webnovel

Chapter 1

"Galing ka na naman ba sa Heavens Bar, Gerald?" Tango lang ang naging sagot niya sa tanong ng isa sa kaibigan-si Top-at pasalampak na umupo ito sa sofa bed nila dito sa kanilang unit sa isang prestihiyosong Condo sa buong pilipinas. Ito ay pagmamay-ari mismo nilang lima.

"Dude, lagot ka na talaga kay Tita."

"Huh. Mag-ready ka na sa sermon ni Tito.

Napangisi naman ito dahil sa mga sinasabi ng mga ito. Kahit kailan kasi ay hindi naman siya sinumbatan ng kanyang mga magulang dahil sa napakaperpekto na niyang anak para sa kanila, kahit pa barumbado ito at napaka-babaero.

"Kailangan na nating pumasok." Saad ni Taeyang.

"Yeah, mamaya papasok na tayo." Sagot nito at umidlip muna para magkaroon kahit pa kakaunting tulog manlang dahil sa buong gabi siyang nasa Heavens Bar at nagparty. Kahit pa minor pa lang ang mga ito ay pupwede na silang Bar. Isa rin kasi ito sa pagmamay-ari nilang lima.

Hindi naman na siya inabala pa ng mga ito kaya dinalaw na siya ng antok.

NAGISING siya dahil sa mga sigawan at harutan ng mga kaibigan niya. Napatingin siya sa relo niya at nakita niyang 11 o'clock na at kailangan na nilang pumasok.

"Well, gising na ang prinsipe." Saad ni Seungri at binato ito ng unan. Napakunot naman ang noo niya at dumiretsyo sa banyo para makaligo.

Habang naliligo siya ay pumasok sa isip niya ang taong dahilan kung bakit siya nagpakasasa sa alak buong gabi.

Sa bawat pagtulo ng tubig mula sa shower kasabay nito ang mga luha niya sa mata. Heartbreaker siya eh, sumisira ng puso ng mga kababaihan. Fuck then leave nga ang gawain niya eh.

Pero bakit dahil kay Kryzelle ay nawala na sa kanya ang titulong Mr. Heartbreaker/Womanizer.

Hindi naman siya nasasaktan dahil sa sobra sobra ang pagmamahal niya dito. He's hurt because she really, really hurt his ego. Yeah, man and their ego. Naapakan nito ang pagkalalaki niya.

Masakit para sa kanya na makita iyong babaeng minahal niya kahit pa saglit lang na nakikipagsiping sa iba't ibang lalaki.

Napailing nalang ito at lumabas na sa banyo na nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan.

Nagsuot na lang ito isang white fitted shirt na pinatungan niya ng jacket at faded jeans na tinernuhan naman ng puting sapatos para sa pang-paa.

Lumabas na ito sa kanilang condo unit at nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nakasakay na sa kani-kanilang kotse.

PAGKABABA pa lang nila ng sasakyan ay kanya kanya ng tilian ang mga estudyante ng YG Academy. Babae man o pusong babae.

"Maraming mga sexy'ng estudyante ngayon ah." Napangisi naman ang mga ito sa sinabi ni Top.

"Magkakaroon na naman kayo ng bagong prospect ah." Sabi ni Daesung at kumindat ng isa sa mga babae.

"Gago. Magbago ka na." Saad niya sa kaibigan.

Napatawa naman ang mga ito. "Dude, natural na sa'tin ang pagiging babaero. Sa ganda ba naman nating mga lalaki eh." Sabi ni Taeyang.

"Sadyang magaling lang talaga tayo." Nagsipagtawanan naman ang mga ito habang patuloy na naglalakad at sa bawat madadaanan nila ay panay ang tilian ng mga estudyante.

"Gerald anakan mo 'ko!"

"Pa-kiss Johann!"

"I love you so much Clark!"

"Date tayo, Top!"

"Pa-isa Daesung!"

Hindi niya pinansin ang mga ito at patuloy na naglakad hanggang sa makarating sila sa kani-kanilang klase.

Papasok pa lamang ito ng classroom ay sinalubong na agad siya ni Kryzelle, ang babaeng naging rason kung bakit siya bumalik sa pagiging cold at nawala ang titulong Mr. Heartbreaker/Womanizer.

"Babe!" Sabi nito na para bang wala itong nagawa sa kanya.

Iniwasan niya ito at patuloy na lamang na naglakad. Psh. Flavor of the month ko lang naman siya.

"Wag mo 'kong iwas-iwasan, Dave!" Sigaw nito sa kanya.

