webnovel

Chapter 3

Ali Jerrica

I have to let you go, I can't have you...

Sinara ko ang libro matapos ang huling pahina,nakakalungkot na hindi sila nagkatuluyan,pero ganun naman talaga diba? yun ang totoong ending.

Hindi naman talaga masaya,walang happy ending.

Para sakin ay isang temang ang naglikha ng salitang yan,paano magkaroon ng happy ending kung hindi naman sila magkakatuluyan.

Napailing ako sa naisip,bakit ko nga ba pinoproblema yun,wala dapat akong pakialam dahil wala namang kabuluhan ang pangyayaring yun.

Kagaya ng nakasanayan ay nandito ako sa tambayan mag isa, hindi ko makita si Liv, siguro ay lumiban na naman siya sa natitirang klase niya,pasaway talaga.

Nagmumuni muni lang ako sa paligid ng nag ring ang selpon ko,agad ko tong sinagot ng mabasa ang pangalan ni Liv.

"Sup Liv?"

"Hi baby Ali,pwede bang ikaw nalang ang sumama kay Sef sa mall,okay thanks-" Napakunot ang noo ko ng di ako nakapagsalita,ano?! Ako? Sasama sa Mall? Tangina,bakit mo to ginagawa Liv?!.

Tumayo ako mula sa damuhan at pinagpagan ang sarili bago naglakad papunta sa classroom.

"Class dismiss" mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko,pero nanatili akong nakaupo at nakatingin sa bintana.

"Ali?" Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin sa bintana.

"Ali,okay lang ba sayo?,baka ayaw mo,wag na lang" sabi niya pero hindi ko parin siya pinansin.

Bakit ba to nangyayari?,hindi dapat ako ang sumasama sa kanya.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako maka hindi!.

Huminga ako ng malalim bago inayos ang gamit at binitbit ang bag.

Nakatingin lang siya sakin na para bang naghihintay kung anong sasabihin ko.

Ng papalampas nako sa kanya ay tumigil ako sa gilid niya.

"Halika na" sabi ko tsaka naunang naglakad.

And i knew from that day magababago na ang lahat.

Ring.ring.ring

"Hello?" Sagot ko sa kabila.

"Hi babe,uhm I'm in the Abel Restaurant, uh.....uhm-"

"You want me to come over" pagtapos ko sa sasabihin niya.

"Uh... yeah, can you?" Alanganin niyang tanong.Always Sef...

"Yeah,papunta nako" tinignan ko ang oras at limang minuto nalang bago matapos ang trabaho ko.

"Okay thank you babe" sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Inayos ko muna ang mga papeles sa mesa bago kinuha ang bag at lumabas ng coffee shop. Sumakay ako sa kotse at nagtungo sa Abel Resto.

Pinark ko ang kotse bago naglakad papasok sa Resto. agad ko siyang nakita sa dulo na alanganing kumakaway at awkward na ngiti.

"Hey, I'm sorry na naabala pa kita" sabi niya at pinagtabi ako ng upuan, ngumiti lang ako bago umupo.

"Uhm,order ka na babe,nagugutom na ko eh" tumaas ang isang kilay ko at umirap.

"Stop calling me babe,Sef, baka akalain nila girlfriend mo ko" sabi ko bago tumawag ng waiter at nag order.

" Eh endearment lang naman yun,bahala sila mag-isip,tsaka -" tumigil siya sa pagsasalita kaya napatingin ako sa kanya bago tinapos ang pag order.

"Tsaka? - she ditched you again" pagtapos ko, ngumiti naman siya ng maliit at huminga ng malalim.