webnovel

CHAPTER 18: Not a first kiss

Luna's Point of View

Nagising ako sa isang kamang hindi ako pamilyar. Tumingin ako sa kisame at do'n ko na napagtantong nasa motel pala ako.

Nasa'n si Sky?

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Ayoko muna umuwi ngayong araw. Siguro nag aalala na ang mga parents ko, pero hayaan mo na sila. Kapitbahay lang namin si Bryan at ayokong makita siya roon. Hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin. Tuluyan na niyang binitawan ang friendship namin dahil sa feelings niya. Nakakasama ng loob dahil hindi namin naayos ang not-so-broken naming samahan.

"Gising ka na pala." Nadinig kong sambit ni Sky.

Tumayo na siya at inayos ang mga unan.

"Oo. Alis na tayo. 8 hours lang tayo rito eh," wika ko at saka tumayo sa pagkakahiga.

Malinis na niligpit ni Sky ang mga unan at kumot. Habang nakatingim ako sa kanya, mayroong biglang pumasok sa isipan ko na hindi ko matukoy kung ano.

"I-Ihahatid na kita sa b-bahay niyo." Tumingin siya sa'kin. Noon ko lang napansin na matangkad siya at may malaki siyang pangangatawan. Wala siyang polo shirt. Tanging sando lang at shorts ang suot niya.

"L-Luna. You're undressed." Tinakpan niya ang mata niya at tumalikod.

Shet! Tumingin muna siya bago tumalikod.

Namula ako sa mga sinabi niya. Dali-dali kong kinuha ang mga nakasampay na damit sa upuan. Tuyo na ang mga ito. Dumiretso ako sa banyo para makapagbihis.

Tangina, Luna! Ano pumasok sa isip mo at natulog ka kasama ang lalaking ito?

"Luna! Make it fast! May pasok pa tayo." Nadinig kong sigaw niya sa labas.

Nang makapag check out na kami sa motel, mabilis kaming dumiretso sa campus. Pareho kaming wala pang ligo at toothbrush. Mabuti na lamang uso ang locker at may naliliguan sa bathroom closet malapit sa swimming pool ng campus.

Maaga pa naman at may oras pa kami para makapag asikaso. Pinauna niya ako maligo habang naghahanap pa siya ng breakfast namin. Nang matapos na ako, pinadiretso niya ako sa classroom namin para don kumain.

Tangina. Naka abala pa ako ng tao. WAAAAAAH!!

Nakita ko ang mga pagkaing nakahain sa mesa ko. May cup noodles, pandesal at tubig.

Aww...ang sweet.

"Kain na. Mamaya darating na sila." Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Sky na nagpupunas ng kanyang basang buhok.

He looks so damn hot!

"Okay. Kain ka na rin."

Umupo siya sa tabi ko at sinabayan akong kumain. Tahimik kaming kumakain habang pinagmamasdan ang pa isa-isang pumapasok na tao sa classroom namin.

"Remember the guitar pick, Luna?" Napalingon ako sa kanya nang marinig ko siyang mag salita.

Tumayo siya sa likuran ko at may kung ano siyang isinuot sa akin.

"You keep that. You're my perfect missing tune. You deserved something related to that." He smiled. Tumabi na siyang muli sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

Hinawakan ko ang sinuot niyang kwintas sa akin. Ito ang guitar pick na naiwan niya sa park dati.

"Bakit mo binibigay na sa akin ito?" I asked.

"Nililigawan mo ba ako?" Wala sa sariling sambit ko.

Tumingin siya sa akin at kinunot ang kanyang noo.

"Ilang beses na kitang nahalikan, and you're still figuring that out?"

Napayuko ako sa sinabi niya. Paanong sobrang straight forward nito mag salita. Nakakahiya ah!

"Well, kiss me if that's a yes." Hamon ko sa kanya.

