Gerald
Napagisipan kong lumipat nalang ibang classroom, doon sa kasama ko si Kryz. Iyong apat naman ay sumama lang sa'kin. Hindi ko rin ini-expect na magka-klase pala sila noong nerd na nakita namin noong nakaraan lang. Iyong pinagiinitan ni Kryz.
Medyo pamilyar sa akin iyong mukha niya, para kasing nakita ko na siya noong nakaraan lang.
Grabe iyong reaksyon niya noong makita niya ako kanina, pagpasok pa lang sa classroom.
Nginisian ko nalang siya at nagpakilala. Nang matapos ako ay naupo na ako sa hilera ni Kryz at tinabihan ko na ito.
Buong klase ay hindi ako kinikibo ni Kryz, maski nga ang lumingon sa akin ay hindi niya magawa.
Papalabas na siya ng classroom ng hinarang ko siya at hinigit hanggang sa makarating sa isang abandonadong building.
Iwinaksi niya ang kamay niya na hawak hawak ko.
"Ano ba naman Gerald!"
"Kryz, pag-usapan naman natin 'to!" Pagmamaka-awa ko rito. Hindi ako nito nilingon. Para ngang hindi niya narinig ang sinabi ko sa kanya.
"Kryz, paano na 'yong tayo?"
Napatingin ito sa'kin dahil sa sinabi ko sa kanya. "Tayo? Anong tayo, Gerald? Walang tayo!" Saad nito.
"I will do everything, Kryz. Just please?" Malungkot kong sabi sa kanya. Hindi ko naman siya mahal pero sadyang siya lang ang bukod tanging babaeng sobra akong na-attach.
Napatitig ito sa'kin at ngumisi. Fuck! Wrong choice of word, Gerald!
"Everything, Gerald?" Agad akong tumango kahit pa nakakaramdam na ako ng hindi magandang mangyayari.
"Your not yet forgiven, Gerald. Unless, yo will do what I want."
Lumapit ito sa akin at bumulong ito. Ang tagal bago naproseso ng isip ko ang sinabi nito.
"I-i think, I can't do that..."
Tumalim naman ang tingin nito sa akin. "Hindi mo kaya o ayaw mo lang talaga?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. I don't want to hurt other people na wala namang atraso sa akin.
"Sanay ka na sa ganoon, Gerald. For crissake! Iyong ang forte mo hindi ba? So break her heart. It is reallt easy. Kung ayaw mo madali lang naman ako kausap—"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito ay umo-oo na ako rito.
Ngumiti naman ito sa akin at hinalikan aji sa labi. Nakikitaan ko ng saya ang mukha niya dahil sa sarili niyang plano.
Biglang may kung anong bumagsak sa labas kaya naman napatingin ako roon.
HINDI lingid sa kaalaman nila na mayroong nakarinig sa usapan nilang dalawa ni Kryzelle. Tumalima ito ng takbo at nagtago kung saan. Buong usapan nila ay narinig nito, kulang na nga lang ay i-voice record para magkaroon ng kopya. Natawa pa ito habang inaalala ang mukha ni Gerald na nagmamakaawa kay Kryzelle. Bigla namang nagbago ang emosyon sa mukha nito dahil sa nalaman niyang plano nila sa Nerd na iyon, kay Cathy. Hindi pa man naguumpisa ang plano ng dalawa ay nakakaramdam na siya ng awa sa dalaga.
"May nakarinig pa yata. So, I have to go now. And do what I say, Gerald." Saad nito at nauna ng umalis.
BREAK.HER.HEART. Oo, forte ko ang sumira ng puso ng mga kababaihan. Nakasanayan ko na iyon kaya nga binansagan nila ako ng isang kataga eh.
Pero kung siya ang sisirain ko ang puso. Hindi yata kaya, she's different. Hindi ko siya type pero ayoko lang talaga siyang saktan. But I do not have any choice, Gusto ko pang makasama si Kryz ng mas matagal. Kaga gagawin ko nalang.
Cathy
Masaya akong naglalakad papasok sa klase ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko lang ay mayroong masayang pangyayari na hindi ko makakalimutan.
Bawat masalubong ko ay tipis na ngiti lang ang ibinibigay sa akin, kahit na nagtataka ay sinuklian ko rin ang mga ito ng ngiti.
Malapit na ako sa building namin ay hinarang ako ni Kryzelle. Binigyan ako nito isang ngiti, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mayroong kung ano sa ngiti niya.
"So, congrats Nerd! May suitor ka na pala? Wow!" Mapangasar na wika nito. Yumuko na lang ako sa kanya. Ni maski nga sinasabi nito ay hindi ko alam eh.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Anong ibig mong sabihin." Panggagaya nito sa sinabi ko. Inirapan lang ako nito at umalis na kasa-kasama ang mga alipores niya.
Anong nangyari dun? Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng klase.
Pagkatapak pa lang ng mga paa ko papasok sa loob ay napatingin na halos lahat sa akin. Ang iba ay may halong paghanga na makikita mo sa mga mata nila pero ang karamihang kababaihan ay kakikitaan ng inggit at pag-kainis.
