webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Hindi Qualified

Limang araw nag stay si James sa Little Manor kasama ang Mommy nya at si Khim.

Ayaw nya pang umalis dahil walang kasama ang dalawa pero, mapilit ang Mommy nyang si Nadine.

"James, okey lang kami dito. Mas kailangan ka ng lolo mo."

Sabi ni Nadine.

"Pero Mommy, hindi po ako mapapalagay, magaalala po ako sa inyong dalawa ni Khim, hindi pa po sya stable emotionally! Kung gusto nyo po sumama na lang kayo sa akin para mapanatag ang isip ko. May duktor pong titingin sa kanya duon!"

Nagaalalang sabi ni James sa ina.

Hindi naman makapag decide si Nadine, alam nya ang rules sa Sinag Island, bawal pumasok duon ng walang pahintulot.

"Nakakahiya kung sasama kami, wala naman kaming pahintulot."

Sabi ni Nadine na nanghihinayang.

"Mom, hindi nyo po kailangan mahiya, may access po kayo sa Sinag Island nuon pa man. Kayo po ang lubos na pinagkakatiwalaan ni Lola Issay kaya nasa list kayo ng pwedeng makapasok sa Sinag."

Sabi ni James na ikinagulat ni Nadine.

'Nasa list ako? Bakit hindi sinasabi sa akin ni Nanay Issay?'

Natuwa si Nadine, hindi nya akalaing kasama sya sa listahan ng pwedeng makapsok ng Sinag Island.

Syempre gusto rin naman nyang sumama para makita sila Kate at Mel saka ang biyenan nyang si Gene.

Maging si Khim tuwang tuwa din. Gusto nyang umalis at iwan pansamantala ang lugar na ito.

"Ako Kuya James, may access din dun?"

"Wala! Hindi ka pa qualified!"

"Paano ako magiging qualified?"

Pag naging kasing galing mo si Ate Kate mo! Hehe!"

"Naaman Kuya James, imposible naman yan! Normal na tao lang ako!"

"Hahahaha!"

*****

Simula ng dumating si Kate sa IDS, makikita ang unti unting pagbabago sa ospital.

Naging maaliwalas ang paligid, masaya ang mga tao at laging nakangiti.

Nakikipagbiruan pa ang mga ito, hindi tulad nuon na napaka seryoso ng paligid, ang lungkot tuloy pagmasdan.

Kung nuon pag pasok ng IDS, ma fefeel na seryoso lahat at parang de numero ang kilos, ngayon iba na.

Ngayon, pagpasok ng IDS, ma fefeel ang over whelming and caring feeling sa paligid.

At may pa greeting pa!

"Magandang araw! Welcome to IDS Special Care Hospital!"

Napatigil si James ng batiin sya ng isang staff.

"Anyare?"

Tanong ni James.

Hindi sya sanay sa nakikita nya, nakabibigla.

"Hello po Dr. James and company! Welcome po!"

Bati ng isa pang nurse na napadaan lang.

Napakunot ang noo ni James.

"Anong nakain nyo?"

Nagtatakang tanong nito.

"Hahaha! Si Dr. James palabiro! Hindi pa po kami kumakain, natutuwa lang po kami at narito na kayo. Sige po Dr. James and company, tuloy na po kayo! Hehe!"

Masayang sabi nitong nurse na sumalubong sa kanila.

"Alam mo ba kung nasaan si Kate?"

Tanong ni James sa staff na unang bumati sa kanila.

"Ay opo, Dr. James! Naroon po sa ICU, kasama po sila Dr. Vicky at si Chief Mel."

"CHIEF MEL?"

Sabay na tanong ng tatlo.

Naguguluhan na talaga si James.

Hahakbang na sana ito patungong ICU ng biglang may tumawag sa kanya.

"Dr. James! Finally your here!"

Boses ni Dr. Gonzales.

Masayang masaya syang makita ito dahil mababaliw na sya at walang kumakausap sa kanya.

Simula ng umalis si James, lagi na lang syang nasa opisina dahil hindi sya pwedeng basta lumabas, may nagbabantay. Utos ni Kate.

Hindi nya alam kung anong nangyayari bakit parang wala ng silbi ang kapangyarihan nya bilang Head Director ng ospital.

Nakukunsumi na sya.

Kaya ng mabalitaan nyang dumating na si James, nagmamadali itong bumaba para salubungin sya.

Agad na lumapit si Dr. Gonzales subalit hinarang sya agad ng isang security.

"Hanggang dyan lang kayo!"

Sabi ng security sa kanya.

Wala syang nagawa kung hindi huminto na ikinagulat ni Nadine at Khim.

"James, may problema ba?"

Tanong ni Nadine.

"Wala po Mom. Mabuti pa po mauna na kayo sa ICU, inaantay na po kayo ni Kate at ni Grampy!"

"Ms. Erin, paki samahan nga sila sa ICU."

Utos nya sa staff na unang bumati sa kanila kanina.