"Sinabi mo sa akin kagabi na hintayin kita. So it means hindi ko na kailangan mag hintay?" Seryosong wika niya.

Umiling-iling na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay then."

Nanlamig ang buong katawan ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi. Napaka lambot ng mga labi niya!

Kilig. Shet!

"So you're my girlfriend now?"

Fuck! Sobrang inosente ng isang ito!

Dahan-dahan akong tumango at tumingin sa kanya. Nararamdaman kong pulang-pula na ang mga pisngi ko. Ganon din sa kanya nang makita ko siyang ngumiti habang kumakain.

"Yehey," mahinang bulong niya.

Natapos ang buong klase. Sinabihan ako ni Ms. Alonzo na huwag nang lumipat lipat ng classroom dahil baka raw dahil don bumababa ang grades ko.

Sky is my boyfriend now. Hindi ko pa masyadong dama dahil hindi niya ako pinapansin mula kanina pa masyadong seryoso sa buhay ang isang ito. Napagalitan pa nga ata ako dahil ang baba ng scores ko sa quiz namin kanina.

Masaya ako dahil hindi ko na kailangang lumipat pa ng classroom para sa ibang subs. Kung tutuosin, pareho lang naman pala ang mga na take ko sa section namin na ito. Kaya lang naman naging ganon dahil nga sa transferee ako at nagkaroon ng conflict ang mga schedule ng mga transfers.

Ganito na ba ang kapalaran sa akin ngayon? Napakabuti.

Lumingon ako kay Sky at nakita siyang may tinatype sa kanyang phone. Lumapit pa ako konti para matanaw kung ano iyon.

How to be a good boyfriend.

WHAT THE HECK?! SINEARCH NIYA SA GOOGLE YON?

"Anak ng. BAKIT KA NAG SE

-SEARCH NIYAN?!" Tanong ko.

"First girlfriend kita, eh. Wala pa ako idea sa relationships."

"Mahalin mo lang ako. 'Yon lang!" saad ko.

"Okay. I love you," he smiled.

Darn it! Ang gwapo talaga niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palabas ng classroom. Nasalubong namin agad si Kuya Leo. Sinabi ko sa kanya na sumama na siya sa akin dahil gusto kong tulungan niya akong mag paliwanag at para mas convincing ang gagawin kong palusot.

"So, magjowa na pala kayo?" Taas kilay na tanong ni mama.

Actually, hindi naman daw problema ang pagkakaroon ko ng boyfriend. Bata pa naman daw ako at gawin ko ang mga gusto ko gawin— gusto ko mag-drop sa school, joke, bawal.

Hindi ko naman pinapabayaan pag aaral ko. Sadyang pinanganak akong bobo. Hirap maging only child. Sa'kin lang naka asa si mama.

"Yes po. Sorry po ngayon lang po kasi niya ako sinagot." Ani Sky.

De puta! Kailangan mo pa bang sabihin 'yon?

Hinawakan ko sa kamay si Sky at hinatak siya palabas ng bahay.

"Ihahatid ko na siya sa sakayan, ma!"

Lumabas na kami ng bahay at naglakad-lakad sa labas. Madilim na ngayon at napaka scenic tignan ang daan dahil sa Ikaw ng mga street lights.

"Did you know that our names match?" Lumingon ako sa kanya nang bigla siyang mag salita.

Oo nga 'no? Luna means moon.

"Kapag ang langit ay madilim na, nariyan ang buwan para pagandahin ang gabi." He smiled at me.

"The moon belongs to the Sky." Huminto kami sa paglalakad. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi.

"You belong to me."

After that, I felt his lips touching mine. This time, wala ng halong kaba, pangamba, at pag dadalawang isip. Purong kilig at kasiyahan ang dumadaloy mula sa aking puso hanggang sa pinaka dulo ng aking ugat.

Kumawala siya sa pagkakahalik.

"The moon is so lovely," hinalikan niya ang aking noo.

"So do you."