webnovel

Gusto Ko Ding Maging Manager Ang President

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Huo Jingjing ay nasa industriya nang higit sa 10 taon at nakakita na siya ng maraming tao na katulad ni Qin Yu dati, kaya direkta niya itong sinipa noong walang nakakapansin. Ang matulis na heel mula sa kanyang sapatos ay bumaon sa kalamnan ng binti ni Qin Yu.

Hindi inasahan ni Qin Yu ang sipang iyon. Ang sakit na hatid nito ay matindi kung kaya napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan habang umuungol sa sakit at sinisigaw ang pangalan ni Huo Jingjing…

Agad na napansin ng host ang kaguluhan na nagaganap sa ibaba ng entablado at sinenyasan ang direktor na huwag kunan ng kamera ang direksyon na iyon para hindi maapektuhan ang live broadcast.

"Huo Jingjing … nababaliw ka na ba? Namumuro ka na!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com