webnovel

Handa Ka Na Bang Sabihin Kay Lolo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkaraan makabalik si Tangning sa set, si Wei An ay mas kinakabahan pa kaysa sa kanya. Kaya, bago mag - umpisa sa kanyang eksena, nababalisang nagtanong ito sa kanya, "Talagang ok lang ito sa iyo? Kailangan mo ba ng body double? Kailangan ko ba ipaalala sa lahat na mag - ingat sila?"

"Director Wei…" ang boses ni Tangning ay may bakas ng kawalang magawa.

"Ok, naiintindihan ko na, titigilan ko na ang pag aalala," nahihiyang bumalik sa kanyang upuan si Wei An. Hindi niya ito maaaring maiwasan, masyado siyang natatakot kay Mo Ting at labis siyang nag - aalala kung gaano kahina ang isang nagdadalang taong babae. Gayunpaman, sa sandaling si Tangning ay nasa karakter na, halos makalimutan na ni Wei na si Tangning ay nagdadalang tao hanggang sa ang eksena ay matapos na. "Cut! Oras na upang magpahinga at maghanda para sa susunod na eksena," masayang sigaw ni Wei An.

Nagmamadaling lumapit si Mo Ting sa tabi ni Tangning at nagtanong, "Ayos ka pa rin ba?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter