webnovel

Chapter 2

HABANG papasok si Cathy sa loob ng Campus ay maraming mga ang nakatingin sa kanya. Mayroong mga natatawa, napapailing at masasama ang tinging ibinibigay sa kanya.

Nagtataka siya sapagkat wala naman siyang ginawa sa mga ito. Nagkibit balikat nalang ito at nagpatuloy na naglakad.

Humahangos naman na tumakbo si Bom patungo sa kanya at hinila siya papasok sa Restroom ng mga babae. Siya naman itong nagpahila nalang at hindi na nakipagtalo pa. Nandoon din sina Dara at Minzy.

Nasa mukha ng mga ito ang paka-inis. At may hawak hawak ang mga ito na gusot-gusot na papel.

"Bom bakit ka naman bigla bigla nalang nanghihila? Atsaka bakit pa kayo nandito male-late na tayo niyan." Sabi nito sa kanila.

"Cathy... Si Kryzelle kasi... Nagpakalat ng mga posters na may m-mukha mo."

"Tungkol saan naman 'yon, Bom?"

Iniabot ni Minzy sa kanya nang poster. Biglang siya pinanlambutan ng katawan at nanlumo sa poster na nakakalat daw sa buong campus.

ID picture niya ang nasa poster at mag nakalagay na WANTED CATHY LIZETTE LEE, IF YOU SEE THIS NERD DEAD OR ALIVE, JUST CONTACT THE CAMPUS QUEEN.

Ano ba talagang gusto niya?

Hindi niya alam ang totoong agenda sa kanya ni Kryzelle, ni hindi nga niya ito kilala sa unang beses niyang pumasok dito sa YG Academy.

Hinigit ni Dara ang poster at pinunit-punit. Lumabas na sila ng Restroom at pumunta nalang sa Rooftop. Siguro magcu-cutting classes nalang kami.

Nang makarating sila sa rooftop ay umupo sila sa upuan doon. Tumingin siya kay Dara at nakikita sa mga mata nito ang galit. Alam niyang iba magakit si Dara, sa kanilang magkakaibigan ito ang ibang klase kung magalit.

"Ano bang problema nang babaeng yan sa'tin?! Lalo na sayo, Cathy?" Tanong ni Minzy.

"H-hindi ko alam? Umpisa 'nong pumasok tayo dito sa YG Academy tayo na ang pinaginitan niya." Sagot nito.

"Ang hindi ko maintindihan eh sa lahat ba naman ng estudyante dito sa campus, sayo mainit ang dugo niyan!"

Maski siya ay hindi alam kung ano ang naging atraso nito sa kanya. Alam niya sa sarili niya na wala siyang inaagrabyadong tao sa buong buhay niya. Lumaki siyang may mabuting kalooban kahit pa tiyahin nalang niya ang kasa-kasama niya.

"I just cannot think kung ano bang atraso natin sa kanya." Iiling-iling na saad ni Bom, walang tigil din ito sa pagkain ng mais na pinakapaborito nitong pagkain.

"Kung makipagkaibigan kaya tayo sa kanya?" Saad ulit nito.

"Duh? Bom kung gusto mo ikaw nalang. Big yuck!" May halong pandidiring saad ni Minzy.

Napailing nalang siya sa mga kaibigan at nagisip nang mga posibleng atraso niya kay Kryzelle.

DALAWANG linggo na ang nakalipas umpisa nang pumasok sina Gerald. At sa loob ng dalawang linggong iyon ay iniiwasan siya ni Kryzelle. Kahit naman galit siya rito ay hindi iyon magtatagal, nangigibabaw pa rin kasi sa kanya ang pagka-miss sa dalaga.

Huminga siya ng malalim at napatingin a cellphone niya, hinihintay niya ang mga texts at tawag nito.

"Oh? LQ pa rin kayo?" Tanong ni Top. Nagsipagtawanan naman ang mga ito bukod kay Seungri.

