webnovel

4: Mr. Black

Pinipilit kong mag-focus sa pagrereview pero paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yung nangyari kanina sa quadrangle.

Hays, France. Why do you have to lie?

Hinayaan ko na lang muna ang mga gumugulo sa isipan ko at nag-focus na lang sa pagrereview. Finals na next week kaya kailangan kong mag-aral muna.

"Aaahhhh!! I can't do this!" I shouted out of frustration. Nakaka-bother kapag naku-curious ka sa isang bagay tapos pinipigilan mong i-feed 'yung curiosity mo. Shiz, I need to know. Baka hindi rin ako makatulog nito.

France, why you always stirring me up?

Lumabas muna ako para bumili ng iced coffee sa convenience store. Tamang-tama,. maglalakad-lakad muna ako sa may park.

"Aray!"

"Sorry." Paumanhin ng lalaking nakabunggo sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng unit ko.

Pinagpapagan ang sarili ko at tinulungan niya naman akong tumayo. Ngayon ko lang din napansin na sa kabila ng init ng panahon, balot na balot itong lalaking nakabunggo sa akin... At puro kulay black pa ang suot nito mula sa kanyang cap, mask, jacket, pants at sapatos.

Wait... Don't tell me...

"Are you okay?" Tanong niya.

"M-magnanakaw ka ba?" Tanong ko rin sa kanya. Hindi ko masabi kung ano 'yung reaksyon niya ngayon dahil sa face mask na suot niya. Ow! Shiz!

Tinignan ko siyang maigi at mas matangkad siya sa akin! Hanggang balikat niya lang ako!

W-what if... i-overpower niya ako tapos patayin na lang bigla rito?!

No!! I can't let that happen!

Mas okay pa na mamatay ako sa curiosity na mayroon ako kaysa mapatay ng isang hamak na magnanakaw!

"What did you say? Magnanakaw?" sabi niya. Come to think of it, ang laki ng boses niya! Parang siya talaga 'yung mga nakikita kong magnanakaw sa isang hotel sa mga palabas! Oh shiz! Is this really my end?!

"Me? Do I look like a robber to you?" Tanong niya ulit at unti-unti na siyang lumalapit sa akin.

Oh no! Dear heaven, please huwag niyo muna akong sunduin!!

"H-huwag kang lalapit!" Sabi ko sa kanya at inextend ko 'yung kamay ko para pigilan siya.

"What's wrong with you?" Tanong niya ulit. Ha! Ako pa talaga tinatanong niya ngayon?! Dapat sa sarili niya 'yan tinatanong eh!

"Please, hanap ka na lang ng ibang papatayin at nanakawan! Wala akong maibibigay sa'yo tsaka gusto ko pang mabuhay!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumalapit pa rin siya sa akin at ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para makalayo sa kanya.

"Psh, how many movies have you watched? Sabog ka ba?" Tanong niya ulit sa akin. Pero, teka?! Bakit parang ako 'yung nababaliktad dito?

"Ha?! I-ikaw nga 'tong gumagaya ng itsura ng magnanakaw sa movies eh! Inspired ka ba masyado kaya ginagaya mo sila?! Please, get hold back of yourself!" sigaw ko sa kanya. I realized na medyo malapit na kaming makarating sa may front desk ng floor na ito. Sa wakas! Makakahingi na rin ako ng tulong! Isang liko na lang!

"What? Ha! I can't believe this!" sabi niya at napahawak pa siya sa beywang niya. Wait, don't tell me... Pinapaplanuhan na niya akong patayin?!

At nung nakita ko na 'yung front desk ay sumigaw na ako, "Help! There's---"

"Shh! Why are you being so noisy?! What the hell is wrong with you?!" banta niya sa akin habang tinatakpan niya 'yung bibig ko. Sinandal niya rin ako sa pader at tinignan kung narinig ba nung frontier 'yung sigaw ko.

Shiz, my plan failed! What should I do?!

"Teka lang miss ha?! Bakit mo ba ako pinagbibintangan na magnanakaw?" Tanong niya. Malamang! Halata naman sa mga suotan mo! Gusto ko sanang sumagot kaso nakatakip pa rin 'yung kamay niya sa bibig ko.

Pero, wait. Bakit ang slang niya mag-tagalog? Don't tell me, foreigner ito?! Waaah! Sosyal! Sa Pilipinas pa napiling magnakaw!

Sinubukan kong magpumiglas pero walang epekto. Malaki siyang tao kaya naooverpower niya ako!

"Can you please calm down?!" halos pasigaw na niyang sambit sa akin at tumitingin-tingin pa rin siya sa may front desk.

Pinilit kong tanggalin 'yung kamay niya sa bibig ko habang nakatingin siya sa front desk.

"Hel--" sisigaw sana ulit ako kaso mabilis niyang natakpan 'yung bibig ko.

"Lemme clear this to you. Hindi ako magnanakaw at tenant din ako rito. So, if you wished to be freed, stop shouting for goddamn's sake!" sabi niya. Kumalma naman ako at unti-unti niyang tinanggal 'yung kamay niya sa bibig ko.

"H-hindi ka magnanakaw?" tanong ko ulit.

