Nasisante si Ms. Nancy? Bakit daw?"
Gulat na tanong ni James.
"Eh, kasi po bias daw po. Masyado syang mahigpit sa mga tao nya pero sa pamangkin nya hindi nya madisiplina."
Sagot ng nurse.
"Kung may ganung ugali yung pamangkin ni Ms. Nancy, paano sya nakapasa at nakapasok dito?"
Nagtatakang tanong ni James.
Mahigpit ang mga evaluation test na ibinibigay sa mga staff na pumapasok sa IDS Hospital kaya nakakapagtaka kung may isang katulad ng pamangkin ni Nancy na naka lusot.
Kaya ang tanong, paano sya nakalusot?
"Yun nga po din ang pinagtataka namin, Dr. James. Kasi ang natatandaan ko po, bisita sya ni Ms. Nancy, dinala rito from outside at pinayagan namang makapasok pero nagtataka kami bakit one day naging staff na sya dito!"
Kwento ng nurse.
"May alam ka ba kung sino ang nagpapasok sa kanya?"
Tanong ni James.
"Huwag po kayong magingay Dr. James, pero may bulong bulungan pong si Director Head! Kasi lahat naman po ng pumapasok at lumalabas alam ni Director Head kaya malamang alam nya ang tungkol sa pagpasok ni Nitz!"
Pabulong na sabi ng nurse kay James.
Inilapat pa nito ang bibig sa tenga ni James para sure na walang makakarinig.
Nagulat si James.
Maraming tanong ang isa isang pumapasok sa isip ni James pero hindi na nya maitanong sa nurse.
At lahat ay tungkol pa lang kay Nitz, ang pamangkin ni Ms. Nancy.
'Kaya pala pasikretong pinaimbestigahan ni Kate si Dr. Gonzales!'
Ang hindi alam ni James, ang buong IDS Hospital ang pinaimbestigahan ni Kate. Dito kasi medyo maluwag si Don Miguel dahil kay Issay itong ospital na ito.
Pero matagal ng nakakatunog si Don Miguel na may nangyayaring anomalya sa IDS Hospital kaya hindi sya nagdalawang isip na ibigay kay Kate ang buong pamamahala ng Sinag Island.
Dahil si Kate ay myembro ng special task force ng gobyerno na nag imbestiga ng mga cases.
Mga kasong hindi na nagkaroon ng hustisya.
Marami ng kaso ang nahawakan ang grupo ni Kate sa Special Task Force at lahat yun hindi nila tinitigilan hangga't hindi na so solve pero ngayong pinahawak na sa kanya ang Sinag Island, magawa pa kaya nyang bumalik sa dati nyang trabaho?
Gaya nga ng sabi ni Don Miguel, mageenjoy si Kate sa pamamahala ng Sinag Island.
Matapos mag pacute este makipagusap ni James sa nurse nagpaalam na ito.
Nagtungo sa office nya at duon sa computer nya hinanap kung saan inilipat si Karlos.
Pero sa sobrang pagod nakatulugan nya ang paghahanap.
Wala syang kamalay malay na sa VIP room kung saan naroon si Karlos ay naroon din si Vicky magkatabi silang natutulog.
Napagod ito sa kaiisip sa narinig nyang sinambit ni James sa lolo nya.
'Ano kaya yung gusto nyang sabihin sa Mommy nya at kailangan nya pa ang tulong ng Lolo nya?'
At ng walang maisip na sagot, tinabihan nya si Karlos at inakap hanggang sa makatulog sila pareho.
Hindi maintindihan ni Vicky bakit napakagaan ng loob nya sa batang ito. Bakit sa tuwing inaakap nya ang bata naalala nya ang damdamin nya kay James na pilit nyang iwinawaksi.
Bata pa lang sila may pagtingin na sya sa binata pero may pagka torpe ito kaya sya na ang nagtapat. Hindi nya inaasahan na babastendin sya nito.
"Mga bata pa tayo!"
Yun lang ang idinahilan ni James ng unang beses syang magtapat sa kanya.
"Wala pa sa priority ko ang pumasok sa isang relasyon!"
Sagot naman ni James sa ikalawang beses na nagtapat sya.
"Hindi tayo bagay!"
Sagot ni James sa pangatlong beses na pagtatapat nya.
Kaya pagkatapos ng pangatlo, tumigil na sya.
Nasasaktan na ang pride nya.
Pinilit nyang supilin ang damdamin nya kay James at sinubukang ilipat sa iba pero sa huli nabigo sya.
