webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 8: ANNA WITH THE NARIDOS

Pumuwesto sila sa dulong ng restaurant na wala masyadong tao at nagsimula na na nag order ang kanilang malaking grupo.

"Huwag kayong mahiya ah, umorder lang kayo ng gusto nyo. Si Paulo bahala sa atin," wika ng ina ng binata.

"Hala 'Ma, paano kung naiwan ko wallet ko?" sabi niya sa ina.

"Naku, Kuya, ikaw pa ba. Para kang Boy Scout laging handa," sabi naman ni Paula.

"Eh kasi ang takaw mo," asar naman niya sa kapatid habang dinidiinan nito ang ulo ng pabiro.

"Ganyan yan Ate, nananakit talaga yan. Kung alam lang ng mga Fans niya," naaasar na sabi ni Paula.

"Hay. Magsitigil kayo. Nakakahiya. Nasa harap kayo ng pagkain," suway ng ina sa mga anak.

"Si Mama. Wala pa tayong food. Hindi pa kaya tayo umoorder," biro ni Phoebe sa ina.

"Ikaw talagang bata ka," sagot naman ng ina sa anak.

"Pag may chance, pwede nating ibuking," bulong ni Anna kay Paula.

"Sige Ate. Game ako dyan," bulong din ni Paula na nagpatawa sa kanilang dalawa.

"Hoy! ano yan? Ano pinagsasabi mo sa kanya?" nanunuway na atas ni Paulo.

"Wala Kuya. Sabi ko kay Ate na gwapo ka. Sobra. 'Diba Ate?", wika ni Paula sabay kindat kay Anna.

"Oo," sagot ni Anna ng tumingin at ngumiti kay Paulo.

Habang naghihintay sa mga inorder ay biglang may tumawag kay Dea at umalis muna ito sa mesa para sagutin ito.

Pagbalik niya sa kanila mesa ay nagpaalam na rin ito sa kanila.

"Ma'am, I mean Tita, hindi ko na po kayo masasaluhan sa pagkain kasi dumating po yung boyfriend ko sa bahay. Eh galing pa po kasing province yun isusurprise daw ako, pero siya po nasurprise kasi wala ako sa bahay," mahabang paliwanag ni Dea habang tumatawa.

"Pero Salamat po sa pag invite. Sana po may next time," wika pa niya.

"Salamat po talaga and pasensya na po. Pasensya na Sir," wala patid na hingi niya ng paumanhin.

"Okay lang hija," wika ng ina ni Paulo.

"Girls, una na ako. Ang jowa naghihintay," nakangiting sabi niya sa dalawang kaibigan.

"Oh sige. Ingat sila kamo," biro ni Nadz.

"Bye," paalam ni Dea.

Kumaway sila bilang paalam sa kanya.

Pag alis ni Dea ay dumating na rin ang kanilang order. At nagsimula na silang kumain ng biglang nagtanong si Pauline.

"Mga Ate magaling pala kayo kumanta?" tanong nito

"Talaga?" manghang tanong ni Phoebe.

"Naku si Anna po yung magaling kumanta. Pinipilit po namin siya sumali sa mga contest pero ayaw," sabi ni Nadz sa mga ito.

"Talaga Ate? Sample naman," request naman ni Paula.

"Ha? Naku nakakahiya," nahihiyang sagot niya.

"Parati pong ganyan ang sagot niya. Kesyo nahihiya daw siya. Pero kung tutuusin napakaganda po ng boses niya," bida ng kaibigan sa pamilya ni Paulo.

"Lalu pa po pag narinig nyo mga song compositions nya. Ayaw nya lang mag try," dagdag pa ni Nadz.

Nagulat si Paulo sa narinig at tinanong niya si Anna.

"Sumusulat ka?" tanong nito sa dalaga.

"Hobby ko lang yun. Hindi perfect. Katuwaan lang," nahihiyang wika niya.

"Naku 'Ma, kung narinig nyo kanina sobrang ganda boses niya. 'Diba Kuya?" wika ni Pauline.

"Oo, maganda," maikling sagot ni Paulo.

"Napatulala pa nga si Kuya kanina noong kumakanta ka eh," wala sa isip na bulalas ni Pauline.

Pinanlakihan ng mata ni Paulo si Pauline bilang pagbibigay babala sa kapatid. Ngunit hindi nagpaawat ang kapatid.

"Totoo naman. Ilang beses ka naming tinawag pero hindi mo kami narinig. Kailangan pa kitang lapitan noh," pangbubuko nito sa kuya.

Dahil sa tinuran ni Pauline. Hindi napigilang mamula ni Paulo at mahiya sa kaharap. Ganun din naman ang naramdaman ni Anna ng mga sandalling iyon. Binasag lamang ng ina ni Paulo ang kanilang kilig ng magsalita ito.

"Ito ngang si Paulo, hilig lang din niyang magsulat at kumanta. Pero ni minsan hindi rin sumali sa mga ganyan. Pero siguro dumating yung punto na ayaw niyang may pagsisihan siya kung kaya't sinuportahan namin," mahabang wika ng ginang.

"Naku hija, kung may ganyan kang talent, bakit hindi mo subukan. Baka dyan talaga ang dapat sayo. Huwag kang mag alala kung hindi maging successful kasi andito ang pamilya mo, mga kaibigan mo na sumusuporta pa rin sayo. And andito na rin kami para mag cheer sayo. 'Diba anak?" wika ng ina sabay tingin kay Paulo.

"Oo. Sayang naman yung boses mo kung hindi maririnig ng iba," wika ni Paulo.

"Sabi ko sa iyo girl eh," buyo naman ng kaibigan nya.

"Tsaka Ate, si Kuya tutulungan ka niyan. Kahit masungit yan, pero mabait yan. Kaya love ko yan eh. Siya kaya ang best Kuya in the world," pambobola ni Phoebe sa kapatid.

"Wala ka namang ibang kuya noh. Puro kayo babae. Bolera," angal ni Paulo.

"Ah wala ba?" maang ni Phoebe na nagpatawa sa lahat sa kanilang lamesa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na silang kumain at napagpasyahan na nilang umuwi.

"Saan ba ang uwi nyo?" tanong ng ginang.

"Malapit lang po ako, ito namang si Anna, hindi ko sure?" wika ni Nadz.

"Saan ka girl? Sa apartment mo o sa inyo muna?" tanong ni Nadz sa kanya.

"Sa amin muna, yung mga gamit ko andun eh. Bukas na lang ako didiretso sa apartment," sagot niya.

"Saan ka ba umuuwi Anna?" tanong ni Mrs. Narido.

"Sa San Pedro po," sagot nito.

"Pwede kang sumabay sa amin Ate," wika naman ni Phoebe.

"Naku hindi na po, mag taxi na lang po ako," pagtanggi niya.

"Girl sumabay ka na. Mahirap sumakay dito," saway ng kaibigan.

"Oo nga Ate. Sumabay ka na sa amin," wika ni Pauline.

"Paano ka Ate Nadia?", tanong ni Paula.

"Nagpasundo po ako sa kapatid ko. Eto na po siya," wika ni Nadz

"Sige po Tita. Sige una na ako ah. Text-text na lang. Balitaan mo kami sa bonding mo with your in-laws," nakangising biro nito.

"Sira! Sige na. Ingat kayo," paalam niya sa kaibigan.

"Bye po! Salamat po ulit," paalam ni Nadz sa kanilang lahat.

"Tara na!" aya ni Paulo sa kanilang lahat.