webnovel

Ayos Pa Ba Si Elder Song?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Madali lamang. Ang lahat ng iyong dating kinausap upang pagbawalan si Tangning, tawagan mo sila at sabihin na kanselahin ang kanilang pagbabawal," sagot ni Mo Ting; ng diretsa ipinakikita ang kanyang motibo ng walang pag dadalawang isip.

"Sinasabi mo ba sa akin na bawiin ko ang aking mga sinabi?"

"Problema mo na iyan," dahan dahang nagiging malamig ang boses ni Mo Ting. "Kung hindi ka nakakaramdam ng awa at kasalanan para sa lahat ng ginawa ng iyong apong babae, kung ganon walang akong dahilan upang pangalagaan ko ang iyong pagmamataas. Gusto ko lamang makita na sinasampal mo ang iyong sarili sa mukha."

Lumingon si Elder Song, ayaw nitong tanggapin ang kanyang kapalaran.

"Ano iyon? Hindi ba sinabi mo sa akin kani kanina lamang na huwag akong maging mayabang? Saan na napunta ang lahat ng iyong lakas?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com