webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

But where is Dad now?

"Mom, paano nga po pala kayo napasama kay Kuya?"

Tanong ni Kate sa ina habang nag di dinner sila sa Villa ni Don Miguel.

Pinagawa ito ni Don Miguel para sa asawa nya, para may mapagpapahingahan ito pag narito sa Sinag Island.

Maganda ang location nito, malapit sa pampang kaya madidinig ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.

Nakaka relax.

At kasama ito sa gustong ipamana ni Don Miguel kay Kate. Buong isla to be exact.

"Ate, didn't you know, may access yata si Mommy dito sa Sinag Island!"

Buong pagyayabang na sabi ni Khim.

"Yes Khim, I know! Ang hindi ko maintidihan ay ikaw, paano ka nakapasok dito, eh wala ka namang access dito?"

Tanong ni Kate sa bunsong kapatid na may halong pangiinis.

Okey lang namang andito ang bunsong kapatid nya, namimiss nya rin kasi ito. Namimiss nyang asarin.

"Mommy oh, si Ate binubully ako!"

Nanghahaba ang ngusong sumbong nito sa ina.

'Haaay, ang sarap paguuntugin ng mga anak ko!'

'Kate anak, may kailangan kang malaman tungkol kay Khim."

Napabuntung hininga si Nadine, hindi alam kung paano sasabihin kay Kate ang nangyari sa bunso nyang kapatid.

Mahal na mahal nya ito kahit lagi nyang iniinis.

Sinadya kasi nilang ilihim ito sa kanya para hindi sya maapektuhan. Pero kailangan nyang sabihin kesa sa iba nya malaman.

Nagtataka naman si Kate bakit parang nagaalinlangan ang Mommy nya.

"Nandito si Khim for medical reasons. Ako ang nagsuggest at hiningi ko ang tulong ni Lola Issay regarding this."

Seryosong paliwanag ni James.

Napansin nyang nahihirapan ang ina kaya sya na ang sumagot.

"What medical reasons?"

Kinabahan si Kate, tiningnan si Khim, halatang ineexamine ang bawat parte ng katawan.

Para syang may xray vision kung tumungin.

"I think she's physically normal."

Sabat ni Vicky na nacurious na rin ng malamang may sakit ito.

"Yeah, she's physically normal but ....."

Sabi ni James na hindi na natapos dahil sumabat ulit si Vicky.

" ..... emotionally stress! May traumatic experience ka ba lately?"

Tanong ni Vicky kay Kate.

Kagaya ni Kate may bachelor degree din si Vicky sa Psychology

Si Khim naman ay kanina pa naiilang sa ginagawa ng dalawa.

"Gosh, stop it! Your so creepy! Both of you! Why are you looking at me like that?"

Tumayo ito at umalis. Hindi nya kaya ang mga tingin nya sa kanila. Naalala nya yung ginawa ng mga sindikato sa kanya na pinahilera sila tapos ay isa isa silang tiningnan ng nasa computer.

Pagkapili sa kanya ay inilagay sya sa isang silid at duon sya pinagmamasdan ng lalaki sa screen habang pinararaos ang sarili.

Lahat sila ay napatingin kay Khim habang papalayo ito.

"Mom, what exactly happen? Bakit po parang nagka trauma si Khim?"

"Nakidnap sya!"

Si James na naman ang sumagot.

"What? When?"

Tanong na hindi makapaniwala ni Kate.

"That same day na dinala sa hospital si Grampy. Kaya hindi ako agad nakabalik, hindi ko sila maiwang dalawa ni Mommy."

Sabi ni James.

"Tama ang sinabi ng Kuya mo, at si Eunice ang tumulong sa akin para ma rescue si Khim sa sindikato.

Muntik ng mapahamak ang kapatid mo, mabuti na lang at hindi sya agad napainom ng aprodisiac nung lalaki dahil nanlaban ito pero matinding trauma ang dulot nito sa kanya."

Kwento ni Nadine.

"Sindikato?"

"Oo! Sabi ni Eunice, sindikato daw ng cyber prostitute ang nakaenkwentro namin. Dinudukot nila ang mga kabataang babae tapos ay iaalok nila sa mga customer nila sa internet.

Pag napili ang isang babae, paiinumin nila ng gamot para mas lalong ganahan ang customer nila at pagkatapos ng session nila sa computer dahil sa may bisa pa rin ang gamot, sila naman ang kasunod."