"Oh my god!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Naglakad nalang aki patungo sa mga kaibigan ko kahit pa sunod ang tingin sa akin ng mga kaklase namin.
"Bom?"
Napatingin sa kanya ang mga ito na may halong pagtataka.
"Anong meron?"
"Kyaaaah! Unnie, may suitor ka na ha!" Saad ni Minzy. Napatingin namab siya sa desk niya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa mga nakalagay doon. Mayroong isang boquet ng bulaklak, may nakaupong teddy bear at may isang heart shape case na sa tingin ko ay puro chocolates ang laman.
"Hala? Kanino galing yan?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Oo alam ko eh." Puno ng panunuyang sabi ni Dara. Napatawa naman ang iba dahil sa reaksyon nito.
Sino naman kayang may bigay nito?
"May letter kaya, baka gusto mong basahin." Napairap pa ito.
Kinuha ko nalang ang maliit na letter na nasa bulaklak at binasa ito.
Hi Cathy,
Have a nice day.
Love,
Your Mr. Kwon, Gerald
Napangiti ako dahil sa nabasa ko. Bakit niya kaya ako binigyan ng mga to?
"Uyyy nagba-blush siyaaaaa!"
"Sino ba kasi yung nagbigay niyan?"
"Patingin kami! Ang damot naman."
Pilit ko itinatago ang sulat at ng ilagay ko na ito sa bra ko ay hindi na nila nakuha pa.
Huh! Akala niyo ha.
Napairap naman ang mga ito sakin, todo naman ang tawa ko dahil sa mga nakabusangot nilang mukha.
"Mamaya ko nalang sasabihin." Saad ko at ngumiti sa kanila. "Atsaka nandyan na si Sir oh." Dugtong ko.
Timing naman na dumating na talaga ito kaya hindi na ako kinulit ng mga yon.
KASALUKUYANG nasa cafeteria kami at kumakain dahil breaktime na namin, bale pagkatapos ay may 1 hour and 30 minutes pa kaming vacant kaya magpapahinga nalang kami. Hindi pa rin nga ako makapaniwala na ang isang Gerald Dave Kwon, binigyan ako ng bulaklak, teddy bear at chocolates. Pere nemen seyeng nenlelegew.
Patuloy pa rin ang pangungulit sa'kin ng tatlo tungkol doon sa letter na hanggang ngayon ay nasa bra ko pa rin. Mahirap na.
"Unnie! Sabihin mo na kasi!" Nauubos na ang pasensyang sabi ni Bom sa akin.
"Oo nga ang daya mo talaga."
"Nakakatampo na ha." Naka busangot na sabi ni Dara. Parang kanina lang ang sumgit sungit nito sa akin ngayon gaganyan ganyan na.
"Bom, secret ko na muna yon. Atsaka sasabihin ko naman sa inyo eh. Pero hindi pa—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sa nahalata kong hindi sila nakikinig sa akin.
"Huy! Nakikinig ba kayo sa'kin?" Naiinis kong sabi.
Hindi ako pinansin ng mga ito. Nakatingin pa rin sila sa likod ko, lumingon din ako at gaya nila, napatulala rin ako.
Nasa likod ko kasi si Gerald na kasama ang tatlo niyang kaibigan.
"Umm. Hi Cathy!" Nakangiti nitong sabi sa akin.
"H-hi."
"Pwede ba kaming umupo dito kasama niyo?"
Tiningnan ko naman sina Dara, todo naman ang pagtango ng mga ito.
Napansin ko namang panay ang titig ni Dara sa isang sa mga kaibigan ni Gerald.
Hala! Ito yung crush niya na matagal na niyang ini-istalk.
Kaya pala pumayag agad eh!
Umupo naman na sila sa tabi namin, si Gerald ay sa tabi ko agad pumwesto. Tahimik lang kaming kumakain habang ung mga Girls naman parang naging uneasy.
"Cath?" Panimula ni Gerald
"O-oh?" Tanong ko. Pero hindi lumilingon sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagkain.
"Do you receive my gift? Atsaka lumingon ka naman sakin." Tanong niya. Psh! Bakit mo pa tinanong 'yan.
"A-ah O-oo t-thank you pala." Ugh Cath. Bakit ka naging uneasy?
"Hmmm... Cath pwede ba kitang maihatid mamaya?"
"Aray! H-ha?"
Pereng tenge nemen si Dara sinipa yung paa ko sa ilalim ng table. Tiningnan ko naman siya at binigyan naman niya ako ng tingin na nagsasabing sumama-ka-grasya-yan-look.
"Ah sige." Sabi ko at nilingon ko siya. Shemay. Nakatingin siya sakin.
Tumayo na sila Dara at nagpaalam sa mga ito. May pupuntahan pa pala kami.
"Tara na Cathy." Nilingon ko si Minzy.
"Ah sige una na kami." Sabi ko sabay tayo. Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Feeling ko nanginginig na ako sa kili my galy!
"Mamaya ha? Sabay tayo?" Tanong ulit ni Gerald. Tumango nalang ako at umalis na kami. Gotta explain fellas.