webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 35: I WILL PROVE TO YOU

Maagang dumating si Anna sa company at nadatnan na niya si Lester sa kanilang practice studio na nageensayo para sa bagong choreography na kanyang binubuo.

"Ang aga mo ah," wika ni Anna sa nag eensayong si Lester.

"Oh andito ka na pala. Ang aga mo din ah," gulat namang wika ni Lester.

"May mga dapat lang tapusin at i-ready para sa event sa Saturday," wika naman ni Anna.

"On the way naman na rin si Paulo. Yung iba baka maya-maya pa," tugon ni Lester at itinuloy and kanyang mga stretchings.

Tanging ngiti lang ang itinugon ni Anna sa winikang iyon ni Lester.

"Alam mo boto kaming apat sa iyo," tuloy-tuloy na wika ni Lester.

"Ha?" nabiglang wika ni Anna.

"Boto kami sa iyo," muling wika ni Anna.

"Boto? Hindi naman ako kumakandidato," nakangiting wika ni Anna.

"Hala. Sige deny ka pa. Obvious naman. Boto kami sa iyo para kay Paulo," tuloy na wika ni Lester.

Hindi nakasagot si Anna sa mga tinuran ng binata. Nanatili lamang tahimik ang dalaga. Muling nag salita si Lester para basagin ang namayaning katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Malaki pinagbago ni Paulo mula ng dumating ka. Nakita namin ang pagbabago niya. Mas natuto siyang mag open up at sabihin ang nararamdaman niya. Hindi na rin siya masyadong bugnutin mula ng makilala ka nya. Natuto siya magrelax at hindi masyadong seryoso," mahabang bahagi ni Lester kay Anna.

"Bakit ako?" tanong ni Anna kay Lester.

"Bakit hindi ikaw?" balik na tanong ni Lester kay Anna.

"Simple lang naman ako. Hindi tulad ng mga taong mas makakahalubilo ninyo," tugon naman ni Anna.

"Eh sa iyo tumibok ang puso ni Paulo. Sa iyo nya naramdaman eh," sagot ni Lester sa kanya.

"Pero—" naputol ang mga sasabihin ni Anna ng muling nagsalita si Lester.

"Anna, mahal ka ni Paulo. At alam ko na kung ano man ang nararamdaman niya ay totoo. Hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko siya. Sinasabi ko ito kasi iyon nakikita ko sa kanya. At alam ko na may nararamdaman ka rin naman para sa kanya. Pero siguro may takot lang sa puso mo. Hindi kita pinepressure sa kung ano ang nararamdaman mo. Pero sana huwag mong pigilan ang puso mo na magmahal at mahalin," seryosong litanya ni Lester.

"Siguro nga natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong maiwan. Pero natatakot din ako na maging hadlang sa career nya. Hindi magiging madali kung papasok kami sa relasyon sa puntong ito ng career ninyo," tapat na sabi ni Anna.

"Naiintindihan ko na nagaalala ka sa maaring mangyari sa career nya. Kaya alam ko na nag-aalala ka rin para sa kanya. Pero para sa akin, kung ano ang nasa puso mo sundin mo," litanya ni Lester habang ginagawa ang signature move ng dating sikat na dance group.

"Ikaw talaga. Bahala na. Salamat ah," wika ni Anna kay Lester.

"Naku wala iyon. Kayo pa ba. Eh malakas kayo sa akin," nakangiting wika ni Lester.

"Good Morning!" wika ng taong nasa may entrada ng silid na sabay na napagpalingon kay Anna at Lester sa gawi nito.

"Oh 'Dre andyan ka na pala," bati ni Lester kay Paulo.

"Kadarating ko lang. Ang aga mo ah," baling ni Paulo kay Lester habang lumalapit palapit sa kanila.

"Oo. Tinatapos ko pa kasi ung bagong choreo doon sa new song," sagot naman ni Lester.

"Hello Anna! Good morning," baling ni Paulo kay Anna habang matamis ang ngiti ng binata.

