webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Just Friends

Anong plano mo ngayon, Kate?"

Tanong ni James sa kapatid ng mapagisa sila.

"Well Kuya, wala naman akong choice kung gustong magstay ni Mommy, may access naman sya dito!"

Sagot ni Kate

"Hindi naman si Mommy ang tinutukoy ko, si Dr. Gonzales!"

Sabi ni James.

"Ah okey! Akala ko si Mommy! Hehe!"

Natatawang sagot ni Kate.

Pero hindi pa rin nya sinagot dahil pinaimbestigahan pa nya ng lihim si Dr. Gonzales at ayaw nyang may makaalam nito kahit ang Kuya nya.

Marami kasing naglalabasang anomalya na may kinalalaman sa pamumuno ni Gonzales.

"Ikaw naman kasi, gawin mong soup yung Mechado, natural magiisip yun na mag stay! Malamang abutin pa yun ng isang taon na kasama ka hanggang sa matuto kang magluto!"

Sabi ni James hindi alam kung paano naisipan ni Mel na pakasalan ang kapatid nya, eh halata namang hindi pa ito ready.

"Bakit ba ang harsh mo sa akin Kuya? Nasarapan ka rin naman ah!"

May halong drama na tanong ni Kate. Kunwari nagtatampo.

"Well, in fairness, may lasa naman talaga sya. But still, hindi ganun ang alam kong itsura ng Mechado and knowing Mom, humanda ka!"

Nagbabantang sabi ni James.

Napalunok na lang si Kate pag naiisip na tuturuan sya ng Mommy nyang magluto.

'Bakit ba ang lupit nila sa Mechado ko? Diba ang mahalaga naman ay nagustuhan itong HubbyLabs ko?'

"Hindi mo ba sasabihin sa akin kung anong plano mo kay Dr. Gonzales."

Muling panguusisa ni James.

"Sorry Kuya, pero under investigation pa kasi at ayaw kong may makaalam na pinaimbestigahan ko sya."

Sagot ni Kate

"Okey, I understand. It's your job anyway. Pero may isa pa akong tanong. Si Mel ba ang ipinalit mo kay Dr. Gonzales?"

Tanong ni James.

"Huh? What do you mean? I don't understand!"

Gulat na tanong ni Kate.

"Kasi, nadinig ko yung isang staff inaddress nya si Mel as 'CHIEF', kaya ko naitanong."

Sabi ni James.

"Ah, yun pala!

Kasi Kuya, ayaw ni Mel na tinatawag syang 'SIR'. Nakiusap syang huwag tawaging ganun ng mga staff pero patuloy pa rin ang pagtawag sa kanya ng 'SIR' ng mga ito.

Natutuwa kasi ang halos lahat ng nasa ospital sa HubbyLabs ko.

Napansin mo ba Kuya nung dumating ka, nag iba ang aura sa paligid. Dahil iyon sa positive vibes ng Hubby Melabs ko!

Ngayon nakakangiti na sila at hindi na masyadong seryoso. Hehe!"

Tuwang tuwang sabi ni Kate.

Kita ang pagka proud nito sa asawang si Mel.

"So si Mel pala ang dahilan kaya nagiba at biglang sumaya ang paligid. That's good!"

Sabi ni James.

Natutuwa sya at nakakita ang kapatid nya ng isang napakabuting tao.

"Tama ka Kuya, si Melabs ko nga ang dahilan. At natutuwa ako sa respetong ibinibigay nila sa HubbyLabs ko at si Dr. Vicky .... sya ang may sala kaya 'CHIEF MEL' na ang tawag nila sa Mahal kong Hubby Melabs."

James: "?????"

"Kasi, si Dr. Vicky ang unang tumawag kay HubbyMelabs ko ng 'CHIEF MEL', at sumunod naman ang lahat."

Kwento ni Kate.

'Grabe, ang dami palang nangyari habang wala ako dito!'

".....At tungkol naman sa unang tanong mo kung si Mel ba ang ipapalit ko kay Dr. Gonzales .... Why not! ? I think my HubbyLabs is a good candidate!"

Sabi ni Kate.

"I agree!"

Pagsangayon ni James.

"Eh, ikaw Kuya, ano naman ang kwento mo at ni Dr. Vicky? Is there something very special between you two?"

Pagiiba ng kwento ni Kate.

"At bakit mo iniiba ang usapan? Tungkol sa Mechado mo ang pinaguusapan natin hindi tungkol sa amin ni Vicky!"

Sabi ni James.

Nabigla kasi sya sa tanong ni Kate.

"Kasi po Kuya, napapansin ni Mommy na nagtutwinkle twinkle ang eyes mo pag andyan si Dr. Vicky pero obvious na pinipigilan mo na mag pakita ng feelings sa kanya.

Saka ..... tinatanong ako ni Mommy kung si Vicky daw ba ang nawawala mong pagibig!"

Litanya ni Kate.

"Vicky and I we're just .... friends! Nothing more, nothing less!"

Sabi ni James at iniwan na nito si Kate at baka kung saan pa mapunta ang usapan hindi nya mapigilan ang sarili nyang magtapat kay Kate.

"Just friends daw, pero obvious naman na hindi lang 'JUST FRIEND' ang feelings nila sa isa't isa!"

Kumakabog ang dibdib pabalik ng ospital si James. Hindi na ito nakapagpaalam sa ina at sa mga naroon.

Nagtaka tuloy si Vicky ng makitang paalis na ang sasakyan nito.

"Halah, hindi man lang nya ako inantay. Paano ako babalik ng ospital nito ngayon?"

Malungkot na sabi ni Vicky.

"Oonga! Masyadong nagmamadali si Kuya Bayaw, baka may emergency?"

Sabi ni Mel.

"Nope! May kailangan lang syang gawin kaya nagmamadaling umalis."

Sabi ni Kate.

"Don't worry Dr. Vicky, ipapahatid kita sa security pabalik ng hospital. Me and my HubbyLabs, will stay here para samahan sila Mommy and Khim."

Sabi ni Kate kay Vicky sabay ngiti nito kay Mel.

'Naku, ayan na naman ang mga ngiti ni Kate MyWifeyLabs kong yan! Ngiting naghahanap ng dessert!'

Nakaramdam ng reaction si Mel sa pagitan ng hita nya.

'Naku, naku, naku! Utoy naman mag behave ka, please!'

Andito ang biyenan ko at hipag ko, mahiya ka naman!'

'Huwag kang saludo ng saludo dyan!'

'Haaay, kasi naman! Bakit ba nakakaadik ang dessert?'

*****

Sa bar, sa isang maliit na bayan.

Sa unang pagkakataon, hindi nagpaka lasing si Jaime.

Gusto nya kasing malaman kung sino ang mga taong yun na naghahanap sa kanya kaya nagkunwari syang lasing at nagmasid sa paligid.

At gaya ng inaasahan ni Jaime, palapit na ng palapit sa kanya ang mga naghahanap sa kanya.

Nasa kabilang bayan lang ito, malapit sa bar.

"Ay, teka lang! Pamilyar sa aken itong mukhang ito. Parang nakita ko na sya!"

Sabi ng isang napagtanungan ng grupo.

"Patingin nga ng picture."

Sabi ng kasama nito.

"Aba teka, di ba yan yung nasa bar sa may dulo, sa may bintana?"

"Oonga, pare, syang sya na nga!"

Sabi ng grupo ng napagtanungan nila.

"Saan nyo sya nakita?"

"Duon sa bar!"

Happy New Year to all!

trimshakecreators' thoughts