webnovel

Babayaran Mo Ba Ako, O Siya Ang Magbabayad Sa Akin?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tiningnan mo na ba ito?" tanong ni Mo Ting kay Lu Che habang nakatingin sa mataas na bintana sa Hai Rui.

"Oo, sigurado ako," sagot ni Lu Che, "Sa mga mata ni Elder Song, si song Xin ay isang apong babae na naniniwala siyang dapat na ipagmalaki. Para sa kanya, si Song Xin ay lubhang napaka galing at mabait. Kahit na siya ay kontra sa pinili nitong karera sa entertainment industry, hindi ibig sabihin nito na hindi niya ito pinalayaw."

"Hindi ba alam ng matandang lalake kung gaano kasama ang kanyang apong babae?"

"Hindi kailanman ipaaalam ni Song Xin iyon sa kanyang lolo," tumawa si Lu Che. 

"Tulungan mo akong magbigay ng imbitasyon. Gusto kong makipagkita sa matandang lalake," wika ni Mo Ting, bago siya humarap at ilagay ang kanyang tingin sa dokumento na nasa kanyang lamesa. "At saka, simula ngayon, ang ang isyua y hindi naman importante, hayaan mong si Fang Yu ang humawak niyon."

"Naiintindihan ko."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com