"Wala pa rin bang text?" Napailing nalang siya sa tanong ng mga kaibigan.

Bumuntong hininga nalang ito at tumingin sa kawalan.

"She have her reason, Gerald." Biglang sabi ni Seungri. Napatingin naman siya dito, sa lahat ng kaibigan niya sa Seungri ang mapakamisteryoso. Sabagay ito rin babago nilang nakilala dahil silang apat ay bata palang magkakasama na.

Minsan lang din kasi magsalita ito at kalimitan ay dalawa ang ipinahihiwatig niyo. Minsan nga ay pinagdududahan na niya ito dahil sa marami itong alam sa kanya kasintahan.

"What do you mean?" Kunot noong tanong nito sa kanya.

"Soon you'll know." Saad nito at iniwan siyang magulo ang isip. Sinundan niya ito ng tingin, alam niya sobrang laki na kaibahan nito kumpara sa tatlo.

"Bakit umalis 'yon?" Tanong ni Daesung.

"Baka may importante lang na pupuntahan." Saad nalang nito.

Tumayo nalang siya at umorder nalang ng makakain nilang apat.

Nang nasa tapat na siya ng counter at umorder na sa isang Student Assistant sa kanilang school ay napatitig lang ito sa kanya.

"Ummm... Miss? Can you just get my order?!" Inip na saad nito. Agad namang tumalima ang SA at inihanda ang order niya.

Dala-dala niya ang dalawang tray habang naglalakad sa patungo sa middle part ng cafeteria na kung saan ay ang pwesto nila.

Kumain nalang ang nga ito at nagusap ng kung ano-ano. Mamaya kasi ay dadalhin na ang mga ito sa kani-kanilang klase. Dahil sa loob ng dalawang linggo at nagikot naman sila sa buong campus.

BAGOT na bagot si Cathy habang nakikinig sa kanyang teacher. Hindi naman niya forte ang Accounting pero ito ang major subject nila kaya wala siyang choice.

Pasimple siyang humikab at nilingon si Dara. Napaikot naman ito ng tingin at tumungo nalang ito sa desk. Paniguradong matutulog na naman ito dahil sa napapaghalataan din ang pagkabagot sa mukha.

"Class you have a new classmate. I mean lilipat lang sila ng room. Mr. Kwon you can go now." Napatingin siya sa mga nagga-gwapuhang kalalakihan na pumasok sa loob ng klase. Agad namang nagsipagtilian ang mga kababaihang nasa loob ng apat na sulok na kwarto.

Napatitig naman siya sa lalaking tinawag na Mr. Kwon ng kanilang teacher, namukhaan niya ito dahil nakita niya na ito noong nakaraang linggo sa garden habang naghahanap siya ng pwesto para makapag-aral.

Naalala niyang nakita niya ito sa aktong may ginagawang kababalaghan kasama ang isang graduating student.

Hindi niya namalayang itinuro na niya ito. "IKAW?!" Saad niya sa malakas na boses.

Ngumisi naman ito sa kanya.

"Do you know each other Ms. Lee?" Tanong ng kanyang teacher, napatingin naman siya sa buong klase at masasama ang tingin na ipinukol ng mga ito sa kanya, lalo na ang mga kababaihan.

"H-hindi po." Saad niya. Hinila naman siya ni Dara para maagaw ang atensyon niya.

Nilingon siya ni Kryzelle at napatingin din siya dito. Masama ang tingin na ibinigay nito sa kanya. Para bang nagbibigay ito sa kanya ng warning sign.

"Hoy... Bruha!" Bulong sa kanya ni Dara.

"Ano?"

"Malandi ka."

"Bakit? Ano naman bang ginawa ko?" Tanong ko sa kanya.

"Grabe ka makatitig kay Gerald!" Sabi nito.

"Bakit crush mo rin ba 'yon?" Agad naman itong napailing.

Natawa naman ito sa kaibigan. Hindi na nito sinagot ang tanong niya at nakinig nalang sa klase.