webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Gusto Kong Subuan Mo Ako

Matapos ang tila walang hanggang paglalakad ay nagtanong si Gu Jingze, "Malayo pa ba tayo?"

Noon lang napagtanto ni Lin Che na medyo nawala sa isip niya ang Mala Soup na siyang sinadya nila doon. Lumagpas na sila.

"Naku, lumagpas na pala tayo. Medyo malayo na tayo roon," nahihiyang sagot ni Lin Che.

Napaawang ang bibig ni Gu Jingze, "Pambihira… Kung sabagay, makakalagpas talaga tayo. Saan na naman ba nagpunta iyang isip mo?"

"Nilamon mo. Hmph," inirapan ni Lin Che si Gu Jingze at naiinis na sinisi ito sa kanyang isip. Kung hindi san anito biglaang hinawakan ang kamay niya, edi sana'y hindi mawawala sa isip niya ang pakay nila.

Iniwasan niyang tumitig sa mata nito at sinabing, "Okay, okay. Bumalik nalang tayo. Hindi pa naman iyon gaanong malayo dito."

Hindi pa rin binibitawan ni Gu Jingze ang kanyang kamay at hindi na rin niya pinansin pa iyon. Maya-maya lang ay narating na nila ang stall ng Mala Soup at nakita nilang puno na ng mga tao doon. Karamihan sa mga nandoon ay mga studyante.

Nagmamadaling nakisiksik si Lin Che para humanap ng mauupuan. Napansin niya na hindi gaanong nagbago ang lugar na iyon at hindi niya mapigilang maalala ang kanyang kabataan. Pinaupo na muna niya si Gu Jingze at sinabing hintayin siya doon habang nag-oorder siya ng pagkain.

Habang nakapila ay napatingin siya sa kanyang mga kamay at naalala kung paano sila naglakad nang magkahawak-kamay kanina. Para siyang baliw na napangiti.

Habang naghihintay ng kanyang pila ay panay ang lingon niya kay Gu Jingze. MAtuwid ang pagkakaupo nito at manaka-nakang inililibot ang tingin. Halatang hindi ito sanay sa ganoong lugar. Kumbaga isa itong mamahaling painting na nakadisplay sa isang masikip na kalsada.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay napansin si Gu Jingze ng mga dalagang kumakain din doon.

"Wow. Ang gwapo naman ng lalaking iyon."

"Sobrang gwapo. Sa school ba natin siya pumapasok?"

"Hindi siguro. Mukhang propesyonal kasi ang suot niya."

"Para siyang artista. Hoh! Di ko kaya 'to. Pakiramdam ko'y mahihimatay na ako sa kakatingin sa kanya. Sino'ng gustong sumama sakin para lapitan siya at batiin?"

"Ayoko nga. Ikaw na lang."

Napabuntung-hininga na lang si Lin Che, mga babae talaga ngayon… Hindi man lang marunong magpigil ng kanilang sarili.

Pero totoo naman kasi na palaging nakukuha ni Gu Jingze ang atensyon saan man ito magpunta.

Samantala, parang balewala lang kay Gu Jingze ang mga titig na ibinabaling sa kanya. Tahimik lang siyang nakaupo doon at walang ideya na para siyang isang bituin na nagniningning sa mainit at masikip na lugar na iyon.

Agad na kinuha ni Lin Che ang numero ng kanyang order at nagmamadaling hinarangan ang mga mata ng babaeng iyon, saka umupo sa tapat ni Gu Jingze.

Nilingon niya ang mga iyon at nakita niya ang pagkadismaya sa mga mukha nila. Pasimple siyang napangiti at animo'y nagmamalaki.

Napansin ni Gu Jingze ang kanyang pagngiti at nagtatakang nagtanong, "Anong nginingiti mo diyan?"

"Ah, wala. Gusto ko lang sanang sabihin na kakaiba talaga iyang mga kabataang iyan."

Sinulyapan ni Gu Jingze ang tinutukoy niya at sinabing, "Hindi naman sila mga bata ah. Hindi nagkakalayo ang mga edad nila sa'yo, tama ba?"

"Sa tingin ko'y nasa 18 o 19 sila. At 23 na ako, okay? Matanda na ako sa mata nila. Hays. Ang sarap talagang maging bata. Tingnan mo iyong mga hitsura nila. Ang sigla-sigla nilang tingnan," ani Lin Che.

Nakalimutan niya na mas 'matanda' pala ang kausap niya.

Bahagyang nagdilim ang anyo ni Gu Jingze. Pinagmasdan niya ang mga kabataang dumadaan bago humarap ulit kay Lin Che at nagtanong, "Ano namang maganda sa pagiging bata? Mas lalong nagiging mahalaga ang isang tao kapag nagkakaedad na siya. Iyong mga binatang iyon? Baka nga hindi pa sila marunong kung ano ang tamang pagtrato sa isang babae."

"Pwede mong sabihin iyan pero ang pagiging bata kasi ay nangangahulugan ding maraming posibilidad, di ba? At isa pa, mas masarap pa rin ang karne kapag sariwa pa," hindi alam ni Lin Che na habang sinasabi niya ang lahat ng iyon ay halata na ang inis sa mukha ng lalaking kaharap niya.

"Hindi pa hinog ang mga isip nila at wala silang alam kung paano ka papasayahin. Ano naman ang gusto mo sa mga iyon?"

"Bata sila at malakas. Hehe. Mabagal ang oras sa kanila at walang katapusan ang kanilang energy," sabi ni Lin Che at napataas ang kilay kay Gu Jingze. Ang kanyang mga salita'y may ibang ibig sabihin.

