webnovel

CHAPTER 19: Foolish

Sky's Point of View

Nakaramdam ako ng kakaibang saya nang makita siyang nakangiti sa akin. I was so sure about my feelings. I never doubted. I really fucking love, you Luna. Kinumpleto mo ang buhay ko Luna. Unti-unti na akong nakaka-ahon mula sa aking pagkakalugmok.

Namula ako nang makita ko ang kumikinang niyang mata nang magtagpo ang aming tingin.

What a Goddess.

"Thank you," wika ko.

She confusedly looked at me. "For what?"

"For everything. Sige. Dito na ako. Bye." Hinalikan ko siyang muli sa pisngi at tumalikod.

"SKY!" Dinig kong tawag niya sa akin. Agad akong lumingon sa kanya.

"Why?"

"I LOVE YOU!"

She what?! OH MY.

Tumalikod na akong muli at tumakbo na palayo sa kanya. Gusto nang sumabog ng dibdib ko. Gusto kong mag wala.

Sinabi ba talaga niya 'yon? Gusto ko nang mamatay sa kilig.

Huminto ako para mag-text kay Luna.

"I love you too."

I never expected to have a girlfriend after what happened to me last two years ago. Akala ko hindi na ako magkaka interes sa mga babae. Akala ko wala ng magkaka gusto sa akin dahil sa pag iwas ko sa tao. After two years, hindi na ako nagkaroon pa ng mga kaibigan because I never trusted anyone.

Luna is different for me. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa kanya at nagagawa kong maging komportable sa kanya.

then uuwi na siya.

Sa paglalakad ko, natanaw ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng light post na animo'y may hinihintay.

Lalagpasan ko na sana ang lalaki, ngunit laking gulat ko nang lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso.

James?!

I haven't seen him for months. Huling kita ko sa kanya ay no'ng nasalubong ko siya sa cafeteria ng school.

"So you're going out with Luna, huh?" Sarkastikong wika niya.

Pumiglas ako sa kanya at inayos ang aking uniporme.

"Yes. And so?"

"You're going to face a bad fate."

Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan siya. "Ano na naman bang palaro gagawin niyo ha?!"

"Jude is planning to attack behind you. No'ng nalaman niyang nililigawan mo si Luna, galit na galit siya at nakita niya pa kayo na pumasok ng motel." Aniya.

What the heck?

"Sky, tungkol sa nangyari last two years ago, I'm sorry. Lahat ng klaseng pambubully ko sa'yo ay utos sa akin ni Jude."

"Utos? Why?"

"He wanted you to look bad." I clenched my jaw. Isa pa 'to. Gaya lang din ng sinabi sa akin ng babae rati, gusto akong siraan ni Jude.

"I'm with you. I'll help you," aniya at inabot ang kanyang kamay.

Ayoko magtiwala. Paano ako makakasiguradong mabuti ang balak ni James pa sa akin?

"Look, I'll tell you what really happened. Just let me be on your list. Please. Trust me."

Kinamayan ko siya. Dinala niya ako sa bahay nila na nasa loob lang ng subdivision.

"Ano meron dito?" Tanong ko.

Tumingin lang siya sa akin at ngumisi. Maya-maya pa, nilabas niya ang isang maliit na bag na kahugis ng isang envelope. Nilabas niya isa-isa ang mga laman at napatakip ako ng bibig nang makita ko ang isang pamilyar na litrato.

That naked girl.

"Sky, ang mga ito ang mga original na litrato. Ang mga ito naman ay ang mga edited." Pinakita niya sa akin ang halos kapareho ng litrato na hawak niya, ngunit iba lang ang mukha.

"Inedit niyo lang 'yon?" What the fuck? Una, nalaman kong sinisiraan ako ni Jude at ginagamit niya pa other people's problems para lang sumunod sa sa kanya, ngayon ang mga litratong 'yon naman ay edited?

Yumuko ako at nakaramdam ng labis na pagbigat ng aking katawan.

"Bravo! Dinala mo siya rito, James." Lumingon ako sa nagsalita at nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang nagsasalita.

Si Jude.

"Nakita ko kayo, grabe ang halikan. Sa daan pa." Nilabas niya ang isang kutsilyo mula sa kanyang likod. "YOU ARE GUILTY FOR PUBLIC DISPLAY!"