*****

Pagkaalis nila saka nya hinarap si Dr. Gonzales.

"Anong kailangan mo sa akin, Dr. Gonzales?"

Tanong agad ni James

"Nakikita mo ba ang nangyayari sa ospital, huh?

Anong masasabi mo, mukha pa ba itong ospital?

Simula ng dumating yang kapatid mong si Kate wala na, nasira na ang ospital na pinaghirapan kong ayusin at pagandahin!"

Galit na sabi ni Dr. Gonzales.

"Nasira? Asan?

Ano bang nasira dito sa ospital na sinasabi nyo Dr. Gonzales? Mas okey nga ngayon, mas naging lively ang ambience."

Nakangiting sagot ni James kahit na naguguluhan pa rin sya sa nadatnan nya.

"Hindi mo ba nakikita? Ganito ba ang itsura ng ospital?!"

Galit na tanong ni Dr. Gonzales.

"Oo naman! Merong nurse, merong duktor, merong pasyente .... ospital!"

Sagot na may halong panginis ni James.

"Nanadya ka ba, Dr. James? Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha mo kaninang pagpasok mo!"

"Nope Dr. Gonzales, hindi pagkadismaya, pagkagulat! Magkaiba yun."

Seryosong paliwanag ni James.

Huminto na sa pakikipagtalo si Dr. Gonzales, alam nyang walang syang mapapala kung makikipagtalo pa sya.

Dumarami na ang tao, nagmumuha na syang tanga.

"Humahaba na ang usapan, kaya lang naman kita gustong makausap ay para makuha sayo ang numero ni Don Miguel. Nawala ko kasi ito at alam kong may numero ka nya!"

Sabi ni Dr. Gonzales.

"Nawala? Bakit nyo sa akin tinatanong? Andyan si Kate, bakit hindi sya ang tanungin nyo?"

Sabi ni James.

"May ... numero ... si Kate ni ... Don Miguel? ....Bakit?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Dr. Gonzales.

'Kung ako nga wala, pero bakit sya meron?'

Nagsusumigaw ang kalooban ni Dr. Gonzales.

"Kasi Dr. Gonzales, isa si Kate sa mga member ng Elite Group na pinagkakatiwalaan ni Don Miguel, kaya natural lang na may numero sya nito."

Simpleng sagot ni James.

Nakaramdam ng panlulumo si Dr. Gonzales. Hindi nya akalaing na myembro pala ng Elite Group si Kate at higit sa lahat, hindi rin nya akalaing lubos itong pinagkakatiwalaan ni Don Miguel.

'Kaya pala sinabi nyang boss ko si Mrs. Kate de Guzman!'

Bilang Head ng ospital, member din ng Elite Group si Dr. Gonzales, pero member lang sya at hangang IDS lang ang nasasakupan nya. Wala syang access sa ibang parts ng Elite Group.

Hindi tulad ni Kate na may access saan mang part ng Sinag Island sya magpunta.

Hindi ito alam ni Dr. Gonzales na si Kate, sa simula pa lang may mataas ng katungkulan sa buong Elite Group, mas mataas kesa sa kanya.

Dahil si Kate ang tinuturing na kanang kamay ni Don Miguel at si Eunice ang kaliwang kamay nito.

"May itatanong pa ba kayo Dr. Gonzales?"

Tanong ni James.

Gusto na nyang umalis para makausap si Kate.

"P-Pwede bang tawagan mo si Don Miguel para sa akin? Gusto ko syang makausap!"

Pakiusap ni Dr. Gonzales.

Alam ni James na hindi ganuon kadaling tawagan si Don Miguel.

"Dr. Gonzales pasensya na pero, hindi ko po alam ang numero ni Don Miguel, hindi po ako qualified para malaman ito. Kung gusto nyo, yung assistant na lang ni Don Miguel, dun may numero ako."

At kinuha nito ang cellphone at dinayal ang numero ni Francis.

Francis: "Hello?"

James: "Hello po Sir Francis. This is James. Tumawag po ako dahil gusto daw pong makausap ni Dr. Gonzales si Don Miguel."

Inopen ni James ang speaker ng phone para marinig ni Dr. Gonzales, pero syempre, dinig din ito ng nasa paligid.

"Don Miguel gusto daw kayong makausap ni Dr. Gonzales.."

Halos pabulong na sabi ni Francis kay Don Miguel pero dinig ito ng mga naroon pati ni Dr. Gonzales.

"At bakit? Para saan? Hindi ba sinabi ko na sa kanya na andyan ang Boss nyang si Kate? Bakit hindi sya ang kausapin nya?"

Dinig na dinig nila ang naiiritang boses ni Don Miguel.

Francis: "Pasensya na James pero ayaw syang kausapin ni Don Miguel. Saka, pakisabi na rin sa kanya na tigilan na rin nya ang pagtawag sa akin."

TUT TUT TUT TUT

At binaba na nito ang phone.

Nakaramdam ng panghihina si Dr. Gonzales, nahilo ito biglang nawalan ng malay.