webnovel

Chapter 1

Ali Jerrica

Baby I don't feel so good,"six words you never understood~~

I close my eyes and sway my head a little at sinabayan ang kanta na pinakikinggan ko.

"I'll never let you go,five words you'll never say~" I was just feeling the moment when i heard someone spoke,binuksan ko ang mga mata ko at napatingala sa taong nasa harap ko,umupo siya habang nagsasalita pero di ko maintindihan dahil medyo may kalakasan ang music  sa earphones ko.

Tinanggal niya yung isa  kaya napakunot ang noo ko,tinaasan ko siya ng kilay asking kung may kailangan ba siya.

"Kanina pa kita hinahanap,ito oh sandwich,sabi ni Liv di ka pa daw kumakain ng breakfast,kaya dalhan daw kita" sabi niya,malamlam ko siyang tinignan bago tinanggap ang sandwich,napabuntong hininga ako bago tumayo mula sa kinauupuan kong mga damo,napatayo rin siya at tarantang sumabay sakin sa paglalakad.

Hindi ko siya pinansin at ibinulsa ang earphones pati narin ang cellphone ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag buka ng bibig niya na parang may sasabihin pero hindi niya tinuloy.

Napabuntong hininga ako at hinarap siya.Hindi ko alam kung bakit siya sumusunod sakin kung wala na naman siyang kailangan o ibibigay pa.

"May kailangan ka-" "di mo ba kakainin yung sandwich?" Naputol ang itatanong ko ng sabay kaming magsalita.

What? The sandwich? napatingin ako sa kamay kong dala dala ang sandwich,nakita ko ang palaman nitong patty and egg. Nangunot ang noo ko at napatingin sa kanya.

"Ikaw ba bumili nito?" Tanong ko,nag isang linya ang labi niya at tinignan ang sandwich bago tumango.

"Ayaw mo ba niyan?,hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya yan nalang binili ko" paliwanag niya,tumango ako at naglakad leaving him behind. Naramdaman kong sumunod parin siya sakin wtf is his problem?!...

"Ayaw mo ba niyang binili ko,gusto mo bilhan nalang kita ng bago,o kain tayo sa labas? My treat!" Masiglang sabi niya,at humarang pa sa harap ko. I'm getting annoyed with this man!

Hindi ko siya pinansin at nilampasan,nakita ko pa ang pagsimangot niya,hindi na naman siguro siya susunod diba?.But One damn sentence again at pagsasabihan ko na siya.

"Ali,sumagot ka naman,sige na let's eat breakfast, treat ko!" Pag uulit niya,and i swear nakita niya kung pano nagsalubong ang kilay ko at nag isang linya ang labi ko.

Pero hindi padin siya tumigil sa pangungulit and i have no choice but to speak something.

"Look- uh Mr,i get it,alam kong boyfriend ka ni Liv at alam kong alam mo rin ang relasyon namin,you don't need to be friendly,mag focus ka na lang kay Liv" litanya ko,bago iniwan siyang naka kunot noo.

I never liked Liv's relationships,well Liv wasn't the type of a person na seryoso sa relasyon,naalala ko pa ang sinabi niya,'Ali,you shouldn't take boys seriously dahil iba na ang henerasyon ngayon, you have to play with them para hindi ka matalo at masaktan!

Naalala ko pa ang mga karelasyon niya,some common cause of break ups are jealousy, bakit ba naman kasi pumasok sila sa relasyong alam nilang hindi naman seryoso,yung isa naman napaka possessive, Liv hate that kind of attitude, and last break up was I don't know, like a some kind of nakakita si Liv ng katapat niya,una okay pa,pero nung nagtagal sabi niya boring na daw kaya,break!And throughout that events I still supported her,she's my best friend after all,but this one,he's to friendly and serious, hindi ko alam kung aware ba siya sa mga past ni Liv, but i don't care,and Liv is just full of weird surprises.

Napailing nalang ako sa mga naisip ko, I need to eat breakfast may klase pa ko within 1hour,nadako ang paningin ko sa sandwich na nasa kamay ko parin, nakalimutan ko to, I shaked  my head at ipinasok sa bag ang sandwich.I'm freaking allergic to pork and eggs, mabuti nalang at may malapit na karinderya  dito sa school,mabilis akong naglakad papunta dun.

