webnovel

CHAPTER 20: Finale

Luna's P.O.V

—Graduation day—

Finally! After 2 years, aangat na ang education level ko. Magiging #College na ako.

"Luna, ano? Tara na!" Natigil ako sa pag iisip ko nang tawagin ako ni Mama. Katatapos lang kasi ng graduation ceremony. As usual, si  Sky at Jude ang humakot ng mga awards. Hindi pa nga rin ako makapaniwala sa nangyari sa dalawang iyon. Nagkaayos sila bago matapos ang school year.

Matapos kong pagpagin ang nagusot kong toga, nakita ko si Sky na papalapit na sa akin. Hinding hindi talaga ako magsasawang kiligin kapag dahan-dahan ang lakad niya papunta sa akin. Tila kasi siya Prinsipe.

"Babe, sa'n mo gustong kumain?" Nakangiting sambit niya sa akin.

Napangiwi ako sa narinig ko. 'Babe'? Parang kanto lang ah.

"Ano'ng 'babe', Sky ha? Ambaduy. Wala ka bang ibang alam na call sign?" Natatawang wika ko.

"Okay, sugarplumhoneybunch. Sa Jollibee tayo."

Halos matumba ako katatawa sa sinabi ni Sky. Napaka-korni talaga niya! Sa kabilang banda naman, nakakakilig sobra. Kahit gagano'n-ganon ang Sky na yon, magaling pa rin mang Rizz yon. HAHAHAHA!

"So pa'no 'yan Luna? Mukhang sasama ka na muna diyan sa boyfriend mong pogi?"

"Nagulat naman ako, Jude!" Pasigaw kong wika.

Tumango na lamang ako sa hiya nang makita kong nakangiti sa aking nakatingin si Sky.

Maya-maya pa, nawala na agad kami sa paningin ni Mama. Nakita kong hinahanap niya ako pero wala na, kasama ko na si Sky ngayon.

Dinala ako ni Sky sa tinatawag niyang 'secret garden' kung saan naganap ang araw na inalok niya akong maging girlfriend niya. Umupo kami sa bench na nakarahap sa napakagandang view ng campus.

Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Sky, salamat ha."

Lumingon siya sa akin. Ilang sandali pa, dumampi na ang kanyang labi sa mga labi ko.

"Salamat din." Aniya at naluluhang ngumiti.

"Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy ngayon—kung bakit ako masaya ngayon. Ikaw ang nag-ahon sa akin mula sa pagkalunod ko sa aking kalungkutan, ikaw ang kumulay ng buhay ko na puro puti at itim. Luna, ikaw na ang pinaka-perfect na melody na nahanap ko. Ang melody na ngayon ay tinitibok na ng puso ko. Ang melodiyang bumuo ng pagkatao ko. Salamat at nahanap kita."

Tumulo ang luha ko sa mga narinig ko. Hindi ko inakalang magiging ganito ang epekto ko sa taong minamahal ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako naging perfect melody sa kanya. Hindi ko alam kung ano pang mga mabibigat na bagay ang napagdaanan niya.

"Sky," ani ko at tyaka inilapat muli ang labi ko sa mga labi niya.

Tumagal ang aming halikan hanggang sa maramdaman naming umaambon na.

"Luna, mahal kita," nakangiting sambit niya.

Napangiti ako at napatingin sa nangungusap niyang mga mata.

"Mahal din kita, Sky."

Sa likod ng bench na inuupuan namin, kinuha ko ang bagong bili na acoustic guitar.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang gitara na hawak ko.

Habang busy siya sa kakatingin sa akin, sinimulan ko nang tugtugin ang inaral kong kanta.

[Wonderful—Over the Moon Song]

If you release the past,

You'll move ahead and bloom at last

The heart grows, and it knows

You can glow...

You're wonderful...

Nakita ko siyang nagpupunas ng luha.

"Luna, marunong ka na," nakangiting wika niya.

"I'm so proud of you." Dugtong pa niya.

Nakuha ko na.

Ang perfect na melody na hinahanap ni Sky sa pag g-gitara ko.

__________________________________________

End.