webnovel

Natagpuan Na Namin Ang May Sala

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Paano mo nasasabing ayos ka lang?" tiningnan ni Huo Jingjing ang humigit kumulang 1 metrong taas ng entablado at iniisip ang paraan kung paano nalaglag si Tangning. Agad niyang hinawakan ang braso ni Tangning at sinuri ito, "Tiyak na lalabas ka sa balita. Sa palagay mo ba hindi ito nakita ng 'ibang tao'?"

Nauunawaan ni Huo Jingjing ang iniintindi ni Tangning, kaya pinalitan niya ang pangalan ni Mo Ting ng 'ibang tao'.

Gayunpaman, tumawa lang si Tangning, "Mabuti na lamang may carpet ang sahig."

Sa mga oras na ito, lumapit din ang host kay Tangning at tinulungan si Tangning na makatayo, "Kaya mo pa bang maglakad? Gusto mo bang pumunta sa ospital?"

Iniling ni Tangning ang kanyang ulo. Mas masakit talaga noong mga sandali na siya ay tinulak ng lalaki. Hindi na siya masyadong nakaramdam ng sakit noong malaglag na siya ng entablado kung ikukumpara ito noong maitulak siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com