webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Kailangan ni James si Grampy

Pagpasok ng bar ng grupo ng mga kalalakihan, natanaw agad nila si Jaime at nilapitan.

"General, mukhang marami rami na ang nainom nyo, pwede ba kaming maki join?"

Hindi pa nakakasagot si Jaime, tinitingnan pa nya ang bawat isa, pilit kinikilala, pero nagsi upo na ang grupo ng kalalakihang ito sa mesa nya.

"Sino ba kayo? Okey lang na makipag inuman kayo sa akin basta kayo ang magbabayad!"

Sabi ng lasing na si Jaime.

Nakainom si Jaime pero alam nyang hindi pa sya lasing, malinaw na malinaw pa ang isip nya.

"Walang pong problema dun General, basta pagkatapos nito sasama kayo sa amin! Hehehe!"

Tiningnan ni Jaime ang nagsalita.

"Okey! Tagay! Hehehe!"

Sigaw ni Jaime sabay taas ng baso nya.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakatulog si Jaime.

"Oy, lasing na yan! Buti pa iuwi na natin. Buhatin nyo!"

Sabi ng isa sa kanila.

Agad na binuhat ng dalawang lalaki si Jaime at kinuha naman ng isa sa mga lalaki ang wallet nito at saka kumuha ng pera duon pambayad sa ininom nila.

"Sige na, bitbitin na ninyo yan palabas!"

Binitbit nila si Jaime na lasing na lasing palabas ng bar.

Pagdating sa labas, nagising si Jaime.

"Teka, bakit tayo lumabas? Hindi pa ako tapos, gusto ko pang uminom!"

Singhal ni Jaime sa may bitbit sa kanya.

"Huwag kang magalala General, iinom pa tayo, lilipat lang tayo ng bar. Dun sa maraming chiks! Hehehe!"

"Ayokong chicks gusto ko alak!"

Sabi ni Jaime.

"Oo mas madami ang alak dun sa pupuntahan natin, magsasawa ka! Hehe!"

At muling nakatulog si Jaime.

"Sige na, bitbitin nyo na yan at baka may makakita pa sa atin dito. Bilis!"

Nagmamadali nilang isinakay si Jaime sa sasakyan dala nila tapos ay nagmamadaling umalis ang mga ito.

Hindi tuloy nila napansin ang kanina pa nagtatago at nakamasid sa kanila.

Ang bar tender.

Lihim nyang sinundan ang mga ito.

Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Hello Sir, may mga kalalakihan pong bumitbit kay General at sinusundan ko po sila ngayon."

Okey, magiingat ka!"

Sagot ng nasa kabilang linya.

Pero biglang nawala ang sasakyang dumukot kay Jaime, iisa lang naman ang tinatahak na daan nito wala naman syang ibang sasakyang kasabayan o nakita.

"Anak ng .... saan nagpunta yung mga iyon at biglang naglaho?"

"Sir, pasensya na po pero nawala ho yung sasakyan! Hindi ko na po alam kung saan sila nagsuot."

Tahimik lang ang nasa kabilang linya.

"Okey, sabihin mo sa akin ang eksaktong location kung saan mo sila nawala at kami ng bahalang maghanap. Malapit na rin naman kami sa lugar na yan tapos ay bumalik ka na. Salamat!"

Sabi sa kanya ng kausap.

Hindi alam ng bar tender kung paano uuwi, nagaalala sya kay Jaime.

Pero kabilin bilinan ni Jaime na sa oras na may lumapit sa kanyang grupo ng kalalakihan, tawagan nya agad ang numerong ibinigay nya.

Numero iyon ng isang Major General, ang isa sa mga subordinate nya na kasalukuyan ding naghahanap sa kanya.

Pero hindi lang sila ang grupo na naghahanap kay Jaime, naron din ang mga tauhan ni Joel, ang inatasan ni Issay na maghanap sa kanya.

Si Joel ay ang bunsong kapatid ni General Gene at syang boss ng isang security agency.

Pero mukhang maswerte ang unang grupong nakakita kay Jaime. Ang mga tauhan ni Edwin.

Ngunit hanggang saan ang swerte nila kung marami ang naghahanap kay Jaime?

*****

Pagbalik ni James sa ospital, dali dali itong nagtungo sa lolo nyang si Gene.

Ganun pa rin ang itsura ni Gene, wala pa ring expression ang mukha, nakapikit lang na parang natutulog.

"Grampy, andito na po ako, nakabalik na po ako.

Akala ko po pag balik ko gising na kayo at wala na po rito sa ICU.

Please, Grampy, gumising na po kayo, kailangan po namin kayo!

Marami pong nangyari simula ng mawalan kayo ng malay. Nakidnap po si Khim at si Daddy ... nawawala at hindi namin alam kung nasaan!

At higit sa lahat Grampy kailangan ko po kayo ngayon! Isinama ko po si Mommy dito sa IDS dahil gusto ko na pong ipagtapat sa kanya ang totoo at kailangan ko po ang tulong nyo para palakasin ang kalooban ko!"

Sabi ni James na puno ng lungkot ang mukha pero .... ganun pa rin, wala pa ring expression si Gene.

Nag antay sya, nagbabakasakaling magkaroon kahit konting reaction. Pero wala pa rin.

Tumayo na ito at nanlulumong lumabas ng ICU.

