webnovel

Hindi Qualified

Hindi makapaniwala si Dr. Santy at Dr. Alonso ng pareho silang nakatanggap ng termination letter.

"Anong ibig sabihin nito, bakit sabay nila tayong tineterminate?"

Natatarantang tanong ni Dr. Alonso.

Sa simula pa lang sya ang mas nagaalala na makarating kay Don Miguel ang ginawa nila pero hindi nila inaasahan na ganitong kabilis.

Kampante ang dalawa na hindi sila basta basta maalis at mateterminate because as far as they know, sila ang matuturing na the best na heart doctor ng bansa.

Kaya may yabang sila.

Si Dr. Santy naman ay nag aalala din na makarating kay Don Miguel ang negligence nila pero hindi nya inaasahan na iteterminate sila agad ng matanda. Ang expected nya ay bibigyan lang sila ng warning at isususpindi.

"Bakit ganito?"

Sabi ni Dr. Santy. Dismayadong dismayado.

"Anong gagawin natin ngayon?"

Tanong ni Dr. Alonso na pinanghinaan na ng loob simula ng matanggap ang termination letter.

"Hindi ako makakapayag na basta gaganituhin nila tayo! Saan sila kukuha ng ipapalit sa atin kung tatanggalin nila tayo, aber?"

Galit na sabi ni Dr. Santy.

Nagpupuyos ang kalooban nya. Hindi nya kayang mawala sya sa IDS, paano ang pamilya nya na nabubuhay ng marangya dahil sa laki ng salary at dami ng benefits na natatanggap nya?

"Pero kahit ano pa man nagkamali pa rin tayo. Dapat ginawa natin ng maayos ang duty natin."

Sabi ni Dr. Alonso na puno ng guilt.

"Kahit na nagkamali tayo, hindi dapat ganito! Bakit termination agad? Bakit hindi suspension or something?"

Sabi ni Dr. Santy.

Tumahimik na lang si Dr. Alonso. Alam nya kasi na nagkamali sya at pinagsisihan nya ito.

"Hindi ako makakapayag na basta na lang ako gaganituhin ni Don Miguel! At bakit walang ginagawa si Director Head, una sa lahat, sya naman ang dahilan kaya tayo wala sa operasyong iyon dahil pinigilan nya tayo! Kailangan kong makausap ang Head Director, tyak na may alam sya dito!

Sasama ka ba sa akin?"

Tanong nito kay Dr. Alonso.

***

Kanina pa tinatawagan ni Dr. Gonzales ang assistant ni Don Miguel na si Francis, pero hindi nya ito makontak.

"Naman, bakit kaya?"

Hindi naman nya alam ang direct number ni Don Miguel kaya hindi nya ito matawagan.

Hindi kasi sya qualified na malaman ang numero ni Don Miguel kaya si Assistant Francis lang ang pwede nyang tawagan.

Busy kasi si Don Miguel ayaw paistorbo at inutusan nya si Assistant Francis na i-off ang ang cellphone nito.

"Director Head! Director Head! Kailangan ka namin makausap!"

Biglang pasok sa office nya sila Dr. Santy at Dr. Alonso na ikinabigla ni Dr. Gonzales.

"Bakit ba nandito na naman kayo? Wala na ba kayong alam gawin kundi ang istorbohin ako?"

Singhal nya sa dalawa.

'Bwisit na dalawang ito, inis na nga ako, binibwisit pa ako!'

"Director Head pasensya na kung naistorbo ka namin pero kailangan nyong ipaliwanag sa amin ito!"

Sabi ni Dr. Alonso

At ipinakita nila ang termination letter na natanggap nila.

"Anong ibig sabihin nito?"

Naguguluhang tanong ni Dr. Gonzales.

"Hindi ba kami dapat ang magtanong nyan sa'yo?

Bakit kami na terminate samantalang ikaw ang nagsabi sa amin na huwag namin intindihin ang pasyenteng dumating at wala lang yun!

Sinunod ka lang naman namin, diba. Pero bakit naterminate pa rin kami?!"

Galit na tanong ni Dr. Santy.

Maging si Dr. Alonso ay nakaramdam din ng inis dahil totoo namang sumunod lang sila.

"At bakit ganyan kang magsalita Dr. Santy, anong pinalalabas mo, na may kinalalaman ako sa termination nyo?"

Galit na tanong ni Dr. Gonzales.

"Bakit, hindi pa ba obvious? Terminated kaming dalawa pero ikaw nasa pwesto mo pa rin!

Malamang ginamit mo kaming dalawang scapegoat para manatili ka dyan sa pwesto mo!"

Dugtong nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba kayo marunong umintindi? Wala akong kinalalaman dyan sa termination nyo, kaya huwag nyong ibintang sa akin ang pagpapaalis sa inyo!"