Nilingon niya ito at nilapitan. "What do you want!?" Matigas na wika nito.

"You... I missed you, babe." Malambing na sabi nito at inilapit ang katawan niya sa kanya.

"Don't you missed me?" Dugtong nito.

"Dude, una na kami ha." Saad ni Taeyang sa kanya. Tango lamang ang isinagot niya sa mga ito.

"Let's go." Malamig na saad niya at nagpatiuna naman ang babae.

SA garden nagpunta ang mga ito at patuloy na nilambing ni Kryzelle si Gerald. Naupo sila sa likod ng isa sa pinakamalaking puno dito sa campus na lagi nilang pinagtatambayang dalawa.

Para namang tuod si Gerald dahil sa pagwala niya ng gana sa dalaga.

"Babe? Pansinin mo naman ako!"

"Babe ano ba?!"

"Ba-" Hindi na natuloy nito ang sasabihin dahil sa ingay na nagmumula sa kabilang puno.

"Ano ba yan Bom ang kulit mo! Sinabing wala nga akong dalang mais eh."

"Unnie sige na please?"

"Ang ingay mo, Bom!"

"UNNIEEEEE..."

"Shhhh! Tumahimik kayo nagbabasa si Cathy."

Napansin niyang sumama bigla ang aura ni Kryzelle dahil sa pagkakarinig pa lang ng boses ng mga tao sa kabilang puno.

"Iyong apat na mga 'yon na naman!" Tumayo ito at nilapitan ang mga ito. Sinundan niya ito na nagpunta sa mga kababaihan sa kabilang puno.

"Hey! Poor girls, bakit kayo nandito?" Saad nito at napatingin naman siya sa mga babaeng nasa harapan nila. Naka-agaw ng kanyang pansin ang babaeng walang pakialam sa mundo at nagbabasa lamang ng kanyang libro.

"Wala kang pake." Masungit na sabi ng isang babaen may suot na bonet na rabbit ang design.

"Sinusundan niyo ba ako?!"

"Bakit? Kasundan sundan ka ba?" Napatingin naman ito sa babaeng may hawak na coke in can.

"Kryzelle, let's go. Wag ka ng magsayang ng oras sa kanila." Awat niya sa kalandian.

"Buti pa nga. Since wala naman akong mapapala sa inyo ee." Sabi nito at umalis sumunod naman siya rito hanggang sa makarating sila sa Rooftop ng building 1A.

Umupo siya sa isang duyan na siya mismo ang naglagay. Nakita niyang pumunta si Kryzelle sa isang kwarto at pagbalik nito ay may dala-dala na itong dalawang beer in can.

Tumabi ito sa kanya at inabot ang isa.

"Sino ba sila?" Panimula niya dahil sa nagiging awkward ang paligid.

"They're just nobody. First day pa lang nila ang tatapang na. Tsk!"

"Just ignore them, Kryz." Saad niyo rito.

"Hindi ko sila titigilan, Gerald. Pumasok sila dito then let them face their consequence."

"Sino sa kanila, Kryz?"

"Sino? Huh! Yung nerd na 'yon!"

"Alin yung tahimik?" Nagtaka siya dahil sa wala namang ginagawa ito sa babae pero grabe kung ang galit nito, nakikita sa mga mata ni Kryz.

Kryzelle is a type of girl that really is mysterious. Magaling ito magtago ng sekreto.

Tumango naman ito. "Bakit siya?"

"Soon you'll know." Saad nito at iniwan siya.

Hindi niya alam kung ano ba ang magigibg motibo nito para maging ganoon kagalit. Ito ang unang beses na nakita niya ang sobrang samang aura sa mukha ni Kryzelle. The Kryz that he know is sweet. Pero simula nang tumuntong ito sa edad na 18 ay naging cold na ito.

Sa pagiisip ng kung ano-ano ay hindi niya namalayang nasa tabi na niya ang mga kaibigan.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Hindi siguro naka-isa." Nagsipagtawanan naman ang mga ito. Habang si Daesung naman ay may hawak na isang kaha ng sigarilyo.

Kinuha niya ito sa kamay ng kaibigan at nagsindi ng isa. He will just smoke when he can't think straight. Iyong tipong nagugulo ang buo niyang pag-iisip.

Napansing niyang walang imik si Seungri at nakatingin lang sa kanya.

"Spill it, Dude."

"I just noticed that Kryz really change. Iyon lang."

"Pabago bago naman lagi ang ugali 'non." Saad ni Top.

Napakibit balikat nalang siya. Isa pang dumagdag sa isipin niya ang pagiging tahimik ni Seungri.