webnovel

9: Rainbow Bees

Isang linggo na ang nakalipas at wala na akong narinig mula kay France. Kahit sa school ay hindi ko siya nakikita. Well, maybe, masaya na siya sa kung anong mayroon siya ngayon. Sana nga.

"Hey! Hindi mo pa rin ba ako papansinin?" pangungulit sa akin ni Mhel. Hindi ko pa rin siya gaanong pinapansin dahil baka sa kanya ko lang mabuhos lahat ng sama ng loob ko kay France. Lalo na't alam na niya 'yung tungkol kila France bago ko pa man malaman. Ni hindi man lang niya sa akin sinabi. Edi sana, may idea man lang ako.

"Nag-aaral ako. Don't disturb me, please," mahinahong paki-usap ko sa kanya. Kailangan kong mag-focus muna sa pagrereview. Muntik na rin akong bumagsak sa unang exam ko nung monday gawa nung nangyari sa amin ni France. Mahirap na, baka bumagsak pa. Etong feelings ko, nandito lang. Pero 'yung exam ko, hindi ko na maibabalik 'yon kapag bumagsak ako.

Hindi na rin ako kinulit ni Mhel at nagreview na lang din. Nandito kami sa library ngayon, sa pinakasulok. Yes, it's been a week pero kapag nakikita ako ng mga tao, kami pa rin ni France 'yung topic nila. It's very tiring. Sobrang nakakainis. Why do people always want to stick their nose to others? And why do people judge what they don't know? Psh, nakaka-inis ha!

May mga taong natutuwa sa pagbebreak namin, at mayroon namang hindi. Nagulat nga ako na alam din nila ang tungkol kay Irish kahit na wala naman siya rito aa school namin. Grabe, hands down na ako sa pagiging maalam nila. Minsan nga, may naririnig ako na tungkol sa akin na kahit ako mismo ay hindi aware na ganoon 'yung nangyayari sa akin.

"I saw Lhan earlier, sis. She's devastated. Grabe, suicidal na nga raw iyon eh. My blockmate saw her at their residence, trying to end her life na. Tsktsk," hinanap ko kung saan 'yung boses na nagmumula. Aba! Pati ba naman dito sa library?! Hindi na natigil mga bibig netong mga 'to!!

Tumayo ako at nagulat naman si Mhel sa ginawa ko. Hinanap ko kung saan 'yung mga nagchichismisan na 'yon. "Huy, saan punta?" tanong ni Mhel. Hindi ko siya sinagot at pinigilan niya akong umalis sa table namin. "Don't mind them, okay? They don't know anything kaya sila na lang 'yung gumagawa ng kwento," mahinahon niyang sabi habang nakatingin pa rin sa notes niya. No! Naiinis na ako eh! I just want to live a peaceful life kaya nandito ako sa library tapos may maririnig pa rin akong mga bubuyog?! Shiz, I can't let this shit pass.

Kunwaring kumuha ako ng libro at tumabi sa mga bubuyog na walang ibang ginawa kundi magchismisan dito sa library imbes na mag-aral at paunlarin ang buhay nila.

"Akala niya yata mapapantayan niya Irish. Well, boto ako kay Irish rather than her," sabi ng babaeng tinabihan ko. Hindi yata siya aware na nasa tabi na niya ako at pinalo ng kaharap niya 'yung kamay niya. Parehas silang napatingin sa akin at ako naman ay kunwaring nagbabasa ng librong hawak ko.

"Kailan pa naging botohan 'yung pakikipagrelasyon? At kailan ka pa naging botante?" sarkastikong tanong ko sa mukhang drawing pad na babaeng 'to dahil sa makulay niyang make-up.

"L-Lhan..." nauutal niyang tawag sa akin.

"Don't call me by my name. We're not even close. You and your filthy mouth are not worth to say my name. Baka mabahiran ng kadumihan mo," bulong ko sa kanya pero sinisigurado kong narinig niya ang bawat salitang binitawan ko dahil halata mo sa mukha niya ang pagka-inis.

"Yah!" sigaw niya. Halos napatingin naman ang lahat sa amin dahil sa sobrang katahimikan nitong library ay siya lang ang naglakas-loob na basagin ang katahimikan dito.

"Hey, don't shout. Baka maubos 'yong boses mo't hindi ka na makagawa pa ng sarili mong kwento. You know what? You should be a writer. Galing mo gumawa ng kwento, eh," bulong ko ulit sa kanya. Namumula na siya sa inis at 'yung kasama naman niya ay ang sama na ng titig sa akin.

"How dare you!" sigaw niya ulit. Nag-bell na ang librarian at nakikita kong papalapit na sa siya sa amin. Lahat naman ng katabing table namin ay nanunuod na sa amin and it seems like they're enjoying the show. Psh, pare-parehas lang kayong lahat!

"You! I will not forgive you! How dare you to badmouth me!" maiyak-iyak niyang banggit.

"Wow, parang ikaw yata 'yung nagbabadmouth sa akin sa pagkakaalam ko?" sabi ko sa kanya at bumalik na ako kunwari sa pagbabasa ng libro dahil malapit na 'yung librarian sa amin.

Tumingin ang librarian sa akin at sa dalawang bubuyog na nasa table ko. Nasa gilid ko na rin Mhel. Nakatayo itong dalawa samantalang ako ay naka-upo pa rin.

