webnovel

8: Straightforward

This is really a déjà vu. But, I guess, this time, hindi na maganda ang kalalabasan ng pag-uusap na ito.

Pinapasok ko siya sa unit ko at binigyan ng maiinom. Syempre, hindi naman ako gano'n kasama, diba?

"Are you drunk?" tanong niya.

"Nah," tanggi ko at dumeretso muna ako sa kwarto ko. Shiz! What's happening to me? Bakit hindi ko kayang kaharapin ngayon si France?

Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago lumabas muli ng kwarto. Nakita ko siya na parang may tinetext dahil nagtatype siya sa phone niya.

"What brings you here?" lakas-loob kong tanong. Hindi na ako magsisinungaling pa sa sarili ko. Actually, anytime, kayang-kaya kong patawarin si France. Kayang-kaya kong pakinggan lahat ng dahilan niya at tanggapin na lang iyon. Kahit nga siguro'y hindi siya magpaliwanag, patatawarin ko na siya eh.

Pero syempre, kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong malaman 'yung totoo. Eto na 'yung chance eh. Ilang araw akong hindi pinatulog ng curiosity ko, diba? Eto na. Nasa harap ko na 'yung kailangan ko. Nasa harap ko na 'yung sasagot sa mga katanungan ko.

"I saw you earlier," panimula niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa sofa at umupo ako sa tabi niya. Pero, nilagyan ko ng pagitan ang kinauupuan namin at napatingin naman siya sa ginawa ko.

I need to be distant. Baka kasi mamaya, magpakatanga na lang ako bigla at magmakaawa na huwag kang umalis.

In fairness, ha? Ang hirap magpanggap na wala kang alam.

"I didn't mean to ghost you that long," sabi niya. Wait, teka nga. May mali ba sa narinig ko? He didn't mean to ghost me that long? So, kung hindi niya pa ako makikita kanina, wala siyang balak magpakita hanggang ngayon?! Ha! This is unbelievable!

"Don't beat around the bush, France. Just tell me what you want to tell then that's it. Pagod na rin ako at gusto ko nang magpahinga. Kaya please, cut the chase," dere-deretsong sagot ko sa kanya. Halata sa mukha niyang nagulat siya sinabi ko.

"Okay. If that's what you want," sabi niya at napayuko pa siya. Ha! If that's what I want? What the hell?! Bakit ba nakakabitter 'yung mga salitang binibitawan niya?!

Hindi niya man lang ba ako... Ah! Sh*t! This thing hurts!

Umayos siya sa pagkakaupo at parehas na kami ngayong nakaharap sa t.v. Nasa magkabilang dulo kami ng sofa, at ang ingay lang ng aircon ang naririnig ko. Wala nang iba. Well, I guess, my heart stopped beating, too. Kaya hindi ko na rin marinig.

"I didn't mean to hurt you. You know that I love you, right?" tanong niya.

"Please. I don't need your sugar-coated words, France. You came here to tell the truth, right? Then, do it," sabi ko.

"Lhan, bakit ka ba nagkakaganyan?" halata sa boses niya ang pagka-irita kaya medyo nainis na talaga ako.

"Ha! You askin' me that? Oh France! You should ask that stupid question to yourself! Okay? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ha?" hinarap ko na siya sa inis ko. Ang dami pang pasikot-sikot eh! Pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yung maraming pasikot-sikot. Alam ko na 'yung totoo! Bakit hindi na lang sabihin para matapos na 'to?!

"I can't understand you. Ghosting me for days. No texting and not even answering my calls then what? Susulpot ka na lang bigla rito na parang ako pa 'yung may kasalanan ng lahat? That's foul play, France!" nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko. I can't hold my emotions anymore. Ilang araw ko na 'tong iniipon. Sobrang sakit sa puso. Sobrag hirap huminga. Nakasasakal!

