinaba ko ang tawag at binlock ang number niya, I'm sorry kuya,babalik naman ako pero di pa ngayon.

 Napatingin ako sa oras sa cellphone at nanlaki ang mata ng mapagtantong alas dos na,tangina! ganun ako katagal nakatulog? putek absent nako ,mabuti nalang at wala kaming quiz o report ngayon kaya okay naman siguro yun. 

Tumayo  ako at hinilot ang batok aray!,sakit ng leeg ko ,dumeretso ako ng banyo at naligo, pagkatapos ay binuksan ko ang TV, ang panget ng palabas! tsk.

Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad,nagugutom ako pero wala nakong pera,pamasahe ko na lang ang natira at sa katapusan pa ang sweldo ko, titiisin ko nalang, kaya ko na to.

Nakarating ako  sa park at umupo sa bench,pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro kasama ang pamilya nila,mga mag jowang naglalambingan at mga kagaya kong nag iisa nakatanaw sa malayo ang iba at parang iniisip ang kanilang mga problema. Isang oras lang ang inilabi ko don at naisipan na umuwi nalang,maiinggit lang ako sa mga tao dun, napahinto ako sandali sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko.

Liv calling~~

"Sup Liv?,i'm okay" medyo inilayo ko ang cellphone dahil talagang mabibingi ako sa boses nito.

"ALI,ASAN KA? BAKIT DI KA PUMASOK, MAY SAKIT KA BA?" see? ganyan siya palagi, she's over reacting sa mga bagay bagay.

"Umatake ang insomnia ko kaya matagal akong nakatulog,alas dos nako nagising" paliwanag ko sa kanya,narinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Kumain ka na ba?" napakagat ako ng labi at napapikit sa tanong niya,God ! she really knows my needs.

"Oo naman!" pinagsigla ko ang boses ko para hindi niya mahalata pero hindi ako nagtagumpay.

"Nagsisinungaling ka Ali,alam kong hindi ka pa kumakain, mabuti nalang tama ang instinct ko, hays baby Ali don't worry pinapunta ko si Sef diyan para samahan kang kumain, can't go there may pupuntahan ako ngayon eh ,emergency,sorry baby Ali,see you tomorrow,okay bye"  hindi manlang ako pinagsalita tsk, malapit nako sa bahay ng matanaw ko angn pamilyar na kotse

Naningkit ang mata ko ng may bumabang isang lalake mula don, nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalake,naalala ko bigla ang sinabi ni Liv, pinapunta ko si Sef diyan para samahan kang kumain- shit! ,nagmadali akong naglakad patungo sa kanya, hindi niya ko napansin dahil nakatanaw siya sa gate at parang tinitignan kung may tao ba sa loob ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" kahit alam ko kung bakit siya nandito ay di ko parin maiwasang magtanong. Pwede naman siyang di pumunta,pwede naman siyang humindi. Gulat siyang tumingin sakin, hindi niya siguro inaasahan na nandito ako.

"A-Ali, nandito ka?" gulat niyang sabi,nagtagpo ang kilay ko,mukha bang nandon ako? tangina ha.

"Ano bang klaseng tanong yan?,bakit ka nandito?" inis kong sabi sa kanya. 

"ah,kasi -pinapunta ako ni Liv dito pa-para samahan kang ku-kumain" 

"hindi yan ang ibig kong sabihin, bakit ka pumunta? pwede ka namang humindi" napakamot siya ng ulo na parang hindi alam ang sagot sa tanong ko.

"Nevermind,may dala ka bang pagkain?" alam ko makapal mukha ko pero nagugutom nako talaga,bala na. Napakagat siya sa ibabang labi kaya kumunot ang noo ko. wag mo sabihing-

"Wala?"

"Ah naisip ko kasing sa isang resto nalang tayo kumain" Agad na bawi niyang sabi.

"Mag grocery nalang tayo,magluluto ako,ayoko sa resto"  bigla siyang ngumiti kaya nagtaka ako,ano namang ningi ngiti ngiti nito? nabaliw na ba siya.

"Marunong kang magluto?" napatanga ako sa sinabi niya, nakakabobo mga tanong niya.

"Bakit, hindi ba dapat?" nakakainis siyang kausap,parang bata, umiling naman siya at ngumiti ng malapad.

"Hindi naman,wala lang sa itsura mo" inismiran ko lang siya at inirapan,ang daldal niya.

"Halika na,kanina pa ko nagugutom" yaya ko sa kanya at naunang pumasok sa kotse niya.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Liv?" tanong niya habang kumakain,nilunok ko muna ang kinakain at uminom ng tubig bago siya sinagot.

"5 years" natigilan siya sandali pero agad ring nakabawi.

"Matagal na rin pala" simpleng sabi niya bago tinapos ang pag kain.

"So nasan ang pamilya mo ngayon,bakit ikaw lang mag isa sa isang apartment  na to?" agad akong napatigil sa pagsubo sana sa tanong niya,malamya ko siyang tinignan.

"Bakit ka nagtatanong?" bahagya siyang nagulat at natameme sa sinagot ko kaya marahan siyang nag iwas ng tingin

"Sorry" paumanhin niya pero di nako sumagot at niligpit ang pinagkainan namin,nagsimula akong hugasan ang mga pinggan.Narinig ko ang mga yapak niya patungong sala, agad kong tinapos ang mga hugasin, sandaling tumingin ako sa bintana at nakitang madilim na ang labas.

"Hindi ka ba aalis, madilim na sa daan at traffic pa " Sabi ko tsaka nagpunas ng kamay sa maliit na towalya. Aligaga siyang napatingin sa relo niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Oo nga pala, si-sige mauuna nako,s-salamat sa luto mo" sabi niya habang patungo papunta sakin,binuksan ko naman ang pinto at lumabas,ihahatid ko lang siya sa labasan.

 Marahan naman sakong tumango bago lumabas ng gate. Pumasok siya sa kotse at pinaandar ang makina,bago pa siya makaalis ay kinatok ko ang bintana,agad naman niya yung binuksan.

"Salamat" sinserong sabi ko, ngumiti siya at tumango bago tuluyang umalis.