"Okay Class Dismiss!" Mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ko,habang ako'y inaayos pa ang mga gamit,wala naman akong lakad o ano kaya bakit ako magmamadali? I take my time Seriously and surely...

Napatingin ako sa phone ko ng rumehistro ang mukha ni Liv,agad ko yung sinagot at binitbit ang bag palabas.

"Hey Liv,sup?"

"Hi baby Ali,hindi kita masusundo,may lakad ako with Jem, but don't worry tinawagan ko si Kesef,siya nalang susundo sayo" paliwanang niya,napailing nalang ako but when I realize what she just said,nanlaki ang mata ko.

"What? Bakit mo ginawa yun Liv?" Inis kong sambit sa kanya,wth?!

"It's okay baby Ali,anyways got to go,nasa parking lot siya naghihintay,babye-" maysasabihin pa sana ako pero binaba na niya,kaya no choice ako kundi pumunta sa parking lot. I should have brought my car.

Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya habang nakapikit. Mabilis akong nagtungo sa kanya at kinalabit siya. Dahan dahan niyang binuksan ang mata niya at deretso itong napatingin sakin.

"Kesef, right?" Tanong ko,tumango naman siya at umayos ng tayo.

"You can go now,sorry sa abala,I can take it from here." Sabi ko,at iniwan siya dun.Sorry for being rude...

Naglalakad ako papuntang waiting shed habang nakikinig ng music,ng may humawak sa braso ko,gulat at kaba akong napatingin dun sa tao.

Inis kong tinanggal ang earphones ko at hinarap siya.

"Wtf! Is your problem?!, bakit ba basta basta ka nalang nanghahawak?!" I was fuming mad!,akala ko holdaper o rapist!,kagat labi siyang napakamot sa batok bago sumagot.

"Pasensya na,kanina pa kasi kita tinatawag,di ka naman nakikinig naka headset ka pala" paliwanag niya,ano na naman ang kailangan niya?!

"Ano bang kailangan mo?!,kanina ka pa,naiinis nako sayo!" Pigil kong sumbat sa kanya. Napangiwi naman siya,pero agad ring ngumiti

"Liv's right,masungit ka nga talaga" tinaasan ko siya ng kilay,yan lang ba ang sasabihin niya?! Puta! Magsasalita na sana ako ng may pahabol pa siya.

"At bago ka magsalita,please Ali,sumabay ka na,binilin ka ni Liv sakin,magagalit yun pag nalaman niyang di kita nahatid" mapilit ang lalaking to,hindi ko alam kung ano ang nakita sa kanya ni Liv, but shit! Napatingin ako sa relo ko, mag aalas 5 na,napahilot ako sa sentido ng maalalang may trabaho pala ako ngayon,it's freaking friday! Shit! Akala ko saturday ngayon!. I have no choice kundi sumakay sa kanya.

"Tsk!,sige,but let me make it clear-" tumigil ako sandali at tumango naman siya. "ito ang una at huli na sasabay ako sayo,is that clear Mr.?!" Pagtuloy ko. Ngumiti naman siya at tumango,Seriously! Puro siya tango!.

"Okay,let's go!" Sabi ko sabay lakad pabalik sa parking lot.

"Dito nako" marahan kong sabi,tinigil niya ang kotse sa harap ng coffee shop, mabilis kong tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto,pero bago pako makakababa,nagsalita siya.

"Anong gagawin mo dito? May kikitain ka ba?" Curious niyang tanong,hindi ko siya tinignan at umirap bago bumaba. Sinara ko ang pinto at papasok na sana ng bumusina siya,kaya humarap ako sa bintana ng kotse kasabay ng pagbaba niya dun.

"Ano na naman ba?!" Puta ang kulit ng lalaking to!.

"Ingat ka mamaya pag uwi" sabi niya at ningitian ako,pero tinaasan ko lang siya mg kilay at inirapan,tinalikuran ko siya at pumasok na sa coffee shop, I'm 23 minutes late!

Humingi ako ng paumanhin sa boss ko na nasa counter,mabuti nalang at mabait siya,nagtungo na ko sa locker room at nagbihis,pagkatapos ay pinalitan ko na si boss sa counter.

Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako sa labas,wala na siya' agad ring napaiwas ang yingin ko at nag focus sa customer na mag oorder,napa tsk! nalang ako at napailing. What a stressful day!.

Next chapter