Pero ngayong akap akap nya si Karlos pakiramdam nya naiibsan ang mga kabiguan nya kay James.
Parang si Karlos ang naghihilom ng sakit na naramdam nya sa nabigo nyang pagibig.
Dahil kay Karlos mas natutunan nyang mahalin at pahalagahan ang sarili nya ngayon.
*****
Samantala.
"Men, lower your guns!"
Utos ni Major General Cinco sa mga tauhan nya.
"Pero Major General ..... "
"That's an order!"
Singhal ni Major General Cinco sa kanila.
Pagkatapos nyang makatanggap ng tawag mula sa bar tender, nagmamadali na itong bumalik kung saan nya iniwan ang mga tauhan nya at pagbalik nya roon ito ang makikita nya. Magkatutok sa isa't isa ang mga baril nila.
Mabuti na lang at naabutan nya ang mga ito kung hindi nagkaputukan na siguro.
Pagkababa ng baril ng mga tauhan nya, inantay nyang magbaba din ng mga armas ang mga nakaharap nila pero hindi nagbaba ang mga ito.
Nakatutok pa rin sa kanila ang baril.
"Sir, pwede po bang ibaba nyo muna ang mga armas nyo, para makapagusap tayo ng maayos?"
Pakiusap ni Major General Cinco sa mga nakaharap ng tauhan nya.
"At bakit, naman namin gagawin yun? Kanina pa kami nagsasalita dito at sinusubukan na kausapin ng maayos yang mga tauhan mo pero anong ginawa nila? Tinutukan kami! Kaya huwag mong isipin na susundin kita porket tauhan ka ni Jaime!"
Sagot ng pinaka pinuno ng grupo. Si Joel.
Si Joel ay ang bunsong kapatid ni Gene kaya tyuhin ito ni Jaime.
"Pasensya na po Sir, akala siguro ng mga tauhan ko na mga kalaban kayo at gusto nyong saktan si General Jaime kaya po sila umaksyon ng ganyan!"
"Well may punto naman sila dyan, gusto ko ngang saktan yang General nyo! Gusto ko syang gulpihin at lumpuhin dahil sa nangyari sa tatay nya!"
Sagot ni Joel.
Muling itinaas ng mga sundalo ang armas nila at tinutok sa grupo nila Joel.
"Men, stop! Put down your weapons! Now!"
"Pero Sir, narinig nyo naman, gusto nyang saktan si General!"
"Sinabi kong tumigil na kayo at ibaba nyo yan! Pag hindi pa rin kayo sumunod, magsibalik na kayo sa base! Inaaksaya nyo ang oras sa mga pinag gagawa nyo!"
Isa isang nagbababaan ng armas ang mga sundalo maliban sa isa.
"Pasensya na Sir, pero hindi ko ibaba ang armas ko hangga't hindi sila nagbaba ng armas!"
"Ikaw ba talaga ang pinuno ng grupong ito, bakit parang hindi?"
Pangiinis na sabi ni Joel.
Sa bwisit ni Major General, sinipa nya ang sundalong hindi nagbaba ng baril at saka inagaw ang armas nito at itinutok sa sundalo.
"Nasa panganib ngayon si General Jaime, dinukot sya ng isang grupo ng kalalakihan pero dahil sa katigasan ng ulo mo malamang mahihirapan na tayong masundan at mahanap sya! Pag hindi namin naabutan ng buhay si General, sisiguraduhin kong matatanggal ka sa serbisyo!"
Galit na galit si Major General Cinco.
"Leo, ialis mo na yan dito!"
"Pero Major General, gusto ko pong sumama sa pag rescue kay General!"
"Grabe ang dami nyong drama! Kung hindi pa kayo tapos mauna na kami! Tara na!"
Utos ni Joel sa mga tauhan nya.
At umalis na ang mga ito.
Walang nagawa si Major General Cinco sa papalayong grupo nila Joel.
Sayang mas mapapadali sana ang paghahanap kung magtutulungan sila.
"Sir, sino po ba ang mga yun?"
Tanong ng nasa tabi ni Major General Cinco.
"Hindi nyo ba namumukhaan ang taong yun? Kapatid sya ni General Gene!"
Natitiyak ni Major General Cinco na kapatid ni General Gene ang taong yun dahil ganun ganun ang itsura ni General Gene nung magretiro ito. Pati mannerism nila may pagkakahawig din.
"Ano pang inaantay nyo! Ialis nyo na ang taong ito sa harap ko! Ayaw ko na syang makita mula ngayon!"