Bilang isang lalaki, natural lang din na maging sensitibo si Gu Jingze sa ganoong usapan. Nakuha niya kaagad ang gustong sabihin ni Lin Che.

Lukot ang mukhang tiningnan niya si Lin Che, "Gusto mo bang patunayan ko sayo… na ang isang lalaking may edad na ay hindi rin madaling maubusan ng energy? At mas magaling pa nga? Na mas alam namin kung paano protektahan ang feelings ninyong mga babae?"

Naramdaman ni Lin Che ang nagbabantang titig ni Gu Jingze at narealize niya na nasaktan niya ang ego nito. Naglabas siya ng pekeng tawa, "Oo, oo, ikaw na ang mas magaling sa kanila. Ikaw ang pinakagwapo, pinakamayaman, at pinaka-gentleman sa kanilang lahat. Kahit na masasakit ang sinasabi mo, masakit sa ulo, mahirap pasayahin, at kahit na napakarami mong mga bawal, ikaw pa rin ang the best."

". . ."

Ganoon ba karami ang ayaw nito sa kanya?

Maya-maya lang ay dumating na ang order nilang Mala Soup.

Pumasok sa ilong ni Lin Che ang bangong nagmumula sa usok ng pagkain at kaagad na nalimutan ang pinag-uusapan nila. "Ahh, tara, kain na tayo."

Napatingin naman si Gu Jingze sa mamantikang pagkaing inihain sa harap niya at bigla siyang nawalan ng gana.

Pero nang tingnan niya si Lin Che ay nagsimula na agad itong kumain at halatang sarap na sarap sa kinakain. Puno ang bibig nito at ang labi ay namumula dahil sa anghang.

Ang gandang tingnan.

Tumingin si Lin Che at napansin niyang nakatitig lang sa kanya si Gu Jingze at hindi kumakain. Tiningnan niya ang Mala Soup na nasa harap nito at nagtanong, "Ayaw mo talagang kumain nito, ano? Okay lang iyan. Sasamahan nalang kita mamaya kung saan mo gustong kumain."

"Hindi na. Kakain ako nito, pero, kailangan mo akong subuan," sabi ni Gu Jingze.

"Huh?" Awang ang bibig na tanong ni Lin Che at maya'-maya'y naramdaman niya ang nang-uutos nitong mata.

"Okay lang iyan, pwede mo naman akong subuan habang kumakain ka," ani Gu Jingze.

"Paano ko naman magagawa iyon?" Puno ang bibig na tanong ni Lin Che.

Biglang inilapit ni Gu Jingze ang mukha kay Lin Che, hinawakan at kinagat ang labi.

Nang makapasok ang dila nito sa kanyang bibig ay nanigas si Lin Che.

Inukay nito ang anumang laman ng kanyang bibig, dinilaan ang kanyang labi at nang makuntento ay saka lang ito tumigil.

"Hoy, ano…" Pulang-pula ang mukha ni Lin Che. Hindi niya alam kung dahil sa anghang ng pagkain o dahil sa lalaking ito.

Napagtanto naman ni Gu Jingze na masarap naman pala ang Mala soup kapag sa ganoong paraan niya iyon kakainin.

Dinilaan nito ang sariling labi at tumango. "Hm, masarap naman pala. Ano na, magpatuloy na tayo."

". . ."

Tumutol si Lin Che, "Hindi na mauulit iyon! Bakit ka ba ganyan? Manyakis!"

Hindi na mauulit?

Hindi pa nga nabubusog si Gu Jingze eh.

"Kung ayaw mo akong subuan, edi ako nalang ang magsusubo sa'yo."

Pagkasabi nun ni Gu Jingze ay sumubo ito ng pagkain. Sobrang anghang nun, pero hindi na niya masyadong pinansin pa iyon.

Ipinalapit niya ang mukha ni Lin Che at muling sinakop ang labi.

Sa ngayon naman ay siya ang naglagay ng pagkain sa bibig ni Lin Che. Kapwa nila naramdaman ang anghang ng kanilang pagkain. Nakakamanhid pero masaya, at para bang mas lalo silang pinapasabik sa pagkain nun.

Hindi makagalaw si Lin Che sa kanyang pwesto.

"Ayoko na. Ayoko ng kumain. Gu Jingze, tumigil ka nga!"

"Pero hindi pa ako busog…" nagpatuloy pa rin si Gu Jingze sa ginagawa. Sobrang pula ng mukha ni Lin Che na para bang sasabog na. Itinulak niya palayo si Gu Jingze. "Pwede bang umayos ka nga sa pagkain? Tumigil ka na!"

Tawa nang tawa si Gu Jingze at sa wakas ay kumain na ito nang kusa.

Nagkaroon na siya ng ganang kumain pagkatapos niyang pagtripan si Lin Che. Habang kumakain ay nakatingin pa rin siya dito.

Siguro nga'y hindi masarap tingnan ang pagkaing iyon, pero okay naman ang lasa. Dahil sa dami ng mantikang ginamit sa pagluluto nito kung kaya mabango ang amoy nito. Pero ganunpaman, hindi pa rin iyon mabuti sa katawan.

Natapos na rin sila sa wakas. Pero may nangyari kay Gu Jingze.

Pagkatapos nilang kumain ay biglang sumakit ang tiyan ni Gu Jingze.

Nakahawak ito sa tiyan at hinahaplos. Kunot ang noong sinabi nito kay Lin Che, "Masakit ang tiyan ko."

Hindi alam ni Lin Che ang gagawin. "Hoy, seryoso ka… Anong nangyari? Patingin."