"G-ood Morning!" nauutal na bati rin ni Anna.

"By the way, eto pala oh," sabay abot ng paper bag kay Anna.

"Ano 'to?" tanong ni Anna habang inaabot ang paper bag.

"Almusal mo," sagot ni Paulo dito.

"Pero—" naputol ang sasabihin ni Anna ng biglang nagsalita si Lester.

"Ah wait lang. I think that's my que. Need ko nang mag exit frame," nakangiting wika ni Lester.

"Saan ka punta?" pagtatanong ni Paulo.

"Sa may lobby. May meeting kami ni Jerson," wika ni Lester habang kinukuha ang kanyang bag.

Bago tuluyang umalis ay may ibinulong pa si Lester kay Paulo.

"And hindi na ko kailangan dito. Para matuloy mo yang panliligaw mo," natatawang wika ni Lester.

"Sira!" wika ni Paulo na may hampas pa sa kaibigan.

"Sige na! See you later guys," paalam ni Lester sa dalawa.

"Anong binulong ni Lester sa iyo?" tanong ni Anna kay Paulo nang makaalis na si Lester.

"Wala yun. Puro kalokohan lang alam nun," sagot naman ni Paulo.

"Salamat nga pala dito," wika ni Anna habang itinataas ang paper bag na binigay ng binata.

"Wala yun. Kainin mo na habang mainit pa," wika naman ni Paulo sa kanya.

"Hindi ka na sana nag abala sa pagdadala nito," muling wika ni Anna.

"Sabi ko naman sa iyo na papatunayan ko sa iyo ang nararamdaman ko. Simula pa lang yan. Masanay ka na," nakangiting wika ni Paulo.

"Paulo, huwag mo namang gawin sa akin 'to?" nakikiusap na wika ni Anna.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" nangangambang tanong ni Paulo.

"Hindi naman. Kaya lang—" naputol ang sagot ni Anna.

"Hindi mo ba ako gusto?" seryosong tanong ni Anna.

"Hindi naman sa ganun," sagot naman ni Anna.

"Basted na ba ako?" muling tanong ni Paulo.

"Hindi pa," muling sagot ni Anna.

"Babastedin mo ako?" nanlaki ang matang tanong ni Paulo.

"Hindi!" muling tugon ni Anna sa binata.

"Akala ko babastedin mo ako eh," nakahinga ng malalim sa wika ni Paulo.

"Kaya lang kasi Paulo hindi ako sanay sa ganito eh. And ayaw kong makasira sa career mo," wika ni Anna.

"Anna, hindi ka makakasira sa career ko. Sa katunayan, dahil sa iyo mas gusto kong pagbutihin itong ginagawa ko. Dahil sa iyo mas inspired ako na magsulat ng kanta at magtrabaho. Hindi ka hadlang sa kung anong meron ako. Isa ka sa dahilan kung bakit pinag iigihan ko ang mga ginagawa ko," mahabang wika ni Paulo.

"Maraming salamat sa pagpaparamdam mo na importante ako sa iyo. Aaminin ko na importante ka sa akin. Espesyal ka. At aaminin ko na kinikilig ako sa mga ginagawa mo. Pero sana naiintindihan mo din ako. Kung bakit hindi kita mabigyan ng sagot sa ngayon. Pero nagpapasalamat ako sa pagpapahalaga na binibigay mo sa akin," seryosong wika ni Anna sa binata.

"Huwag ka mapressure Anna. Sinabi ko naman sa iyo na papatunayan ko ang nararamdaman ko. Hindi kita mamadaliin. Gusto ko rin naman na pagdumating ang panahon sasagutin mo ako dahil mahal mo rin ako, hindi dahil sa napepressure ka lang. Pero sana huwag mo akong pigilang iparamdam sa iyo ang nararamdaman ko. Dahil ikaw ang kaligayahan ko Anna. At makita kang nakangiti ay sapat na sa akin," tugon naman ng binata.

"Maraming salamat sa pang unawa mo. Maraming Salamat," tangging tugon ng pasasalamat ni Anna.