webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Bilin Ni Big Boss

Caregiver Linette, bakit ka lumabas ng silid na yan? Diba sinabi ko sa'yo, huwag kang lalabas dyan hangga't hindi tumatahan ang batang yan?"

Singhal ng Caregiver Head na si Nancy. Matandang dalaga ito at dito na tumanda sa IDS Hospital.

Napahinto si Linette sa takot ng biglang sumulpot ang superior nya, hindi nakapagsalita.

"Ano, bakit hindi ka makapagsalita dyan? Huwag mong sabihin na pinabayaan mo ang pasyente na magisa?"

Singhal ulit ni Nancy kay Linette.

Kanina pa kasi umiiyak ang bata at naririndi na rin ang lahat kaya nagtalaga sya ng magaalaga dito. Si Linette.

Pero ang problema, hindi man lang sya binigyan ng ka relyebo. Ilang oras na tuloy nasa loob ng silid ng pasyente si Linette dahil patuloy sa pagiyak ang bata.

Hindi pa sya kumakain ng tanghalian at malapit na ang hapunan. Ni magtungo sa banyo ay hindi nya magawa.

At wala ni isa sa mga kasamahan nya ang nakaisip na palitan sya kahit isang saglit.

Tahimik na lang itong umiiyak at nagdadasal na sana may pumalit sa kanya.

Kaya ganun na lang ang tuwa nya ng biglang dumating si Mel, labis labis ang pasasalamat nya.

Pero naudlot ang saya nya ng makita sya ng superior nya at sitahin.

Natataranta tuloy sya at hindi makapagsalita.

'Jusko, anong gagawin ko?'

Takot na takot si Linette.

"Hindi naman nya pinabayaan ang pasyente, inutusan ko sya kaya sya lumabas ng silid!"

Paliwanag ni Mel na ikinagulat ni Nancy.

"Pasensya Sir, pero sino po sila?"

Tanong ni Nancy kay Mel.

Ngayon lang nya nakita ito.

"Ako si Mel. Andito ako dahil napansin kong nahihirapan na ang nagbabantay sa bata kaya nag volunteer akong palitan sya. May problema ba?"

Tanong ni Mel.

"Sir, mawalang galang na po, pero trabaho po nya ang magbantay at siguraduhin nasa ayos ang pasyente at pwede po syang maparusahan sa ginawa nyang pagpapabaya sa pasyente!"

Naiinis na paliwanag ni Nancy.

"Pagpapabaya? Bakit Miss, wala bang pangangailangan si Ms. Linette? Sa itsura nya mukhang hindi pa sya kumakain, dehydrated na sya."

Sabi ni Mel.

Pinagmasdan ni Nancy si Linette at kita nga ang panginginig ng mga kamay nito.

"Kung hindi pa sya kumakain, hindi ko na problema yun. Bakit hindi sya nagpapalit sa mga kasamahan nya?"

Sabi ni Nancy

"May itinalaga ka man lang ba na kapalitan nya sa pagaalaga sa pasyente?"

Tanong ni Mel

Ang pasyenteng tinutukoy nila ay kasalukuyang karga karga ni Mel at hinehele habang kausap si Nancy. Tumahimik na ito sa kaiiyak simula ng kargahin ni Mel.

"Syempre meron, hindi pwedeng magisa lang sya dyan."

Sagot ni Nancy

Hindi nya dala ang chart nya kaya hindi nya alam pero may kutob na sya kung sino ito.

Ang pamangkin nyang tatamad tamad at lagi na lang nyang pinagtatakpan.

Mahigpit sya sa mga tauhan nya maliban sa pamangkin nyang ito.

"Pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo dahil outsider kayo! Mga bisita kayo dito sa ospital at personal problem namin ito kung kaya Sir, mas maigi na ibigay nyo na ang bata kay Ms. Linette at umalis na po kayo!"

Sabi ni Nancy.

Sa sinabi ni Nancy walang nagawa si Linnette kundi kunin ang bata kay Mel pero, ayaw sumama ng bata, umiyak ito.

Hindi na pinilit pa ni Linette na kunin ang bata kaya sinubukan naman syang kunin ni Nancy.

Pero lalong umatungal ang bata kaya hindi ito binibitiwan ni Mel.

Duon sa tagpong iyon sya nakita ni Vicky na kanina pa sya hinahanap.

"Mel, anong nangyayari dito?"

Tanong ni Vicky na iniharang ang katawan para mamagitan sa dalawa.

"At sino naman po kayo Miss at parang gusto nyo ring makialam?"

Sarkastikong tanong ni Nancy.

Napipikon na ito sa dami ng nakikialam sa desisyon nya.

"Duktor ako, kaibigan ni Dr. James! May problema ka ba sa akin?"

Medyo napaurong si Nancy.

Kilala di Dr. James na malakas kay Doña Isabel kaya malaki ang respeto ng lahat dito.