Singhal ni Dr. Gonzales sa dalawa.

"Director Head, sumunod lang kami sa utos mo, nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa amin? Huwag kaming magalala dahil kayo ang nasusunod sa ospital na ito? Kaya natural lang na isipin namin na may kinalalaman kayo sa termination namin!"

Sabi ni Dr. Alonso.

Totoo namang sinabi nya yun. Lagi nga nyang sinasabi yun.

"Bilang Director Head, ako ang dapat na masunod! Ang salita ko ay batas na dapat nyong igalang at sundin!"

Ito ang laging paalala ni Dr. Gonzales sa lahat ng staff ng ospital.

Pero paano nya ba ipapaliwanag sa kanila na nagbago ang lahat ng dumating si Mrs. Kate de Guzman.

Iniiwasan na sya ng mga staff at hindi na binabati pag nakikita sya at nasasalubong.

At kung minsan, nadidinig pa nyang nagbubulungan ang mga ito, pero pag lalapitan nya ang mga ito para sitahin, meron agad security na nakasunod sa kanya at itintaboy sya na parang asong gala.

"Alis dyan! Huwag mong istorbohin ang mga staff!"

Singhal ng mga security sa kanya.

Paano ba nya sasabihin sa dalawang ito na hindi sya mapapahiya?

"Huwag mo na kaming paikutin Director Head, pero hindi kami papayag na gamitin mo kaming scapegoat! Ibalik mo kami sa posisyon namin kung ayaw mong ipaalam ko sa lahat ang mga kawalanghiyaan pinag gagawa mo dito sa ospital na ito!"

Galit na sabi ni Dr. Santy.

At umalis na ito.

"Director Head, malaki ang respeto ko sa inyo kaya hindi ko akalaing magagawa mo sa amin ito!"

Masama ang loob na sabi ni Dr. Alonso bago ito umalis ng opisina ni Dr. Gonzales.

"AAAAAHHH!"

Gigil na gigil sa galit na sigaw ni Dr. Gonzales.

Pinagsisipa pa nito ang sofa hanggang sa masaktan sya.

"BWISIT! BWISIT! BWISEEET!"

*****

Samantala.

Dahil sa hindi naman sanay si Mel na walang ginagawa, naglakad lakad ito sa ospital. Nakatulog kasi si Kate sa sobrang pagod at si Vicky naman ay abala sa pagmomonitor ng kalagayan ni Gene.

Alam na ng mga staff na kasama sya ng kapatid ni Dr. James kaya walang sumisita sa kanya.

"Ang ganda naman dito parang hindi ospital. May garden pa! Feeling ko para syang resort! Hehe!"

Napansin nyang bilang ang pasyente dito, hindi lalagpas sa dalawampu at puros mga bata pa.

Mas parami pa nga ang bilang ng mga staff kesa sa pasyente kaya walang dahilan para mapabayaan ang mga ito.

Mula sa kinaroroonan nya ay nadinig nya ang isang iyak ng bata. Hindi nya maintindihan pero ramdam nya ang lungkot sa pagiyak nito kaya sinundan nya kung saan ito nagmumula.

Sa isang silid ay may isang batang nakahiga sa kama. Malaki ang ulo nito na hindi normal sa pangkaraniwang laki ng ulo ng tao.

Hirap na hirap na ang caregiver na nagaalaga dito dahil hindi ito tumigil sa pag iyak. Pagod na sya pero walang pumapalit sa kanya.

Naiistres na rin tuloy sya.

Dahang dahang lumapit si Mel.

"Miss, may problema ba? Para kasing pagod ka na, gusto mo tulungan kita?"

Napansin nyang mangiyak ngiyak na itong caregiver, mukha talagang pagod na sa bata.

"Ako nga pala si Mel!"

Pagpapakilala nito.

Tila anghel naman na dumating ang tingin ng caregiver kay Mel.

"Ako po si Linnette, Sir Mel. Kayo po ba yung kaibigan ni Dr. James na dumating?"

Tanong ni Linette.

"Ay hindi Ms. Linnette, ako ang bayaw ni Dr. James! Nice to meet you! Tulungan na kita dyan, gawin mo na ang mga dapat mong gawin!"

"Eh, kasi po, Sir Mel, baka po mapagalitan ako pag iniwan ko itong pasyente!"

"Huwag kang magalala, sasabihin ko kay bayaw na inutusan kita para hindi ka mapagalitan! Okey ba? Saka huwag mo na akong tawagin Sir Mel, Mel na lang!"

At kinuha na nito ang bata sa kandungan ni Linnette para makaalis na ito pero hindi pa sya nakakalayo, sinita na sya ng superior nya.

Next chapter