"Does that even makes sense?" kahit na hindi ko nakikita 'yung mukha niya, feeling ko, walang gana siyang tumitingin sa akin ngayon at jinajudge na ang buong pagkatao ko.

"Eh kasi 'yung suotan mo parang mang-aabduct ng kung sino.." halos pabulong kong sambit. Natawa naman siya at hinarap ako.

"I don't know if what kind of ghost got into you but please stop this nonsense." sabi niya.

"Kung nonsense naman pala, eh bakit pinipigilan mo pa ako ha?! Pwede namang umalis ka na lang tapos hindi na ako pansinin! May palapit-lapit ka pa! Tapos pinigilan mo pa akong sumigaw! Kaloka!" sumbat ko sa kanya.

"Kaloka? Are you a frog?" tanong niya. Woah! This is unbelievable! He doesn't even know the meaning of 'kaloka'?!

"Anyway, I'm sorry. I just don't want a commotion here. Paparazzi's everywhere. I don't want to be on a news stating that I've harrased some girl." paliwanag niya.

Wait...

Paparazzi?

News?

What the hell is he talking about?

Without even further notice, he left me dumbfounded. Sumakay na siya ng elevator na parang walang nangyari.

Ghad, what the hell was that?!

Am I dreaming or what?

Tinry kong sampalin ang sarili ko at ramdam na ramdam ko ang hapdi na nagmula sa mga palad ko. Shiz, I'm not dreaming. So, I just encountered some weird stranger here, huh?

Shiz, bibili nga pala ako ng coffee! Aish!

Pinatong ko na sa counter 'yung isang balot ng canned iced coffee. Nagulat ako dahil may bigla nag-angat nito at binasa ang nakasulat sa packaging nito.

"Iced coffee? Tss, that's why you get paranoid too easily. Stop drinking this and start a healthy life." napatingin ako sa nagsalita at nangielam ng inosenteng kape ko sa may counter at nagulat ako dahil siya 'yung lalaking akala ko ay magnanakaw.

"Please, include this, too." sabi niya sa cashier, at si Kev 'yung nakaduty ngayon. Dito 'yung convinience store kung saan ako nagpapart-time job. Mukhang starstruck naman 'tong si bakla dahil kahit na pinapunch niya 'yung binili nitong si Mr. Black, imbes na nakatingin siya sa monitor ay sa mukha niya ito tinitignan. Parang nagssparkle pa nga ang mga mata niya. Kahit kailan talaga! Ang bilis ng radar ng baklang 'to! Tsaka, teka, anong mayroon sa naka-mask at cap? Nakakamangha ba 'yon?

Tinignan ko rin 'yung mga pinamili nito ni Mr. Black at puro damo! Este, dalawang lunch pack ng vegetable salad ang binili niya at dalawa ring healthy drink. Wow, health concious naman pala.

"What're you lookin' at?" tanong niya sa akin. Umismid lang ako at hindi na siya pinansin.

"You're a weird girl." sabi niya bago umalis. Woah! I can't believe that man!

"Kilala mo 'yon?/Kilala mo siya?" sabay pa kami ni Kev na nagtanong sa isa't-isa. Natawa naman ang bakla at hinampas pa ako sa balikat.

"Aray ko naman! Makahampas naman 'to! Kulang na lang pumutok lahat ng veins ko sa area na hinamapas mo! Kaloka!" saway ko sa kanya.

"Girl! Kilala mo 'yun?!?!" excited na tanong niya sa akin at nakatingin pa rin ito sa dinaanan ni Mr. Black kanina.

"Personally, hindi. Pero, siya kasi 'yung napagkamalan kong magnanakaw kanina." kwento ko sa kanya,

"Whaat?! Kaloka 'to! How dare you to do that!" hinampas na naman niya ako sa balikat at feeling ko talaga, bibigay na 'yung mga buto ko ro'n.

"Girl, hindi mo talaga siya kilala?" seryosong tanong sa akin ni Kev.

"Bakit? Kailangan ko ba siyang kilalanin?" walang ganang tanong ko sa kanya,

"Tangek! Nanunuod ka ba ng T.V. sa unit mo?!"

"I don't have time to do so. Bakit? Anong connect ng T.V. sa lalaki kanina?" seryosong tanong ko pabalik sa kanya.

"Haynako! I can't believe you! Hindi ko alam kung nagkakaganyan ka ba out of loyalty and faithfulness kay France pero girl, there's no single human na hindi kilala ang boylet na 'yun!" hysterical niyang paliwanag.

"Well, hindi ko siya kilala, so, hindi na ba ako tao no'n?" tamad kong sambit sa kanya at kinuha ko na ang resibo ko sa kamay niya.

"Girl, you're hopeless. I salute your loyalty but you're missing the fun here! Include yourself as a lucky soul! He casually talked to you!! OMG!!"

"Teka nga! Ano bang big deal do'n?"

"Girl, he's an international star. Tyrell!"

"So what?" tanong ko. At ang inabot ko? Isang malupit na batok lang naman.

I mean, bakit kailangan i-big deal?! So what kung star o ano mang klase bulalakaw pa siya?!

It has nothing to do with me tho.

Surely, people are making a big deal out of nothing.