"Pasensya duktora pero, trabaho namin na pangalagaan ang bata! Kaya nakikiusap akong ibigay nyo na sya sa caregiver nya at umalis na kayo."

"Hindi, Hindi ko pwedeng ibigay ang bata sa kanila Sister Vicky! Masama ang pakiramdam nyang si Linette, tingnan mo?"

Sa itsura nga ni Linette isang tingin lang ni Vicky alam nyang nanghihina na ito.

Pero nasasagad na ang pasensya ni Nancy, tumawag na ng security.

"Security!

Pakikuha nga ang bata at pakilabas ang dalawang yan! Hindi sila dapat na narito!"

Utos ni Nancy sa lumapit na security.

Nangiti ito ng nilapitan si Mel ng security.

"Sir, may problema po ba?"

Tanong ng security.

"Wala naman, okey lang ako."

Nakangiting sabi ni Mel ni walang mababanaag na takot dito.

Pero hindi si Linette.

Walang silang kamalay malay pero bigla na lang itong bumagsak sa tabi ni Vicky, mabuti at nasalo nya.

Mukhang nanghihina na ito sa sobrang gutom.

"Security, tulong! Pakibuhat sya at pakilagay sa kama!"

Utos ni Vicky na sinunod naman agad ng security.

Sa mismong kama ng bata sya inihiga ng security, sumunod din si Mel na karga ang bata at si Nancy.

Lumabas si Vicky saglit at pagbalik nya ay may dala ng dextrose na ikinabit kay Linette.

Samantalang si Nancy ay nakakita ng pagkakataon na kunin ang bata kay Mel pero naghisterikal ito.

"Security, pigilan mo sya!"

Utos ni Mel.

Agad na tumalima ang security, kinuha ang bata at ibinalik kay Mel.

"Ilabas mo yan at huwag kang magpapasok ng kahit na sino dito!"

Matapang na sabi ni Mel.

Napipikon na sya kay Nancy.

Natakot ang bata sa mga pangyayari kaya inakap nito si Mel.

"Okey na sya, nahimatay lang sa sobrang gutom at pagod."

Sabi ni Vicky.

"Buti pa tara na!"

dungtong nito.

"Pero hindi ko sya pwedeng iwan, baka bumalik yung superior nya kung ano ang gawin sa kanya!"

Sabi ni Mel.

"Okey sige, buti pa ako na muna dito magbantay sa kanya, okey na naman si Lolo Gene.

Bumalik ka na kay Kate at baka hinahanap ka na nun!"

"Pakiusap Sister Vicky, huwag mo syang iiwan! Isama mo sya pag gising nya, okey!"

"Okey I'll understand!"

At lumabas na ito ng silid.

"Sir, aalis na po kayo? Samahan ko na po kayo!"

"No, huwag na, okey lang ako, maiwan ka na lang dito, Mamang Security!"

Sabi ni Mel.

"Hindi po pwede, bilin po ni Big Boss, sundan at ingatan po namin kayo. Mabuti pa po pasasamahan ko na lang kayo sa kasama ko!"

At tinawag nito ang kasamahan nya.

Pagdating sa VIP room kung saan naroon si Kate, nagulat na lang ito ng makita gising na ang asawa nya.

"Oh, Kate MyWifeyLabs, ba't gising ka na agad?"

"Nagugutom kasi ako eh!"

Nakatalikod ito kaya hindi napansin si Mel na may dalang bata.

Kaya nagulat si Kate pag harap nya kay Mel para ikiss ito.

"OMG! Anong nangyari? Nakatulog lang ako nagka anak ka na agad? Sinong nanay nyan?! Sinong nabuntis mo?!"

*****

Samantala.

Gustong makausap ni Eunice si Jaime para sabihin ang tungkol sa laptop pero paano?

Una hindi nya alam kung nasaan ito.

Pangalawa, makikinig kaya sa kanya si Jaime?

Pangatlo, wala lang, ayaw nya lang talagang kausapin si Jaime dahil sa pinaggagawa nito sa Ate Kate nya at Beshy Mel nya.

Pero kailangan nya ibigay ang impormasyon tungkol sa sindikato na nakita nya sa laptop para mapabagsak na ito lalo na ang tao sa likod nito.

Ayaw naman nyang hingan ng tulong ang Daddy nyang si Edmund at baka magsapakan lang ang dalawa.

Nabalitaan na rin kasi nya ang pagkaka ospital ni Grampy nya na naging dahilan ng pagkakaospital din ni Granny Belen nya at ang dahilan nuon ay si Tito Jaime nya.

Wala syang maisip na pwede nyang hingan ng tulong kundi si Lola Issay nya kaso may sakit si Lolo Miggs nya kaya paano nya ito mahihingan ng tulong?

Sumasakit na ang ulo nya sa kakaisip kung tatawagan ba nya si Issay o hindi.

Eh, biglang nag ring ang phone nya.

KRRIIING!

'OMG! Si Lola Issay, tumatawag!'