Sinugod ako ni Jude, pero nakaiwas ako sa mga pananaksak niya. Mukha siyang lasing at wala na siya sa kanyang katinuan. Nang makahanap ako ng pagkakataong hawakan ang kanyang braso, kinuha ko ang kutsilyo na siya namang naging dahilan para mahiwa ang kanang pisngi ko.

"Sky, akala ko ba best friends tayo?" Tanong ni Jude. Umupo siya sa sahig at sumandal sa pader.

Ramdam ko ang panginginig sa kanyang mga laman sa bigay ng kanyang dinadala.

"I just wanted to be better than you. Lagi na lang ikaw ang napapansin ng lahat. I'm doing my best, pero bakit laging out of place ako?"

"Gusto ko lang naman mapansin ng mga tao. Pero kahit wala kang gawin, effortlessly nakukuha mo atensyon nila..."

"Pati atensyon at puso ni Luna nakuha mo na..."

Umupo ako sa tabi niya. "Sorry for outshining you. Pero hindi tama na kailangan mo pang tapakan pagkatao ng isang tao masabi lang na mas angat ka sa kanya..."

"The true winner is the one who works the hardest." Usal niya.

"And you're the winner, Jude."

"I cannot believe na ganyan pala ang naging tingin mo sa akin noon, Jude..." Ani ko.

"Habang iniisip mo na nilalamangan kita, hinahangaan naman kita sa mga bagay na kaya mong gawin." Dugtong ko pa.

"I'll forgive you for what've you done to me. All of it. In one condition..." Lumingon ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin at umayos ng upo. "What is it?"

"You're going to say sorry sa mga naging biktima mo." Tumayo ako at naglakad na palabas ng bahay ni James.

Alam kong lasing siya kaya alam ko ring hindi niya maalala ang sinabi ko sa kanya. Handa naman akong kalimutan na ang lahat at ibaon na sa lupa ang mga 'yon. Pinapatawad ko na siya. Alam kong hindi naging madali para sa kanya ang maging pangalawa sa akin.

Hindi ko naman intensyong agawin ang spotlight sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi ko na may maliit na hiwa ng kutsilyo. Kapag nakita ito ni kuya Azu, malamang magagalit sa akin 'yon.

Isa si Kuya Azu sa mga saksi ng mga paghihirap ko sa buhay. Mula no'ng na trauma ako sa nangyari, siya na ang tumulong sa akin na bumangong muli at dedmahin ang mga tao.

Simula no'ng nangyari yon, naramdaman ko na hindi ko kailangan magtiwala sa mga tao kahit pa kakilala sila o kaibigan. Nawalan ako ng ganang makipagkaibigan sa mga tao dahil sa pangyayaring iyon. Nawalan ako ng tiwala at interes sa mga kababaihan sa amin.

Matapos kasi no'ng gabing iyon sa prom, kumalat ang s*x video na inedit ni James sa buong Lindway Academy. Simula non, nakaranas ako ng matinding pambabastos ng mga kababaihan sa akin.

May mga pagkakataong kapag ako lang ang magisa sa banyo ng boys, may papasok na babae para panoorin akong umihi. Nagtatanong sila nang nagtatanong sa akin kung malaki ba ang akin ari gaya ng nasa video. Umabot ito sa punto na halos araw-araw akong tinatrato  nang gano'n ng mga tao sa Lindway. Kaya simula non, iniwasan ko na lahat ng babae sa Lindway Academy.

Pero dahil tapos na 'yon, at handa na ako sa bagong yugto ng buhay ko, handa na rin akong ibaon sa limot ang nakaraan kong iyon.

I am mad, pero

Pinapatawad na kita, Jude.

Minsan, hindi na natin kailangan pang magtanim ng galit sa mga taong may malaking nagawang kasalanan sa atin. Tunog martyr, pero yun ang isa sa mga malaking bagay na makakatulong sa problemang dinadala niyo pareho. Oo, nasaktan niyo ang isa't isa, pero importante pa ba ang i-assert na galit ka? No. It doesn't really matter kung sino ang nauna at sino ang naapi. It doesn't matter kung ano ang nangyari, malala ba o mababaw lang. At the end of the day, when we forgive people without them begging for forgiveness, pareho kayong magbebenfit sa peace of mind at maayos na relationship with them.

Thank you, Jude. Thank you for giving our friendship another chance to be fixed. Kahit hindi mo man sabihin, I know deep down in your heart, na gusto mo nang makipagayos sa akin despite sa malaking galit na mabuo diyan sa puso mo.

I believe in your kindness inside you, Jude.

I forgive you.