Parang wala sa sariling naglakadlakad at dinala sya ng mga paa nya sa baba kung nasaan ang silid ng mga pasyente.

Hanggang sa matapat sya sa isang silid at may napansin syang kakaiba rito.

May salamin na pahaba ang mga pinto rito, ito'y para makita ang pasyente mula sa labas.

Ang pinagtataka nya ay sobrang dilim sa loob ng silid, parang walang tao.

Binuksan nya ang silid para masiguro at kinabahan sya ng makumpirmi nyang wala ngang pasyente roon.

Maayos ang silid at walang mababakas na may pasyente sa loob.

'Juskolord, nasaan ang pasyente rito? May nangyari kaya sa kanya?'

Kinakabahan si James

Agad syang nagtungo sa nurse station.

"Nurse, nasan yung pasyente dun sa silid na yun?"

Tinuro ni James ang silid na sinilip nyang walang laman.

"Sa 202 po?"

Sagot ng nurse.

"Oo Miss, dun nga! Nasaan ang pasyente dun?"

Muling tanong ni James

"Ay si Karlos po ba ang tinutukoy nyo Dr. James? Wala na po sya dyan may limang araw na po!"

Sagot ng nurse.

"Bakit may nangyari ba?"

Kinakabahang tanong ni James.

Hindi nagdidischarge ng pasyente rito, hangga't hindi completely magaling.

At alam ni James ang bawat kundisyon ng mga pasyente dito lalong lalo na yung si Karlos. Kaya hindi nya maalis na hindi magalala na baka may kung anong masamang nangyari sa pasyenteng si Karlos habang wala sya.

"Naku Dr. James, wala pong nangyari kay Karlos nailipat lang po sya ng silid. Nasa mas maayos na pangangalaga po sya ngayon. Katunayan, nakikipag tawanan na po sya sa ibang bata dito sa ospital!"

Nakangiting sabi ng nurse.

"Talaga? Mabuti naman kung ganun."

Kita sa mukha ni James na nahimasmasan ito sa sinabi ng nurse, nagkaron kasi ng kulay ang mukha nito, hindi tulad kanina nung hinahanap nya ang bata.

Huminga si James ng malalim para ma relax.

"Nurse, alam mo ba kung saan sya inilipat?"

"Ay Dr. James, hindi ko po alam. Mas mainam pong itanong nyo kay Chief Mel."

"Ha? Bakit sa kanya?"

Nagtatakang tanong ni James.

"Kasi po, sya po ang naglipat kay Karlos sa ibang silid, hindi ko po alam kung saan. Pero nabalitaan ko pong duon ata dinala ni Chief Mel si Karlos sa VIP room, ayaw po kasing humiwalay nung bata sa kanya! Siguro dahil sa nangyari nung araw na yun?"

Sabi ng nurse.

"May nangyari?"

"Opo Dr. James! Ay, wala nga po pala kayo dito nung mga oras na yun!"

"Pwede bang ikwento mo sa akin ang nangyari, para kahit papano may alam din ako?"

Pakiusap na may kasamang pagpapacute ni James sa nurse.

Gwapo itong si James, kamukha daw ni Nadine ang nga mata, parang ang lolo nitong si Enzo kung pagmamasdan mo ng matagal kaya marami ang nagkakagustong babae dito at isa na roon ang nurse na kaharap nya.

"Okey Dr. James, ikukwento ko sa inyo!"

Sino ba naman ang makakahindi, eh ibig sabihin lang nun mas matagal nyang makakasama at makakausap si James at bihirang pagkakataon ito.

"Kasi po ganito yun Dr. James. Napadpad po si Chief Mel sa silid ni Karlos dahil sa iyak nito. Madaling araw pa lang umiiyak na po ang bata hinahanap ang Papa nya. Namimiss siguro."

Napaisip si James kung gaano kalakas ang iyak ng bata kaya umabot sa tenga ni Mel.

"Tapos po pagdating ni Chief Mel sa silid napansin nya yung caregiver ni Karlos na si Linette na parang nanghihina."

"Nanghihina? Bakit daw?"

"Gutom daw po at dehydration sabi ni Dr. Vicky."

Sagot ng nurse.

"Bakit naman sya magugutom, daming pagkain sa canteen?"

"Kasi po wala daw po syang ka relyebo, walang papalit sa kanya sa pagaalaga sa bata. Eh nagsimula pong umiyak yung bata, madaling araw daw po.

At simula po nung umiyak sya, hindi pa po sya kumakain kahit mag banyo hindi nya magawa!"

"Bakit hindi sya tulungan nung Head nila?"

Tanong ni James.

"Ayun po, lumamabas po kasi na yung tamad na si Nitz ay pamangkin pala ni Ms. Nancy.

"Tapos, anong nangyari?"

Pinipilit pong kunin ni Ms. Nancy yung bata kay Chief Mel dahil outsider daw po ito at wala daw syang rights pero ayaw pong sumama ni Karlos sa kanya.

Hanggang sa hinimatay na po si Linette dahil sa sobrang gutom.

Si Dr. Vicky po ang gumamot at nag bantay kay Linette habang si Chief Mel naman po ay umalis at dinala ang pasyente."

"Anong nangyari dun kay Ms. Nancy at sa pamangkin nitong si Nitz?"

Usisa ni James.

"Ayun po, nasisante!"