"You, two! Get out! You're disturbing the other students! Follow me!" galit na banggit ng librarian. Well, kaya ako kumuha ng libro para hindi ako paalisin ng librarian kung sakali man. Knowing na walang hawak na libro or notes itong dalawa ay malamang sila ang paaalisin. Bawal kasing tumambay dito sa library lalo na't kung hindi ka naman mag-aaral.

"We're not done, yet!" sigaw ulit ng babae.

"Shut up or else I'll report you two!" saway sa kanila ng librarian. Nung nakatalikod na ang librarian ay binigyan ko ng pang-asar na ngiti 'yung dalawa at nagbabye ako sa kanila. Ha! Serves you right, bitches!

Tumayo na ako at bumalik na sa pwesto namin ni Mhel. "What have you done, Lhan?" hindi makapaniwalang tanong ni Mhel sa akin. "Ginawa ko lang kung ano 'yung nababagay sa kanila. Chismosa's not fitted here in library, you know," pa-inosenteng sagot ko sa kanya.

"You're not like this! Hindi ka bababa sa level nila para lang sa gano'n! What's happening to you?" bulong niya sa akin pero alam kong naiinis din siya sa ginawa ko. Yes, wala talaga akong paki sa mga katulad nilang chismosa pero napupuno na ako. Paulit-ulit na lang. Nakakasawa.

"Ask France. Baka malaman mo 'yung sagot," sarkastikong sabi ko sa kanya at nagligpit na ako ng gamit. Nakaka-inis. Kapag ako, bawal? Pero kapag 'yung iba, pwede? Gano'n?

Tumayo na ako ng table at nauna na sa kanyang lumabas. Psh! She's asking me as if she doesn't know what happened to me! Baka nakakalimutan niya na isa siya dahilan kung bakit sa gano'ng paraan ko pa nalaman 'yung totoo? Argh! This is getting into my nerves! Damn it!

Dali-dali akong pumunta sa canteen para bumili ng tubig. Tumataas ang presyon ko nang dahil sa mga tao!

Nakasalubong ko naman 'yung dalawang bubuyog na nasa library kanina. "Oh, look who's here," sabi niya sa mga kasama niya. May tatlo pa siyang kasamang bubuyog at in fairness, huh? Iba-iba sila ng tema ng make-up. Should I call them rainbow?

Natawa ako sa sariling naiisip at napalakas ang tawa ko, enough to be heard by them. "She's crazy! Anong nakakatawa ro'n, ha?!" sabi niya. Siya yata leader nitong mga 'to dahil siya lang 'yung nagsasalita at siya rin 'yung inasar-asar ko kanina.

"Nothing," sabi ko matapos kong tumawa. Tinarayan ako nung isa at lumapit sa akin. Eto 'yung kasama niya kanina sa library. "I guess, you don't know her," sabi niya sa akin at tinigna pa ako mula ulo hanggang paa. "Yes, so what?" tamad kong sagot sa kanya. Magsasalita pa sana siya ulit pero inunahan ko na siya. "I don't care who the hell are you, guys," sabi ko sa kanila at lalagpasan ko na sana sila kaso hinawakan niya ako sa braso. "We're not done, yet," sabi niya. Oh gosh. Is this some type of typical school scene sa mga drama na napapanuod ko? Okay, this making me laugh.

"Didn't you know that I'm this year's queen bee?" proud niyang sabi. I ended up burst in laughing. What the actual fvck?! "Queen bee?! Uso pa ba 'yon, ha?! Hahaha!" tawa ko sa mukha niya. "Okay, okay. I honored you to become the ultimate queen bee. Tutal, sa sobrang chismosa mo, para ka nang bubuyog. At kapag nasama-sama naman kayo, you looked like a total rainbow bees!" hindi ko na napigilan ang tawa ko at napalakas na talaga ito. Grabe 'yung mga naiisip ko! Rainbow bees?! The hell! This scene's so funny!

Napatingin naman ako sa paligid ko at may ilang natatawa rin sa pinagsasasabi ko sa mga 'to. "How dare you to call us that!" sabi niya at sasampalin niya sana ako. Pero, nah, we're living in a 21st century world kaya hindi na uso 'yung hahayaan mo 'yung iba na sampalin ka na lang bigla.

"Hey. Anong taon ba kayo pinanganak, huh? Tingin mo, uubra pa 'yang pa-queen bee queen bee mo rito sa school? Baka nga ako lang 'yung pumapansin sa'yo rito, eh. People usually just passing by you and that's because, they're not considering the queen bee title anymore," sabi ko sa kanya. Sobrang nauuhaw na ako at nasasayang ko na 'yung energy ko sa mga bubuyog na ito kaya tinapon ko na 'yung kamay niya at nilagpasan ko na sila.

Bago pa ako makalagpas, narinig kong may kumausap sa kanila. "I warned you, girls. Baka madepress lang kayo kapag siya 'yung ininis niyo. Now, you already know, huh?" alam kong si Mhel 'yon kahit hindi na ako lumingon. She warned them? What the hell? Isa rin ba siya sa katutubong nag-aaral sa school dati at may pawarning-warning pa? In fairness, huh? I appreciated that one.

"She ain't giving a fvck anymore, pre," narinig ko sa isang corridor malapit sa nilalakaran ko. And from there, I saw France. Maybe, he's been watching us from earlier. Psh, this is all because of your fame and charm! I shouldn't have let my guard down because of your charm. Now, you turn me into this. Damn it!