webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Nasaan Si Jaime?

Hello Eunice, naabala ba kita? Mukhang busy ka, ang tagal mo kasing sagutin ang phone. Busy ka ba? Nakakaistorbo ba ako, iha?"

Sabi ng nasa kabilang linya na si Lola Issay.

"Hindi naman po Lola Issay may iniisip lang po ako kaya hindi ko po agad nasagot ang tawag nyo. Bakit po kayo napatawag?"

Magalang na tanong ni Eunice.

"Eh, kasi iha, gusto ka kasing makausap ng Lolo Miggs mo, may oras ka ba?"

Tanong ni Issay

"Huwag po kayong magalala Lola Issay, gagawa po ako ng oras para kay Lolo Miggs!"

Sagot ni Eunice.

"Salamat iha, okey sige, ibaba ko na at nakakaabala na ako sa'yo!"

"Teka po Lola, sandali lang po, kelan ko po ba pwedeng puntahan si Lolo Miggy?"

"Haaay naku Ineng, hindi naman naalis di ne ang Lolo Miggs mo kaya anytime pwede mo syang puntahan."

"Okey po .... pero sandali lang po ... "

Awat ulit ni Eunice ng maramdamang nagpapaalam na ang Lola Issay nya.

Hindi naman maintindihan ni Issay bakit parang ayaw ni Eunice na ibaba nya ang telepono.

"Eunice may gusto ka bang sabihin sa akin?"

"Po? e.... kasi po...."

"Sige na iha, sabihin mo na para mawala na yang agam agam sa isip mo!"

Sabi ni Issay

Huminga ng malalim si Eunice.

"Lola Issay nabalitaan nyo po ba ang nangyari kay Khim?"

Pagsisimula ni Eunice.

"Hindi pa Iha, ano ba yun, anong nangyari kay Khim?"

"Na kidnap po sya ng mga sindikato, kahapon!"

"Ano? Juskopo! Kamusta na si Khim?"

"Ligtas na po sya Lola Issay, huwag na po kayong magalala."

"Haay salamat naman! Pinakaba mo akong bata ka!

Yan lang ba ang gusto mong sabihin kaya ayaw mong ibaba ko ang telepono?"

Tanong ni Issay na ikinagulat ni Eunice.

'Grabe talaga si Lola Issay, ang lakas pa rin ngpakiramdam!'

"Eh Lola, kami po kasi ni Tita Nadine ang lumusob sa kuta ng mga sindikato para iligtas si Khim. May nakuha po akong laptop na ginagamit ng mga sindikato, gusto ko po kasing ibigay ito kay Lolo Gene pero nabalitaan ko po ang nangyari sa kanya."

Sabi ni Eunice.

"Bakit hindi mo ibigay kay Jaime?"

Tanong ni Issay.

"Hindi ko po kasi alam kung paano ko kakausapin si Tito Jaime, baka po kasi ikagalit nya dahil kami ang nagligtas kay Khim imbis na sya!

Saka, nagaway po kasi sila ni Tita Nadine dahil sa nangyari kay khim."

"Nag away sila o inaway sya ni Nadine?"

Panguusisa ni Issay.

"Eh, Lola Issay, pwede po bang kayo na lang ang makipagusap kay Tito Jaime, baka sakaling makinig sa inyo."

Pakiusap ni Eunice.

"Okey sige Eunice ako ng bahalang makipagusap kay Jaime."

Pero ang tanong:

Nasaan si Jaime?

*****

Sa IDS Hospital.

'Ano bang nangyayari dito kay WifeyLabs ko?'

"Kate MyWifeyLabs, anyare sa'yo, namali ka ba ng gising o tulog ka pa?"

Tanong ni Mel sa asawa.

Alam nyang nagbibiro lang ito sa mga tanong nya kanina pero bakit parang mali nga ang gising nya.

"Gising na po ako, ang sama nga ng napanaginipan ko kaya ako nagising!"

Sagot ni Kate.

'Ah, kaya pala!'

Ang bata na karga ni Mel na kanina pa natutulog ay naalimpungatan ng madinig si Kate.

Sinulyapan nya kung sino ang nagsasalita at nangiti sya dahil akala nya isang anghel si Kate.

"Angel ..."

"Ano daw?"

"Angel ka daw! Mukha ka kasing anghel, My WifeyLabs!"

Sabi ni Mel habang ibinaba nito sa kama ang inaantok pang bata.

