webnovel

Hindi Niya Gusto Ang Pinagbabantaan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Upang mapabilis ang proseso ng paghahanap ng katotohanan, si Lu Che ay nagkunwaring nahulog sa panlilinlang ng salarin at nagtungo upang makipagkita sa doktor.

"Doctor Lin. Ang madam ay huminahon na at pumapayag na sa iminumungkahi mong gamutan. Kaya, inutusan ako ni President Mo na pumunta dito upang gumawa ng pagsasaayos kasama mo."

"Ok, ang tumor ay kailangang matanggal sa lalong madaling panahon, kaya importante para sa amin na agad siyang ma - ibook para sa operasyon," wika ng doktor sa propesyunal na paraan. Sa totoo lang, halos bahagya na lamang napapanatili ni Lu Che ang kanyang pangunahing ugali, dahil sa kalooban niya, gusto na niyang sakalin ang imoral na doktor na nasa harapan niya hanggang sa ito ay mamatay.

Bilang doktor, hindi lamang sa hindi niya ginampanan ang kanyang tungkulin na sumagip ng buhay at gamutin ang nasugatan, lubos din nitong binalewala ang buhay ng iba. Kaya, sa mga mata ni Lu Che, hindi siya karapat dapat na tawaging tao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com