webnovel

Wala Kang Pakialam, Diba?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinabukasan, habang si Qian Lan ay mayroong klase at si Mo Zichen ay wala, inutusan ni Qian Hui ang kanyang mga tauhan na imbitahin si Mo Zichen sa labas para makausap ito.

Upang ipakita ang kanyang pagkakakilanlan, partikular na nagbihis si Qian Hui ng mamahaling damit upang mapagtanto ni Mo Zichen ang katayuan ni Qian Lan at malaman nito kung kailan aatras.

Naisip ni Mo Zichen ang tungkol sa lalake na sumusunod sa kanila kahapon, kaya, sa sandaling makita ni Mo Zichen si Qian Hui, kaagad niyang napagtanto ang intensyon nito.

"Pakaiusap maupo ka, Mr. Mo," wiak ni Qian Hui habang itinuturo ang nito ang isang upuan ng kanyang baba. Pagkatapos ay tinanggal niya ang kanyang sunglasses at inilagay ang mga ito sa lamesa sa harapan nila. "Ang pangalan ko si Qian Hui, ako ang nakatatandang kapatid na babae ni Qian Lan."

"Hello, Miss Qian," wika ni Mo Zichen habang siya ay nauupo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com