webnovel

7: Tipsy

Nararamdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko pero wala akong ganang kumain. Ni ayaw ko ngang tumayo sa kama ko para makapagbihis man lang o makapaghilamos. Shiz, heto na naman ako.

Akala ko naman, there's something going on between Ivan and Mhel. Meron nga, kaso nga lang, may kinalaman sa akin. Kaya pala parang inaasahan din ni Ivan na darating ako at biglaan din 'yung pag-aaya sa akin ni Mhel kahit na alam niyang hindi ako mahilig pumunta sa party.

At dahil sa nangyari, mas lalong ayaw ko nang pumunta sa party kahit kailan.

What if, hindi ako sumama? What if, nagreview na lang ako? What if, hindi ako nagpadala sa curiosity ko? What if, hindi ako nagpumilit na hanapin si France? Magiging ganito kaya ako?

May napanuod ako na isang palabas at ngayon ko lang narealize 'yung sinasabi roon na, "the most saddest and regrettable words are, "what if"".

Now, I know.

Sa kada "what if" na lumalabas sa ating bibig o naiisip natin, may kalakip itong pagsisisi at kalungkutan. Pagsisisi na sana, gano'n na lang 'yung ginawa mo o sana gano'n na lang 'yung nangyari. Kalungkutan dahil alam mong hindi mo na maibabalik pa ang pagkakataon. Wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan. Wala ka nang magagawa kundi harapin na lang ang mga mangyayari.

Pero, narealize ko rin na kaya lang naman natin nasasabi 'yung mga salitang 'yon ay nasaktan tayo nang sobra. Hindi naman natin gugustuhing baguhin ang isang pangyayari kung masaya ito, diba? Sa halip, mas gusto pa natin itong ingatan bilang isang ala-ala.

Hindi ko na kaya ang gutom kaya't tumayo na ako at naghanap ng makakain sa ref. Tanging itlog lang ang laman nito, canned iced coffee, at tubig. No choice, itlog na lang ang lulutuin ko.

Nagsuot ako ng hoodie na black at pants. Lalabas ako para bumili ng beer, kailangan kong mag-unwind. Hindi ako makakatulog nang ganito karami ang iniisip ko.

"Oh, anong ganap mo? Bakit mukha kang namatayan?" biro sa akin ni Kev at inirapan ko lang siya.

"Ay mukhang seryoso ang ganap mo, huh? May pa-beer pa oh!" sabi niya habang pinapunch ang mga binili ko.

"Saka na ako magkukwento," simpleng banggit ko sa kanya. Sorry, Kev. Pati kasi ako, hindi ko alam ang nangyayari. Sana maintindihan mo...

Magbabayad na sana ako kaso binalik ni Kev ang kamay kong may hawak na pera. "Sagot ko na, gurl. Basta, kung kailangan mo ng kausap, tawagin mo lang ako ha?" mahinahon niyang sabi. Halos gusto ko na siyang yakapin dahil sa ginawa niya. Kahit na minsan sobrang brutal sa akin nitong baklang 'to, napakaconsiderate niyang tao. Hindi ako nabibigo sa kanya.

Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas na ng convenience store. It's been a week na rin simula nung nag-resign ako roon. Finals na kasi kaya kailangan kong mag-focus sa mga gawain. Actually, parang hindi pagreresign 'yung ginawa ko eh. Kasi, anytime, pwede akong bumalik doon at magtrabaho. Mabait kasi 'yung may-ari ng convenience store na 'yun at tsaka matagal na rin akong nagtatrabaho roon.

Nakikisabay yata ang panahon sa akin dahil ang gloomy ng paligid. Katatapos lang kasi umulan kaya ramdam mo pa ang kalamigan ng hangin at ang amoy ng ulan.

Naisipan kong tumambay sa rooftop ng building namin. Umaasa akong makikita ko si France ngayon sa tapat ng pinto ko pero, nabigo lang ako.

"Psh, parang dati lang, hindi mo hinahayaang natutulog tayo ng may hindi pagkaka-intindihan. Tapos ngayon, kahit anino mo, hindi ko nakita," bulong ko sa sarili ko. Tamad akong umakyat ng hagdan hanggang sa makarating ako sa rooftop.

"Malamang, magagalit ka kung malalaman mong hindi pa ako kumakain. Pero, wala ka eh. Wala ka," bulong ko muli sa sarili ko nang makarating ako sa rooftop. Naalala ko 'yung gabi na pumunta kami rito at nung sinagot ko siya.

Alam kong mababa ang tolerance ko sa alcohol pero heto ako, umiinom. Ngayon, alam ko na 'yung feeling na baka sakaling mawawala 'yung sakit na nararamdaman mo kapag uminom ka.