Kinikilabutan ang bawat isa sa kwento ni Nadine hindi sila nakaimik agad.

"But where is Dad?"

Paano ba sasagutin ni Nadine ang tanong ni Kate na hindi makakadagdag sa galit nya sa ama.

"Your Dad was there pero naligaw ang pangkat nila. Ilang beses kasing change ng hideout ang mga sindikato kaya dun sa last hideout sila nagpunta. Huli na ng malaman nila na wala duon si Khim."

"But where is Dad now? Alam na rin ba nya ang nangyari kay Grampy?"

"We don't know. Hinahanap din sya ng campo, bigla daw kasing nawala!"

Pagtatapat ni Nadine

"Nung unang araw pa lang na sinabi ko sa kanya, gusto nyang pumunta rito pero ... alam mong hindi sya papayagan ni Lola Issay at Don Miguel. Sila Granny Belen nya at ang kambal nila ay hindi rin pinayagang magtungo dito."

Paliwanag ni James.

Hindi maintindihan ni Kate kung bakit bigla syang nakaramdam ng awa sa ama.

"Don't worry about your Dad, Kate, may naghahanap na sa kanya. Lilitaw din yun paggusto na nyang lumitaw!"

Sabi ni Nadine.

Habang si Mel naman ay tahimik na kumakain, sarap na sarap ito sa kinakain nya.

Ayaw nyang makisawsaw sa usapan nila lalo na kung ang pinaguusapan nila ay si Jaime.

"Sino nga palang nagluto nitong soup?"

Tanong ni Nadine ng makitang sarap na sarap si Mel.

"Soup?"

Tanong ni Kate.

Sabay turo ng nguso sa kinakain ni Mel.

"Mech....."

Hindi natapos ni Mel ang sasabihin dahil tinakpan ni Kate ang bibig nito.

"Yes, Mommy soup nga po yan! Diba Hubby Melabs ko?"

"Yes po Mommy Pretty! At si Kate MyWifeyLabs po ang nagluto nyan!"

Buong pagmamalaking sabi ni Mel.

"Akala ko ba sabi mo Mechado ang lulutuin mo, bakit soup? Asan ang Mechado?"

Tanong ni James

"Yan na po yan Kuya Bayaw! Mechado! Mechadong masabaw! Hehe!"

Napatingin si Kate sa Mommy nya, tyak na makakarinig sya ng reklamo sa luto nito.

"Mechado 'to?"

Nakataas ang kilay na tanong ni Nadine kay Kate.

'Eto na, nagsisimula na po sya!'

Kinakabahang sambit ng isipan ni Kate.

"Bakit nalulunod sa sabaw?"

Tanong ni Nadine muli sa anak.

"Hindi ko po kasi natantya Mommy."

"Mas konti na nga po yang sabaw ngayon, Mommy Pretty. Nung unang beses pong nagluto nyan si Kate MyWifeyLabs, isang tapayan po yung nilagay nya, kaya tinawag syang 'MECHADO SOUP' ni Grampy General kasi 2 in one daw po! Hehe!"

*****

Samantala.

"Sir, sa inyo po ba itong wallet?"

Tanong ng bar tender ng lapitan nito si Jaime.

"Naiwan ko ba yan dito?"

"Lasing na lasing po kasi kayo kaya hindi ninyo nalaman na nahulog. May nakapulot po at isinoli sa akin!"

"Salamat! Paki bigay sa nakapulot."

Kumuha ito ng 500 at iniabot sa bar tender saka itinago ang wallet.

"Sir, hindi nyo po ba iinspeksyunin baka may nawawala o kulang sa pera nyo?"

"Hindi na, may tiwala ako sa'yo!"

Na touch ang bar tender sa sinabi ni Jaime at inabutan sya ng isang alak.

"Sir, this is for free."

Nagulat man si Jaime, tinanggap nya ito.

"Thanks!"

"General po pala kayo sa army Sir, siguro kayo ang pinaghahanap nung mga kalalakihan sa bayan."

"May naghahanap sa akin?"

"Hindi po ako sure kung kayo yun Sir pero, kayo lang po ang kilala kong isang general na dayo dito."

Napaisip si Jaime kung sino ang mga yun na naghahanap sa kanya.

Kakampi ba sila o kaayaw?