Dahil mayroon na siyang taong makakasama sa date, nag umpisa ng gumugol si Qian Lan ng kaunting oras sa kanyang hitsura. Ang bahagyang pagbabagong ito ay kaagad na napuna ng miyembro ng kanyang pamilya.
Sa huli, nagtatakang nagtanong si Mother Qian sa kanyang nakakatandang anak na babae, "Si Qian Lan ba ay nakikipagkita sa isang tao? Nitong mga huli ay naglalagay na siya ng bahagyang makeup."
"Hindi ako sigurado," iniling ng nakakatandang kapatid ni Qian Lan ang kanyang ulo.
"Kailangan mong magpakita ng pagmamahal at pag aalala para sa iyong nakababatang kapatid. Isipin mo ang tungkol sa ating katayuan, ano ang gagawin natin kung sa huli siya ay makapag asawa ng mahirap?" Wika ni Mother Qian sa kanyang nakatatandang anak na babae.
"Huwag kang mag alala Mom, babantayan ko si Qian Lan."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com