Muli ko na namang naalala kung gaano siya kasaya habang sinasayaw niya si Irish kanina. Pero, hindi ko pa rin matanggap na nangyayari ito. Feeling ko, may dahilan si France kaya niya ito nagagawa. At syempre, hindi dahil sa mahal niya si Irish. Alam kong may iba pang dahilan. At handa akong tanggapin 'yon kahit ano pa 'yan. Basta, bumalik lang siya.

"Hay nako, Lhan. Ang tanga-tanga mo," sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan 'yung luha ko.

Anong ginagawa ko rito? Dapat nagrereview ako eh. Dapat, hindi ako umiinom mag-isa rito. Dapat... Dapat nandito ka, France.

Nahihilo na ako. Parang dumodoble na 'yung mga ilaw na nakikita ko sa ibaba. Feeling ko, anytime, malalaglag ako rito.

Alam ko sa sarili kong tipsy na ako. Ni hindi ko na kayang tumitig sa sahig dahil feeling ko, gumagalaw ito.

"Aaaaaahhhhh!" sigaw ko. Hindi naman pala 'to effective, eh. Mas lalo kong naaalala si France! Naaalala ko 'yung saya niya tapos bigla kong maaalala 'yung saya niya kanina na kakaiba.

Tinry kong tumungtong sa kinauupuan ako. Waaah! Ang sarap ng hangin! Parang... Lumilipad 'yung pakiramdam!

"Am I going to witness a suicide?" may nagsalita sa likod ko. Akala ko ay si France pero iba 'yung boses. Nilingon ko ito ngunit hindi ko maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim sa kinatatayuan niya.

Unti-unti siyang naglakad sa pwesto ko. Naka-hoodie rin siyang itim, kagaya ko. Hindi ko pa rin maaninag 'yung mukha niya dahil parang nagdodoble na 'yung paningin ko. But, he seems familiar.

"Don't make jokes about suicide," sabi ko sa kanya at tinalikuran siyang muli. Nakatayo pa rin ako sa kinauupuan ko at nilalasap ang hangin.

"Then, what's your plan? Just standing there and doing nothing?" tanong niya. Bakit ba ang nosy nito?

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ako sa ibaba. Woah, hindi ko pala kaya! Nakakalula!

"Delikado riyan. Here, take may hand," sabi niyang muli. Wait, his voice! It's him!

Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad. "What do you want?" tanong ko sa kanya. Pero wait, saan ko ba siya nakita?

"Nangangalay na ako," hindi niya pinansin ang tanong ko. Hmmm, his slang. The way he talked in Filipino is way more familiar! Sino ba 'to?

Habang abala ako sa pag-iisip kung saan ko nga ba narinig 'yung boses niya ay bigla niyang hinablot ang kamay ko at napababa ako nang wala sa oras sa upuan.

"Yah! How dare you!" sigaw ko sa kanya.

"Finally," tipid niyang sabi at umupo. Nakatayo pa rin ako at nakaharap sa kanya.

Pilit kong inaaninag 'yung mukha niya pero alam kong hindi ko pa siya nakikita kung saan. Pero, 'yung boses niya, sobrang familiar.

Ngayon ko lang napansin na may hawak din pa siyang beer at ininom niya iyon. Psh, pakielamero. Ang saya-saya nang nakatayo eh!

"What do you want? Why are you bothering me?" tanong ko sa kanya. Hindi siya tumitingin sa akin at ang langit lang ang pinagmamasdan niya.

"I just don't want to be a criminal, you know," sabi niya.

"Criminal? How come?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"You're about to jump, aren't you?" tanong niya at hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Ha! Bakit ba ako pinangungunahan nito?!

"Hindi ba pwede nagsa-sight seeing lang ako?! Mind your own business, mister!" sabi ko sa kanya at dumampot ako ng isa pang can ng beer at ininom iyon. Teka, bakit isa na lang 'to?

"Sight seeing while your tipsy? That's unusual," sabi niya muli. Ewan ko ba pero naiinis ako kasi ang nosy niya!

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko na lang ang pag-inom ng beer.

Katahimikan ang nabalot sa aming dalawa. I don't know but this scene seems so familiar! Ano ba 'yan! Lahat na lang ba, familiar sa akin?!

Bigla ko namang naalala 'yung nandito rin kami ni France. "Sh*t! Brain, please! Stop thinking of him!" bulong ko sa sarili ko pero mukhang napalakas ito. Napalingon kasi 'yung lalaking katabi ko sa akin.