"Just to remind you. I have the right to be like this. And that's because of you! Now, tell your excuses and I don't want to hear from you anymore," sabi ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko. Nagulat siya at hinawakan ang mga kamay ko. Nagpumilit naman akong bawiin iyon. Naalala ko na naman 'yung saya niya kanina na parang hindi ako nag-eexist at 'yung mga pinag-usapan nila.

"Lhan, please, don't be like this! I guess, this isn't the right time to talk. You're drunk," sabi niya at tumayo na. Ha! 'Yun na 'yon? Gano'n na lang 'yon? Ha!

"No. Tell me right now para isahang sakit na lang. I don't want to suffer for more. This is enough. Kung lalabas ka ng pinto, siguraduhin mong hinding-hindi ka na aapak dito muli," sabi ko sa kanya at tumayo na rin ako. Okay lang kahit hindi niya sabihin 'yung totoo. Alam ko naman na, diba? Sino pang niloloko ko rito?

Papasok na sana ako ng kwarto nang magsalita siya ulit. "I realized that I still love Irish..." Oh shit, that hurts. Mas masakit pala kapag sa kanya mismo galing! P*ta! Ano, Lhan?! Gusto mo 'to, diba? Gusto mo ng totoo diba?! Ayan na! Sinabi na sa'yo! Hindi ka na mahal!

Pinipilit kong hindi iparinig sa kanya 'yung mga hikbi ko. Talo na ako, eh. Papakita ko pa bang ubos na ubos na ako?

"So what?" halos hirap kong sambit sa kanya. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya dahil ayaw kong makita sa mga mukha niya na nagsasabi siya ng totoo.

"We're back. And, I'm so sorry. I really need to end things with you..." Ha! This is unbelievable! Nasabi niya 'yon ng walang kahirap-hirap! Walang utal! Straight to the point! No! Deretso sa puso eh! Parang pinana kaso hindi pana ni kupido ang gamit. Kakaibang pana na mararamdaman mo 'yung sakit.

Narinig kong nagsara na ang pinto ng unit ko. Umalis na siya. This is really the end, huh?

Napa-upo ako ng wala sa oras. Ubos na ang lakas ko. Durog na durog na ako. Wala nang natira sa sarili ko! France, 'yung last chance na binigay ko sa'yo, sinayang mo. 'Yung chance na magsinungaling ka na lang para hindi ako masaktan, hindi mo kinuha. Pero, mas okay na rin siguro ito. At least, sa'yo na mismo nanggaling. Ikaw na mismo naglinaw...

Pero, gano'n na lang ba kadali 'yon? 'Yung taon na pinagsamahan natin, gano'n na lang 'yon? Isasantabi mo na lang? Babalewalain mo na lang?

May nagawa ba ako? Naging madamot ba ako? Naging mahigpit ba ako? Nakakasakal ba?

France! Saan ako nagkulang? Saan? Hindi pa ba sapat 'yung pagmamahal na binigay ko sa'yo? O baka nasobrahan na kaya nagsawa ka na? Bakit?

Sabagay, anong laban ko ro'n? Mas nauna 'yon sa puso mo. Am I just a rebound?

A replacement? Shit. This really hurts.

Ang sakit-sakit sa puso! Pagod na akong umiyak pero may tumutulong luha pa rin! Gusto kong lumaban kaso, wala na akong lakas eh. 'Yung pinagmumulan ko ng lakas, nawala na.

Ha, ngayon ko lang din narealize kung gaano ako naging ka-dependent sa'yo. Halod araw-araw, ikaw 'yung buhay ko eh. Ikaw 'yung kasama ko. Ano? Gano'n na lang 'yon? Binuo mo ako pero, ikaw rin pala 'yung wawasak sa akin?

Tamang buo lang sa akin tapos alis na? Gano'n na 'yon? Gano'n ba 'yung patakaran? Shiz, kung ganoon nga, talo na ako. Nasa iyo na lahat. Naubos na ako.