Nangiti naman si Kate at kinilig ng sabihan sya ni Mel na mukhang anghel.

Hindi sya ganito sa kahit kanino man tanging kay Mel lang sya nakakaramdam ng ganitong kilig pag pinupuri sya.

"Hubby ko, bakit mo ba dinala ang pasyenteng yan dito, baka hanapin yan duon ng mga nagaalalaga sa kanya?"

Tanong ni Kate

"Haaay naku Kate MyWifeyLabs, mahabang kwento!"

At sinimulang ikwento ni Mel ang nangyari sa kanya kanina sa baba.

"Lintek na! Nasaan ang mga security na yan? Kabilin bilinan ko huwag kang iiwan at babantayan ka, bakit sila wala?"

Naiinis na tanong ni Kate

Napataas ang kilay ni Mel.

'At totoo nga! Pinababantayan nya ko sa mga security!'

'Grabeka Wifey Labs!'

"Huwag mo ngang kagalitan ang mga security, hindi naman nila ako pinabayaan. Katunayan, inihatid pa nga nila ako dito at yung isa pinaiwan ko kay Sister Vicky."

"Haaay mabuti naman kung ganun.."

Sabi ni Kate.

Sabay pinupog ng halik si Mel.

"Ngayon, Kate MyWifeyLabs, sasabihin mo na ba sa akin kung ano yung masamang napanaginipan mo?"

Tanong ni Mel.

Napahinto si Kate sa biglang pagbabalik ng topic, akala nya nalimuntan na ni Mel.

"Wala nakalimutan ko na.

Si Kuya wala pa ba? Mag gagabi na ah!"

Pagiiba ng topic ni Kate.

"Wala pa sya, baka bukas pa yun bumalik. Pinatawag sya ng Mommy nyo."

Sabi ni Mel.

"Bakit daw?"

Gulat na tanong ni Kate

"Tungkol ata sa Daddy nyo!"

Napansin ni Mel na nagiba ang mood ni Kate. Natahimik ito.

"Ngayon, ikukwento mo na ba ang tungkol sa napanaginipan mo?"

Muling pangungulit ni Mel.

"Ang totoo nyan nakalimutan ko na yung kabuuan ng panaginip pero andun pa rin yung takot!"

"Kaya ka pala namumutla. Tungkol ba sa Daddy mo ang panaginip mo?"

Tanong ni Mel na ikinagulat ni Kate

"Paano mo nalaman? My third eye ka na ba?"

"Wala, pero namumula ka kapag nababanggit ang Daddy mo at yan din ang expression mo ng sabihan mong nanaginip ka ng masama!"

Paliwanag ni Mel.

"Dad is trying to touch me in my dream pero .... hindi nya ako ma reach kahit magkatapat lang kami. Tapos, unti unti syang naglalaho.

Sumusigaw ako at tinatawag ko sya pero unti unti syang naglaho sa harapan ko at wala akong magawa!"

Umiiyak na kwento ni Kate.

*****

Samantala, sa presinto.

Nakapagpyansa na ang lalaking stalker ni Khim, si Edwin.

Ito ang lalaking humarang at humablot sa braso nya.

"Attorney, nasaan ang bayaw ko?"

Tanong nito sa attorney nya na nagpyansa sa kanya.

"Edwin, wala na rito sa Pinas ang bayaw mo at si Angela. Nagmamadali itong umalis pagkatapos ng nangyari sa bahay nila. Natakot syang baka magsampa ng reklamo ang matandang heneral!"

"May balita ka ba dun sa matandang heneral? Buhay pa ba?"

Wala! Walang makapagsabi kung saang ospital ito dinala. Biglang naglaho!"

"Magaling ang ginawang pagtakas ni Bayaw, kawawa si Angela pag nakulong sya."

"Pero may pinasasabi po si Sir Dante, ayaw na raw po nyang ituloy ang paghihiganti kaya tumigil na raw kayo at pabayaan si General Santiago. Tutal hindi naman sya ang dahilan kaya nagkaganun si Angela."

"HINDI! Hindi ako makakapayag! Nasimulan ko na 'to at walang atrasan!

Hindi ko inaasahan na tulungan nya ako sa paghihiganti dahil mas kailangan sya ni Angela, mas mabuting naroon sya sa tabi nito, pero .... huwag nya akong pipigilan.

Nasimulan ko na 'to at handa kong tanggapin ang anumang kaparusahan sa gagawin ko!

Humanda sa akin yang Jaime na yan, sya na ang isusunod ko!"