"You can't manipulate your brain, you know. The more you don't want to think of someone, the more your brain will remember every memories you have with that someone," paliwanag niya. Napatingin ako sa kanya at nakapikit naman siya. Ewan ko ba kung lasing lang ba talaga ako pero parang nagliwanag 'yung mukha niya at ngayon ko lang narealize na ang gwapo niya...

Oh gosh! Get yourself together, Lhan! Wake up! This isn't the time to appreciate someone!

Gash, truly, alcohol will make you crazy!

"Stop staring. I might melt," bigla akong nasamid sa sinabi niya! What is wrong with this human?

"I'm not!" palusot ko. Dumilat naman siya at bigla akong hinarap. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya.

"Nakapikit ako pero hindi ako manhid," seryosong sambit niya sa akin. Nakaka-intimidate 'yung tingin niya! Shiz! Self! Get yourself together!

Inirapan ko lang siya at iniwas ang tingin ko sa kanya. That gesture leave me speechless! What the hell?!

"Kung hindi ka manhid, you must know that I want to be alone," sabi ko sa kanya.

"I know," tipid niyang sagot. Ano ba 'to? Isang tanong, isang sagot ba ang ganap namin dito?

"Alam mo naman pala eh! Bakit--"

"This place isn't yours. I want to be alone, too," putol niya sa sinasabi ko. May point siya pero bakit naiinis ako? Argh!

"And just to inform you, I'm not here to accompany you," okay. Barado ako ro'n ha? Masyado ba akong assuming?

Hindi na ako nagsalita dahil nakakahiya. He does make sense. Tss, dahil 'to sa alcohol eh! Kung ano-ano tuloy naiisip ko!

At dahil sa nahihibang na ako, napagdesisyunan ko nang bumaba at inaantok na rin ako. Niligpit ko na 'yung mga beer na nainom ko at ibinalik na ang mga ito sa plastic.

"You done?" napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa tanong niya. Ako ba kinaka-usap nito?

Lumingon ako sa kanya at mukhang ako nga 'yung kinakausap niya. "Ahuh. You said that you want to be alone. So, I'm giving you a favor," sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya. "I'm not here to accompany you but I'm here to be accompanied by you," hindi ko alam kung lasing na ba talaga ako o mali lang ako ng pagkakarinig?

"What did you just say?" tanong ko.

"Do I have to repeat it?" tanong niya pabalik. Great, napaka-galing niyang kausap.

Hindi ko alam pero muli akong umupo sa tabi niya. Pero teka? Hindi naman ako required na samahan siya ah? Tsaka, hindi naman kami close! Bakit ba ako sumusunod sa taong 'to?

Muli kong dinampot ang plastic at tumayo na. "This is not my obligation, tho. You can do it, grown man," sabi ko sa kanya at naglakad na ako palayo.

"That's unfair. But, I hate that you have a point," bulong niya pero hindi ko ito narinig. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang pababa ako ng hagdan, narealize kong effective 'yung pagsulpot niya kung saan man siya galing. At least, for the meantime, nakalimutan ko 'yung kasalukuyang nangyayari sa akin.

Hmmm, tama bang umalis ako? Hindi ba unfair 'yon? Siya kasi, natulungan niya ako. Tama! Dapat pala, hindi muna ako umalis!

Babalik na sana ako pero may naaninag akong tao sa tapat ng unit ko. Lumapit akong kaunti at napagtantong si France nga iyon.

"F-France..." tawag ko sa kanya. Wait, this scene's so familiar! Isn't it?

"I have something to tell you, Lhan," sambit niya. Nagsimula na akong kabahan dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

Jusko, hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang? Ano? Para isahang sakit na lang? Para isahang bagsak na lang? Damn it!

This is crazy!

(sa kabilang banda...)

"Where are you going?! May wrap up party pa tayo!" sigaw sa kanya ng manager niya.

"You need to go without me. Sorry, something important came up," tipid niyang sagot. Sinundan niya ng tingin ang isang babaeng naglalakad papasok ng isang building.

Dali-dali siyang bumaba ng van at sinuot niya ang kanyang hood at nagmask. Dumaan muna siya sa unit niya bago siya sumunod sa rooftop.

"There you are. What the hell is she doing?" tanong niya sa sarili niya.

Nilakasan niya ang kanyang boses at nagsalita, "Am I going to witness a suicide?"

Humarap sa kanya ang babae. "Is she drunk?" tanong niya sa sarili niya.

"Don't make jokes about suicide," sagot nito at doon niya rin napagtantong medyo lasing nga ito.

Unti-unti siya lumapit sa kinatatayuan ng babae at dumampot ng isang can ng beer. Mukhang hindi naman ito napansin ng babae dahil nakatingin lang ito sa kanya.

Hinihiling niyang sana'y huwag siyang makilala nito. At sana ay... Kausapin siya nito.